Gabriela POV Nagpunta si Carlo sa agency para magrenta ng isang kotse, sabi kasi ni Dom sa eroplano kanina ay hindi niya alam kung kailan kami babalik. Inilagay niya ang address sa GPS at pinaandar ang sasakyan, ang bahay ay nasa Alphaville. Nang makarating kami sa harap ng bahay, napakalaki nito. “Bakit ganyang kalaki ang bahay?” tanong ko habang papasok sa sala. “I'm not a fan of staying in a hotel.” “Okay, aakyat na ako at maliligo.” “Are you going to tell your parents?” “Sabi ko naman sa ‘yo ‘diba, sasabihin ko sa ‘yo kapag sasabihin ko na sa kanila.” “I've got some calls to make, then I'll meet you upstairs.” “Sige,” sabi ko at umakyat na ako sa kwarto. Mas maganda ang bahay na ito kaysa sa bahay namin sa Florence. Ang master bedroom ay may balkonahe na may perpektong swimmin

