Nakamasid lang ang binata sa natutulog na buntis sa kama ng hospital. May benda ito sa ulo at ang dati nitong pulang labi ay tila nawawalan na ng kulay. Mahimbing lang itong nakapikit. Pinagmasdan niya itong maigi. Tatlong araw na itong natutulog ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising. Naaawa siya sa sitwasyon ng babae kaya hindi niya ito magawang iwan lang sa hospital kasama ang ipinadala niyang tagabantay rito na pinsan niya lang naman. Ang lalaking tumulong kay Vivien ay walang iba kundi si Zacheo Lloyd Monterde. Isa rin siya sa sikat na business man all over the country. He holds Monterde Publications and he was the President there. At the age of 23 nagsimula siyang magtrabaho sa kompanya ng lolo niya dahil siya lang ang nag-iisang lalaking apo nito na maaaring humawak

