Sinubukan kong magpumiglas subalit napakahigpit ng hawak nila sa aking mga braso. Walang imik at diretso ang tingin ng mga ito. Kagaya nung una kong nakita si Nornan. Nang madaanan namin ang salas at papalabas na kami rito, bigla may itinali sa aking ulo, parang panyo upang takpan ang aking mga mata. Marahil alam nila maari kong isaulo ang daanan at tumakas ng walang kahirap-hirap. Bago kami lumiko sa isang daanan, hindi ko batid kung guni-guni ko lang subalit narinig ko ang sigaw ni Norman. Limingon ako kahit hindi ko naman nakikita ang aking paligid subalit nagpatuloy pa rin ang mga sundalo sa paglakad ng sabay-sabay. Anong ginagawa ni Franco sa kanya. Iniisip ko pa lamang ay nais ko ng umapoy sa galit. Ano bang nagawa nito? Nang sa ilang minuto ay tila pumasok kami sa isang silid.

