Gabriela POV Nang magising ako ay agad akong tumingin sa bintana, madilim na sa labas. Kinuha ko ang phone ko para i-check kung anong oras na, 8:30 na pala ng gabi. Bukod doon ay napansin ko na may dalawang missed calls ako galing kay Dom. Kung tumawag siya para i-cancel ang dinner namin, mas mabuti. Bumaba ako at agad na pumunta sa kusina bitbit ang phone ko. Napansin ko na wala sa bahay si Selena, may palagay ako na nakikipagkita siya kay Vincent. Kumuha ako ng ham and cheese snack, naupo sa counter at kinalikot ang phone ko. Sinabi ng doktor sa akin na bumalik ako bukas para sa result ng test, pero may binigay sa akin na link ang nurse kanina para puwede kong makita online ang result kaya naman agad ko iyong sinilip. Pagkagat ko sa kinakain ko ay dumating naman si Carlo, kasunod niy

