Chapter 9.2

386 Words

"Hindi mo ba naririnig ang iyong sarili? Sigaw ka ng sigaw kanina, bakas ang takot sa iyong paghiyaw. Tila may masamang panaginip ang dumapo sa iyo." Lumayong muli ito. Nagpunta ito sa gilid malapit sa bakal na pintuan na hindi masyadong nasisinagan ng buwan kung kayat ang bawat galaw nito ay hindi ko naaaninag. Tila naging isang ritwal na sa bawat gigising ako ay lalayuan ako nito. Mabuti na rin ito. Natahimik ako. "Wag kang mag-alala, wala lang ito." Tumingin ako sa aking mga binti. Tinignan lamang ako nito mula sa gilid ng kanyang  mata at nanahimik. “Pasensiya na kung naabala kita. Hindi ko ipinapangakong hindi ito mauulit subalit kung maulit man ay hindi mo na kailangang gisingin pa ako.” Nais kong gisingin mo ako sapagkat ikakamatay ko ang mga bangungot ko. Nakaupo pa rin ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD