Chapter 1: The Wedding

2271 Words
Pray to the moon when she is round, Luck with you will then abound. What you seek for shall be found, On the sea or solid ground. -Angelfire “YOU MAY NOW kiss the bride,” ang utos ni judge Joel Domingo sa bagong kasal na sina KM Macatangay at Paul Angelo Pablo.             Dapat maging masaya si KM dahil natupad sa wakas ang kanyang minimithing hiling. Ngunit kaba at takot ang nangingibabaw sa kanya nang oras na iyon. Ang kanyang ama at Si Michael Alberto na kaibigan ni Paul lang ang saksi sa kasalan na iyon. Hindi na niya naimbitahan ang mga kaibigan na sina Jacel Anne at Meriza.             Isang mabilisang halik ang iginawad ni Paul sa kanya. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito’y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was really a trash. Everyone treated her that way.             Kung may isinampal sa kanya ang tadhana, iyon ay ang lumaban sa lahat ng makakaya niya. ‘Wag magpagupo sa problema. At may paraan ang lahat ng bagay para makuha. By all any means, she got what she had wanted. And she faced all the consequences bravely.             Last night, the moon was full so she prayed for him. She asked to the moon for him.             Sa buwan na marikit             Bigyan ang hiling ng abang maliit             Sinasambit nang marapat             Ang pagsamong wagas at sapat And she granted her wish.             But she wasn’t careful what she wished for. She made a mistake. She could feel it in her bones with his cold, dangerous stare.             At mukhang hindi sapat ang kanyang lakas upang harapin ang pagkakamaling nagawa niya. Dahil pinikot niya si Paul Angelo Pablo...                Business associate ang kanyang ama at si Paul Angelo. Unang kita pa lamang ni KM sa binata ay agad na siyang nagkagusto rito. He stood tall and confident. He exuded an air of authority that would intimidate all people that will lay their eyes on him. He was handsome in every angle of his face.             Kinakagat nito noon ang labi habang nakaupo sa kanilang sofa at nagbabasa ng business magazine. Naaaliw siya habang pinapanood ang binata, lalo na sa manipis nitong labi na walang humpay nitong kinakagat.             At nang magtama ang kanilang titig, right there and then, she was hooked.             At nang unang maglapat ang kanilang kamay at dumaloy ang nakakakiliting kuryente, alam niya, ang lalaki ang para sa kanya.             At nang masinghap niya ang nakalalangong amoy nito, parang sariwang hangin sa katatapos na ulan, she branded him as hers.             Lalong nag-igting ang hangarin niyang mapasakanya si Paul nang marinig niyang kinakausap ni Daneia ang kanilang ama. Gusto ni Daneia si Paul at hiling nitong ipagkasundo ito sa binata for business merger. And his father seemed to approve her proposition.             Fuelled by her love for Paul and disgust for his sister, KM devised a plan to make Paul fall for her. Isang gabing umuulan, habang wala ang kanyang ama at pamilya nito para sa bakasyon sa Batangas, tinawagan niya si Paul Angelo at nagpanggap na may kailangan ang ama niya rito. Pagdating na pagdating ng binata, pinainom agad niya ito na may halong pampatulog.             He fell like an angel and there she started her devious plan. Hinubad niya ang mga kasuotan nila at iniwan iyon sa sala para agad makita ng kanyang ama at pamilya nito pag-uwi galing sa bakasyon, ang araw na iyon ang dating ng mga ito. At hindi nga siya nagkamali dahil kinabukasan, bago pa man magising si Paul, bumukas ang pinto ng kwarto niya at nasilayan niya ang amang galit na galit. Nanlalaki naman ang mga mata ng panganay ng kanyang ama na si Janette, at naghihiyaw si Daneia.             The world may wipe out but KM will never forget her scheming sister’s expression. It was the first time KM caused her pain. And she found it priceless.             Good for her, she tought.             Nagising ang pupungas-pungas na si Paul Angelo at nagulat ito sa komosyon sa kanyang kwarto. Nang malaman nito ang ginawa niya, nawasak ang kanyang puso sa sakit at galit sa mga mata nito. Kinausap ito ng kanyang ama at napagkasunduang ikasal sila kinabukasan.             Paul Angelo, a principled man and with honor, agreed as if it was just a business deal being closed. And then he left leaving a tormenting and terrifying gaze.             At nang panahon na niya para kausapin siya nang masinsinan ng kanyang ama, sinampal siya nito na nagpatulig sa kanyang pagkatao.             “Alam mong gusto ng kapatid mo si Paul!” galit na turan nito. “Paano mo nagawang ahasin si Paul kay Daneia?”             At paano noong ahasin niya sa akin si Christian? Si Mark? Iyon ang gusto niyang sabihin ngunit nagtimpi siya.             “Hindi naging sa kanya si Paul,” sagot niya.             “Binigyan kita ng tirahan, pinakain at binihisan at ibinigay ko ang pangalan ko sa iyo tapos ito ang igaganti mo sa akin?”             She looked at him, hurt by his words. She was trembling and crying and laughing hysterically.             “Binigyan mo ako ng bahay pero hindi ng tahanan, binihisan mo ako at pinakain pero walang kalinga, ibinigay mo sa akin ang pangalan mo pero hindi ka naging ama sa akin. Ipinagkait mo sa akin ang magkaroon ng isang pamilya. Alam mo kung bakit?” She gulp the pain building in her throat, it was like an acid shrinking with her body. “Kasi madamot ka. Madamot kayong lahat! At hindi ako pwedeng magreklamo kasi anak mo lang ako sa labas, at kasalanan kong nabuhay ako. At tanggap kong parang basura ang tingin sa akin ng asawa mo at ng mga anak mo! And now you’re accusing me that I disgraced your name because of what I did? No! Simula noong nabuhay ko dinumihan ko na ang pangalan mo. At wala kang ginawa para baguhin iyon. So it’s you who disgraced your name.”             His raging father slapped her for the second time. Pakiramdam niya namanhid siya dahil wala na siyang maramdamang sakit.             “Impertinente!”             “Reality hurts, isn’t it Pa? Pero huwag ka nang magkaila. Alam kong masaya ka ngayon. You have two reasons to be happy. First, you got the merger. And second, finally you can get rid of me into your very respectable family. Congratulations,” aniya habang umiiyak na umalis sa bahay na iyon. ~~o~~  WALA SILANG IMIKAN habang nasa sasakyan. Sinabi niya sa kanyang asawa na sasabay na lamang siya sa kanyang ama. Ngunit hindi ito pumayag at pinasakay siya sa kotse nito.             Ramdam ni KM ang tensiyon sa pagitan nila. At hindi siya makahinga dahil sa tensiyon na iyon. Sinulyapan niya ang kanyang asawa.             Wala siyang itulak kabigin sa asawa. Aside from his pretty and manly face, there was something from him, something deep and impenetrable that made her swoon to him.             Maybe he’s a serial killer, anang isang bahagi ng kanyang utak.             No, never. Nakatakip ang mukha ng mga serial killer dahil pangit sila sa totoong buhay. He is too handsome to be a serial killer. And if he is, I am his willing victim.           Napangiti siya sa naisip. He was indeed an alpha moreno oozing with s*x appeal. He glanced at her enough to make her naughty side to shut up.             Hindi namalayan ni KM na nasa harap na pala sila ng bahay nila. Nagulat siya kung bakit hinatid siya nito roon. Sa loob-loob niya, kahit hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, mas nagtitiwala ang puso niya sa binata kesa sa mga taong nakasama niya nang mahigit labing-apat na taon.             “S-salamat sa paghatid sa akin,” aniya.             “Stupid,” ani Paul. “Kunin mo ang mga gamit mo at hihintayin kita rito. You have five mintues,” utos nito sa kanya.         Hindi siya kumilos at nakamaang lamang siya rito. Nagulat siya dahil iyon na ang pinakamahabang sinabi nito sa kanya sa loob ng tatlong buwan mula nang makilala niya ito.             “Now!” he commanded.             Bagkus na matakot, excited siyang umalis sa kotse nito at may pag-asam na pumasok sa loob ng bahay. May sayang nag-empake siya ng kanyang gamit.             Stupid. Ang unang salita niya sa akin pagkatapos naming ikasal. Great! What a word to share to our grandchildren someday, she thought naughtily.             “I always believe that you are a witch,” ani Daneia na pumasok sa kanyang kwarto at umupo sa kanyang kama, ang paningin nito ay nakalibot sa kanyang kwarto. “It is just now that I believe that hunch.”             “Of course you always believe that. You’re my number one fan in school, aren’t you?”             Dahil mahilig siya sa dark colors at iyon ang ayos ng kanyang kwarto, ipinagkalat nito sa kanilang paaralan noong high school na isa siyang mangkukulam. Dahil doon wala nang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Until she overcome that fear in college and she found friends.             “Siguro sobrang saya mo ngayon dahil nakuha mo na ang gusto mo,” sabi ni Daneia na may halong galit at pait sa boses nito.             “I am very happy my dear sister that even Pharrell Williams cannot contain this happiness,” she said smiling.             “Dahil ba ito kay Chirstian? O kay Mark? Kasalanan ko ba na mas gusto nila ako kesa sayo?”             Kung maari ko lang kalmutin nag mukha mo, kahit konti lang, gagawin ko para sa lahat ng pasakit na ibinigay mo sa akin... pero hindi, good girl na ako, isip-isip ni KM.                “Dear sister can you please be a good girl to remind me who are these persons you are talking about,” she mocked.             “Sooner or later, mawawala din ang ngiti sa mga labi mo. Iiyak ka at hahandusay sa lupa na kahit ang buwan mo ay hindi ka pakikinggan,” she hissed.             “Clearly, you mistook me sister. Why I am touched na malungkot at galit ka dahil aalis ako. Don’t worry, I will miss you too,” she smiled victoriously.             “Aagawin ko siya sa iyo, at wala kang magagawa kundi umiyak. No one wants a bastard. And no one loves a bastard. And that’s proven,” Daneia dared.             “I look forward to that day where I will be handing a tissue paper. I will give it to you when you cry, dear sister,” she said, accepting the challenge.             Tumayo ito at tinignan siya nang may poot. Tinapatan niya iyon. Hanggang sa makarinig sila ng mga busina.             “As much as I want to have this healthy conversation with you, sister, but my husband needs me. I’ll get in touch after our honeymoon,” she said smirking... and laughing.             Hindi na siya nagpaalam sa tao roon dahil alam naman niyang ka-plastikan lamang iyon. Alam niyang tuwang-tuwa ang mga ito na wala na siya sa bahay na iyon.             “What took you so long?” Paul Angelo said irritated.             Naks, namiss agad niya ang ganda ko.             “Sorry, masyado lang marami itong gamit ko.” Nakamaang siya rito, nag-e-expect na bababa ito at tutulungan siyang magbuhat ng kanyang gamit.             Okay, thank you for being a gentleman.             Mag-isa at hirap niyang inilagay ang mga gamit sa compartment ng sasakyan nito. Humihingal na siya nang sumakay siya sa sasakyan nito. Dahil sa pagod, agad siyang nakatulog sa sasakyan nito. Nagising na lamang siyang may humahaplos sa kanyang pisngi.             “KM,” ani Paul na may pagsamo sa boses nito.             Nagmulat siya ng mga mata at nakatunghay sa kanya ang pinakagwapong mukha na kanyang nasilayan. Walang kumilos sa kanilang dalawa, nakatitig lamang siya sa mukha nito hanggang sa umayos ito ng upo.             “Sorry nakatulog ako. Nasaan na tayo?”             “Sa bahay ko,” iyon lamang at bumaba na ito ng sasakyan. Hindi man lamang nagkusa na buhatin ang kanyang gamit sa compartment.             Pinikot mo siya, what do you expect him to do. Paluguran ka?             Inilibot ni KM ang kanyang paningin sa maluwang na bahay ng kanyang asawa.             Correction. Bahay namin.             Isa lamang ang bahay na iyon sa magagandang tahanan sa Zyrion Subdivision. Victorian style ang mga bahay doon. Pagpasok ni KM sa bahay nila, marami agad siyang napansin.             The garden seems so lonely. It is my please na ayusin iyon.             Maluwang ang loob ng kabahayan. Puti ang dominanteng kulay noon. Mukha iyong malungkot at nag-iisa. Just as she had expected, mukhang marami siyang aayusin sa bahay na iyon.             “Wala akong katulong dito. Dalawang beses sa isang linggo may dumarating na labandera. ‘Wag kang mag-expect na magiging prinsesa ka rito. You’ll do the cleaning and everything a maid must do,” anito.             Tumango siya. Nasaktan sa ginamit nitong salita.             “May tatlong kwarto ang bahay na ito, you’ll occupy the one next to mine,” dagdag nito.             “Hindi tayo sa isang kwarto matutulog?” tanong niya na nang tumingin ang kanyang asawa sa kanya ay agad niya iyong pinagsisihan.             “No. You don’t understand don’t you? You don’t get the pleasure here. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin,” anito, may banta ang mga matang hindi lumubay sa kanya.             Doon siya kinabahan. At natakot. Isandal siya nito sa pader at itinukod ang kamay nito roon.             “It’s time for me to teach you a lesson.” And then he whispered, bringing her chills. “It’s time for the bastard to have the proper manners, hayaan mong ako ang pumutol ng sungay mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD