Ang Simula
Gabriela POV
Bawat kuwento ay may simula at sasabihin ko sa inyo ang aking simula.
Ako si Gabriela, 20 taong gulang, at nakatira sa San Bernardo de Campo.
Ang mga magulang ko na sina Mariana at Luciano ay may-ari ng isang restaurant sa aming lugar at doon ako nagtatrabaho bilang waitress para makatulong sa kanila.
Pero pangarap ko na maging isang model, kahit na hindi ito pinaniniwalaan ng sinuman.
Ngayon, isa na namang araw ng service at sa totoo lang ay sawa na ako. Tapos na ko sa pag-aaral, pero dahil kailangan ako ng mga magulang ko ay hindi ko tuloy mabigyan ng oras ang pangarap ko.
"Gabi, andito na," tawag sa akin ni Papa.
"Opo, papunta na," sagot ko na lang habang umiirap.
Kinuha ko ang mga plato, kubyertos, at naglakad papunta sa dining area.
"Magandang hapon, ano ang nasa menu ngayon?" tanong ng isang customer.
Ngumiti ako sa kanya. "Magandang araw, ngayon meron tayong bulalo, bistek na may kasamang fries, giniling, at chicken fillet."
"Iyon lang ba?" aniya, kaya agad din naman akong tumango.
"Sige, huwag na lang."
Muli akong umirap at saka pumasok sa loob ng kusina.
It was another day of service, bukod sa pag-aasikaso sa mga customer, kailangan ko ring tulungan si Mama sa paghuhugas ng mga plato.
Bukod sa amin ni Mama, nandito rin ang kapatid ko na si Selena, siya naman ang nag-aasikaso sa mga lunch box.
Konti lang ang kinikita ko sa restaurant, pero ang lahat ng kinikita ko ay iniipon ko.
Noong isang araw pa ako may tina-target na modeling agency sa Turkey, ang Cooper. Pero sa tingin ko mahihirapan akong kumbisihin ang parents ko.
Kinuha ko ang w******p ng agency at saka nag-inquire, si Tanner ang sumagot at sinabi ko sa kanya ang hirap na makumbinsi ang parents ko. Humingi siya ng ilang pictures ko at sinabi niya sa akin na kapag na-approve ang mga pictures ko magpapadala siya ng isang agent dito sa bahat at siya ang kakausap sa mga magulang ko.
Nag-send na ako ng pictures, after two days nag-reply siya at sinabing approved na daw ako. Kaya ngayon ay nasa exciting part na ako.
Pagkatapos ng isa pang araw ng trabaho, kinausap ko na ang parents ko.
"Sana naman masuportahan n'yo na ako," sabi ko.
"Ayan ka na naman sa modeling modeling," agad na reklamo ni mama.
"Ma naman, pakikinggan n'yo naman muna kasi ako."
Sumingit si papa sa usapan. "Anong sasabihin mo, Gabriela?"
Tumingin ako sa kanya at saka nagsalita, "Nakahanap ako ng agency sa Turkey, pumasa ako sa mga test sa pictures, at pupunta ako doon para subukan ang mas magandang buhay."
Agad na sumagot si mama, "Hindi pwede, hindi ka aalis sa bahay na 'to."
"Hindi na po ako bata," pilit ko.
"Hindi ka pwedeng lumabas ng bansa," ani Papa.
"Ibang bansa ang pinag-uusapan natin dito, Gabriela. Dito ka lang at tapos na ang usapan." Sabi ni mama saka tumayo mula sa mesa.
"Aalis ako sa ayaw at sa gusto ninyo." Doon ko tinapos ang usapan saka pumasok sa kwarto at padabog na isinara ang pinto.
Dom POV
Bata palang ako ay alam ko nang ako ang magmamana sa Diablo.
Noong teenager naman ako ay puro alak at sigarilyo ang inatupag ko.
Nakatira ako sa Florence kasama ang parents ko na sina Laura at Mario at kapatid ko na si Vincent.
Ilang araw na ang nakakalipas mula nang kinausap ako ni Dad sa kanyang opisina para sabihin na malapit na kaming pumunta sa Turkey para maghanap ng babaeng mapapangasawa ko.
Ang maganda sa mafia ay binibigyan nila kami ng kalayaan na pumili ng babae mula saan mang sulok ng mundo, ang requirement lang ay dapat virgin siya.
Here in Florence, I had Juliana; she was my private "bitch." Walang ibang nakakaalam kasi uma-attend din siya sa mga party ng Mafia at high society, hindi siya baliw para lumapit sa akin sa anomang pagkakataon.
Kapag kinasal ako, kailangan ko nang iwan si Juliana. Dahil hindi tino-tolerate ang cheating sa Diablo.
One of the principles of the Italian mafia is never to betray your wife. Kasi kung kaya mong traydurin ang taong handang itago ang sikreto mo at handang tabihan ka sa pagtulog, hindi ka rin dapat pagkatiwalaan ng sinuman!
At kahit na kailangan ko sumunod sa lahat lalo na sa harap ni Dad, sa akin pa rin naman ang huling salita.
Ako ang nagdedesisyon sa drug trafficking at arms smuggling.
Kaming mga pinalaki sa Diablo na dapat maging submissive sa amin ang babae, kailangan niyang sundin ano man ang sabihin namin bilang asawa niya.
Pagkatapos ng kasal, kailangan agad naming mag-asawa na mag-s*x at dapat may dugo sa puting kumot. Kukunin iyon kinabukasan ni Mom para dalhin kay Dad at kailangan niyang ipakita iyon sa board ng Diablo.
Kinagabihan ay agad akong nagpunta sa bahay ni Juliana.
"Na-miss kita," aniya saka naupo sa lap ko.
"Nagpunta ko rito dahil kailangan nating mag-usap," diretso kong saad.
"Anong nangyari?"
"Kailangan na nating ihinto ang pagkikita natin, malapit na akong magpakasal," pag-amin ko.
"Damned you! You swore we would be together."
"Sa kama lang 'yun, hindi mo dapat 'yun sineryoso."
Tinapunan niya ako ng wine. "All this years, sa 'yo lang ako. Tapos ngayon itatapon mo na lang ako ng ganoon na lang?" tanong niya, bakas sa kanyang boses ang panginginig.
"I will continue to support this house."
"Umalis ka na!" sigaw niya at saka itinapon ang mga gamit sa sahig.
Hinila ko ang kanyang buhok. "Nakalimutan mo na ba kung sino ako sa bahay na ito?"
Muli akong nagsalita, "Ikaw ang umalis at maligo. Siguraduhin mong magiging kasing bango kita."