"Good morning!" Masaya kong bati sa mga kaklase ko. Hindi naman totally ganun kasaya kasi maaga ang klase namin araw-araw. Imagine, gigisingin ako ni mama ng 4 am para lang mag-almusal.
"Wow! In fairness, after one month na nagsimula ang klase, nagpagupit kaagad itong si Emily." Ani ni Dalia. Tsk, sa lahat ng pwede nilang mapansin, yung buhok ko pa. Nagpagupit kasi ako kahapon since Sunday para raw pagpasok ko presko ako tignan, sabi ni mama.
Tumingin naman ako sa paligid kung saan kami nakatayo ngayon. Kaunti pa lang ang mga estudyante na napasok, halos lahat kasi mga bandang 6 na papasok.
"Ah sige. Diyan muna kayo ah, hintayin ko lang doon sa may gate si Hero." Sabi ko kina Dalia, Cheyd, at Mariel. Habang naglalakad ako papuntang gate ay saktong nakasalubong ko si Camille.
"Hoy Emily! Saan ka pupunta? Uuwi ka ba?" Nilingon ko naman siya at saka sinigawan.
"Gagi, hindi! Hihintayin ko si Hero sa may gate. Sama ka?" Naglakad naman ulit siya papunta saakin kaya ngayon kasabay ko na si Camille na mag-antay kay Hero.
"Bagay sa'yo gupit mo ah? Kailan ka nagpagupit?" Si Camille, isa sa mga una kong nakilala dito sa school. Maganda siya, medyo may kasingkitan ang mata, yung buhok niya talagang bagsak na bagsak.
"Ah, kahapon lang. Hindi ba pangit tignan?" Tanong ko sakaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Bagay nga eh." Sabi niya. Napairap na lang ako. Talaga bang bagay? Parang hindi eh.
Maya-maya ay natanaw na naming dalawa si Hero na kasama sila Jerald at Joseph. Naalala ko nga pala, magpinsan lang pala yang si Joseph at Hero.
"Uyy! Nagpagupit oh!" Sabi ni Hero saakin kaya agad ko naman siyang niyakap. Walang malisya yang yakap na yan dahil beki itong bestie ko kaya normal na yan saamin.
"Teka, parang may kulang..." Tinignan ko naman si Jerald at saka siya tinaasan ng kilay.
"Kulang? Anong kulang?" Tanong ko sakaniya sabay hawak sa buhok ko.
"Anong ano? Sino kamo? Asan ba si boots? Bakit 'di mo kasama?" Hinampas ko naman kaagad si Joseph. Umagang-umaga ang hilig mang-asar.
"Ikaw... Namumuro ka na saakin ah!" Sabi ko habang dinuduro-duro siya.
"Saka dapat nung first day pa lang nagpagupit ka na, para terno doon sa suot mo. Pink t-shirt at white shorts plus short hair equals Dora The Explorer!!!" Napakagago talaga wolah! Nung dry run kasi namin, ako lang sa lahat ng mga kaklase ko ang hindi naka-un
"Kesa naman sa'yo mukhang uling!" Bawi ko sakaniya.
"Ouch, ang sakit nun ah?!" Pagrereklamo ni Jerald kaya natawa kaming apat sakaniya.
"Monday ngayon noh? Ibig sabihin tatlong araw tayong may Math kay Sir De Jesus?" Tanong ni Camille.
"Oo. Yun ang nakalagay sa schedule eh, palaging second subject. Tapos Monday to Tuesday, ang first subject natin is, Filipino. Tapos kapag Wednesday, English? Tama ba pre?" Tanong ni Jerald kay Hero. Tinanguan naman siya ni Hero kaya sabay-sabay na kaming umakyat sa room, dahil si Hero ang may hawak ng susi ng classroom namin, kailangan naming sumabay sakaniya para hindi kami maunahan sa mga upuan na maaayos.
Nang makapasok kami sa room ay inayos namin yung mga upuan at binantayan, para i-reserve sa iba naming mga kaibigan.
"O Jerald at Emy, bantayan niyo yung upuan nating tatlo ah? Babantayan ko lang upuan nila Mariel, magkakatabi naman tayong tatlo eh." Sabi ni Camille saamin.
"Oo, sige, ako bahala." Sagot ni Jerald sakaniya at nginitian ko naman siya. Maya-maya ay dumating na sila Dalia, Cheyd at Mariel.
"Etong lima, ang dadaya! Hindi man lang kami isinama para makakuha ng maaayos na upuan!" Sigaw ni Cheyd saamin kaya nagtawanan kami.
