Pagka-uwi ni Lucas galing trabaho ay wala siyang nadatnan na anino ni Vivien. Hinubad niya ang polo niya at kinuha ang kanyang cellphone. "Hindi pa ba sya uuwi? Gabi na ah!" Nagri-ring ang cellphone nito pero hindi nito sinasagot. Maka-ilang beses niyang tawagan ang numero nito pero bigo siya. It's already 8:30 at wala parin ito. Kinakabahan na tuloy siya, bakack kung ano na ang nangyari rito. "Nasaan ka ba?!" Naisipan niyang tawagan si Hailey dahil ito ang kasama nito kanina. "Oh Lucas?" Si Hailey. "Nasaan kayo ni Vivien?" Agad na tanong nito kay Hailey. "What do you mean?" She asked in a confused tone. Hailey never met Vivien. Magmula ng magpakilala ito bilang Sabrina hanggang sa naging okay na ito mula sa pagkakaroon ng amnesia. "Magkasama kayo diba?!" He asked again. "Iyan ba

