"Umusog ka nga!" Reklamo ni Vivien sa natutulog na si Lucas. Nainis pa siya nang makitang hindi man lang ito umiimik at tila'y tulog na tulog. Walang awa niyang kinurot ang tagiliran nito na nakapag-pabalikwas sa kawawang asawa. "Ano ba, love. Natutulog yung tao eh!" Napakamot pa ito sa ulo nito at pupungas-pungas na umusog ng kunti. "Sinabi kong usog eh. Tat*nga-t*nga!" Suplada niyang giit sa asawa. Hindi niya alam kung bakit ang init-init ng ulo niya sa asawa. Dahil siguro sa init ng kwarto nila. Pano ba naman kasi nasira ang aircon nila, timing pang gabing-gabi na at bukas pa nila ito mapapa-ayos. "R*pe-in kita dyan eh! Ang arte mo!" Muli, ay ipinikit ni Lucas ang mga mata. Hindi na siya nagkumot pa dahil pati siya ay naiinitan narin. Si Vivien naman ay hindi mapakali, panay ang gal

