PAGGISING ko ng umaga ay nag unat lang ako saglit sabay bukas ng bintana. Tinignan ko naman ang orasan sa table ko at 6;47 na kaya dali dali akong pumasok sa cr at naligo.
Napansin kong wala ang body towel ko sa stand kaya naman inopen ko ang pintuan at itinutok ang isa kong daliri sa body towel ko na nasa study chair at sinimulang pagalawin ito at pinapunta sa akin, nang maabot ko na ay isinara ko na ulit ang pinto at nag bihis na.
Pag ka tali ko sa sintas ng rubber shoes ko ay agad akong bumaba para saglitang kumain.
"Goodmorning, you look nice huh." Bati ni daddy na umiinom ng hot coffee.
SInabihan kami ni sir velasquez kahapon na isuot na namin kaagad ang p.e uniform para hindi na aksayado sa oras.
"Hi dad, mama goodmorning po." Ngiting saad ko sakanila at kumain na.
Hinatid na ako ni daddy sa labas ng university kaya 7;23 palang, may 7 mins pa ako para maunahan si sir velasquez sa room.
ayaw nyang may nalalate.
Habang nag mamadaling puntahan ang building A3 ay may nabunggo akong isang babae.
"Are you blind?." Seryosong wika nito habang nakatingin sakin.
aga aga.
"Sorry nag mamadali kasi ako." Walang ganang sabi ko sa kanya dahil ayokong masira nanaman ang araw ko dahil sa mga taong katulad nya.
Pag lakad ko ay bigla ko nalang naramdaman ang buhok ko na may humila at napa upo ako sa sahig.
what the hell?
"Bastos ka, ganyan kaba pinalaki ng parents mo?" Matapang nyang salita sa akin na ani moy kitang kita sa mga mata nya ang galit na para bang anlaki laki ng kasalanan ko sakanya.
"What did you just say?." Sambit ko habang tumatayo. Kung maldita sya ay lalabanan ko sya.
"Bingi kaba? sabi ko bastos ka." Mataray parin syang saad.
"Nag sorry na ako sayo, ano pa bang gusto mong gawin ko?."
"Umalis dito sa university."
Takhang napatingin ako sakanya ng marinig ang mga sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato nya sa akin e hindi ko naman sya kilala.
"And who the hell are you para sundin ko?." Pag tapat ko sakanya.
Nagsasalita pa sana sya ng biglang mag bell at hudyat na ng first class, kaya iniwan ko na sya at tumakbo na paakyat sa floor.
Napansin ko ang mga kaklase kong nag baba baan na kasama si sir kaya yumuko nalang ako at inantay sila maka baba bago umakyat.
"Andon si mr.alacanta, sya ang mag lolock ng pinto at sumabay kana pagbaba." Halatang disappointed na ika ni sir.
Ayaw ni sir ng late, ipinaliwanag nya na sa amin kung bakit at sinabi ko rin sa sarili ko kahapon na hindi na ako mag papalate pero...look at me now.
Dali dali akong umakyat at pumasok sa room. Tumungo agad ako sa upuan ko at inilapag ang bag ko sabay ipit sa buhok ko.
Iniisip kong ako lang mag isa at kailngan ko ng makababa para makahabol.
sino ba sya para pansinin ko, were not close.
"Are you not going to thank me?" Saad nya at tinignan ko sya.
Napahinto pa ako saglit dahil iba ang itsura nya ngayon, bagong gupit at may parang tela sa noo.
"Nag thankyou na ako diba? ano pabang gusto mo?."
pareho lang sila ng babae na naka away ko kanina.
"Pero iba ang gusto ko." Rinig kong wika nanaman nya at bigla nalang hinawakan ang bewang ko at hinila papalapit sakanya.
Pinilit kong maka alis pero matigas sya, nakipag titigan nalang din ako dahil kahit ano naman gawin ko ay hindi rin naman ako makaka alis dito.
