"Paano ka napunta sa laboratoryo?" "Maari bang huwag muna nating pag-usapan ang tungkol diyan. Tila hindi maalis alis sa aking isip ang sigaw mula rito." Tumingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala na may mukha pa akong ihaharap at manghihingi ng pabor tungkol sa aking pagtakas sa kanya. Subalit ibinalik nito lamang nito ang kanyang tingin sa harap at nag-isip. "Kung gayon saan ka natutong kumanta?" "Sa ibon na aking naririnig tuwing ako'y mawawalan ng malay." "Hindi kapani-paniwala subalit sige. " "Maniwala ka sapagkat sino pa nga ba ang magtuturo sa akin gayong nakakulong ako buong buhay ko rito. " "Bakit hindi mo ako isinumbong?" Ako naman ang magtatanong. Hindi ko alam kung kelan kami nagsimula na magkaroon ng ganitong mga pag-uusap subalit napakagaan niyang kausap at til

