After they talk, naisipan ni Hailey na puntahan si Rayleigh sa kwarto nito. Kahapon lang siya nakarating ng pilipinas at gustong-gusto na niya itong makita. "Ang ganda naman ng inaanak ko!" Giit niya kay Vivien. Nanonoud lang ito sa ginagawa niya kay Rayleigh. "Saan pa ba magmamana?" "Of course, sakin!" Pakli ni Hailey. Dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Natutulog si Rayleigh kaya minamasdan lang siya ngayon ni Hailey. "Nasaan na nga pala ang dakilang higad?" Wala sa isip niyang itanong kay Vivien. Ang tinutukoy nito ay si Charlotte. Hindi niya na kasi ito nakikita pa, hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa dating kaibigan. Na gets naman ni Vivien ang tinutukoy niya. "I-i don't know! Wala na akong balita sa kanya." Kinakabahan niyang sagot sa kaibigan. Gusto niya sana

