"Halika…," pag-aaya ng isang binata sa akin. Nakita ko ang isang batang lalaki. Nakangiti ito malawak pa sa araw, masaya at nakakagaan ng pakiramdam ngunit kahit anong pilit ko, hindi ko maaninag kung sino ito sapagkat ang mukha nito ay hindi malinaw. Ang mga kamay, braso at damit nito’y malinaw na malinaw. Nakasuot ito ng puting barong at puti ring mga pantalon. Napakapamilyar ng boses nito na parang isang likod lamang ng aking isipan subalit hindi ko maalala. Muli’y nainis ako sa aking isipan, bakit hindi ko maalala ang aking nakaraan? Bakit? Bakit? Nanggigigil ang aking ngipin at ang buo kong katawan ay aking pinatigas ko sabay sigaw ng,”Sino ka?” “Sino ka?!” Saglit itong lumingon at kahit hindi ko makita ang kanyang mukha hindi ko alam paano ko nalaman na malungkot itong tumingin p

