Chapter II - Outcast
Pag katapos marinig ni Jiro mag salita ang babae habang siya ay naka titig sa kanya, dun lamang siya nahimasmasan at agad agad na humingi ng paumanhin.
Jiro: “ah eh, di ko sina sadya, sorry sorry!” (agad na inalis ang tingin sa babae sa kanyang likuran at humarap)
Jiro: “grabe anung nangyare sakin? Anu un? para akong ilang sigundong nawala sa sarili” (nag salita sa kanyang isip)
Jiro: “at sino naman un babae sa likuran ko, tatlong taon na ako dito sa Elite Saint University pero ngayon ko lang siya nakita"
Di nag tagal habang kina kausap ni Jiro ang kanyang sarili, napansin niya na halos lahat ng estudyante sa silid ay naka tingin sa babae na nasa likod nya.
(Mula sa groupo ng mga babae sa elite class family)
Girl 1: (habang naka tingin kay Mica) ang hindi ko malaman kung bakit, hinayaan nila ang isang commoner na kagaya nya na mag enroll dito.
Girl 2: ou nga, ang alam ko dapat mga elites at royalty lang ang mga pina payagan mag enroll dito sa Elite Saint University (mataray niyang commento)
Girl 3: “pero infairness maganda cia, baka naman un ang dahilan kaya siya naka pasok dito sa ESU”
Girl 2: “yuck! mag hahanap lang pala ng mayamang mapapangasawa, tapos dito pa ang napili? nakakadiri naman”
Girl 1: “malay natin, ginamit nya ung katawan nya para lang makapasok dito sa ESU”
Girl 3: “anu pa ba, malamang, ganyan naman ang Gawain ng mga mahihirap na yan” (natawa na animoy nang aasar)
Girl 4: “Ou nga, kaylagan pang bumuka para lang maka ahon sila sa hirap”
(sabay sabay silang tumawa habang pinag mamasdan si Mica)
(at mula naman sa groupo ng mga lalaki sa isang bahagi ng silid)
Guy 1: “Ang ganda nya, siguradong maraming mga tagapag manang lalaki mula sa mataas na pamilya ang pag aagawan siya”
Guy 2: “Ou sigurado yan, lalo na ung mga nasa Gold at Diamond section”
Guy 3: “ang malas Silver lang kasi ang nakayanan ng pamilya ko, siguro kung naka pasok ako sa Gold section mapapasin nya ako”
Guy 1: “naku wag kanang umasa”
Guy 2: “ou nga di kayo bagay no! mag papayat ka muna! (patawang tugon nya)
Guy 1: “haha tama tama! Ang taba mo e!”
Guy 3: “kung makapang laet kayo akala mo naman ang gwagwapo nyo!”
Ibat iba ang naging mga reaction ng mga estudyante kay Mica.
Ang ilan sakanila ay napahanga sa taglay nitong ganda, at ang iba naman ay nainis dahil nakapasok ang isang commoner na kagaya nya sa unibersidad.
Jiro: “grabe naman talaga ung mga ibang estudyante dito” (tahimik lang na nag mamasid sa mga estudyante)
Jiro: “Ou siguro nga nasa Elite o Royal family sila, pero lahat kami dito nasa Silver Class”
Jiro: “Ibig lang sabihin kumpara sa mga estudyate sa Gold at Diamond, kami ang pinaka mahirap sa lahat”
Jiro: “At malamang basura lang din ang tingin sa amin ng mga nasa mataas na level”
Jiro: “kung hindi ka sobrang gwapo, sobrang talino o sobrang ganda na kagaya ni Mica”
Jiro: “hindi ka makakakuha ng kahit na anung respeto sa mga class na mas mataas sayo” (salita sa kanyang isip)
Ilang sandli pa ang naka lipas ay dumating na professor nila at nabasag na rin ang ingay sa loob ng silid.
TIME 12:30 Lunch Break
Nag aayos ng gamit si Jiro, at nag hahandang lumabas para kumaen. Nang napansin nyang naka yuko lamang si Mica at animoy nag aantay na maubos ang mga estudyante sa room.
Jiro: Psst.
(Mica, hinanap kung sino ang pumaswit sa kanya)
Jiro: Psst.. Mica.. (pabulong)
Mica: Tawag mo ba ako? (mahinhin na salita habang tinu turo ang sarili)
Jiro: “Ou ikaw nga”
Jiro: “Ayus ka lang ba? Kakaiba kasi ung kini kilos mo e”
Mica: “Ayos lang ako” (nahihiyang sagot ni Mica)
Jiro: “di ka ba pupunta sa Cafeteria? Hindi ka ba kakaen?”
Mica: “kumaen na ako, busog na ako” (tumunog ang sikmura)
Jiro: (narinig ang tunog ng sikmura ni Mica) “parang di ka naman kumaen, pakiramdam ko gutom kana”
Mica: “hindi totoo, busog talaga ako” (yumuko ulit)
Jiro: “sige ikaw ang bahala” (natapos na sa pag aayos ng gamit at nag paalam na para kumaen)
Di nag tagal, naubos na ang lahat ng estudyante sa silid, ipinasok ni Mica ang kanyang libro sa kanyang bag, at nag labas ng isang paper bag na nag lalaman ng isang pirasong siopao.
Mica: “akala ko talaga hindi ko na makakaen ung baon ko”
Mica: “ang tagal kasi nila umalis”
Mica: “gutom na gutom na ako” (kumagat sa dala niyang siopao)
Mica: “grabe ang sarap talaga nito, ito talaga ung paborito kong kainin” (mabagal na kuma kaen)
Mica: “ang hirap pala mag aral dito sa Elite Saint University, halos lahat ng estudyante dito parang ayaw sa akin”
Mica: “akala ko pa naman, madali lang ako makakahanap ng kaibigan” (nag patuloy sa pag kaen)
At habang tahimik na kuma kaen si Mica, may tatlong babae na pumasok sa silid at dumiretcho sa lamesa nya.
Girl 1: “Anu yan? Bakit dito ka kuma kaen ha?”
Girl 2: “wala ka bang pera pam bili ng pag kaen mo? kawawa ka naman” (tumawa)
Girl 3: “ganyan talaga girls, ang mga mahihirap na kagaya nya kung saan saan lang talaga kuma kaen”
Girl 3: “hindi kasi na tuturuan ng tama” (tumawa)
Girl 1: “ganun ba? Para pala silang mga aso noh” haha ( sabay sabay na tumawa)
Madaming mga masasakit na salita ang natanggap ni Mica mula sa tatlong babae na pumunta sa kanyang upuan.
Ngunit kahit na ganu pa kasakit ang mga ito, mas pinili parin nyang manahimik nalang at kumaen ng tahimik.
Bagay na hindi nagustuhan ng tatlong babae.
Girl 1: “tignan mo to, kina kausap, hindi nakikinig”
Girl 2: “akin na nga yan” (kunuha ang siopao na kina kaen ni Mica”
Mica: “akin na yan, pag kaen ko yan”
Girl 3: “patingin nga” (kunuha ang pag siopao kay girl 2 at pinag masdan)
Girl 3: “nakakaen mo to? Nakakadiri!” (hinagis sa sahig ang siopao at tinapakan)
Mica: “Wag!” (mahinang sigaw)
Mica: “bakit mo un ginawa?” (na iiyak na mata ni Mica)
Girl 3: “pwede ba wag mo akong dramahan nang ganyan, kasalanan mo rin kasi e”
Girl 3: “kung nakinig ka lang sa mga sina sabi namin hindi to mang yayare sayo” (tumawa)
Mica: “anu bang nagawa ko sa inyo” (naka titig sakanya at unti unting tumulo ang luha sa kaliwang mata”
Girl 3: “pwede ba wag mo akong titigan ng ganyan sabi e!” (na iinis)
Mica: (nakatitig parin kay girl 3, habang lumu luha)
Girl 3: “sabi nang wag mo akong titigan ng ganyan e, lapastangan!” (umasta na sasampalin si Mica)
At ng sasampalin na ni Girl 3 si Mica, bigla naman may isang lalaki, ang dumating at pumigil sa braso nya..
Girl 3: Jiro?
(to be Continue)