Gabriela POV
Nasa eroplano na ako, papunta sa pangarap ko.
Lumipas ang dalawang buwan, at maraming beses nang pumunta si Richard sa bahay namin para subukang kumbinsihin ang parents ko. Nagdala siya ng mga pamphlet at nagpakita ng mga video, pero wala talaga.
Literal kong kinailangang umalis nang laban sa kagustuhan nila. Gusto ko naman na may suporta nila, pero dahil alam kong imposible na iyon ay ako na mismo ang nagdesisyon na pumunta kahit hindi sila kasama.
Sure naman akong magiging ayos lang ang lahat, sinabi ni Richard na may mga telemarketer na nag-aalok ng mga part-time internship para sa mga babae para makabayad ng renta at iba pa.
Sa simula, sa hotel muna kami ng agency tutuloy ng anim na buwan hanggang sa kumita ng sapat na pera sa pagmo-model para makapagbayad ng sarili naming renta.
The voice announced the flight to Istanbul. I got up and took a deep breath.
Umupo na ako at saka isinuot ang seatbelt, saka tumingin sa labas ng bintana.
"Now is the time to live something new, Gabi," sabi ko sa sarili ko.
Lumipad na ang eroplano at tumagal ng mahigit sa 13 oras bago bumaba. Agad kaming sinalubong ni Tanner pagbaba namin sa eroplano. Walo kaming babae kasama si Richard.
Sumakay kami sa isang maliit na van at katabi ko si Tanner. Sobrang saya ko na matutupad ko na talaga ang pangarap ko, kaya naman dali-dali kong hinanap ang cellphone sa bag ko para sabihin ito sa parents ko.
"Ano'ng hinahanap mo?" tanong ni Tanner sa akin.
Agad din naman akong sumagot, "Cellphone ko, sasabihin ko lang sa parents ko na nandito na ako."
"Hintayin mo na lang muna na makapag-settle ka bago ka tumawag," aniya saka ngumiti.
"Sabagay, tama ka."
Sobrang ganda ng city dito, ang layo ng itsura niya sa Brazil.
"Gutom na ba kayong lahat?" tanong ni Tanner sa amin at lahat naman kami ay tumango sa kanya.
"Okay, mag-stop over muna tayo then let's eat," aniya at ilang minuto lang ay huminto ang van. Si Richard ang nagbukas ng pinto ng sasakyan saka kami magkakasunod na bumaba. Pumasok kami sa isang malaki at makintab na glass door.
Nang makapasok kami, napansin ko na maraming babae ang nakaupo sa sahig tapos lahat ng pinto ay nakasara.
"Anong lugar 'to?" tanong ko, iba kasi ang pakiramdam ko rito.
Natawa si Tanner at sinabing, "Ano pa ba sa akala mo?"
Nagsalita rin si Richard, "Brothel, syempre." Tumingin pa siya kay Tanner habang tumatawa rin.
"Dito ba tayo kakain?" tanong ng isang babae na kasama namin, si Rafaela.
"Hindi, tanga, dito kayo magtatrabaho," ani Tanner.
Nalugmok ang lahat nang marinig iyon at ang iba ay nagtangkang tumakas. Kaya lang ay may mga security guards sa pinto.
"Niloko mo kaming lahat! Pumasok ka sa mga bahay namin at nakipag-usap sa pamilya namin," sabi ko.
"Did you bring us to be a b***h?" sabi naman ni Moon, kasama rin namin siyang dinala rito.
Sinagot na kami ni Tanner, "Calm down, dito makakakuha kayo ng malalaking pera sa paraang nais ninyo."
"Baliw ka na. Hayop ka, papatayin kita!" sigaw ni Moon habang nagtangkang lumapit kay Tanner, pero hindi siya pinayagan ng mga security guards.
"Richard, itigil mo ito. Ibalik mo ang bag at passport namin," sabi ko pagharap ko sa kanya.
"Sige ba, gusto mo rin bang pahiramin kita ng dolyar?"
Bago ko pa siya masagot, pumasok ang isang napaka eleganteng babaeng morena sa silid kung saan kami naroroon.
"Magandang hapon sa lahat! Ako si Morena, ang may-ari ng lugar na ito, at isang babaeng hindi masyadong nagsasalita. Bukas ng gabi, magkakaroon tayo ng isang auction kung saan kayo ang ibebenta namin at ang mga mananatili rito ay magiging mga dancer.
"Hindi n'yo ito puwede gawin, hindi kami kagamitan," giit ko.
Tumingin sa akin si Morena saka muling nagsalita, "Ang sinumang magpakamali dito ay mapapatawan ng matinding parusa," aniya na para bang binibigyan niya ako ng warning. "Sige na, maaari ninyo na silang dalhin," utos niya pa.
Pumasok ang mga security guard at sapilitan kaming pinapasok sa isang silid na tila kulungan dahil sa mga magkakasunod na rehas.
Pakiramdam ko para akong basura. Umupo ako sa sahig at umiyak habang nagtatanong kung bakit hindi ako nakinig sa mga magulang ko at bakit hindi ko pinansin ang mga paalala nila. Ngayon ito ako, handa nang ibenta ang kapalaran ko.
Dom POV
We traveled by car to Rome and from there we took a direct plane to Istanbul, inabot ata kami ng anim na oras sa byahe.
We got off in Istanbul early in the morning, agad kaming dinala ng driver sa isang mararangyang hotel.
Pagdating ko sa suite, lumabas ako sa porch at huminga ng malalim.
"Pati ang amoy dito ay kakaiba," komento ko.
Naghubad ako ng damit para maligo ng malamig na tubig. Pagkatapos ay agad akong inayos ang sarili ko. Naglakad ako na walang damit sa buong suite, umupo sa balcony saka nanigarilyo. Hindi ako kinakabahan dahil lang nandito ako para maghanap ng babaeng mapapangasawa ko, what scares me is my disorder called Satyriasis. For those who do not know, it is a psychological disorder that causes an uncontrolled urge to do s*x.
Palagi akong may pangangailangan at ngayong wala si Juliana ay nababahala ako.
Madami nang karanasan si Juliana at ngayon na magkakaroon ako ng babaeng virgin na siyempre ay walang kaalam-alam sa s*x. While I like violent, rough s*x.
My thoughts went far. Paggising ko kinabukasan, agad akong naligo tapos ay bumaba sa hotel lounge para magkape.
Nandoon si Dad, he was always a great father, pero madalas ay strikto siya pagdating kay Mom. Madalas namin siyang marinig ni Vincent na umiyak for not accepting to be submissive to him.
Lumaki kami sa ganitong paniniwala, ang babae ay dapat sumunod sa amin na mga lalaki at gawin ang iniuutos namin. Kapag hindi ako sinunod ng mapapangasawa ko ay kailangan ko siyang turuan ng leksyon.
Night came; I put on my black tuxedo and mask because we hid our identity there.
Huminto ang limo sa harap ng isang Hotel at agad kaming pumasok. Tumagal lang ng mga 25 minutes ang papunta rito sa auction.
Pagdating namin ay agad kaming binigyan ng invitation at pinapasok sa hall. Masasabi ko na maganda ang ilaw sa stage, habang kaunti lang ang ilaw sa mga mesa.
We sat in the middle with a perfect view of the stage. Unti-unting napuno ang lugar at nagsimula na ang event. Ang tamang hakbang sa paghahanap ng mapapangasawa ko ay dapat anak siya ng kaalyado ng Diablo, kaya lang lahat ng mga tagapamana ay masyadong bata pa paraikasal, at kinakailangan kong makuha ang posisyon ng agad.
The lights dimmed a little, and a lady in an elegant dress entered the stage.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Ako si Morena, at ngayon ay sisimulan na natin ang auction para sa gabing ito."