"Si Camille kasi sabi h'wag na raw kayong hintayin!" Sabi ko kay Cheyd sabay tawa.
"Hoy anong ako?! Gago si Jerald yon!" Sigaw ni Camille sabay turo nito kay Jerald. Umiling-iling na lang si Jerald sakaniya.
"What's up party people!!! Thank you Hero at may naka-reserve na tayong upuan!" Malakas ng sigaw ng isa pa naming kaibigan na si Azumi.
"Ikaw ang liit-liit mo pero napakalakas mong sumigaw!" Pagrereklamo ni Joseph sakaniya, kaya kaming mga nandoon ay nagsitawanan.
"Ang kapal ng mukha mong mag-reklamo! Eh ikaw? Ang tangkad-tangkad mo pero ang hilig mong pumatol sa bata!" Sigaw sakaniya ni Azumi pabalik. Hindi ko na sila pinansin pa dahil nakita ko si Hero na lumabas ng room at tumambay sa hallway kaya sinundan ko siya.
"Huy, okay ka lang?" Tanong ko sakaniya sabay sandal sa may poste doon.
"Uy Emy! Oo naman. Okay lang ako." Alam kong hindi siya okay.
"Weh? Kanina ka pa kaya tahimik. Sige na sabihin mo na." Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga.
"Wala yun. Magkaaway lang kanina sila nanay at tatay. By the way, may mga make-up brush akong in-order kahapon." Nginitian ko naman siya.
"Anong klaseng make-up brush?" Tanong ko sakaniya. Wala akong kaalam-alam ni isa sa pagmemake-up na yan. Wala naman kasi ako kailangang pagandahan.
"Ano siya, umm, parang unicorn design ganon. Isang set yon. Kapag dumating na, ipapakita ko sa'yo." Tinanguan ko naman si Hero. Maya-maya ay sabay-sabay na ring nagsipasukan ang iba naming mga kaibigan na sina Jm, Shaina, Hazel, Angel, Tintin at Julia.
Nagsimula na ang Filipino classes namin, laking gulat naman naming lahat ng hindi si Ma'am Joan ang teacher namin. Gwapo hehe.
"Magandang araw sainyo. Ako ang inyong bagomg guro sa asignaturang Filipino. Ako si Ginoong Juan Bisente." Kumunot naman ang noo ko ng marinig ang pangalan niya. Talaga bang Juan Bisente ang pangalan ni sir?
"Sir Vince na lang ang itawag niyo saakin." Sabay ngiti niya. Nagtilian naman yung iba naming mga kaklase ng makita si Sir Vince na ngumiti.
Tsk, pustahan may mga kaklase nanaman akong maiinlove sa teacher naming gwapo. Sigurado ako, bukas isa sa mga yan, wallpaper na si Sir Vince. Mga akala mo naman papatulan ni Sir.
Nang matapos ang Filipino subject namin ay lumipat kami ni Camille ng upuan. Tinabihan namin si Azumi na mag-isa doon sa unahan.
"Hoy bakit mag-isa ka lang dito?" Tanong ko sakaniya. Umupo naman ako sa pangalawang upuan, si Camille naman ay katabi ko na nakaupo sa kanang parte na malapit sa pintuan habang si Azumi ay nasa kaliwa.
"Wala lang. Trip ko lang." Sabi niya kaya natahimik ako. May problema rin siguro si Azumi na ayaw niyang sabihin.
Nagbasa-basa na lang ako ng hawak kong Math book. Nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung paano matutulungan ang mga kaibigan ko. Alam kong hindi ko talaga masosolve problema nila pero bilang kaibigan, dapat may gawin ako. Hindi naman ako yung tipo ng kaibigan na hahayaan lang sila kapag may problema silang iniinda, pero kapag ayaw naman nilang sabihin kasi private yun, okay lang. Ayaw ko lang kasi makita ang mga kaibigan ko na papasok ng school na malungkot.
Maya-maya ay napansin kong kanina pa kami walang teacher.
"Uy kanina pa tayo walang teacher." Bulong ko kay Camille.
"Pansin ko rin eh." Sabi ni Camille. Lumingon-lingon ako sa classroom hanggang sa naisipan kong tanungin si Jerald. Pinuntahan ko yung row namin at saka umupo sa tabi niya, magkatabi naman talaga kaming tatlo nila Camille sa upuan. Pinapagitnaan nila akong dalawa.
"Pre, bakit wala pa si Sir De Jesus?" Tanong ko sakaniya habang nakikipagkwentuhan siya kila Brando, Joseph, Rico at Marvin.
"Ang sabi saakin absent daw si Sir De Jesus. Baka ibang teacher magtuturo saatin." Tinanguan ko naman siya at saka bumalik doon sa tabi ni Camille.
"Sabi ni Jerald absent daw si Sir De Jesus eh. Baka raw iba magtuturo saatin." Nilingon ako ni Camille.
"Baka nga eto na oh." Nilingon ko yung tinuturo niya.
Isang lalaking matangkad na medyo may kaputian, naka-salamin na pabilog parang harry potter ang peg, medyo may kahabaan ang buhok na may kaunting pagkakulot, yung mukha niya naman naka-poker face, may katangusan ang ilong, mala-cat eyes din at hindi ganon kakapal ang kilay.
Hehe anong pangalan mo?
Napa-iling iling naman ako sa biglang tanong na lumabas sa utak ko.
"Huy, kanina ka pa nakatulala diyan ah." Nabalik naman ako sa wisyo ng sikuhin ako ni Azumi.
"Ayan na ata yung magtuturo saatin oh." Sabay baba naman ng isang lalaki.
"Ah sila Yohan at Kristoffer." Rinig kong tawag ni Azumi sa mga pangalan nila.
"Dalawa sa mga hearthrobs ng buong grade 7." Sabi ni Camille.
"S-Sino yang nakasalamin?" Bulong ko kay Camille. Agad niya naman akong tinignan at saka nilingon si Azumi.
"Uyyy! May gusto kay Kristoffer! Azumi oh! Crush ata neto si Kristoffer! Hahaha!" Nanatili naman akong nakatitig doon sa lalaking naka-salamin. May pahawi-hawi pa ng buhok. Tsk, di naman bagay yung hair style sa hugis ng mukha niya!
"Anong crush? Tignan mo naman oh, hindi bagay yung hairstyle sa hugis ng mukha niya!" Pero aaminin ko, gwapo talaga siya.
"Sus! Palusot mo lang yan! Yan si Kristoffer Morales at yung isa naman si Yohan Lasgo, ex ni Dalia pero di ko sure kung ex talaga ah! Mga taga-section Benevolence. Sa taas lang nitong room natin oh!" Sabay turo ni Azumi sa taas.
"Ah, good morning, section Integrity! Absent po ngayon si Sir De Jesus kaya kami muna ang magtuturo sainyo." Sabi ni Yohan habang yung kasama niya ay pumunta sa likod.
"Huy! Emily! Kanina ka pa lingon ng lingon diyaan sa likod! Nagtuturo na si Yohan oh!" Bulong saakin ni Camille, nginitian ko naman siya at saka umayos ng upo.
"Aminin mo na kasi na crush mo yang si Kristoffer." Bulong saakin ni Azumi. Inilingan ko na lang siya at saka sinulat kung ano ang nasa blackboard. Nang matapos si Yohan mag-turo ay pumunta siya sa likod, dala-dala ata ni Kristoffer yung mga activities.
Napalingon naman ako kaagad ng marinig ko na may tumatawag ng pangalan ko. Agad na hinanap ng mga mata ko yun at nakita kong si Jerald ang tumatawag saakin. Tumayo ako at saka naglakad papunta sa upuan namin.
Saktong pagdaan ko sa gitnang parte ng classroom namin ay dumaan na siya. Naamoy ko yung pabango niya. Ang bango.
"Oh bakit, pre?" Tanong ko sakaniya. Tinignan niya naman yung notebook niya sa Math at saka lumapit saakin ng kaunti.
"Tignan mo pre oh. Medyo mali ata pagkakaturo nila." Sabi niya kaya tinignan ko naman kaagad notebook niya.
Hindi naman kasi ako masiyadong nakinig kay Yohan, panay kasi ang lingon ko sa likod. Pero madali lang din naman kasi yung tinuturo niya eh. Kung paano kunin ang centimeter ng isang bagay at kung paano i-solve yun.
"Oo nga noh. Ngayon ko lang napansin." Sabi ko habang umayos ng sandal sa upuan ko. Andun na sila ngayon sa teacher's desk, hindi naman mga teacher.
"Napansin ko rin na lingon ka ng lingon sa likuran mo kanina. Anyways, sabihin mo kaya kay Yohan na medyo mali yung tinuro niya?" Nanlaki naman mga mata ko sa sinabi niya.
"Ako? Saka anong medyo mali? Mali talaga! Pero bakit ako ang magsasabi?" Pagrereklamo ko sakaniya.
"Ikaw na, makapal naman kasi mukha mo eh." Bulong niya kaya kaagad ko namang sinuntok ang kanang braso niya.
