HERE'S MY WORD READERS!! SINABI KO NAMAN NA HAHABAAN KO ANG CHAPTER NA ITO DIBA? PERO ONTI LANG NAMAN ANG NAIDAGDAG KO. ENJOY MY STORY MWA!!
-MS.CATH?✨
..
"Mag iingat po kayo mama, daddy!! have a safe flight." Paalam ko kila mama habang nasa labas ng school dahil meron silang aasikasuhin sa palawan na papeles dahil taga doon ang bagong ka negosasyon ni daddy.
1 week sila mawawala kaya binigyan na rin nila ako ng allowance. Malungkot man ay masaya parin ako dahil mag kakaron sila ng time together.
Pag pasok ko sa school ay marami nang nag kukumpulan na estudyante sa quadrangle at baka dahil yon sa gaganaping meeting para mamaya. Tinignan ko naman agad ang relo ko ng makitang 7:01 na kaya dali dali akong umakyat sa school para maunahan si sir velasquez sa room dahil may quiz kami ngayon.
Pag pasok ko ay agad ko naman nadatnan ang mga kaklase ko na hiwalay hiwalay ang upuan, pero 2 chair ang hati. Bali mag kadikit ang bawat dalawang upuan.
Nang lingunin ko sila patricia ay nakita ko agad silang nag babasa ng isang libro at kasama sila julia at ayesha kaya pinuntahan ko sila.
"Anong ginagawa nyo?." Tanong ko at napatingin naman sila sakin.
"Nag rereview te! wala kaming kaalam alam sa basketball nayan jusko! okray si sir." Pag rereklamo nya na agad nag patigil sakanya dahil pumasok si sir velasquez.
"Goodmorning aether! Are you ready for a quiz? i know that not all you are familiar about basketball history kaya naman gumawa ako ng seat plan na kailngan nyo sundin, para narin maiwasan ang kopyahan." Saad nito kaya nag bulungan naman ang ibang nga kaklase ko at yung iba at naiiyak iyak pa.
"So let's start the arrangements. Lahat kayo ay tumayo at kung sino ang dalawang surname na babanggitin ko ay ayon ang mag kakatabi, are we clear students?"
"Yes sir!" Sigaw namin lahat.
"Okay let's start."
Inikot ko ang paningin ko habang nasa gilid nila patricia, hindi na ako nakabalik sa upuan ko dahil agad nag announce si sir.
"Valderama - Wancho."
Nakita ko naman si patricia na umupo sa harapan habang ani moy nakangiti pa.
"Leomor - Velgar."
Napatingin naman ako kay ayesha at vince na umupo sa row 2.
"Mczine - Carter."
Nginisian ko naman si julia ng kinindatan ako dahil katabi nya ang ultimate crush nya.
Di ko alam kay julia kung anong pumasok sa isip nya bakit si sean pa, halata namang babaero. jk
"Carter - Buena." Saad ni sir habang si eunice naman ay napataray nalang. Hindi nya siguro gusto ang katabi nya.
"Vera - Gavir." Wika ni sir at sa hindi inaasahan ay sumigaw si fatima.
"What?! are joking sir? ayoko katabi yan!." Sigaw ni fatima at nang lingunin ko yung katabi nya sa upuan ay muka namang mabait at nerd tignan.
"Im not joking here ms.vera. If you dont want to sit with mr. gavir, you can get out of my class now." Kalmadong saad ni sir velasquez at wala naman nagawa si fatima kaya umupo sya sa row 2 sa likod nila julia.
"Alcantara - Ramirez."
Agad naman akong napatingin kay kaiden na naka upo na agad sa upuan sa kanan, nakatingin lang sya kay sir velasquez.
Pumunta naman ako agad sa upuan namin ni kaiden at umupo narin. Mag sasalita na ulit sana si sir ng tumayo si fatima.
"This is unfair! i will tell this to grandpa and soon you will get out if this school." Madiin nyang salita at pinakatitigan nya ni sir velasquez at tumayo.
"What? as far as i know ms.vera wala akong ginagawang mali. So why would dean fired me huh? Do you want me to tell them na kaya mo ko paalisin dito just because hindi mo gusto ang katabi mo?" Seryosong sabi ni sir.
Wala naman agad nasabi si fatima at umupo nalang.
Itinuloy na ni sir ang pag bibigay ng mga mag kapareha ng upuan at nang matapos ay tumayo sya sa gitna at nag salita.
