CHAPTER 9 : GETTING CLOSE

1945 Words
... "How can we protect her federico? natatakot akong mawala ang anak ko sa akin." "Lalayo tayo elena, poprotektahan ko ang anak natin laban kay ina." "Hanggang kailan tayo mag tatago federico? at paano kung matuklasan na ni liana ang kakayahang meron sya?." Hagulgul na iyak ni mama habang kaharap si daddy. UNTI UNTI akong napadilat at nagulat ako dahil wala ng mga estudyante sa classroom. Tinignan ko naman ang katabi ko na mas ikinagulat ko dahil si kaiden ay naka pikit. Pinag masdan ko ang muka nya saglit at tinignan ang relo ko. 3:15 pm Tumayo ako na kinadahilan ng pag gising nya at nahihiya akong tumingin. "Sorry nakatulog ako, hindi ko naman ala-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mag salita sya. "Its okay, actually ako dapat ang mag pasalamat sayo because you did it." Kalmadong sabi nya habang nag aayos ng gamit. "Why? g-gusto mo rin?." Gulat kong tanong pero ngumisi lang sya. "Ofcouse.." "H-haaa?" "Not." Ngising sabi nya kaya tinarayan ko sya at inayos ang gamit sabay alis sa harapan nya. "Hey where r you going!!." Sigaw nya "Kakain, bakit lilibre mo ba ako?." Pag tataray ko sakanya. Nanatili syang napatitig sakin at ngumiti nalang bigla. "Libre kita? anything you want." "No need, gusto mo bilin ko pa sayo yung cafeteria sa baba?." Pag tataray ko parin sakanya. "Okay okay relax." Inis ko naman na sya nilingon at umalis na ng tuluyan. ... - KAIDEN ALCANTARA POV. - Gusto Tinitignan ko lang si zein habang paalis ng classroom. Muli kong naalala ang pag tulog nya kanina sa balikat ko, aaminin ko man ay nakaramdam ako ng kuryente sa pagitan naming dalawa. Dumating si sean kanina at muli kong sinenyasan na umupo nalang sa iba at wag ng istorbohin ang babae na nasa tabi ko. Lumabas naman agad ako at hinanap sila sean. Nag lakad lakad ako sa hallway habang inuunat ang kanang balikat ko. nangawit ako don ah. "Pre! Tagal mo bumaba ah!." Sigaw ni sean mula sa bench habang kasama sila jerome. Diko naman sya pinansin at umupo nalang sa gilid at kinuha ang libro na binigay ni sir velasquez. Marami naman akong alam about basketball but gusto ko parin mag review para sa quiz tomorrow. Ayoko ma disappoint sa akin si dad and also mom. Ako nalang ang pinag kakatiwalaan nila na hindi sisira ng pangalan nila. "Pre nga pala nag announce kanina habang tulog kayo ni zein sa roo-" "Shut up sean, sige isigaw mo pa." Inis kong sabi sakanya. "May gusto ka talaga don pre? yung classmate nyong curly yung dulo ng buhok diba?." Saad ni jerome sa tabi ko. "I dont like her." Seryosong sabi ko habang naka tingin sa libro. "You dont like her but you let her sleep on your shoulder? bago na ba yon kai? HAHAHAHAHAH!!" Pang aasar nanaman ni sean kaya tumayo ako at akmang lalayo na sakanila ng biglang tumunog ang bell at may nag announce. "GOODAFTERNOON TO ALL STUDENTS. WE HAVE TO INFORM YOU THAT EACH DEPARTMENT WANT TO HAVE A MEETING WITH ALL OF YOU TOMORROW 9AM IN THE MORNING. THANKYOU AND HAVE A NICE NOON." Madami naman agad nag bulong bulungan at nag iisip kung ano ang pag memetingan bukas. Pumunta naman agad kaming lima nila vince, jerome, jared at sean sa cafeteria para bumili ng snacks para sa last subject namin. Habang papunta sa cafeteria ay may nakita kaming nag kukumpulan na mga estudyante kaya agad naman sila sean tumakbo para pumunta don dahil chismoso sila, but im not kaya dumiretso nako sa cafeteria. Ganon na lamang ang lag tigil ng paa ko ng marinig ang sinabi ng ibang babae. "kawawa naman yung babae! kanina lang punit yung polo tapos ngayon tshirt naman nya puro ketchup." Nag duda naman ako agad at hindi ko alam kung bakit kaya bigla nalang gumalaw ang mga paa ko na patungo sa mga nag kukumpulan at pinaka titigan kung anong meron at... Nakita ko si zein na pinupunasan ng tissue ang damit nya na puno ng ketchup habang ang mga kaibigan naman nya ay tinutulngan sya punasan ito. Si fatima ay may hawak na isang bote ng ketcup, sa likod naman nya ay si eunice. Pumasok ako sa mga nag kukumpulang mga babae at hinila si fatima. Dinala ko naman sya agad sa hall na walang tao. Kahit na narinig kong sumunod sila sean at hinila ko parin si fatima at binitawan na ng makitang wala ng ibang estudyante sa hallway. "Are you really like that fatima?! bumalik kalang ba dito para mangbully? seryoso kaba ha?!" sigaw ko sakanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang matinding inis ko at kung bakit nagawa kong sigawan sya. "Pag tatanggol mo parin yung babae na yon? ano mo ba sya ha?! you dont deserve that girl kai! ako lang ang nababagay para sayo." Naiiyak na sambit nya kaya pinakalma ko ang sarili ko at pinaka titigan sya. "Sana naisip mo yan bago nyo ko tinarantado noon." Huling katagang nasabi ko sakanya at kinuha ang susi kay sean. I hate her, hindi ko alam na mas lalong lalala ang ugali nya na kaya nyanang manakit ng ibang tao just for her own sake. Nilabas ko ang sasakyan at ng hindi ako pinag buksan ng bargate ng guard kaya binuksan ko ang bintana at tinignan sya. "Do you want me to call my father?." Seryosong sabi ko at wala naman sya agad nagawa kaya binuksan nya iyon at pinahaharurot ko ito. Dinala nalang ako ng sasakyan sa bahay at nakalimutang makita ako nila mommy na ako ang may dala... ... ZEIN LIANA MARTINEZ POV. - "Malandi ka talaga no?." Gulat namin nila julia habang kumakain sa cafeteria dahil bigla nalang nakatayo si fatima sa harap namin na kasama si eunice at ang alipores nito. Hindi naman namin sya pinansin at akala namin ay titigil sya pero mali dahil hinila nya ang tshirt na suot ko at hinila ng tuluyan palabas. Hinila ko ang damit ko mula sa pag kakahawak nya at ipinalayo ang mga kaibigan ko. "Patricia alis muna kayo hayaan nyo nako." Hindi parin sila umalis at pumagitna si patricia samin at tinignan sila fatima. "Hoy impakta, ano nanaman problema mo kay zein?." Unang sabat ni patricia. Nakita ko naman nag taas ng tingin si fatima na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni patricia saknya. "How dare you!! Bakit? Yang malandi mong kaibigan ang dahilan kung bakit nag kakaganito sakin si kai." sigaw nya at binuksan ang bote na hawak nya. "Gusto mong mapansin Hindiii ba? ito saluhin mo!" Sigaw nya kay patricia na nasa harapan ko kaya naman tinabig ko sya at humarang sa kanila kaya ako ang natapunan ng ketchup. Hindi pa mandin ako nakaka balik sa ulirat ng tapunan ako ng ketchup ay bigla nalang akong sinugod ni fatima at sinampal. Hindi ko alam ang gagawin at nag aalangan parin ako gamitin. Umawat naman sila julia at si fatima naman ay tumayo dahil nadaplisan sya ng ketchup. Napatingin naman ako sa mga dumating at pinaka titigan lang ang ginagawa nya. .... PAGTAPOS ng lahat ng nangyari ay umuwi narin ako at hindi na ako nag pa sundo kay manong gido dahil ayokong malaman to nila mama at daddy dahil baka ituloy nila ang pag bili ng ibang shares sa school na yon. Maraming kilala si daddy dahil businesses man ito at si mama naman house wife lang pero mahilig syang mag benta ng mga flowers online. Ayaw ng daddy na mag work si mama dahil kaya naman daw nya ibigay ang pangangailngan namin sa araw araw. Malalaking tao ang kakilaa ni daddy, wala syang permanenteng trabaho dahil iba iba ang mga nakaka negosasyon nya. Magulo i explain ang work ni daddy pero wala naman akong dapat alamin don dahil kahit mabawasan man ang pinag kikitaan ng pamilya namin ay hindi naman ako matatakot o mangangamba dahil narin pinalaki ako nila mama na natutong mag tipid at wag kilalanin ang sarili na mayaman. ... PAGPASOK ko sa bahay ay biglang sumalubong sa akin si ate jessa at nag aalalang tinignan ako. "Binully ka nanaman ba sa school nyo? ano ba nangyari maam lia?" Pag aalalang tanong nya. Ilang beses ko na ikinowento sakanya ang nangyayari sakin sa school kapag may time dahil sya lang naman ang pinaka close ko dito at hindi nalalayo ang edad namin. 17 ako at sya naman ay 32. Hindi ba talaga nalalayo? "Wala to ate Jessa ok lang ako." Sambit ko at pinakatitigan sya "Dont tell this to mama okay? lilibre kita bukas ng perfume." Ngiti ko sakanya at umakyat na. Palagi ko nililibre si ate jessa ng perfume kapag may pabor syang ginagawa sa akin. Nakasanayan ko na ito dahil parang ate narin ang turing ko sakanya. Pag dating ko sa kwarto at nag linis narin ako at ibinaba ang tshirt na puro mancha ng ketcup. Dinala ko naman ang laptop ko kaya pag ka abot ko kay ate jessa ng labahin ay tumungo ako sa kitchen at nag luto lang ng salmon at pinapak. Habang kumakain ako sa lamesa ay inopen ko ang laptop ko para ichat sa gc sila julia dahil di ko na sila muling naka usap mula kanina bago ako umalis sa school. Chinat ko narin ang last subject naming professor dahil sa pag kawala ko sa klase kanina. Nag sscroll ako sa social media ng may mag chat at ng makita ko ito ay si kaiden pala. kaiden's message: "U okay? sorry for what happened." Bakit sya nag sosorry? teka.. Nag aalala ba sya? pero sabagay sya rin naman dahilan bakit galit na galit sakin yung babae na yon. To : kaiden alcantara "im okay." Nag scroll naman ako ulit dahil di ko naman na inaasahan ang reply nya pero nagulat akong nag chat parin sya. kaiden's message: "i told her already na tigilan ka na nya or else i will ignore her." Dapat lang dahil wala naman akong kinalaman sa relasyon nyo at kung anong meron kayo. Inubos ko naman ang kinakain ko at uminom narin ng milk at umakyat na. Pag patay ko ng ilaw ayaw di ko magawang makatulog dahil parang may bumubulong sakin na kunin ito at buksan kaya naman tumayo ako at niconcentrate ang kamay ko habang naka tingin sa laptop na nasa gilid ng drawer. Unti unti itong gumalaw at patungo sa akin. Inopen ko ito at may nakitang messenge galing kay kaiden. kaiden's messages : "Natulog ka sa balikat ko right? masakit parin hanggang ngayon yung balikat ko ms Ramirez." Naalala ko ang pag katulog ko sa balikat nya. Hindi ko alam na makakatulog ako nang lubos dahil ang plano ko lang ay pag initin ang ulo ni fatima. kaiden's message: "i already told you ms. ayoko ng salita.." ... To : Kaiden alcantara "What do you want? except sa kiss MR WHAT.EVER.YOU.ARE" .. Kaiden's message: "Lets have a lunch together tomorrow? libre mo, g?" ... Pag kasabi ni Kaiden ng ganon ay napaisip agad ako dahil baka lalong magalit sa akin si fatima. Hindi rin naman kami close ni Kaiden so bakit nyako inaaya? wag kang assuming. Okay fine di na ako nag aassume pero....aish basta iba! kaiden's message: "hey, are you sleep? im asking you a lunch." .. Nakalimutan kong mag reply saknya kakaisip ng possibleng dahilan nya pero sa tingin ko ay wala naman syang kahulugan. to : kaiden alcantara "G, ayoko ma expose." ... Kaiden's message: "okay." Di ko na pinansin ang reply nya at inoff na nag laptop at isinara na, ibinalik ko naman agad ito sa drawing at natulog na. AUTHOR'S NOTE!!! Hi readers!! sorry for a short chapter, bawi ako next chapter! be ready mwa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD