Chapter 2: His Winnie the Pooh

2754 Words
“Everyone is a moon, and has a dark side which he never shows to anybody.”  ― Mark Twain NAPABUNTONG-HININGA SI KM. Lahat na ng posisyon sa pagtulog nasubukan na niya pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Bumangon siya at binuksan ang pintuan papuntang veranda ng kanyang kwarto.             Napahalukipkip siya sa lamig ng hangin, para iyong gamot sa mga suliranin niya. Tumingin siya sa buwan. It wasn’t that round she used to love but it was still hypnotizing. Again, she seemed dazed, she let herself be connected with the magnificence of the moon.             “Ito ba ang tadhanang inilaan mo sa akin?” usap ni KM sa buwan. “Makakaya ko bang paibigin siya? Matutunan ba niya akong mahalin?”             Dalawang araw na silang kasal ni Paul, pero simula nang araw ng kanyang kasal, hindi pa niya nakikita ang asawa. Kapag gigising siya sa umaga, nakaalis na si Paul. Kapag hinihintay naman niya itong umuwi, nakakatulugan niya ang maghintay.             “Pagod na akong manglimos ng pag-ibig. Siguro nga... hindi siya para sa akin.”             Never doubt when you cast your wish, a voice entered her mind. Her mother used to say that. Her mother – Jeremiah – used to believe that the moon was alive, that it was the eye of the Goddesses to the earth.             Iipinikit ni KM ang mga mata at inulit ang hiling na turo ng kanayng ina. “Sa buwan na marikit, bigyan ang hiling ng abang maliit. Sinasambit nang marapat ang pagsamong wagas at sapat.”             At pagkatapos niyang sambitin ang salitang iyon, biglang bumukas ang pintuan ng veranda ng katabing kwarto niya. Parang slow motion ang lahat nang masilayan niyang lumabas si Paul sa veranda. She sighed in relief and laughed heartily. She wanted to cry in happiness. Never doubt when you cast your wish.             Two days ka pa lamang Mrs. Paul Angelo Pablo, suko ka na agad?             No. I won’t give up.             May hawak itong isang tasa ng kape habang nakatingin sa buwan. He was really a sight to behold. Her heart fluttered at the mere sight of him. Naramdaman siguro nitong may nakatingin dito kaya napalingon ito sa gawi ni KM.             Huli na para itago na nakatingin siya rito, bagkus ngumiti siya ng alanganin sa asawa.             “Hindi ka rin makatulog?” tanong niya rito.             Nakakunot ang noo nito sa kanya saka ibinaling ang tingin sa buwan.             Sungit!             “Kumain ka na ba? Nagluto ako, ipaghahanda kita,” pangungulit niya sa asawa.             “No need,” maiksi nitong tugon na hindi tumutugon sa kanya.             “Bakit? Kumain ka na ba? Masarap akong magluto.”             “I am not interested,” he growled, mockingly looking at her.             Ipinaglihi ka siguro sa sama ng loob.             “Kumusta ang araw mo?” tanong niya.             Walang sagot.             “Kumusta ang empire natin? Okay lang ba? Marami bang trabaho?” pangungulit niya pagkatapos ng limang segundo.             Walang sagot.             Huminga siya ng malalim at nagpatuloy siya. “Ah, ganoon ba? Mabuti kung ganoon. Ako? Maayos naman ako. Maghapon ako rito sa mansiyon natin, at ikaw lang ang nasa isip ko buong maghapon habang iniisip ko ang mga magiging anak natin na naglalaro at pumupuno ng ingay sa bahay na ito. Tapos---“             “Stop it,” he said in a low, firm threat.             “Okay,” aniya at tumingin ulit sa buwan. “Ang ganda ng buwan, ano?”             “Maganda sana kung hindi ka magsasalita.”             “Alam mo ba na ang buwan---“             Mukhang hindi nakayanan ng pisi nito ang kulit niya, tumingin ito sa kanya. “Pumunta ako rito para makapag-isip at magkaroon ng peace of mind, hindi para perwisyuhin mo lang,” pagsusungit nito saka tumalikod.             “Anong masama sa pagbibigay ng trivia,” kausap niya sa sarili. “Sasabihin ko lang naman na, ‘alam mo ba na ang buwan ay bilog!’ Anong masama roon? Kaya magulo ang mundo dahil sa mga kagaya niyang mayayabang at arogante. At kailan pa naging perwisyo ang ganda ko? Sa ganda kong ito? Perwisyo?” aniya at umiiling-iling na pumasok sa sariling kwarto.             Naging perwisyo ka simula noong pinikot mo siya!             “Hindi ako susuko. Makikita mo, Paul Angelo Pablo. Magiging akin ka rin. Tignan ko kung hindi ka maglaway sa alindog ko,” aniya saka humiga at pinilit na matulog. ~~o~~ ALAS-KWARTRO PA LAMANG ng madaling araw ay gising na si KM. Agad siyang nagsangag ng kanin at nagluto ng prinitong tapa, itlog, at tuyo.Naghiwa siya ng kamatis para sa sawsawan niyon. Pa-kanta-kanta pa siya habang nagluluto.             “Tignan ko lang kung hindi ka masarapan sa luto ko,” aniya. Pagkatapos niyang magluto, agad niyang inayos ang mesa para sa almusal ng kanyang pinakamamahal na esposo.             Dahil hindi niya ito mahintay, pinuntahan niya ang lalaki sa kwarto nito. Kumatok siya at naghintay na pagbuksan siya ngunit dalawang minuto na siyang nagihihintay kaya’t nagpasya siyang buksan ang seradura ng pintuan. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil iyon ang unang pagkakataon na makikita niya ang kwarto ng kanyang asawa.             Wala na ang kanyang asawa sa kama nito. May nariinig siyang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya malamang naliligo ito.             Ano kaya ang itsura niya habang naliligo, anang piyang isip niya.             Malamang nakatayo siya habang dumadaloy ang tubig sa kanyang katawan pababa sa kanyang – Erase! Erase! Nakakahiya ka KM. Galing kang Catholic school tapos ganya ka mag-isip. Ano na lang ang sasabihin ni Jacel at Izza sa iyo!             Bagkus itinuon ni KM ang kanyang paningin sa kwarto ng kanyang napangasawa. Simple lang talaga ang kwarto nito, wala masyadong gamit. Isang built-in closet, mini-ref, beareau, at plasma TV lang ang nasa kwarto nito. Puti ang dominanteng kulay sa loob. Kulang talaga sa alaga ang bahay at buhay ng kanyang asawa.             Nagsimula siyang mag-ayos sa kwarto nito. Ang mga marurumi nitong damit ay kinuha niya para malabhan mamaya. Pagkaayos ng kalat nito, binuksan niya ang built in closet nito para maihanda ang damit sa susuotin nito. Mula sa slacks, blue na long-sleeves, maroon na kurbata at ang Armani three-peice suit nito. Maayos niya iyong isinalansan nang may maalala siya.             Underwear! Agad siyang naghanap ng brief ng asawa. Maayos na nakasalansan iyon sa isang drawer pero napukaw ang kanyang atensiyon sa mga design ng brief ng asawa. Hindi niya napigilan ang sarili, kumuha siya ng isa, itinaas iyon at natatawang sinipat.             “Ang tanda-tanda pero si Winnie the Pooh ang kanyang brief,” natatawang turan niya. “Pero ang laki naman ng salawal ng lalaking iyon.”             May kasabihan ang mga matatanda. Para malaman kung meant to be kayo ng lalaking iniirog mo, isuot mo ang kanyang underwear at kailangang magkasya ang isang suotan ng paa nito sa ulo mo. Dala ng kuryusidad, sinubukan niyang isukat sa ulo ang brief ng lalaki. Isinuot niya iyon at natuwa siya sa nalaman. “Kasya!” natutuwang turan niya. “Meant to be kami ni Paul. Thank you, Lord sa sign na ito. Itong asawa ko talaga, hindi sinabing pinagnanasaan niya si Winnie the Pooh. Pero in all fairness, may pinaglalaban ang asawa ko,” nakangising tugon niya.             “What are you doing?” Biglang parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. Mahina ngunit madiin ang pagkakasabi nito. Paano niya ipapaliwanag ang brief na nakasuot sa ulo niya?             Dahan-dahan siyang lumingon sa asawa na kanyang pinagsisihan bandang huli. Kulang na lang ang kanin para sa tanawin na kanyang nakikita. Ang tanging saplot lang nito ay ang tuwalya na nakabalot sa bewang nito. He was a demigod. He was a walking alpha male but seeing him n***d was another story. Mukhang nahiya ang mga taba sa katawan nito na magpakita ng oras na iyon. Sa sobrang abala nito sa trabaho, palaisipan kay KM kung paano nito nakuha ang six-pack na abs nito. Napalaki ang mga mata niya sa ganda ng katawan nito.             I wish towels are not invented. Oh Lord, thank you for this morning glory.             Nang mapadako ang kanyang paningin sa mukha nito, doon siya tinamaan ng hiya sa pagtitig nang matagal sa katawan nito. He looked bored, with stern etched in his face. His eyes were as cold as the breeze of the ocean. Though, he looked handsome in his wavy uncomb hair, the attraction she felt for him was drowning her.             “Ahm... ipinaghanda k-kita ng i-isusu-ot mo,” kanda-utal-utal na sabi niya.             “May mga kamay ako para gawin iyon. At ayokong may nangingialam ng gamit ko.”             Napansin niyang nakatingin pa rin ito sa brief nitong nakasuot sa kanyang ulo, na napagisip-isip niya, mukha siya tanga. Dahan-dahan niyang tinanggal iyon.             “S-sorry. Tatawagin sana kita para kumain. Pasensya na kung pinangunahan kita sa isusuot mo. Sige,” aniya at nakayukong nilisan ang kwarto nito.             “KM,” he called his voice hoarse and full. Agad siyang lumingon sa kanyang asawa. “Stupid. Y-yang u-underwear... ko,” he said, buckling and uncertain.             KM was amused seeing him in embarrassment. At dahil hawak-hawak pa rin niya ang Winnie the Pooh na brief nito, marahan siyang lumapit sa lalaki at nakangiting inabot ang brief nito. Hinablot nito iyon sa kanya.             “Anong ngini-ngiti mo riyan?” nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya.             “Wala,” aniya, nakangiting tinungo ang pintuan palabas. “Dear husband, you’ve got cute underwears,” sabi niya at humahagikgik na lumabas.             Nakita niyang namula ang asawa at napatawa siya roon. If only she can preserve that moment with him, his face contured with annoyance, she would love to treasure it, for keeps.             She was still in cloud nine after feasting his magnificent body. Nakatunganga siya sa may kusina at hinihintay si Paul Angelo. Pagkatapos ng limang minuto, naulinigan ni KM ang pagbaba ng hagdan ni Paul. Lumabas siya sa kusina at sinalubong at binata.             Napangiti siya at isinuot nito lahat ng hinanda niya para sa asawa.             Pati kaya si Winnie the Pooh suot niya? “Handa na ang breakfast mo,” nakangiting turan niya sa asawa.             Sinilip nito ang nakahanda sa mesa saka ibinaling ang tingin sa kanya. He smiled mockingly, “Wow, portraying a good wife by doing the wifely routines, hmmm?” Then his faced became serious, “I am not hungry.”             Iyon lang ang umalis na ang asawa.             “Teka, paano ko uubusin ito?” pasigaw niyang tanong sa asawa ngunit dere-deretso lamang ito palabas. “Urrrggggghhh! Nakakaasar kang impakto ka!” nagpapadyak na turan niya. “Akala mo kung sinong gwapo! Pasalamat ka’t mahal kita,” patuloy niyang dada habang naghina siyang naupo sa sofa.             Dala ng inis, inabala ni KM ang sarili sa paglilinis at paglalaba, pumunta siya sa market para bumili ng mga halaman para sa garden at mga kailangan sa makeover sa bahay nila ni Paul.              Habang abala siyang namimili ng mga halaman, biglang may kumalabit sa kanya.             “Kristine Marie? Is that you?”             Nilingon ni KM ang nagsalita at nagulat siya nang makita si Christian Manzano, her ex-boyfriend who cheated her with her sister. Nahuli niya ang dalawa na naghahalikan sa likod ng bahay nila. The next time she knew, sila na ng kapatid niya. Hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon na makipag-break sa lalaking ito na walang modo.             Looking at him now, she can only be thankful of what he did to her. He looked disturbed, his eyes swollen as if he hadn’t slept for months. He was so thin. The handsome, eager and lively Christian was gone and all left was a perturbed soul.             “Christian, right?” she acted. He nodded. “Oh kumusta?”             “I am fine,” anitong ngumiti. “Ikaw?”             No you’re not. “I am good. Teka anong ginagawa mo rito?”             “Sa amin ang pwesto na ito,” anito sabay kindat sa kanya. Tumayo ang balahibo niya dahil doon. Hindi niya masikmura ang pagpapa-cute nito sa kanya.             Malamang nanay nito ang nakausap niya. Marami-rami rin siyang nabiling halaman at sabi ng ginang na free of charge na lang ang delivery. Hindi naman niya alam na ang lalaki ang maghahatid sa kanya, nalaman lamang niya ng maaga, malamang hindi siya papayag.             Binuhat na ng lalaki ang mga halaman na binili niya papasok sa delivery van ng mga ito. “Iyon pa lang nangyari noon sa atin,” panimula nito.             She dismissed him by wavering her hands. “Wala iyon. Matagal na iyon kaya kalimutan na lang natin,” aniya.             “So pwedeng maging magkaibigan ulit tayo?”             Matagal bago siya nakasagot. Hindi naman siguro masama kung makipagkaibgan siya sa lalaki. May pinagsamahan din naman sila noon.             “Why not,” sagot niya at ngumiti.             Ngumiti ito. “Thank you,” anito saka siya pinagbuksan ng pintuan.             Habang nasa daan pauwi, walang patid ang kwento nito sa nagdaang tatlong taon. Nalaman niyang nalulong pala ito sa droga at kalalabas lang nitong rehab. Minsan talaga mapaglaro ang buhay, minsan nasa ibabaw ka at puno ng ligaya, minsan nasa ilalim ka at puno ng pasakit. Ngunit isa ang panuntunan niya sa buhay. Lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay resulta ng mga desisyon ng bawat isa. Lagi tayong may choice sa buhay at wala dapat tayong sisihin kundi ang sarili lamang natin. Kung pinili mong malugmok, habang-buhay kang malulugmok sa buhay. Kaya naman humahanga siya ngayon kay Christian na naging totoo ito sa sinabi at tinanggap ang pagkakamali at bumangon muli.             Nagulat ito nang hindi siya nagpahatid sa bahay nila sa Antipolo. Nagtatanong ang mga mata nitong tinignan siya.             “Bahay ng asawa ko,” aniya.             “Nag-asawa ka na? Kailan pa?” gulat na tanong nito, visible ang sakit sa mga mata nito.             “Noong lunes lang,” sagot niya.             “Three days pa lang kayong kasal? Hindi ba dapat nasa honeymoon pa lamang kayo?” usisa nito.             “Let’s just say na practical kami ng asawa ko. At tsaka pwede naman kaming maghoneymoon dito sa bahay ah. ‘Saya nga ng honeymoon naming eh. Unique,” aniyang tumatawa.             Hindi na ito nagkomento pa at naging tahimik na ito simula noon. Ibinaba na nito ang mga halamang binili niya. Nagpasalamat siya sa lalaki pagkatapos nito.             Dahil maaga pa, umakyat siya sa kwarto at nagpalit ng undershirt at shorts para ituloy ang pagdedecorate sa bahay nila. Tapos na siya sa kusina kaya sa sala naman ang isusunod niya. Iniba niya ang pwesto ng plasma TV at sofa. Ikinabit niya ang painting na binili niya, isa iyong magkasintahan na nakaupo sa bench, nakasandal ang babae sa lalaki habang nakatingin sa buwan.             Pina-enlarge niya ang picture nila noong kasal nila kahit mukhang nakakatakot ang kanyang asawa sa kuha nito.             “Ayan, ang ganda. Pwede nang magmukhang tirahan ang bahay mo, impakto,” aniya at ngumisi.             Naglagay din siya ng mga halaman sa loob ng bahay at dahil malapit na ang kapaskuhan, naglagay na rin siya ng Christmas tree sa sala at inadornohan ito ng iba’t-ibang palamuti.             “Anong ginawa mo!”             “Ay! Winnie the Pooh ang brief ng asawa ko!” nagulat siya at agad siyang kumapit ng maigi na hagdan na tinutuntungan niya.             Agad namang hinawakan ni Paul ang hagdan para hindi siya mahulog. Nilingon niya pababa ang asawa.             “Ginulat mo naman ako! Umaykan pretty girl KM, madi ka agbatbati,” turan niya.             Gulat lang ang kanyang asawa na nakatingin sa kanya... sa kanyang puwitan na halos nakalabas na dahil sa iksi ng kanyang shorts.             Good sign. Naakit siya sa alindog ko!             Umiling ito at umalis sa paanan ng hagdan, bumaba siya roon.             “Sino ang nagsabi sa iyong pakialaman mo ang bahay ko?”             “Wala.”             “Why did you mess up with my house then?”             “Ito ang bahay.” Iminuwestra niya ang mga kamay sa kaaayos na bahay nito. “But previously? No. No, you cannot call that a home. And I am your wife. What you own is what I own too.”             “I don’t like it,” he said firmly.             “I like it,” she said stubbornly.             “I don’t like it!”             In a span of moment, KM bridged the gap between them. Like a feather, she touched his face and looked at him in the eyes. Again, KM felt that connection with him, as if she was meant to be his wife. Touching him, seeing him stunned for a while and feeling him was the thing that mattered her the most that moment. And she said,             “I love it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD