Chapter 3: The Make-Believe Honeymoon

2446 Words
“The moon is a loyal companion. It never leaves. It’s always there, watching, steadfast, knowing us in our light and dark moments, changing forever just as we do. Every day it’s a different version of itself. Sometimes weak and wan, sometimes strong and full of light. The moon understands what it means to be human. Uncertain. Alone. Cratered by imperfections.”  ― Tahereh Mafi, Shatter Me “PACK YOUR THINGS for two days,” utos ni Paul Angelo kay KM na kasalukuyang nag-e-escoba sa lababo.             Mukhang nagulat ito na napalingon sa kanya. Naka-shorts ito at sleeveless shirt. Nakaipit paitas ang mahaba nitong buhok. Pawisan ito at kumapit na ang ibang buhok nito sa mukha nito. She looked so messed, so savaged yet she smiled nice. Looking her looking at him with those round black eyes made his loins stirred into anticipation.             If he hadn’t known it better, he would be deceived by her innocent looks. God forbade him but he wanted her so badly. The urge was strong that he wanted to grab her into his bed and let the world revolved its course while they pour their time ravishing each other.             But no he wouldn’t give her that chance. Every single ounce of happiness she will get as her wife, he assured, it will not be coming from him. She will pay dearly for what she did to him.             Besides, he can have any women he wanted in snap of his fingers.             “Saan tayo pupunta?” tanong nito habang pinupunasan nito pawis sa noo.             He wanted to strangle her for wearing that skimpy shirt and sporting it sexily. She was bringing havoc in his system.             “Just do what I say,” he said.             “Date ba ito?” nakanguso na tanong nito hanggang sa sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Biglang nanukso ang mga titig nito.             One thing that he didn’t like about her – she was persistent. Masyado itong maloko, minsan iniisip niya parang hindi ito tinatablan ng pagsusungit at galit niya rito. Matapang ito na siyang kinakaasaran niya.             Bukod doon, mukhang may sarili itong mundo. Siguro sa dami ng kalokohan nito, kung ano-anong ideya na ang pumapasok sa isipan nito. Nang araw na maabutan niyang nakasuot sa ulo nito ang brief niya, kung sa naiba-ibang pagkakataon, matatawa siya sa babae.             At ang makita itong tuwang-tuwa sa kanyang brief ang nagpapairita sa kanya. Regalo iyon sa kanya ng kanyang kapatid na si Mayan. Itinatago niya iyon at hindi ginagamit. Malay ba niya makikita ng kanyang asawa iyon?             But admit it, seeing her with your brief is a turn-on. Ipinilig niya ang ulo para iwasang mailarawang-diwa ulit ang tagpo na iyon.             “You have thirty mintutes to pack your things,” he commanded.             “So date nga iyon? O baka surprise honeymoon iyon? Sabihin mo, hindi ako handa. Ayokong nabibigla, Paul,” natatawang turan nito.             “Twenty minutes,” aniya saka tumalikod.             “Okay, honeypie! It will be the best two days of your life! Makakalimutan mo ang pangalan sa sobrang saya ng honeymoon natin!” masayang hiyaw nito.             Wow, natatawang napailing si Paul. ~~o~~ “OKAY, KRISTINE MARIE Crabajal Macatangay, you only have twenty minutes to prepare,” paalala ni KM sa sarili habang nakatayo sa harapan ng kanyang closet.             Mukhang nakapag-isip-isip din ang kanyang asawa na bigyan ng second chance ang relasyon nila at kalimutan na lamang ang masamang hangin na nangyari sa kanila. Hindi madali para sa kanyang asawa ang mag-adjust at dinadaan pa siya sa pagsusungit nito. Pero para saan ba at maayos din ang lahat.               Naghalungkat si KM ng mga damit na kanyang isusuot.             “Dapat sexy ka sa honeymoon ninyo, KM. Two days lang iyon kaya sulitin mo na,” aniya habang kumukuha ng tatlong pares ng negligee. Maiiksi ang mga iyon at see through ang dalawa roon. “Tignan ko lang kung hindi ka maglaway sa alindog ko, damulag ka.”             Thank you, Lord! Magpupulot-gata na rin kami ni Paul, my love.             Biglang napaisip si KM kung ano ang magiging eksena ng pulot-gata nila ni Paul.             Unang eksena: Siguro pupunta kayo sa isang isla, ‘yong kayong dalawa lang. Maghahabulan kayo sa dagat, magsasabuyan ng buhangin. At kapag napagod ka, bubuhatin ka niya papasok sa palasyo ninyo and there you’ll make love passionately and sweetly.             Humiga si KM sa kama at kinilig sa naisip na eksena. “Masyadong perfect ‘yong eksena, pwede ring...”             Pangalawang eksena: Nakahiga ka sa kama, suot ang napakaganda mong negligee. Hanggang sa kung saan, papailanlang ang musikang Careless Whisper. Hanggang sa lalabas mula sa dilim si Paul, nakasuot ng necktie. Manlalaki ang mga mata mo dahil necktie lang ang suot ni Paul habang sumasayaw sa saliw ng tugtog. Nakangisi ang asawa mo habang gumigiling.             Natatawang kinagat ni KM ang unan habang pabiling-biling sa higaan. Sinubukan niyang ilarawang diwa ang pangalawang sitwasyon at natawa siya sa maaaring maging hitsura ng kanyang asawa.             “Magiging pink muna ang buwan bago mag-react nang ganoon si Paul, malabo iyong mangyari. Pwede pa kung...”             Ikatlong eksena: Nakatali ang mga kamay ni Paul sa poste ng kama ninyo. Nakatitig siya sa’yo habang unti unti mong hinuhubad ang damit mo. Malamlam ang mga titig sa’yo ni Paul na nakasuot ng Winnie the Pooh na brief. Nanlaki ang mga mata ni Paul habang sumasayaw kang tinatanggal ang brassiere mo. Walang ibang bukambibig si Paul kundi, ‘Wow... wow... wow.’             Tumawa nang pagkalakas-lakas si KM pagkaisip sa pangatlong eksena. “Gusto ko iyong huli.”             Habang yakap-yakap ang unan, bumalikwas ang higa si KM at napailalim ang unan. She imagined the pillow as her husband. “Gusto kong iyong helpless ka, damulag. ‘Yong wala kang magawa kundi titigan ang alindog ko, Paul. ‘Yong patay na patay ka talaga sa akin. Ha? Ha? Ha?” aniya sabay halik nang walang humpay sa unan na hawak. “Lulunurin kita ng halik. Yaa!”             Wild ako! Waaa!             At ipinagpatuloy niya ang paghalik sa unan. Doon niya nakita si Paul na nanlalaki ang mga matang nakatunghay sa kanya.             Patay ako. ~~o~~ “MAGIGING PINK MUNA ang buwan bago mag-react nang ganoon si Paul, malabo iyong mangyari. Pwede pa kung...”             Pababa si Paul papuntang sasakyan at ilalagay ang mga gamit nang maulinigan niya ang mga katagang iyon sa kwarto ng kanyang asawa. Dahil nabanggit ang kanyang pangalan, huminto siya, ibinaba ang bag na hawak at isinandal ang kanang tenga sa hamba ng pinto.             Nagulat si Paul nang biglang tumawa nang pagkalakas-lakas si KM. Punong-puno iyon ng saya. At mukhang walang katapusan ang tawa ni KM.             Mangkukulam ba ang napangasawa ko?             “Gusto ko iyong huli,” turan ulit ni KM.             Sino ang kausap niya? Dala ng kuryusidad, pinihit ni Paul ang seradura ng pinto at napasinghap siya sa naabutan.             Nakatuwad ang kanyang asawa habang nakadapa sa kama. At dahil nakatalikod ang kanyang asawa at naka-short shorts lang ito. Ang dalawang biyaya ng Diyos na iyon ang una niyang nabungaran. Napalunok siya sa tanawing iyon.             Lord, I just saw the Seven Wonders of the World.             “Gusto kong iyong helpless ka, damulag. ‘Yong wala kang magawa kundi titigan ang alindog ko, Paul. ‘Yong patay na patay ka talaga sa akin. Ha? Ha? Ha?”             