Gabriela POV Nakauwi ako na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na magiging nanay na ako. Walang tinanggap na kahit ano ang tiyan ko kundi tubig lang. Natulog na lang ako kinahapunan at paggising ko naman ay pakiramdam ko may mabigat sa bandang likuran ko at ang sakit ng ulo ko. Pero kahit masama pakiramdam ko ay tutuloy pa rin ako sa dinner mamaya. Bumangon na ako para mag-shower. Pinanood ko ang liquid soap na tumulay sa katawan ko hanggang sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay huminto na ang buong mundo ko dahil doon. “Gabriela, can you hear me?” sigaw ni Dom mula sa labas ng banyo. “Sorry, hindi kita narinig kanina. Ano ba ‘yun?” sagot ko nang bumalik na sa realidad ang isip ko. “I’ve spoken three times.” “Ano bang sabi mo?” “We’re going out in 40 minutes.” “Okay!” sabi ko at naramda

