"Akala ko ba nais mo akong patayin." "Hindi ngayon." Napatawa ito. At nakangiting sinabi, "And what's the reason behind that 'not now' of yours?" "Pagod na ako. Kung may nais akong patayin ngayon, marahil ay ang sarili ko. Ngunit hindi ata pahihintulutan ng aking konsensya na hindi ko man lang nalalaman ang katauhan ko, ang mga pamilya ko at higit sa lahat bakit ako narito. At naghihirap." Naramdaman ko ang pag-iba ng ihip ng hangin sa mga binanggit ko. Hindi ko alam ngunit biglang naging seryoso ang mukha nito. "Ang lahat ng nangyayari sayo ay may dahilan. Hindi mo man makita ngayon ay marahil ay malapit mo ng malutas ang mga ito sa madaling panahon." "Kelan pa? Kapag patay na ako sa asilong ito? " Tila hindi na kami nagsawa sa katahimikan at itong muli ang bumalot sa amin. Ngunit