"Anong gagawin mo? hahalikan moko? ganyan ka naba ka desperado sa babae?." Seryosong sabi ko na akala ko ikaka tuwa nyapa pero biglang lumuwag ang pag kaka hapit nya sa bewang ko at binitawan ako.
"Ikaw nalang ang mag lock ng pinto." walang emosyong sabi nya at lumabas na ng tuluyan.
Totoo naman ang mga sinabi ko ah? atsaka mabuti narin yon para tantanan nya na ako.
Nang malock ko na ang pinto ay bumaba na agad ako at dumiretso sa ground.
Habang nag lalakad ay may pangilang ilan na tumitingin sakin at nag bubulungan.
Pag kakita ko kila sir Velazquez ay agad naman na akong tumabi kila julia at nag simulang makinig kay sir na tinuturo ang mga kahinaan ng isang player sa basketball.
Habang nag tuturo si sir velasquez ay may lumapit sakanya na matandang naka salamin, pero sa pag kaka alam ko ay sya yung naka paskil sa hallway ng office na may nakalagay sa baba na DEAN.
So sya ang dean ng school na to?
Napansin kong may babae sa likod nya at nang mapagtanto ay ayun yung babaeng naka sagutan ko sa hallway kanina.
Umiwas ako ng tingin at hindi nag pakita sakanya dahil ayoko ng gulo lalo na pag kasama ang mga kaibigan ko.
"Hi kai!!" Sigaw nya na nakatingin sa likuran namin nila julia.
"Hala diba ayan yung ex-girlfriend ni kaiden?" rinig kong sabi ng mga babae sa harapan namin.
ah ex nya pala, kaya pala kaugali nya.
"Section aether listen, you have a new classmates and give her a quite behavior." Nakangiting announce ni sir at pina punta sa harapan yung babae.
"Hi everyone, i am Fatima Vera and i know na kilala nyo na ako because Kaiden and i are--"
"Sir di pa ba mag sisimula? umiinit na kasi." Pag putol ni kaiden sa sasabihin ng babae.
Umupo naman agad sa likuran namin si fatima at halatang tumabi kay kaiden na nasa likuran namin. Nag tuloy tuloy naman na ang lesson at umalis na rin si dean.
"Class let's go up, ready for the quiz tomorrow." Huling kataga ni sir at umakyat na.
"Te parang ang sungit nung bagong classmate natin no?." Bulong ni patricia samin at nag simula ng umakyat.
Sinulyapan ko namn saglit ang mga kaklase ko kung aakyat narin ba nang mahagip ng mata ko ang grupo nila kaiden na papunta sa canteen. Agad naman na kaming lumayo at umakyat na.
...
NATAPOS na ang next lesson pero di parin bumabalik ang katabi ko, wala naman akong pakeelam doon.
Napa baling naman agad ang tingin ko sa pinto ng pumasok si sean at si vince pero wala si kaiden at yung babae.
bakit ba inaantay mo sya zein?
Habang nag sisimula na mag lesson ang professor sa harapan ay napapansin ko nalang ang sarili ko na panay silip sa pintuan.
"Inaantay mo si kaiden?" Pang aasar ni sean na nakatingin sakin, pinapagitnaan namin ang upuan ni kaiden kaya malapit lang din sya sa akin.
"Stop joking sean." Pag susungit ko.
"Dinala nya si fatima sa clinic." Seryosong sabi nyana at nag focus na sa harapan.
"As if i care to know." Huli kong sambit pero alam kong di naman nya narinig yon dahil mahina lang ang pag kaka salita ko.
"Okay class dismiss, ready for the next class."
...
-
KAIDEN ALCANTARA POV.
- Fatima Vera
Inip na inip nako dahil ginagamot pa ng nurse ang braso ni fatima na na tabig kanina sa cafeteria.
ano kayang ginagawa nya?
"Pwede kana pumasok iha, pero wag mo lang pa sasanggian dahil may possibility na dumugo." Huling sabi ng nurse bago kami iniwan.
"It hurts kai." Saad ni fatima habang naka hawak sa braso ko.
"Lets go back to our class fatima." Seryosong sabi ko dahil kanina pa ako inip na inip.
"Why? dati lang ay gusto mong masolo ako."
"We're done fatima."
"Bakit ganyan kana sakin? is this because of that girl?." Seryosong sabi nya na halatang naiinis.
i dont know.
"Walang kinalaman si zein sa kung anong meron tayo fatima, pinahiram ko lang jersey ko and thats all." Paliwanag ko at lumabas na mag isa sa clinic.
Dire diretso akong umakyat at nang papasok na sa room ay naramdaman ko syang humawak sa braso ko.
i dont like arguing with her because she always acting like my girlfriend.
Pag ka pasok namin ay hanggang sa upuan ko ay sumunod parin si fatima at tinignan si zein.
"Alis, jaan ako." Pag susungit ni fatima kay zein na tinitignan lang sya.
"I said stand up! bingi ka ba talaga huh?!."
"Sino ka ba para sundin ko? im the first who sit here ms. so shut up your mouth and find your own chair." Seryosong saad naman ni zein na ikina tawa ni sean na nasa tabi ko.
Bigla naman hinila ni fatima ang buhok ni zein kaya napa aray ito kaya pinigilan ko agad sila.
"Fatima stop!!" Sigaw ko pero di parin sya tumitigil at biglang sinira ang polo ni zein sa harap na butones kaya napa upo ito at hinarangan nya gamit ang bag nya.
fuck!
Walang emosyon si zein na tumayo at tumakbo papunta sa labas, sinundan naman sya ng mga kaibigan nya.
"Ano bang ginawa mo?! are you really like this fatima?." Inis kong sabi sakanya.
"Ano bang mali sa ginawa ko kai? pinapaalala ko sakanya kung saan sya lulugar!!." sigaw nya at umupo sa upuan ni zein.
lumabas naman ako at dire diretso sa bench para mag pa lamig, di ko alam kung anong pwedeng gawin para tigilan nya na ang ugaling meron sya.
isa rin ito kung bakit hiniwalayan ko si fatima, not just because she cheated pero dahil sa ugali nyang napaka selosa.
I only love her for my entire life. Sya ang first girlfriend ko na sineryoso ko, i always begging for her time that time when we are in highschool until i saw her with my fvcking bestfriend in bed last year. Tuwing naalala ko ang pang gagag* nila sakin ay hindi ko na muling gustong aalalahin pa kaya kahit sila sean ay hindi na binabanggit sa akin.
Ngayong nandito na sya ay muli nya nanamang guguluhin ang buhay ko pero hindi nya na ako makukuha pang muli dahil wala na akong nararamdaman sa kanya ni katiting.
-
ZEIN MARTINEZ POV.
- Break the rule
"Iwan nyo muna ako pat, gusto ko mapag isa." Walang ganang sabi ko kila patricia na kasama ko ngayon sa cr.
Iniwan din naman nila ako agad kaya nilock ko ang pinto at umupo sa gilid.
Ngayon lang ako napahiya ng ganito. Hindi ko kailanman pinangarap o inaral na manakit ng babae dahil babae rin ako at mas malakas ako sakanila. Hindi ko lang lubos maisip na kaya tong gawin sakin ng normal na babae na yon.
Anong silbi ng kakayahang meron ako kung hindi ko naman kayang gamitin sa mga taong gustong manakit sakin.
Maibabali ko na ba ang sinumpaang hindi kailanman ako mananakit ng tao?
argh!! i hate myself.
Tumayo ako at tumingin sa salamin sa harapan ko. Pinakatitigan ko ang sarili ko at tinignan ang sirang polo na suot ko.
I'll break my rule now.
Inalis ko ang polo ko at kinuha ang tshirt sa bag ko atshaka sinuot. Tinuck-in ko ito sa skirt ko.
Inayos ko lang ang sarili ko at kinuha ang lolipop sa pocket wallet ng bag ko.
Pag ka labas ko ay napag pasyahan kong mag ikot ikot muna sa campus at tikman ang mga best seller sa bawat cafeteria.
