“Kahit lakasan mo pa ang sigaw mo, walang pakialam ang mga narito sapagkat kagya mo rin silang baliw!” Tinig ito ng isang lalaki. “Anong gagawin mo sa aki—aaaaaa Tinakpan ni Vittoria ang kanyang bibig habang narinig niya ang pagtanggal ng isang sinturon kasunod ng isang tunog na parang may itinulak sa kama. “Hindi! Lapastangan, huwag mo akong hahawakan!” “Wala ka ng magagawa, ito ang tadhana ng mga nakukulong rito…,” sabay halakhak ng lalaki. Sinubukan niyang mag-ingay at sumigaw subalit tila hindi siya naririnig sa kabila. Ang mga sumunod na narinig ni Vittoria ay hindi niya maiwasang takpan ang kanyang tenga. Ginagahasa ang babae na kakukulobg lamang sa kabilang selda kung saan siya nakakulong. Natakot ito at nagtaka kung nangyayari rin ba ito sa kanya. Tumakbo ito tungo sa kanyang

