"Parang awa mo na. Ayoko naaaa!!!!" "Vittoria! Vittoria!" Naramdaman ko ang pag-alog nito sa aking balikat subalit hindi tumigil ang malakas na sigaw ng lalaki sa laboratoryo sa aking pandinig. "Vittoria! Anong nangyayari sayo?" "Tama na...tama na...ahhh TAMA NAAAA....." Tumindig lahat ng balahibo ko sa paglakas nito. Pinagpawisan na rin ang buong katawan ko. Tila nauubusan ako ng hininga sa bawat pagsikap ko ng hangin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Basta naramdaman ko nalamang ang malaking braso ng sundalo na mahigpit na nakapuluput na sa akin. At ang pag-iiba ng tono nito at ang mga malumanay na salitang, "I'm sorry. I'm sorry for shouting. Tahan na. Tahan na." Hanggang sa mahimatay ako dahil sa pagkahilo mula sa boses ng lalaki na hindi tumitigil. Sino ka ba? Bakit m

