12 Revelation

1086 Words
"Napakaganda, bagay na bagay sayo Xianthel!" ani Gina. ""You're the best designer Gina, napakaganda ng gown ni Xianthel, bagay na bagay sa kanya, I can't believe my baby girl has geown up," tila naluluha pang wika ng ina ni Xianthel. "Mom, emotional kana kaagad fitting palang ng gown, at hindi pa ako 18, one month pa ma!" ani Xianthel, aqminin nya na maganda ang giwn pero hindi talaga sya komportable, hindi nga niya alam kung paano siya kikilos habang suot ito. "Wow! you look like a princess+" manghang pahayag ni Justine,napalingin naman sila dito,hindi nila napansin ng dumating ang magpinsan,nasa likuran nito si Gareth. "See! hindi lang kami ng mommy mo ang nagsasabi,bagay na bagay talaga sayo," qni Gina na taas noo at proud na proud sa kanyang creation. "Naks! muka kang babae barak ah!" nakangiting wika ni Gareth. Inirapan lang ito ni Xianthel, okay na sana eh, medyo nawawala na sa isip niya ang tungkol kay Gareth pero heto at andito na naman sa harapan niya. "Huwag kang lalapit saken baka mapuno ng bacteria ang gown ko lalo pang bumigat," inis na tugon naman ni Xianthel. "Makalakad ka kaya nyan barak?" nang iinis padin na tanong ni Xianthel. "Kaya nga ikaw ang escort ko, para kapag hindi ko na kaya ikaw naman ang magsusuot nito," ani Xianthel. "Nag uimposa na naman kayong dalawa, by the way bius,yung suit nyo padating na din, isukat nyo agad ha para maayos kung may diprensya," anang ina ni Xianthel. "So you're the escort pala,in fairness bagay kayo ni Xianthel," ani Gina. "Yuck! no way!" halos sabay na tugon nila Gareth at Xianthel. "You mean hindi kayo?" nagtatakang tanong ni Gina. "Hindi!" sabay na naman nilang tugon. "Partners in crimes only!" ani Gareth. "Sa ngaupn,pero feeling ko kayo din ang maglakatuluyan," muling wika ni Gina at tila kinikilig pa ito. "Best friends lang talaga kami ms Gina, may girlfriènd na ako," nakangiting wika ni Gareth. Tila naman nabingi si Xianthel sa nadinig, tama ba ang pagkakadinig nya may girlfriend na si Gareth, so sila na ni Anthonette. "Aba teka, mukang meron akong hindi alam ha iho," anang ina ni Xianthel. "Sinagot kana ni Anthonette?" tanong din naman ni Justine. "Anthonette? our singer?" nabiglang wika ng ginang. "Yes tita, actually kagabi lang niya ako sinagot," nakangiting sagot ni Gareth. "Ms Gina pwede bang hubarin ko nato? ang bigat talaga, baka lumpo nako sa debut ko," ani Xianthel, ang totoo ay gusto na niyqng lumayo dangan nga lamang at nakasuot pa ang gown sa kanya kaya nahihirapan siyang kumilos. "Sure,let me help you,so okay na ito, no need for alterations?" ani ms Gina. "Okay na yan,pwede ngang wala eh," kaswal na tugon ni Xianthel, pilit niyang pinapakalma ang sarili. Napailing na lang ang ina ni Xianthel sa nadinig. "Tapos naba tayo ms. Gina? sumasakit tyan ko?" ani Xianthel, kailangan na talaga niyang mapag isa, ayaw niyang makita si Gareth. "Sira ba tyan mo? ano bang nakain mo?" nag aalala namang tanong ni Gareth. "Napasok ata ng masamang hangin kaya biglang sumakit," ani Xianthel. "Anong masamang hangin?" nagtatakang tanong naman ng kanyang ina. "May masamang hangin dito," ano Xianthel na pinukol ng masamang tingin si Gareth. "Batang ito talaga,si Gareth na naman ang nakita mo," saway ng ina sa dalaga. "Pasok nako sa kwarto ko," ani Xianthel at nagmamadali na itong u.alis. "Hoy barak! tara pasyal muna tayo nila Justine," tawag ni Gareth sa dalaga. "Kayo na lang!" sigaw ni Xianthel na hindi lumilingon. "Magsipagmerienda na muna kayo,nagluto si Silvia," anang ina ni Xianthel. Parang sasabog ang dibdib ni Xianthel, paulit ulit niyang nadieinig ang sinabi ni Gareth, may forlfriend na ito, sila na ni Anthonette at hindi man lang sinabi sa kanya, siya ang best friend, siya ang dapat unang makaalam....atleast. So wala na talaga siyang magagawa dahil sila na nga, at siya ay best friend lang...best friend lang at mas may karapatan ang girlfriend, siya na ngayon ang mas mahalaga at mas priority ni Gareth. Parang hindi niya kakayanin ang sakit, kailangan yatang makalayo muna siya, dahil baka hindi na niya matagalan ang laging makita ang mga ito. Pero saqn namqn siya pupunta? at sa malamang ay hindi siya payagan ng parents niya. Nakakainis lang,napakabilis naman yata,halos ilang buwan lang ay sila na, samantalang sila mila paglabata ay magkasama na, pero siguro nga ay talagang hanggang beat friend lang sila. "Xianthel!" tawag ni Gareth kasabay ng pagkatok,nilingon lang iro ng dalaga at wala siyang balak pagbuksan ito, ayaw nya munang makaharap si Gareth. "Barak! pag hindi mo binukaan to makakapasok parin ako!" ani Gareth. "Bakit ba ang kulit mo?masakit nga ang tyan ko diba!" angil ni Xianthel ng pagbuksan niya ito ng pinto. "Ano ba kasing nakain mo? " ani Gareth. "Wala nga,bigla lang sumakit," tugon ni Xianthel at sumalampak na ulit ito sa kama. "Pwera biro, may problema ka ba?" seryosong tanong ni Gareth, nakaupo na din ito sa gilid ng kama ni Xianthel. "Mukang may sakit ka parekoy," ani Xianthel na sinalat pa ang noo ni Gareth. "Xianthel naman eh,seryoso nga ako,para kasing nagbago ka lately,pansin ko lang," seryoso parin si Gareth,ilang araw na din naman niyang gustong makausap ng maayos ang dalaga dangan nga lamang at tila lagi itong umiiwas. "Wow! napapansin mo pa pala ako kahit may iba ka ng pinagkakaabalahan," ani Xianthel. "Syempre naman, alam ko kaagad pag may nagbago sayo, mas madalas pa nga tayong magkasama kesa sa mommy mo,mula pagkabata kilala na kita, that's why I know that there's something wrong," ani Gareth na nakatitig sa mukha ng dalaga, "Really? eh bakit hindi mo maramdaman na nasasaktan ako, bakit hindi mo nakita na hindi na ako masaya dahil may girlfriend ka na!" ani Xianthel, pero syempre sa isip nya lang ito at hindi maisatinig. Hindi na dapat pang malaman ni Gareth ang tunay niyang nararamdaman, ayaw niyang makagulo. "Iyon naman pala parekoy, dapat hindi ka na nagtataka kung bakit ako nagkakaganito, hindi na kasi tayo mga bata," ani Xianthel, pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha. "Kaya nga ako nagtatanong, alam jong meron jang hindi sinasabi sa akin," wika ni Gareth. "Bakit sinabi mo ba sa akin na kayo na ni Anthinette? diba dapat ako ang unang makaalam? ang daya mo naman," ani Xianthel. "Iyan lang ba ang pinagkakaganyan mo? sorry na barak, sasabihin ko naman sayo eh,kaya nga ako nandito," ani Gareth. "Pero hindi mo sinabi kaagad," wika naman ni Xianthel, hahayaan nya nalang na iyon ang isipin ni Gareth. "Sorry na,huwag ka ng magtampo,hmn!" qni naman ni Gareth at inakap pa si Xianthel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD