bc

Once Upon A Beautiful Tragedy

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
independent
drama
tragedy
sweet
campus
city
betrayal
first love
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

As the sunflower slowly loses its petals, his affection and love towards her also fades. The love that they both build up together is now slowly breaking into pieces. The memories that they both planted together, started to fall apart.

She was deeply, madly and truly inlove with him, not until his love faded away.

How did an almost-perfect love story suddenly turned into a beautiful tragedy?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
DISCLAIMER: This is a WORK OF FICTION. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential. The story is not associated wih Adamson University, UST, PUP, UP and other universities. —Author's Note If you have any clarifications in my grammar, spelling, words or terms that I used, please do message me privately. I know I'm not that good in writing but I'm willing to learn from my mistakes, I would also like some improvements in myself. You can also read this story of mine in w*****d. _____________________________________________________ "Hello! Ma? Nasa airport ako ngayon." Sagot ko ng mag-ring ang telepono, alam ko kasing tatawag si mama. "Saan ka pupunta, Emily? Next week birthday ng kapatid mo, umuwi ka rito ha?" Napangiti naman ako ng palihim ng marinig ko yun kay mama. Akala niya siguro hindi ako uuwi sa birthday ng baluga kong kapatid. Today's October 16, my brother's birthday is on October 23. "Sa Cebu ang punta ko ngayon. May pupuntahan lang ako na kliyente doon namin pag-uusapan yung about sa kaso niya..." Pag-putol ko sa sinasabi ko. "...saka hindi ko naman nakakalimutan na next week yung birthday ni Josh. This weekend siguro ang balik ko diyan sa bahay tapos doon na lang natin pag-usapan yung magiging handaan niya. Okay po ba yun, ma?" Pagpapaliwanag ko sa mama ko. Narinig ko naman ang buntong-hininga ni mama sa telepono. Agad na napakunot ang noo ko sa narinig ko. "Ma, may problema ba? Okay ka lang ba-" "Mag-ingat ka, Emily ha? Alagaan mo sarili mo sa Cebu." Naputol ko ang sinasabi ko ng marinig ko yan kay mama. Mas lalo namang nagsalubong ang dalawa kong kilay. "Ma, seryoso? Okay ka lang ba? Ayos lang ba lahat diyan sa bahay?" Pagpapatuloy ko sa tanong ko. Minsan na lang kasi ako maka-uwi sa bahay kaya hindi ko alam kung natututukan ba ng kapatid ko itong si mama. "Ayos lang ako. Ikaw ang inaalala ko..." Sabi ni mama. Hindi ko alam pero parang napipilitan akong huwag umalis at hindi na siputin pa yung kliyente ko sa Cebu. Pero inaalala ko rin yung pagpapaaral ko sa kapatid ko, medisina ang gusto niyang kunin na course. Medyo malaki magagastos namin don. "Huwag mo kong alalahanin, ma. Okay na okay lang ako. Ah, sige na, ma. Tawagan na lang kita kapag nakarating na ko sa Cebu." Sabi ko at saka ako ngumiti. "Sige, mag-ingat ka, Emily." Sabi ni mama at saka niya pinatay ang tawag. Agad ko namang naalala yung mga papeles na dala-dala ko sa maleta ko. Agad kong binuksan yon at tinignan isa-isa, sana naman walang nagusot sa mga 'to. Maya-maya ay narinig ko na ang flight number ko at agad akong tumayo, hawak-hawak ang mga papeles na inaayos ko at ang maleta ko na sakto para sa limang araw na pag-sstay ko don. Narinig ko naman na nag-ring ulit yung telepono ko, kahit medyo hirap ay kinuha ko yon gamit ang kanang kamay ko, binitawan ko muna ang maleta at ang laptop habang ang mga papeles naman ay hawak ko sa kaliwang kamay. "Hello?" Sagot ko doon sa tawag. "Ah, attorney, ngayon na ho yung flight niyo noh?" Sigurado akong galing sa firm itong tawag na 'to. "Ah yes, I'm going to Cebu. Why? Is there any problem sa firm?" Pagtatanong ko sakaniya. "Wala naman po, Atty. Nabalitaan ko lang po kasi na absent daw po kayo ng 5 days. Ingat po kayo, Atty." Napangiti ako ng sabihin niya yon. "Okay, take care sa firm ah? If ever na magkaroon ng problema, just call me okay?" Sabi ko at