Masakit ang ulo at namimigat ang talukap ng kaniyang mga mata nang balikan siya ng ulirat. Wala siyang maaninag nang lubusang maimulat ang mata. Patagilid siyang nakahiga sa sahig. Alam niyang sahig iyon dahil ramdam niya ang lamig na nanunuot sa kaniyang katawan. Yayakapin sana niya ang sarili nang matigilan, may kung anong matigas at malamig na bagay na nakapulupot sa kaniyang mga kamay, hindi niya iyon mapaghiwalay. Nakaposas siya!
Saka niya lubusang mapagtanto ang nangyari sa kaniya kanina. Kinuha siya ng dalawang lalaki at isinakay sa itim na kotseng iyon!
Napabalikwas siya. Pinilit niyang sinanay ang mga mata sa dilim. Nagsimula na rin siyang manginig, ewan niya kung dahil ba sa takot o sa lamig. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakahiga sa sahig dahil masakit na ang kaniyang mga kasukasuan.
Sa wakas ay nasanay rin sa dilim ang kaniyang mga mata. Naaninag niya ang isang malaking kama. Inilibot niya ang paningin, nasa isang malaking silid siya, kaya pala malamig ay dahil napakalakas ng nakabukas na aircon. Nilapitan niya ang sa tingin niya ay pinto saka kinapa sa pader ang switch ng ilaw.
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang mabuksa ang ilaw. May biglang bumalikwas mula sa kama.
"H-huwag!" Anang takot na takot at paos na boses. Nakatalukbong ito ng kumot at halos magsumiksik sa headboard ng kama.
"S-sino ka," aniyang natatakot din. Hindi siya makahakbang ng maayos dahil nanginginig ang mga tuhod niya.
Nang marinig siya nito ay unti-unting sumilip ito mula sa kumot.
Nanlaki ang mga mata nitong tila ilang araw nang hindi natutulog. Maging siya ay nagulat nang mapagsino ang nakita.
"Joana!" Patakbo siyang lumapit dito, pero ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita ito ng malapitan at lumantad sa kaniya ang kabuuan nito.
"J-joana sinong may gawa nito!" Halos madurog ang puso niya sa nakikitang itsura ng kaibigan. Puro pasa ang mga braso at katawan nito, nangingitim ang palibot ng kaniyang mga mata at malaki rin ang ipinayat nito.
"A-anong nangyari sa'yo!" hindi niya mapigilan ang iyak nang yakapin siya ng kaibigan.
"Hayup sila! Hayup sila!" Iyon lamang ang paulit-ulit nitong sinasabi na tila ba nagkaroon ng kakampi.
Pero mamaya pa ay itinulak siya nito.
"Tumakas ka na! Gagawin rin nila sa'yo ang ginawa nila sa akin! Tumakas ka na!" Sabi nito na muling bumalik ang takot sa mga mata.
"Joana, hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama," mariing tanggi niya.
"Please.... Iligtas mo ang sarili mo," pakiusap nito. Ni hindi ito makatayo mula sa kama dahil na rin sa sakit ng katawan nito.
"No! We will leave together," matigas niyang tugon habang mabilis na iniisa-isa ang mga bintana kung alin ang pwedeng madaanan. Pero ang lahat ng mga bintana ay mayroong grills, ni hindi kumasya ang braso niya sa kapal ng mga bakal na ginamit dito. Tila sadyang ginawa ito para maging kulungan, wala rin siyang matanaw na kahit ano sa paligid. Pawang masusukal na d**o ang nakikita niyang natatanglawan ng ilaw mula sa kinaroroonan nila. Ni wala ring tunog ng kahit ano mang sasakyan silang naririnig.
Tumingin siya sa kabuoan ng kuwarto, nagbabakasakaling makahanap ng kahit anong magagamit para buksan ang pinto. Nagkalat sa sahig ang ilang damit, ang ilan dito ay uniporme ni Joana sa school. Naroon rin ang ilang putol na duct tape at mga basyo ng bala.
Nang wala siyang mahanap ay muli niyang nilapitan si Joana.
"Sino sila!" aniyang tila napalitan na ng galit ang kaninang takot na nararamdaman niya.
"Hindi ko alam, hindi ko alam," muling lumuha ang kaibigan, wala na itong lakas para umiyak. Awang-awa siya rito.
"Joana, magpakatatag ka, makakaalis tayo rito, naiintindihan mo?" Sabi niya at ikinulong sa mga palad ang mukha ng kaibigan na para bang pilit na ipinapaintindi rito ang kaniyang sinasabi. Tumango-tango naman ito bilang tugon.
Isinuot niya ito sa pagitan ng nakaposas pa ring mga kamay para yakapin.
"Kabilinbilinan ni boss na huwag gagalawin 'yung bago!" Narinig nilang tinig mula sa labas ng pinto.
Muling naalarma si Joanna, binalot sa kumot ang katawan at nagsumiksik sa headboard ng kama.
"Hindi! Hindi!" anitong takot na takot at halos manginig rin ang boses.
"Joanna, I'm here, calm down," aniya sa pag-aakalang tulad kanina ang naging reaksyon nito.
Pero mamaya pa ay naintindihan niya kung saan nagmumula ang takot ni Joanna.
Pumasok ang dalawang lalaki, malalaki ang katawan at tila mga wala sa sariling nakangisi habang nakatingin sa kanila, partikular sa kaniya!
Hindi niya ito kilala, iba ito sa mga dumukot sa kaniya kanina.
Maging siya ay sumiksik rin kay Joanna. Pero balewala iyo dahil isang hiklas lamang sa kaniya ng lalaki ay para siyang tumalsik paalis sa kama. Para siyang papel na hinila nito paupo sa upuang nasa isang sulok ng silid. Hawak siya nito sa braso at buhok, halos mapilas na ang kaniyang anit na higpit ng hawak nito. Malakas ito kaya wala siyang magawa kung hindi ang tiisin ang sakit. Iniharap siya nito sa kama at halos mabali na ang leeg niya sa pagkakahila ng lalaki sa buhok niya.
Akala niya ay masakit na ang mga iyon, pero wala nang mas sasakit pa sa nakatakda niyang makita.
Si Joanna, nakatali ang magkabilang kamay at paa mula sa apat na sulok ng kama. Walang saplot na kahit ano.
"Joanna! Huwag! Maawa kayo sa kaibigan kooo...!" Hagulgol niya at nagpilit na kumawala sa lalaking humahawak sa kaniya pero lalo lamang humigpit ang hawak nito sa kaniya.
Ang kawawang kaibigan, halos wala nang lakas na sumigaw man lamang at humingi ng tulong. Tanging pagluha lamang ang kayang gawin habang walang awang nilalapastangan ng lalaking iyon ang kaniyang katawan. Pumikit siya dahil hindi niya kayang panoorin ang nangyayari sa kaibigan. Wala siyang magawa! Pakiramdam niya ay napaka walang kwentang kaibigan niya. Ni hindi niya kayang ipagtanggol ang kaibigan.
"Tama naaa!" Paulit-ulit niyang sigaw.
Tila narindi sa boses niya ang lalaking humahawak sa kaniya at binigyan siya ng isang malakas na sampal. Halos mabingi siya, pakiramdam niya ay tumagilid ang kaniyang panga. Nalasahan rin niya ang maalat na dugo mula sa kaniyang nabitak na labi.
Medyo nahilo siya at lumupaypay sa pagkakaupo.
"Bilisan mo na d'yan at ako naman!" tila hayok sa laman nitong sabi habang niluluwagan ang sinturon nito.
Mamaya pa ay nagpalit ang mga ito at ang isang lalaki naman ang humawak sa kaniya, kahit tila wala na siyang lakas.
Hindi niya masikmura ang mga nakikita, ang hubo't hubad na mga lalaking ito at ang walang tigil na paglapastangan nila sa kaniyang kaibigan. Napakasakit makitang binababoy ang kaniyang nag-iisang kaibigan.
Halos isumpa niya ang langit dahil sa dami ng dasal niya na sana ay kaawaan man lamang ang kaibigan ay tila walang nakakarinig.
"Swerte mo, ibinilin ka ni Melchor! Kung hindi, wasak ka na rin!" Sabi pa ng isa bago tuluyang lumabas ang mga ito.
Hilong hilo pa rin siya pero sinikap niyang lapitan ang kaibigan. Wala itong malay, awang awa niyang hinaplos ang mukha nito. Tinakpan ng kumot ang katawan at inalis ang mga lubid na nakatali rito.
Galit ang nararamdaman niya sa mga demonyong gumawa nito sa kanila. Lalo na kay Melchor! Kaya pala pamilyar ang kotseng iyon dahil iyon ang sasakyan ng demonyong Melchor na iyon!
Ilang araw rin ang lumipas na walang mga lalaki ang pumasok sa silid, tanging ang naghahatid lamang ng kanilang pagkain ang nakikita nila, pero hanggang sa pintuan lamang ito. Medyo nakabawi na rin ang kaibigan ng kaunting lakas. Pero halos mawala na ito sa sarili dahil sa mga dinanas. Madalas na hysterical ito tuwing nakakarinig ng mga tinig mula sa labas. Hindi nila alam kung ano'ng naghihintay sa kanila, maaaring maging katulad rin siya ni Joanna kung hindi sila makakaalis agad dito. Alam niyang si Melchor lamang ang hinihintay nila bago tuluyang magaya siya kay Joanna. Ang demonyong si Melchor!
Kahit imposible ay isang plano ang nabuo sa kaniyang isipan. Ilalaban niya ang sarili hanggang kamatayan huwag mlamang danasin ang dinanas ng kaibigan. Gagawin niya ang lahat, kung hindi man makatakas at mabuhay ay maiganti man lamang niya ang kaibigan. Kahit si Melchor lang.
Isang malademonyong ngiti ang sumungaw sa kaniyang mga labi. Ang kaniyang takot ay tuluyan nang napalitan ng galit at pagkamuhi!