"Joke lang eh! Tanong mo muna kay Dalia at Angel." Pumunta naman kaagad ako sa likuran, kung saan malapit sa teacher's desk ang upuan nila Dalia.
"Uy, Dalia. Tignan mo parang mali yung tinuro ni Yoan diba?" Sabi ko sakaniya kaya agad naman siyang lumapit.
"Oo nga eh. Ayaw ko namang sabihin diyan na mali." Ramdam ko naman ang kaunting bitterness sakaniya.
"Bakit? Kasi ex mo?" Tumango naman siya kaya tumango na lang din ako. Tinignan ko naman saglit yung dalawang student teacher na malapit sa likuran ko.
"Ah Dalia. A-Anong pangalan nung kasama ni Yohan?" Nilingon niya naman yun sabay tingin saakin.
"Crush mo si Kristoffer?" Nagsalubong naman kilay ko sa tanong niya. Hindi naman yun ang tinatanong ko eh!
"Kristoffer E. Morales. Ewan may second name pa yan pero madalang niya lang gamitin." Sagot ni Angel. Napatango naman ako kay Angel.
"Sabihin mo na Emy diyan kay Kristoffer na mali kamo yung tinuro nila." Sabi ni Hazel.
"Oo saka chance mo na rin yan para makausap siya. Yiee." Pang-aasar ni Angel. Tinignan ko naman si Dalia na sumesenyales na puntahan ko na. Sinilip ko saglit si Kristoffer, nung tumayo naman ako ay saktong lumabas si Yohan kaya naiwan sa teacher's desk si Kristoffer.
"Ahh, Kristoffer. Medyo mali kasi yung turo ni Yohan doon kanina." Tinignan niya ako kaya umiwas ako ng tingin at nilingon sila Dalia.
"Wait, tignan ko. Ganiyan kasi turo saamin ni Sir De Jesus eh." Binaba niya yung earphones at cellphone niya at saka pinuntahan sa unahan yung libro.
"Yiee, si Emy namumula pisnge oh." Pang-aasar ni Hazel saakin. Maya-maya ay dumating si Yohan at kinausap ni Kristoffer.
"Ah, Integrity. Huwag niyo na lang muna sundin yung pag-solve ko. Medyo naguguluhan din kami eh." Agad ko namang pinuntahan sila Jerald.
"Sabi sa'yo mali eh." Nginisihan niya naman ako.
"Ah pre, may tanong ako." Mapagkakatiwalaan naman si Jerald eh.
"Ano yun?" Umayos siya ng upo at saka humarap saakin.
"Diba diyan ka nag-graduate?" Sabay turo ko sa elementary school na malapit sa building namin.
"Oo, halos lahat ng mga grade 7 na nandito diyaan grumaduate. Bakit mo natanong?" Lumingon muna ako sa loob ng classroom namin, nakaupo pa rin si Kristoffer sa likuran, hinihintay na lang siguro na mag-recess.
"Diyaan din ba grumaduate si Kristoffer?" Nakita ko naman ang bakas ng pagkagulat sakaniya.
"Oo diyan. Crush mo ba??" Tanong niya at saka ako dahan-dahang tumango.
"Ikaw. Na-love at first sight ka siguro noh? Saka ang dami kayang nagkakagusto diyan." Halata naman siguro yun.
"Anong pangalan sa f*******:, pre? I-stalk ko lang mamayang recess." Umiling-iling naman siya at saka sinulat sa papel ang pangalan nun sa f*******:.
Kristoffer Morales
"Yung profile picture niya ngayon yung naka-uniform siya at may filter na aso, yung sa snapchat." Tumango naman ako sakaniya.
"Saka pinsan ko yang si Tope." Tope? Saka magpinsan sila?
"Weh? Baka inii-scam mo ko ah!" Paninigurado ko.
"Hoy hindi! Diba Morales apelyido niya? Yung middle initial ko, Morales din." Tumango naman ako sakaniya.
Nang mag-recess ay lumabas na sila Kristoffer. Hinintay ko naman si Camille at Hero na matapos mag-ligpit at saka kami sabay-sabay na bumaba papuntang canteen.
"Alam mo ba, Hero. Crush nito ni Emy si Kristoffer." Sabi ni Camille kaya nginitian ko naman si Hero. Habang si Hero ay hindi makapaniwala.
"Seryoso? Ang dami kayang nagkakagusto diyan. Saka chismis din na may nililigawan yan, yung muse ng section Wisdom, si Rosemarie Yverez ata." Napabuntong-hininga naman ako. Hindi naman ako ganun kapatay na patay doon noh!
"Hindi naman ako yung inlove diyan! Saka paghanga lang yun noh! Di rin naman masama kung kikilalanin ko siya." Sabi ko sakanila. Pag-akyat naming tatlo ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko at saka sinearch sa f*******: ang pangalan niya. Tinitigan ko naman ng maigi yung profile niya, tama nga si Jerald, saka kaunti lang ang naka-public niyang information. Halos nakaprivate din yung mga picture. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung magsesend ba ako ng friend request sakaniya o hindi.
"Ayaw pa pindutin yung 'add friend' eh!" Nagulat ako n sumigaw si Azumi at saka pinindot yung 'add friend'.
"Uy si Azumi parang ewan! Ini-istalk ko lang eh." Nakita ko rin na sinave niya yung profile picture ni Kristoffer.
"Ayan para may titigan ka mamayang gabi bago ka matulog! Saka hindi naman masiyadong pala-post yang si Kristoffer, puro kaya mobile legend ang nasa timeline niyan." Nag-isip isip naman ako sa mga sinabi ni Azumi.
Sana naman i-accept niya yon.
"I-aaccept ka non, Emy. Hindi naman masiyadong snobber yan eh." Sana nga hindi siya snobber tsk. Sayang kagwapuhan niya kung snobber siya.
12:15 PM, pinauwi na kami ng last subject teacher namin. Siksikan tuloy kami sa hagdan pababa. Lahat kasi ng grade 7 ngayon ang uwian dahil grade 8 naman ang sunod na gagamit ng room namin.
"Emy, kumain ka na ng tanghalian. Mamaya mo na gawin yang mga assignment mo." Tapos na sila Mama at ang kapatid kong bunso na so Joshua.
"Opo, ma. Ako na lang maghuhugas ng pinagkainan ko." Tumango naman si mama at saka pumasok sa kwarto para tabihan si Joshua habang natutulog.
Habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Kristoffer. Kinuha ko tuloy yung cellphone ko at tinignan kung in-accept niya na ba ako o hindi. Pero hindi pa, baka naman busy pa yon.
Sinubukan ko ring hanapin ang pangalan niya sa i********: pero walang lumabas doon, ni-isa. Pati na rin sa twitter. Napaka-pribado naman! O baka wala lang talaga oras para sa mga ganiyan dahil busy kakalaro ng mobile legends.
Narinig ko rin na magkakaroon daw ng ML tournament sa grade 7, sasali kaya siya doon? Edi makakalaban niya si Jerald, naglalaro rin ng ML yun eh.
Pagkatapos kumain ay naghugas na ako at saka sinagutan ang mga assignment ko. Pagkatapos ko naman sagutan ang mga yun ay naisipan kong matulog muna para makapagpahinga ang mata ko. Mga bandang 6 ay nagising ako dahil marami ng estudyante na nag-uuwian. Pagkagising ko ay nagsaing kaagad ako at saka si Mama ang bumili ng ulam. Pag-uwi ni mama ay saktong tapos na rin lutuin ang kanin, kaya kumain na kaming dalawa.
"Bagay naman pala sa'yo magpaiksi ng buhok eh. Medyo bumilog mukha mo oh." Napanguso naman ako sa sinabi ni mama.
"Mukha nga raw akong Dora eh." Sabi ko at saka naman siya natawa.
"Maganda naman si Dora ah? Bakit pangit ba siya?" Napangiti na lang ako sa sinabi ni Mama. Pagkatapos kumain ay naghugas na ako at saka naghilamos. Naglinis na rin ng bahay para bago matulog ay malinis ang sahig.
8 PM natutulog si Mama, kaya humiga na rin ako nung makatulog si mama. Habang nakahiga ay napatitig ako sa kisame.
Kristoffer...
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang f*******: app ko. Pagkabukas ko ng Wi-Fi ay kaagad na nagsabog ang notifications ko, pero isang notification lang ang nakapagpangiti saakin.
Kristoffer Morales accepted your friend request.
Hindi ko alam kung gaano kalawak ang ngiti ko ngayon pero alam kong sobrang saya ko. Inistalk ko siya saglit, tama nga si Azumi, puro mobile legend ang nasa timeline niya. Tinignan ko naman ang picture niya na naka-save sa gallery ko.
His slightly curly hair is very attractive, his eyes seem to be hypnotizing me and making me want to know more about him. The glasses he used earlier is hanging on his uniform here on his f*******: profile and the three buttons of his uniform were also open.
Humahanga lang ako, hindi ako inlove. Sana nga.
-----