"Listen, a lot of you guys are confused dahil ipinareha ko kayo sa mga boys at hindi sa totoong upuan nyo. The real reason ay ang iilan sainyo ay walang alam sa history of basketball kaya naman ipinareha ko kayo sa mga may alam para hindi kayo mahirapan sa quiz." Wika ni sir at inopen ang screen sa taas na bumukas.
"You have 30 minutes para tapusin ang 20 item, if you got 11-20 you passed. But if you got 1-10 score ay bagsak ang first quiz nyo. Understand?."
"Yes sir!."
"Okay you may now start."
Umupo si sir sa harapan at pinakatitigan lang kami. Tinignan ko naman ang nasa screen at unang tanong palang ay hindi ko na alam kung anong sagot.
bakit ba kasi hindi ka nag review?! ayan nakakahiya.
Napansin ko naman sa gilid ng mata ko ay nag susulat si kaiden kaya nag sulat narin ako ng name ko pero pagtapos ay natulala nalang ako at kinakabahan dahil baka makita nyang hindi ko alam.
shit! lupa kainin mo nalang ako now please.
Nag akto naman akong binabasa ang nasa screen pero diko namamalayang paulit ulit nako.
"Who and When / Invented of basketball?"
"Who and when / invented of basketba-"
"James Naismith 1891." Biglang mahinang saad ng lalaki sa tabi ko na si kaiden.
nakakahiya!!
"S-salamat." nahihiyang sabi ko.
"Free to ask me kung hindi mo alam." Seryosong sabi nya habang nag susulat sa papel.
Nakakahiya!! next time ay mag rereview na talaga ako promise!! puro kasi pag sasanay sa kakayahan ko ang inaatupag ko.
Nag sagot narin naman ako agad at sa kahihiyan, halos lahat ng question ay itinanong ko kay kaiden dahil wala talaga akong alam sa history nito.
Buti nalang ay hindi sya nag sungit at tinulungan ako dahil kung hindi ay baka nilamon nako dito sa kinauupuan ko.
"Dont forget the deal." Huling saad nya at kinuha ang papel ko at shaka ibinigay kay sir.
Halos lahat naman ng mga kaklase ko ay tumingin sa kanya at sila patricia naman ay nag susumamong nakatingin sakin kaya sinenyasan ko silang kaya nila yan.
sorry, kahit ako nangopya lang din huhu.
Nang matapos ang 20 mins ay umalis na sir at nag paalam.
"Goodbye class, bukas din ay malalaman ninyo ang scores nyo." Huling sambit nya at umalis na ng tuluyan.
Nag bell naman agad kaya napatingin ako sa oras.
7:45 am.
ang aga pa ah? mali ba relo ko?
Natahimik naman ang lahat ng may mag announce sa speaker. Bawat classroom ay may speaker na naka kabit sa taas ng pintuan kaya tuwing mag aannouce ay lahat talaga makakarinig.
"GOODDAY STUDENTS! TO ALL GRADE 12 WITH ALL SECTIONS, YOU MAY NOW GO TO BLUEROOM FOR OUR MEETING TODAY! HAVE A NICE DAY."
Tumayo naman kami agad at nag simulang mag ayos ng gamit. Iniiwan narin namin ang mga bag.
"Tara zein! tabi tabi tayo." Saad ni patricia na inaayos pa ang wig nyang naka curl.
"Madaling madali ka naman te! excited kaba talaga sa meeting o sa mga ibang section HHAAHHA!!" Pang aasar ni ayesha at hinila naman agad kami ni patricia.
HABANG nag lalakad sa hallway ay marami rami naring mga estudyante ang bumababa at ang iba naman ay nag mamake up pa habang nag lalakad.
"Look girls!! ang gwapo nung nasa section Fierre!!" Kinikilig na saad ni patricia.
"Tigilan mo nga kami pat ayan ka nanaman, kami nanaman mahihiya sayo e!" Angal ni julia na nasa tabi ko.
"Ay nako, Hindi uso ang hiya kapag may dinadalang magandang muka no!."
"Anong ibigsabihin?" Tanong ni ayesha.
"Look oh! si anteh, naka hawak sa braso ni papa kaiden! jusko!." Iritang sabi nito kaya lumingon naman kami.
Nakita namin sila kaiden at sean na kasama sila fatima at eunice. Si Fatima naman ay todo hawak kay kaiden habang si kaiden ay mukang gustong gusto pa.
bagay naman sila.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na to pero tanging inggit at inis lang ang niisip ko habang nakatingin sa kawalan.
"Zein are you okay?" Rinig kong sabi ni julia na nasa tabi ko, habang si pat at asyesha ay kung sino sino ang sinusulyapan.
"Ah yeah, why wouldn't i?" Saad ko.
"E kanina kapa tulala e, malapit na tayo sa hagdan ganyan ka parin."
Nginitian ko naman agad sya at tumungo na kami sa blue room.
Namangha kaming apat dahil sa ganda at laki ng blueroom, literal na kulay asul talaga ang buong loob at may stage sa dulo na ang gagara ng mga disenyo. May upuan na apat sa gitna at may logo ng university sa pinaka gitna. Walang ni isang upuan sa buong hall tanging sa stage lang kaya baka lahat ng estudyante ay mag iinjansit dito.
Hile hilera naman ang mga estudyante at per section. Kaya nang makita ang section namin na nasa gitna ay agad kaming umupo roon.
"Mauna ka muna julia, nahihiya ako sa unahan!." Wika ni patricia.
"Ay tigilan moko pat, ikaw ang mauna para makakita ka ng boys pag tayo mo o pak!." Natatawang saad ni julia na umupo sa likod ko.
"Kaya mo na yan te malaki kana!." Sigaw ni ayesha na umupo sa tabi ko.
Tinignan naman ako ni patricia na parang nag mamaka awa kaya wala naman akong magawa kundi umupo sa harapan at sumunod naman sa tabi ko si Ayesha.
Mas mabuti naring nasa unahan ako para mas maka focus ako sa harapan at walang abala sa gilid gilid.
Tahimik kaming naka upo ni ayesha sa harapan ng biglang may nakita kaming mga paa sa harap namin.
"Boys and girls ang assign bawat section ms." Rinig naming sambit na nasa harapan namin kaya naman tumingala kami at nakita sila kaiden at vince kasama sila sean na kasama rin sila fatima.
"Okay, sorry." Saad ni ayesha at tumayo.
Nag step forward namn ako para sa likod ko sya umupo.
Bigla naman umupo si kaiden sa tabi ko at sinundan nila vince pero ang pinag tataka ko ay nakatayo parin si fatima sa harapan ko.
"Get up." Mataray nyang sagot.
Marami ng mga estudyante kaya nakakahiya nang tumayo pero ang nasa harapan ko ay hindi yata nahihiyang mag taray na nakikita ng maraming estudyante.
"I said get up or else."
"Or else, what?." Seryoso kong tugon.
"Gusto mo ba ulit mapunit yung polo mo? just tell me zein."
"Then do it fatima, show what you can do infront of students behind." Pag tataray ko rin sakanya.
Mag sasalita pa sana sya ng pinigilan sya ni kaiden.
"Just sit in back fatima, we have a deal." seryosong saad nya kaya tinarayan nalang ako ni fatima at nag simulang mag lakad papunta sa likod.
Sobrang daming estudents pala na nasa likuran at kaliwat kanang katabi kaya anytime na may mangyari dito sa harap ay mapapansin ka talaga.
..
Nag si tahimik naman bigla ang lahat at napukaw ang atensyon naming lahat sa babaeng umakyat ng stage at nag simulang mag salita.
she looks like my mom.
Napahanga naman ako sa gandang akin nya habang naka suot ng formal red dress at naka pony tail ang buhok. Medyo may hawig sila ng kagandahan ni mama pero mas maganda parin ang mama ko.
"Hello everyone, im Mrs.Guevera the head of all departments in this university. I'd like you introduce to you, Mr. Vicente Hilario the dean of this university!!."
Nag palakpakan naman ang lahat ng estudyante at ang mga professor na naka kalat sa gilid.
Agad namang umupo ang dean sa pinaka unang upuan.
May umakyat namang dalawang babae at isang lalaki sa stage at umupo sa tatlong upuan.
"Now let's start."
Tumayo na si mrs.guevera sa gilid ng stage at tumayo naman si dean para mag salita sa harap.
"By now I know you are all wondering what this meeting is for. This year, we will have an officer in this university to maintain the order of each department within the school. We will have four students who will be responsible and be good in the organization of this university."
Tumahimik sya saglit at ipinatayo ang isang babae na naka upo.
"She is Ms. Buenaventura, she is the one assigned for the four students who will maintain order in this school." Nag bow naman ang babae at umupo na.
"Maybe you are wondering why we need these four students. Because I found out that there are many bullies in this school and if it is not stopped, the whole school will be banned." Matigas na wika ng kataas taasang guro.
Nag simula naman mag sibulungan ang mga estudyante at nag simula ng ingay.
"Listen estudents!!" Sigaw ni dean na ikinatahimik ng lahat.
"She is Mrs. Villar, she is the one assigned to plan events, field trips." Muling pag papakilala ni dean sa babaeng mukang may edad na pero napaka formal tignan.
Nag palakpakan nmn ulit kaming lahat para sa pag tanggap at pag kilala sa kanya.
"And for the last, We have Mr.Damson. He is the handler of sports."
Tumayo agad yung lalaki at nag bow din sa harapan namin.
Pag tapos non ay ipinaliwanag lang ni mrs.guevera ang mga process sa pag kuha ng apat Students na responsible sa paaralang ito.
Habang nakikinig ay tumunog ang bell at nag simulang mag announce.
"STUDENTS. THE MEETING IS OVER, YOU CAN NOW LEAVE."
Andami naman agad nag si takbuhan at nag si hiyawan.
Pag tingin ko sa relo ko ay 11:33 na, 12-1 ang lunch kaya marami pang oras.
Nag aya naman agad sila julia na kumain sa cafeteria dahil sa gutom.
"Grabe no! e ano nalang i aasal ng four Students na yon dito sa university, i hope di sila masasama." Saad ni patricia.
"Okay lang daw ang volunteer hindi ba? pero kailngan may mag vote parin." Sabat naman ni ayesha.
Pag pasok namin sa cafeteria ay umupo agad kami at si patricia na ang nag order.
Tumunog ang cellphone ko at may kung anong number ang tumawag don kaya sinagot ko.
"hello?"
"Did you forget our deal?"
Hindi ko alam kung sino ang nag sasalita at diko rin maintindihan.
"uhm sorry? do i know you? wrong nu--"
Hindi ko natapos ang salita ko ng maalala kung sino yon at paano nga nakuha ang number ko?.
"Zein its me, kaiden." Saad nito.
Muli ko naalala ang pinag usapan namin kagabi..
"Sorry i forgot, kasama ko sila pat-"
"No excuses."
Bigla ko naman agad kinuha ang bag ko at nag paalam kila julia na may pupuntahan lang ako at Mauna na sila kumain at wag nako antayin.
"I'll text it to you"
Huling sambit nya at binaba ang tawag.
Madaling madali naman ako lumabas nag cafeteria at hinanap sya sa paligid.
Habang palabas ng hallway ay wala akong nakikitang estudyante siguro dahil dulong building ito at bahagi ng A3.
tatawagan ko pasana yung number na tumawag sakin ng biglang may humbalot sa akin at tinakpan ang bibig ko.
Bigla naman ako nag panic at ng tignan ko ay si kaiden pala.
"Ano bang ginawa mo?." Saad ko saknya at tinakpan nanaman ang bibig ko.
Hindi ko alam kung anong problema ng lalaki na to pero sa pag aakto nya ay parang ayaw nya ako mag ingay kaya nag babang balikat ako at tinanggal ang mabango nyang kamay sa bibig ko.
"Are you a kidnapper in past life?." Masungit kong sabi sakanya.
"Iniligtas na nga kita, nag susungit kapa? you should be thankful." Mahinang sabi nito.
sasabat pa sana ako ng bigla nyang hatakin ang bewang ko at ipinasandal sa ding ding sa gilid ng hagdan.
May narinig naman ako agad na nga boses lalaki na nag uusap usap.
"Asan na yon? nawala bigla pre."
"Yari nanaman tayo kay fatima nito."
Napatingin naman ako kay kaiden na mainim na nakatingin sa mga lalaki at nang akmang susugurin nya ito ay pinigilan ko sya pero huli na dalin nakagawa sya ng ingay gamit ang basuran na nasa tabi malapit.
Nang makita naming lumingon ang isang lalaki sa direksyon namin ay agad akong kinabahan dahil nag labas ito ng maliit na kutsilyo.
Alam kong kinabahan din si kaiden pero kita sa mga mata nya ang galit at gustong sugurin ng lalaki.
I'll do it again.
Ipinokus ko naman ang mga kamay ko na nasa gilid at itinutok ito sa kung saan ang basurahan na hindi nakikita ni kaiden para pagalawin at para maisip ng mga lalaki na pusa lang yon.
Nag fofocus ako sa basura na tinitignan ko malapit na sa amin ang anino ng lalaki at biglang...