"Teka sandali..." Ani Vivien. Napahawak siya sa tiyan niya nang mga sandaling iyon. "Bakit?" Agad na tanong ni Lucas. Nag-aalala siya sa nobya. Nasa loob parin sila ng resthouse kasama si Zacheo na nasa backyard at may kung anong ginagawa. "Masakit..." Daing niya. Napako ang tingin ni Lucas sa mga hita ng nobya. Nagdurugo ito. "What?! Manganganak ka na?" Bulalas ni Lucas. Nataranta siya nang ma realize ang nangyayari kay Vivien. "Dati ka bang b*liw? Kita mo naman diba?!" Aniya. Napapasinghap pa siya dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi niya alam ang gagawin kaya tinawag niya si Zacheo. Mabilis namang rumesponde ang kapatid at inalalayan ang buntis. "Dalhin natin siya sa kotse. Kailangan natin siyang isugod sa pinakamalapit na hospital. Dali!" Lucas immediately carry Vivien throug

