Gabriela POV
I can't believe this is happening. Nakaupo ako sa sahig ng kwarto at tinatanong ang sarili kung bakit nangyari ito.
Ikinulong nila kami buong gabi na walang pagkain at walang ligo.
Noong isang araw, nang pumutok na ang umaga, pumasok si Tanner sa kwarto kasama si Morena.
"Good morning dears," bati ni Morena, pero halatang may pagsisinungaling sa boses niya.
"Walanghiya ka!" ani Moon.
"Good morning to you too, my love," sagot naman ni Morena.
"Tumayo na kayo riyan at maghanda dahil pupunta tayo sa doktor," sabi naman ni Tanner.
"Para saan ang doktor?" usisa ko.
"Kailangan nating malaman kung wala kayong sakit at kung virgin kayo."
"Virgin?" tanong ni Moon.
"Exactly, tonight you are going to auction and I need to secure my merchandise." ani Morena habang naglalakad sa gitna namin.
"Prank lang ito, 'diba? Hindi naman kayo mga baliw, 'diba?" tanong ko.
"Hindi, darling," sagot niya. "You're going to be my diamond of the night," dagdag pa niya.
"Mabubulok ka sa kulungan, tandaan mo 'yan!" iyon na lang ang nasabi ko.
ORAS NG AUCTION
Naririnig namin ang pagtawag sa mga pangalan namin, isa-isa na kaming kinukuha ng mga security at wala nang nagawa ang mga babaeng kasama ko rito kundi ang umiyak.
"Ikaw na lang ang natitira, miss cute," sabi ng manyak na security sa akin.
"I'm not going to s**t at all," pagalit kong sambit, pero maharas niya lang na hinablot ang kamay ko.
"Humingi ka na lang ng tulong sa Diyos na mabenta ka, dahil kung hindi, mapupunta ka sa brothel. Kapag nangyari iyon, ako ang unang gagamit sa 'yo!" sabi pa niya malapit sa tenga ko kaya naman agad ko siyang dinuraan sa mukha.
"Walanghiya ka!"
Alam ko na hindi niya ako puwedeng saktan, dahil kapag nagkaroon ako kahit kaunting gasgas ay siya ang malalagot.
Maraming ilaw sa stage at lahat ng tao ay nakasuot ng mask. Nang sabihin ni Morena ang presyo ko ay wala manlang nagulat sa kanilang lahat, at natatakot ako sa bagay na iyon.
Magulo ang isip ko, hindi ko alam kung dapat ba hilingin ko na sana ay mabenta ako o dapat ba ay mag-stay na lang ako dito sa brothel bilang isang prostitute.
"$250 million," sigaw ng isang lalaki.
"My God, help me!" mahina kong sambit sa sarili ko.
Mabilis ang mga nangyari pagkatapos ng auction...
Basta ang naintindihan ko lang sa mga nangyari nang dalhin nila ako sa Florence ay magiging asawa niya ako pero peke lang ang magiging kasal namin, tapos 'yung nanay niyang mukhang ahas ay ayaw din sa akin, at ang masasabi ko lang ay ayoko rin naman sa kanya!
Makakakuha lang talaga ako ng chance, tatakas ako rito!
Dinala ako ni Carlo sa isang kwarto. Napakalaki at magarbo ang bahay, kaya hindi na ako magtataka kung barya lang para sa kanya ang ibinayad niya para mabili ako.
"Hanggang sa araw ng kasal, ito ang magiging kwarto mo," ani Carlo.
"Thank you. So far, ikaw lang ang mabait sa akin."
"Mabait din si Sir Dom, makikita mo," aniya.
"Wala akong pakialam sa kanya, ang gusto ko lang ay makauwi ulit sa amin!" Nang sabihin ko iyon ay iniyuko niya ang kanyang ulo saka lumabas ng kwarto.
Ano na kayang mangyayari sa akin ngayon, for sure nag-aalala na sa akin ang parents ko lalo na si mama, bakit kasi hindi ako nakinig sa kanya?
May kumatok sa pinto at agad kong binuksan iyon, bumungad sa akin si Dom. Tingin ko sa kanya ay narinig niya ang pinag-usapan namin ni Carlo.
"We need to talk," aniya pagpasok sa kwarto.
"Tungkol saan?"
"Kung bakit ka nandito."
"Dinala ko rito nang sapilitan."
"I can give you your freedom."
"Totoo?"
"Are you willing to make a deal?"
"Sige, makikinig ako."