Bakit may mukha ako rito? At tila isang kamalasan sapagkat biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang galit na si Franco. Mabilis kong ibinalik ang takip sa aking mata. Franco. Ibang iba sa nasa litrato. Walang malumanay na mata, walang maamong mukha. Nagtama ang aming mga mata at hindi ko alam kung ano ang aking iisipin. Subalit kinalma ko ang aking sarili. Baka kahawig mo lang ito. Oo. Maraming magkahawig sa mundo. Isa pa kung kapatid mo nga si Franco, hindi ka dapat nag-iisa at nakakulong sa dati mong madilim na silid. Saglit itong tumingin sa aking likuran na ipinagtaka ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. Tumitig itong muli sa akin at hindi ko maipalaiwanang ang mukha nito. Tila galit ito na nasasaktan na hindi mapakali. "Franco!" Nang sa isang iglap hindi ko namalayan sa