Naalala ko last time, pumunta kami sa batanggas, at tinikman lahat ng iba't ibang klase ng lomi. Ginagawa ko ito tuwing na bobored lalo na sa byahe.
"Zein?" Salita ng kung sino sa likod ko at nang lingunin ko ay nakita ko si tyron.
bakit ba palagi ko syang nakikita tuwing mag isa ako?
"Uy tyron! wala kang klase?." Tanong ko habang nilalaro ang lolipop sa bibig ko.
"Wala e daming walang prof ngayon dahil sa pameeting ng nga headquarter teacher."
Napansin ko naman agad na naboboringan sya kaya inaya ko nalang sya samahan ako sa gusto kong gawin. Medyo na weirduhan pa sya sakin pero napansin nya naman agad na masaya yon.
"Nga pala bakit naka tshirt ka?." Pag tatanong nya sakin habang nskatingin sa dinadaanan namin.
"Ah kasi yung babae na bagong transfer sa section namin, nag wala at ako ata yung napag initan." Walang kwenta kong sabi dahil wala naman talagang sense ang pangyayari na yon.
"Sino? andami pa namang bully sa bawat room."
"Yung Fatima vera, ewan ko ba ang init ng dugo sakin."
"Ah si fatima, classmate ko yon dati at ganon na talaga yon malakas ang loob nya dahil kaibigan ng lolo nya si dean at isa pa selosa kasi kaya baka nag selos sayo HAHAH." natatawang wika nya.
"Bakit naman sya mag seselos sakin? wala naman akong ginagawa sa ex nyang si kaiden."
"Ewan ko ba sa babae na yon, nagawa nya ngang lokohin si kaiden tapos ngayon babalik sya para guluhin ulit yung buhay ng ex nya."
lokohin? niloko nya si kaiden?
"Niloko? e mukang si kaiden pa nga ang kayang manloko." Natatawang ika ko na halos di maka paniwala.
"Fatima and his bestfriend are having a s*x in bed, nakita nya mismo yon ng mga mata nya kaya ganon nalang laki ng galit ni kaiden don at simula non naging masungit na yan si kaiden." Seryosong sabi nya.
At ngayon ay nag babalik sya na parang hindi nya sinaktan si Kaiden?
Napaisip naman ako ng kalokohan para maka ganti sa babae na yon. "A-ahh tyron Mauna na ako ah? inaantay pa kasi ako nila julia e." Nag mamadaling paalam ko sakanya.
Tumakbo ako at pumunta agad sa classroom. Papasok palang ako ng makitang naka upo na si fatima sa tabi ni kaiden.
san ako uupo?
Pumasok ako at tumayo sa gitna. "Sean pinapatawag ka ni dean."
Napatingin naman agad sya sakin at kinindatan sya.
Pag tayo nya ay dumaan sya sa harap ko at binulungan ko saglit.
"Pahiram ng upuan mo, I'll treat you later." Bulong ko at tumawa naman sya sabay labas.
Pumunta ako papunta sa harapan ni kaiden at umupo sa upuan ni sean. Napansin ko namang napatingin sila ni fatima pero di ko sila pinansin at inisip ang susunod na plano.
let see kung hindi uusok yang mata mo sa selos.
Habang nag tuturo ang professor sa harap ay lahat namn sila ay nakafocus, mahahalata rin na boring ang lesson kaya nag panggap ako na inaantok.
Unti unti ko munang pina halata kay kaiden na inaantok antok ako at napapansin ko namang lumilingon lingon sya.
Maya maya pa ay dahan dahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat nya na ikinahinto nya saglit.
"what the hell.." rinig kong mahinang saad nya.
Hindi nya magawang mag ingay dahil nag pa alala na si mrs. guadamor na once na may marinig sya ay lalabas ng room.
Nanatili nalang ang ulo ko sa balikat nya at medyo nararamdaman ko naring nadadala na ako sa antok kaya di ko na mapigilan...