Napailing at naakunot-noo si Paul sa narinig. Doon niya napansin ang unan na pinatungan nito habang nakatuwad. Hinahalikan nito iyon nang walang humpay.             Oh Lord, I married a weirdo.             Pabiling-biling si KM habang yakap-yakap ang unan at walang humpay na hinahalikan. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi niya alam kung matutuwa o matatakot sa nakikita niya. Hanggang sa mapaharap sa kanya si KM.             “Lulunurin kita ng halik. Yaa!”             Iyon lang at sinumulan na naman nitong pupugin ng halik ang unan habang tumatawa. Hindi alam ni Paul kung gaano katagal nitong hinalikan ang kawawang unan bago umangat ang tingin nito.             Noong una, mukhang nananaginip na nakita lamang siya nito. Hanggang sa tumatak dito ang reyalidad. Napakagat ito ng labi at ang mga bilugan nitong mga mata ay puno ng... hiya.             She’s beautiful. And you wanted to throw away that pillow because you wanted to be that pillow.             But he controlled his hormones raging like magma. Napakunot-noo siya at nagtatanong ang mga tingin ang ibinato niya sa babae. ~~o~~ ANG LAKAS NG kabog ng dibdib ni KM. Nanliliit siya sa hiya. Mukhang naging hobby na ng kanyang asawa ang abutan siya sa nakakahiyang sitwasyon. Kung puwede lamang siyang lamunin ng kama na iyon para maisalba siya sa kahihiyan na iyon.             Mag-isip ka ng paraan, KM.             And instantly, an idea sprouted in her mind. “Ah, nasaan na ba iyon? Grabe saan ba nagsusuot ang singsing na iyon?” aniya at nagkunwang hinahanap ang kanyang singsing.             Tumayo siya at umastang hindi mapakali sa paghahanap. Through her peripheral vision, she saw her husband eyeing her with questioning stare.             Hindi siya naniniwala, KM. “A-ano pala ang ginagawa mo rito? Don’t you know how to knock?”             Kumunot ang noo nito. “Bahay ko ito, puwede kong pasukin kahit saang parte nito,” angil nito.             “Bahay mo o ipinamana lang sa’yo ito?”             He looked bored, as if she was asking nonsense. “I bought it.”             She smiled. “Effective August 3, 1983, all properties of the husband are properties of the wife too, except if that properties were inherited from his ancestor. Conjugal Property of Gains. So this is my house too. And I demand privacy.”             He looked furious. “So you can fantasize me? Doing p*****t things in your room?”             She cringed at his words, but she chose a different path of responsing to his sarcasm. She smiled seductively and sauntered towards him.             “Yes, so I can fantasize you,” she said softly, almost seducing him. She extended her left arm to touch his face. “What will you do about it?”             He backtracked, stunned by her boldness. He wasn’t expecting her to do the trick. In her head, she smiled in victory. He wasn’t immune to her charms after all.             He cleared his throat and in reprimanding voice he said, “Let’s go.”             And he was gone. She smiled again. Mabilisan niyang kinuha ang mga gamit na kakailanganin para sa honeymoon nila ng asawa at nagbihis ng bagong damit. Nasa labas ng bahay ang kanyang asawa at naghihintay sa kanya.             At pagkatapos makita ang kanyang suot. Namula ang mukha nito ang kumunot ang noo nito.             “What? I love Winnie the Pooh, too,” she said, smiling. Nagtimpi ito ang umiling. Pagkatapos masiguro na naisara nito ang bahay nila, nagpatiuna ito papuntang garahe kung saan naroon ang sasakyan nito.             Pagkasakay sa sasakyan doon napansin ni KM ang suot ng asawa. First time niyang makita ang asawa na naka-maong at polo shirt na dark green. He was looking gorgeous with his wavy hair and eyeglass on. And he smelled so nice, like a breeze in the ocean, fresh air after the rain. And he was her husband. He was hers. And she was his. Destined to bound for life.             “What at you smiling at?” he gnarled.             “Ang gwapo mo kasi,” aniya saka bumingisngis.             “Stop it!” he hissed, his face reddened as she teased him.             Sumandal siya sa headrest at tahimik na tumawa, at nang hindi niya mapigilan ang sarili ay hinayaan niya ang sariling tumatawa ng malakas. Halos sumakit ang katawan niya sa kakatawa. Doon niya napansin nakahinto na pala ang sasakyan. Nakahawak ito nang mahigpit sa manibela at tinitimpi ang galit.             “Ang cute mo kasing asarin. I love looking your face turning into red,” natutuwang usal niya.             “Kapag hindi ka pa tumigil ---“             “Hahalikan mo ako?”             “Bubusalan ko iyang bibig mo para matigil sa kakasalita.”             Abruptly, she shunned from talking. But she kept her ambiance of teasing him; the smile in her face was prominent. Umabot nang isang oras ang biyahe nila. At na-excite siya nang mapansin na Batangas ang tinatahak nila.             Mukhang sa isang beach house talaga ako dadalhin ng asawa ko. Mukhang magkakatotoo ‘yong tatlong eksena. Lord, kahit isa lang doon ang magkatotoo, masaya na ako, pero kung ibibigay mo lahat, magrereklamo pa ba ako?             Ngunit hindi isang beach house ang nabungaran ni KM kundi isang dalawang palapag na bahay. It was bigger than their house in Zyrion Subdivision. It was ancient, like it stood time of many obstacles and typhoons, and had an eerie of grandiose.             Bakit wala tayo sa beach house? Dito ba tayo mag-ho-honey moon?  “Ano’ng ginawa natin dito?” tanong niya.             Hindi siya sinagot nito at ipinasok lang ang kotse nang automatic na bumukas ang gate. Maraming mang tanong ngunit pinili na lamang ni KM ang manahimik at abalahin ang sarili sa pagtingin sa labas ng mansiyon.             Pagkaparada ng asawa ang sasakyan, agad itong bumaba at nagmamadaling humabol siya rito karay-karay ang mga gamit niya.              “Good morning, Sir,” salubong ng isang katulong sa kanyang asawa at kinuha ang gamit nito. Nagulat ang matanda nang makita siya. “Good morning po, Ma’am,” ngiting bati nito sa kanya at kinuha ang mga gamit niya.             “Dalhin mo ang gamit niya sa kwarto ko,” ani Paul.             Pagkaalis ng katulong, doon lamang napagmalas ni KM ang ganda ng loob ng mansiyon. Para siyang naglakbay sa panahon ng mga Briton noong unang panahon. Walang sinabi sa koleksiyon ng asawa ng kanyang ama sa mga Jars na nakikita niya. Puro iyon collectors’ item.             Walang sinabi ang bahay nila sa Antipolo sa pagka-grandiyoso ng bahay na nasisilayan niya.             Ipapakilala na ba niya ako sa mga magulang niya?             No. Natatandaan kong ikwinento ng Papa na patay na ang mga magulang ni Paul. Kung ganoon nasaan kami?             Ang tahimik na paligid ay pinunit ng isang hiyaw mula sa isang dalaga na nakasuot ng pantaloon at sombrero. Kung hindi dahil sa tinig ng babae ay mapagkakamalan mo itong lalaki.             “Kuya!”             Humuhungas ang babae at patakbong niyakap ang kanyang asawa. Doon nagsimulang magsilabasan ang mga taong nakatira sa bahay na iyon. Halos hindi siya makaagapay sa nangyayari dahil tulala siya at nagulat siya sa mga nakikita.             Si Mayan, ang dalagang yumakap sa kanyang asawa, si Paul Anthony, ang limang taong gulang na bunso ng mga ito, ang masukit nitong Lola na si Allysa, at ang masayahin nitong Lolo na si Dominic. Lahat ng iyon hindi niya ma-absorb dahil iisa lamang ang kanyang nasa isip.             Wala akong naidalang damit. Puro negligee ang dala ko! Patay ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD