Gabriela POV 1:05 PM na at nasa harap kami ng pinto ng clinic habang naghihintay kay Dom, limang minuto na akong late. Pagtingin ko ulit sa relo ko ay 1:08 PM na, tapos ay nag-vibrate phone ko. naka-receive ako message galing kay Dom. Nagso-sorry siya pero hindi ko mapigilang mainis. “Gabriela,” tawag ng doktor sa akin. Tumayo naman ako para harapin siya. “Good afternoon, Doctor,” bati ko naman pabalik. “Nag-sink in na ba sa ‘yo ang lahat?” tanong niya habang natatawa. “Sorry sa nangyari nung nakaraan.” “It was a normal reaction; you weren’t prepared for that.” “Hindi nga po,” sabi ko nang itungo ko ang ulo ko. “That’s right, you have the option of terminating the pregnancy. But I don't think that's an option for you, is it?” tanong niyang muli, hindi niya inaalis ang tingin sa aki