agad na binaba yung tawag. Inayos ko sandali yung papeles at saka ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Maya-maya ay laking gulat ko ng may bumangga saakin. Nahulog yung mga papeles sa sahig at nagkagulo-gulo. Umupo ako at kinuha yun isa-isa. Nakakabwisit! Kung kailan naman importante itong lakad saka pa may nakabunggo. "I'm sorry, miss." Rinig kong sabi ng lalaki. "Ano ba yan, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh." Mahina kong sabi ngunit natigilan ako saglit ng marinig ko ang tinig ng lalaking nagsalita. That voice... Dahan-dahan kong tinignan ang lalaking nakabunggo saakin, nakapang-pilotong uniform siya at suot-suot ang salamin. Yung amoy nitong piloto na 'to medyo pamilyar sa pang-amoy ko. Siya na ba 'to? Hindi ko masiyadong makilala ang lalaki dahil agad siyang tumayo ng mag-ring ang telepono niya. Hindi ko sure kung nakita niya rin ba ako pero sana hindi siya yon. His voice was familiar and the scent of his perfume too... Mas binilisan pa ang pagkuha nung mga papel. Nang makuha ko na ang lahat ay agad kong binitbit ang maleta ko at ang laptop at saka naglakad papalayo sa pwesto na yon. Kalma, Emy. Hindi siya yon... He already left me years ago... And yet I still remember his little things... "Kalma lang, Emily. Hindi siya yon. Nasa Australia siya diba?" Pagpapakalma ko sa sarili ko. Minsan sinasabihan ko na rin ang sarili ko na 'tanga-tanga'. Para akong tanga na hinahanap-hanap ang taong nang-iwan saakin kapag naaalala ko lang ang maliit na detalye ng pagkatao niya, parang baliw na hinihintay na dalhin sa mental hospital. "Emy? Ikaw ba yan?" Natinag ako ng may biglang tumawag saakin. "Uy! Camille! Kumusta ka na?" Tanong ko sakaniya at agad siyang niyakap. "Eto may lipad papuntang Cebu, eh ikaw?" Mas nag-mukhang matured si Camille sa suot niya. Naka-high heels pa at naka-bun ang buhok. She really is indeed a gorgeous bestfriend of mine. "Sa Cebu rin ang punta ko, may kliyenteng pupuntahan eh." Sabi ko sakaniya. "Oh sige, mauna na ko. Baka same plane tayo ngayon, kita na lang sa loob ng eroplano!" Sigaw niya at tinawanan ko siya. Nilingon niya ulit ako at saka ko tinaas ang middle finger ko sakaniya. "Woah! May abogadong namamakyu rito oh!" Sigaw niya at hinampas ko siya ng malakas. "Sama mo talagang kaibigan kahit kailan! Sige na!" Pagtataboy ko sakaniya. Tinawanan niya na lang ako at saka siya naglakad papalayo. Maya-maya ay nasa loob na kami ng eroplano, hinanap ko kaagad ang seat number ko at saka umupo ng tahimik. "Ladies and gentlemen, welcome on board flight 4CB2. We are currently second in line for take-off and expected to be in the air in approximately five minutes time. We ask you to please fasten your seatbelts at this time and secure all your baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cellphones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing PhilAsia Airlines. Thank you." Agad ko naman chineck ang laptop at cellphone ko kung parehas na ba silang naka-power off. Maya-maya ay may mga flight attendants na nag-check ng mga pasahero. Saktong pag-lingon ko ay nakita ko si Camille na nasa harapan ko at nakangiti, yung parang napipilitan lang siya. "Please fasten your seatbelt, ma'am." Nakangiting sabi saakin ni Camille. Tinignan ko naman ang seatbelt ko at nginitian siya. "Okay na po, ma'am." Pang-aasar ko sakaniya. Agad namang sumama ang tingin niya saakin, parang gusto na kong sabunutan kung wala lang mga pasahero eh. "Ladies and gentlemen, on behalf of the crew I ask that you please direct your attention to the monitors above as we review the emergency procedures. There are six emergency exits on this aircraft. Take a minute to locate the exit closest to you. Note that the nearest exit may be behind you. Count the number of rows to this exit. Should the cabin experience sudden pressure loss, stay calm and listen for instructions from the cabin crew. Oxygen masks will drop down from above your seat. Place the mask over your mouth and nose, like this. Pull the strap to tighten it. If you are traveling with children, make sure that your own mask is on first before helping your children. In the unlikely event of an emergency landing and evacuation, leave your carry-on items behind. Life rafts are located below your seats and emergency lighting will lead you to your closest exit and slide. We ask that you make sure that all carry-on luggage is stowed away safely during the flight. While we wait for take off, please take a moment to review the safety data card in the seat pocket in front of you." Ginawa ko ang sinabi doon. Chineck ko rin kung kumpleto ba yung bagaheng dala-dala ko, baka mamaya may naiwan na pala ako tapos wala akong kaalam-alam. "Cabin crew, please prepare for take-off." Agad kong naimulat ang mga mata ko ng marinig ko ulit yang pamilyar na boses na yan. Napalunok ako at kinabahan, malakas ang kutob kong siya yon. Dahan-dahang nag-take-off ang eroplano, pinakalma ko naman ang sarili ko at pilit na inalis yun sa utak ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya kumuha akong cookies na binili ko kanina sa airport. Mukhang masarap kaya binili ko, para na rin may makain ako. Binuksan ko ang cookies at kumain habang komportableng nakasandal sa upuan. "Good morning passengers. This is Captain Morales speaking. First I'd like to welcome everyone on PhilAsia Flight 4CB2. The time is 9:30 am..." Napatigil ako sa pag-nguya ng cookies ng marinig ko ulit yan. Morales, posibleng siya nga... Ganiyang-ganiyan yung boses niya. Hindi siya ganon kalalim tulad kanina, pero malakas ang kutob kong siya ang piloto nitong eroplanong sinasakyan ko. "...The weather looks good and with the tailwind on our side we are expecting to land in Cebu approximately fifteen minutes ahead of schedule. The weather in Cebu is clear and sunny. If the weather cooperates, we should get a great view of the city as we descend. The cabin crew will be coming around in about twenty minutes time to offer you a light snack and beverage. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight." He really emphasized the words 'I'll talk to you again'. Alam ba niyang nandito ako sa eroplanong 'to nakasakay? Maya-maya ay nag-ikot ulit ang mga flight attendants na may dalang pagkain at inumin. Nakita ko ulit si Camille at agad na nag-isip ng pwedeng bilhin. Nang makarating siya dito sa pwesto ko ay pabiro ko siyang nginitian. "Would you like to buy some of our foods, ma'am?" Kaswal na pagsasalita ni Camille. "No, I have some cookies here in my bag. Umm, do you have some coffee?" Paasar kong tanong sakaniya. Halatang-halata na tuloy sa itsura niya na naiinis siya at kulang na lang i-hampas niya saakin yung tray. "We have coffee, ma'am. What flavor would you like?" "Cappuccino please." Sabi ko sakaniya at saka nagpa-pouty face. Inarapan niya naman ako at saka siya umalis. Natawa naman ako ng makita ko kung paano niya ko inirapan. Maya-maya ay dumating siya dala yung cappuccino ko. Tinignan ko si Camille at saka mabilisang pinakyuhan. Mas lalong sumama ang tingin niya saakin at nakita ko ang daliri niya na palihim akong pinakyuhan. Napa-iling na lang ako sakaniya. "Kung ang abogado nga namamakyu sa airport, paano pa ang flight attendant na namakyu sa loob ng eroplano?" Sabi ko sa sarili ko habang umiiling-iling. Tinignan ko yung kape na binigay niya at nakita ko na may note doon. 'Tangina mo, andito ex mo. Piloto nitong eroplano.' Nanlaki ang mga mata ko, tama talaga ang kutob ko na nandito siya. Parang gusto ko tuloy tumalon palabas ng eroplano kaso masiyado pang maaga para mamatay ako sa ganong paraan. Huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili na hindi ko naman siya makakausap at wala na rin akong balak na makipag-usap sa kaniya. Maya-maya ay nag-landing na ang eroplano. "On behalf of PhilAsia Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day." Saka naman isa-isang bumaba ng eroplano ang mga pasahero. Pagbaba na pagbaba ko ng eroplano ay nakahinga ako ng maluwag. Agad ko namang kinontak yung number ng kliyente ko, since hindi ko pa siya nami-meet in personal, mas maganda siguro na makausap ko na siya through phone para ma-settle ko na lahat. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang numero ng kliyente pero ng tawagan ko ay hindi sinasagot kaya naisipan kong i-text na lang. Mababasa naman siguro non yung text ko. Nang makarating ako sa hotel na tutuluyan ko dito sa Cebu ay inayos ko na ang damit at ang mga gamit ko. Nilabas ko rin ang laptop ko para ma-review ko yung ibang kaso na hinahawakan ko. Maya-maya ay naka-receive ako ng text mula sa kliyente ko na nandito sa Cebu. 'I'm sorry hindi ko nasagot yung tawag. I'm here sa Radisson Blu Hotel, if you want we can talk about it here?' So nasa same hotel lang pala kami? 'Actually, I'm also here at Radisson Blu Hotel. What time niyo ho bang gustong mag-usap?' Pagtetext ko sa kliyente. Big time pala 'tong kliyente ko, nandito rin sa 5 star hotel na 'to. 'Mamayang 3pm sa may pool na lang.' 12 pm pa lang naman kaya may 3 hours pa ko para ikutin itong buong hotel na 'to. Naisipan ko rin na i-text si Camille, kaso baka pagod yun kaya dinilete ko na lang at nahiga sa kama. Maya-maya ay dinapuan na rin ako ng gutom kaya bumaba na ko at kumain sa restaurant. Totoo nga yung nabasa ko kanina sa google na talagang maganda dito sa Radisson Blu, mas maganda siguro dito mamayang gabi kasi nakita ko sa picture doon eh. Pagkatapos ko kumain ay pumasok na rin ako sa room ko at naligo, pagkatapos maligo ay tinawagan ko si mama at sinabing nandito na ko sa hotel. "Ang sabi mo saakin tatawag ka kapag nasa Cebu ka na?" Pasigaw niyang tanong saakin. "Nasa Cebu na nga po ako, Ma?" Sabi ko kay mama habang nagsusuklay ng buhok ko. "Dapat tinawagan mo ko kaagad nung nakarating ka na sa airport ng Cebu." Sa wakas kumalma na rin yung boses ni mama. "Eh ma, tinawagan ko nun yung kliyente ko kaya di ako kaagad nakatawag. Sorry na ma, hehe." Hindi ko naman alam na yun pala ang ibig sabihin ni mama, edi sana siya yung una kong natawagan. "Hays, ikaw talagang bata ka. Kumain ka na ba ng tanghalian mo? Baka mamaya hindi ka nanaman nananghalian, Emily Alvarez?" Natawa naman ako kay mama. "Opo ma, kumain na ko. Kakatapos ko lang po kumain eh at kakapasok lang din po dito sa room ko." Pagpapaliwanag ko kay mama. "Saang hotel ka ba naka-check-in?" Tanong ni mama. "Sa Radisson Blu Cebu, ma. Napakaganda nitong hotel, sa susunod dito tayo magbabakasyon ha?" Paniguradong magugustuhan ni mama dito sa Cebu, marami rin pwedeng pasyalan dito eh. "Oh sige, magpahinga ka na muna, pagod ka siguro sa biyahe. Ingat ka diyan, Emily." Saka binaba ni mama ang tawag. Pagbaba naman ni mama ng tawag ay napahiga muna ako sa kama. Maya-maya ay hindi ko na namalayan na naka-idlip na pala ako. Nang tignan ko ang oras ay 1:25 pm na, agad akong napa-upo at chineck ang cellphone ko. Nakita ko na may text si Camille at missed calls. Nang tignan ko isa-isa ang mga text nito ay puro kagaguhan lang ang pinagsasasabi. 'Parang gago kanina sa loob ng eroplano pota HAHAHAHAHAH' 'Pasalamat ka 'di mo nakita si ex mo kanina HAHAHAA' 'Kita ko pa naman ex mo kanina, nakausap ko rin pero 'di ko sasabihin sa'yo kung ano yun. Manigas ka diyan!' Napailing na lang ako sakaniya. As if naman may pakialam ako doon sa ex ko? Kaya nga ex diba kasi pagkakamali ko siya at nakaraan na? Tsk! Habang nakahiga naman ako at nakatulala sa kisame, bigla na lang nag-flashback sa utak ko yung pangyayari kanina. Hindi ko pa rin akalain na nandito na siya sa Pilipinas dahil ang huling balita ko sakaniya ay pumunta siya ng Australia, hanggang doon na lang ang nabalitaan ko tungkol sakaniya. Gusto ko mang magkaroon pa rin kami ng komunikasyon pero masiyadong masakit para saakin ang lahat ng nangyari. Halos lahat mawala saakin simula nung iwan niya ko, siya na ang naging mundo at lahat-lahat ko no'n. I also saw myself spending my lifetime with him, travelling with him, making more and more memories with him, slowly accomplishing both of our dreams together. But not all of what I thought was meant to be happened, not all scenarios I've imagined with him are meant to happen in real life. Maybe imaginations are made for us to think that there will be a happy ending in this cruel and indecisive world. Maybe imaginations are left to be just an imagination, just some scenarios that our mind created for us to feel happy in a short time. Ang akala kasi natin lahat matatapos sa isang maganda at masayang kwento, yun pala sa hindi inaasahang oras saka natin mapagtatanto na walang kwento ang nauuwi sa isang magandang pagtatapos, lahat hindi maganda. Ang inaakala nating happy ending biglang mauuwi sa tragic ending. Minsan mapapaisip tayo na bakit ang daya ng mundo para iparanas saatin ang mga masasakit na pangyayari? Bakit lagi na lang natin kailangan masaktan para matuto? Hindi ba pwedeng matuto na walang iniindang masakit na ala-ala? Bakit kailangang magtapos sa hindi magandang kwento kung pwede naman na mauwi ito sa isang masaya na nobela? Well, lahat naman ng katanungan ay may kaakibat na kasagutan, it is only for you to find out the answers to your questions all by yourself. Bakit madaya ang mundo? I don't know either. Hindi naman mundo ang madaya kundi ang mga tao, kahit gaano pa kaganda ang intensyon mo sa iba, mayroon at mayroon pa ring manloloko, manggagago at magsisinungaling sa'yo. Bakit lagi nating kailangang masaktan para matuto? Once na nagmahal ka, masasaktan ka talaga. Once naman na masaktan ka, may lesson kang makukuha at yang natutunan mo, its either you use it for good or for bad. It all depends on you, but revenge isn't the solution. Pero not once, walang tao ang natuto ng hindi nasasaktan.Kahit saang bansa o lugar ka mapadpad, wala pa sa kasaysayan ng mundo ang matuto ng hindi nasasaktan. Kaya nga tayo nasasaktan para matuto tayo sa pagkakamali na yun. Bakit kailangang magtapos sa hindi magandang kwento kung pwede naman na mauwi ito sa isang masaya na nobela? If there's happiness, there's also sadness. If there's a happy ending, there's also a tragic ending. And we had that tragic ending. Lahat ng masasayang pangyayari may kasunod na masasakit na pangyayari. Simula no'n, ganiyan na ang naging pananaw ko sa buhay ko, na hindi porket masaya ako ngayon, masaya pa rin ako mamaya, bukas at sa susunod. Kung titimbangin ang masasayang ala-ala at malungkot na pangyayari, mas matimbang ang malungkot kaysa sa masasaya. The times we both spent together and memories that we both made are still in my heart and in my mind but the person I used to have is already gone. He knows that if he comes back to me anytime and anywhere, my heart will always find a way to accept him and love him more than what I did from our past. He's the man that I'm willing to forgive an eternity times, the man that will always have my heart and my soul, the man that I'll be keeping my promises with. We both expected for us to end up facing the altar of the church and both of us saying our vows but why did we ended up facing each other while crying so badly and saying goodbye? We were once collided by the love that we felt but been seperated because of the love that has faded. Maybe they're right, loving was never meant to be that happy as what we all expected to be, and because we love that person so much we forgot to also expect for the pain that will come to us. We forgot to think that the more we became so attached to someone, the more we wished that they have stayed forever and never left our side. The almost perfect-love story that we once have turned into the unexpected tragedy of our love story. The pain I never expected to bear after loving you so much... -----------------------------------------------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
80.7K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
656.8K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
438.4K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.1M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook