Episode XX

2289 Words
Para na akung hindi maihing pusa sa kalalakad ng parut parito at maya't maya rin ang sulyap ko sa orasan. Nanlalamig din ang aking mga kamay. Malakas din ang tahip ng aking dibdib, madalas ko rin pagkuskosin ang aking mga palad sa baka. Isang oras nalang ang aking hinihintay, muli kung sinulyapan ang mag-ina kung himbing ng natutulog. Lagi ko rin tinatanaw ang aking selpong nakapatong sa ibabaw ng working table, naghihintay na magliwanag yon. Halos mapatalon pa ako sa gulat ng biglang umiyak ang aking anak. "Sssshhh.. Stop crying son, Dada's here." Bulong kung anas sa kanya at baka magising pa ang kanyang ina. Kinarga ko nalang siya at isinayaw sayaw. "Baka nagugutom." Dinig kung paos na tinig na ikinagulat ko ulit. "Ipangtitimpla ko nalang siya ng dede." Dugtong pa niya, tumayo na siya at tinungo ang lalagyan ng mga gamit ng anak namin. "Akin na siya, ako na magpapatulog." Usal niya habang inaalog-alog pa niya ang feeding bottle. Kaya ihiniga ko nalang ulit ang anak namin sa crib. Natahimik naman ito ng isalpak na ni Paula sa bibig niya ang dede niya. Pagtingin ko sa orasan, alas dose dyes na kaya malalaki ang habang kung tinungo ang working table at agad dinampot ang aking cellphone. Nakaka ilang scroll palang ako ng tumambad na sa aking mga mata ang matagal ko ng pinakahihintay. Halos manginig ang aking mga kamay at tuhod sa aking nakikita parang hindi ako makapaniwala. Hindi rin ako makagalaw, nagiinit rin ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko rin maibuka ang aking bibig kahit gusto kung magsisigaw at maglulundag sa tuwa. "What's that?" Saad niyang may kalakas kaya napakislot ako paharap sa kanya. Kunot noo niya kinuha sa kamay ko ang hawak kung cellphone ng malapitan niya ako. "You passed!" Mahinang anas niyang titig na titig sa cellphone ko. "You did it!" Malakas na niyang bulalas. Saka palang ako natauhan. "Ohh! My God! You did it!.. Thank you Lord... This is what have you been waiting for.You're a Lawyer now. Congratulations Attorney Nickulas Dacumos and good luck for your new journey." Tuwang tuwa niyang turang sa akin at kinintalan pa niya ako ng halik sa pisngi. May ngiti sa mga labi rin pinahid ng mga daliri niya ang luha kung naglandas sa aking pisngi. Kinabig ko nalang siya at mahigpit na niyakap. Tuwang tuwa ko siyang iniaangat at ilang beses kung ipinaikot-ikot ng gantihan niya rin ako ng mahigpit na yakap. Ito ang una namin yakapan simula ng manganak siya. Simula ng sirain ng mga magulang niya ang aming magandang relasyon. "Thank you. This is for you and to our son." Saad ko at siniil siya ng halik. Agad din niyang tinugon ang aking halik kaya mas pinalalim ko pa at halos ayaw ko na siyang bitawan at baka lumayo nanaman siya sa akin. Ang mariing halikan namin ay nauwi sa isang mas mainit at naglalagablab na apoy na pinagsaluhan namin ng aking asawa sa buong magdamag. Ang kasabikan namin sa isa't isa ay humulagpus. At walang sawa namin pinagsaluhan ang walang hanggang kaligayahan na tanging sa kanya ko lang nararamdaman.Tanging mga ungol at halinghing lang naming ang naging musikang maririnig sa loob ng kwarto namin at ang mahiwang tunog ng nagsasalpukan namin katawan sa tuwing mararating namin ang rurok ng kaluwalhatian na mas lalong nagpapainit ng amin katawan lupa. Nagising akung may matamis na ngiti sa aking mga labi ng mabungaran ng aking mga mata ang payapang natutulog na magandang mukha ng aking pinakamamahal na asawa. Magkayakap kaming nakatulog na parehong wala kahit na anung saplot sa katawan. Ilang minuto ko pa siyang pinakatitigan bago ko kinintalan ng halik ang kanyang noo. "I love you Honey." Bulong ko at maingat kung iniangat ang aking brasong nakayakap sa kanya. Inayus ko nalang ang kumot na tumatabing sa kahubdan ng katawan niya, tumayo na ako at nilapitan ang crib ng anak namin. Dinukwang ko ito sa crib niya at ginawaran siya ng halik. "I love you son, and thank you at hindi mo kami inistorbo ni Mommy kagabi." Bulong ko rin na may pilyong mga ngiti sa labi. Muli ko pang inayus ang kumot ng asawa ko bago tuluyan lumabas ng amin kwarto. May matamis na ngiti sa labing lumabas ako ng bahay namin at nagtungo sa rooftop na siya kung nakasanayan na sa tuwing magigising ako sa umaga. Magaan ang aking pakiramdam na parang hanggang ngayon pakiamdam ko nakalutang parin ako sa alapaap. Ilan beses ba namin pinagsaluhan ang ligayang walang kapantay kagabi. Hindi ko napigil ilabas lahat ng naipon init sa aking katawan at walang sawa ko siyang inangkin ng paulit-ulit. At alam kung ganun din ang kanyang nararamdaman base sa mga hagod at haplos ng kanyang kamay sa akin katawan. Muling na-init ang aking pakiramdam sa naiisip kung paano niya ako tinanggap ng buong puso kagabi. "Pre, congratulation!" Bungad agad sa akin ni Juancho na mukhang kadarating lang din niya. Kaya napakunot noo pa ako. "Attorney!" Hiyaw din ni Rafael na parating palang. "Huh!" Tangin namutawi sa bibig ko. At ng maalala ko kung anung ibig nilang sabihin napangiti nalang ako. Nakalimutan ko na ng dahil sa kakaibang saya kung nadarama sa puso ko. Napakamot nalang ako sa aking batok at hinarap silang may malawak na ngiti. "Salamat sa inyo." Usal kung masayang-masaya. "Kailan ang blowout?" Pangangatyaw pa nilang sabay-sabay. "Isasabay ko na sa birthday ni Axl para minsanan nalang, maging ang binyag. Kaya ihanda na n'yo mga pangregalo sa anak ko." Pang-aasar ko nalang sa kanila. "Kuripot mo talaga. Inisa mo ng lahat." Bulalas naman ni Carlos. "Hindi ka lang pala Abogado wise ka rin." Saad ni Rafael. Naalimpungatan akung may tumamang kung anung bagay sa ulo ko. At isang matinis na tinig ang aking naulinigan. Kaya agad akung napabalikwas ng bangon, naglaki pa aking mga mata ng tinamaan ng lamig mula sa aircon ang aking katawan kaya agad ko rin ikinipit sa katawan ko ang kumot. Muli kung narinig ang hagikgik ng naliit na tinig kaya nag-angat ako ng paningin. Kitang kita ko ang nakatawang mukha niya. Nakatayo siya at nakakapit mabuti sa hanggang dibdib niyang crib at inuuga-uga na niya ito. "Mmumm... Ddaddaa.." Usal niyang sunod-sunod kaya naalala ko ang kanyang ama, ang dahilan kung bakit ako hubot hubad na nakatulog. Wala na akung lakas magsuot pa ng damit ng lubayan niya ako. Sinaid yatang lahat ng naipong katas niya sa akin kagabi. Wala na naman siyang kapaguran inangkin ako magdamag hanggang umaga. "Let's go Baby dun ka na muna kay Yaya Emma, tanghali na ako." Aniko at nagmamadaling binuhat siya matapos kung maisuot ang robang nasa paanan ng kama. Halos magkandarapa ako sa pagmamadali. Tanghali na, kasalan ng lalaking yon kung bakit ako tinanghali ng gising. Paninisi ko pa sa kanya at ng maalala ko kung gaanu niya ako sinamba at pinaligaya ng walang kasawaan. Napapangiti pa ako at dinama ng mga daliri ko ang aking labi. Dama ko pa hanggang ngayon ang mainit niya mga haplos at halik na naglalakbay sa buong katawan ko. Nagpaubaya ako ng buong puso, nadala ako sa nag-aapoy na init na matagal ng lumulukob sa aking pagkatao. Ang kasabikan kung madama ang init ng kanyang katawan ay muli kung nadama at pinagsaluhan namin ang walang hanggang glorya. Narating kung muli ng ilang ulit ang ikapitong langit kasama siya, ang nag-iisang lalaking itinatangi ng aking puso't kaluluwa. "Good morning Ma'am! Congrats po!" Mga pagbating maririnig ko sa mga empleyado ko pagpasok ko palang sa entrada ng building. Kaya napataas kilay ako. At nagtataka kung bakit nila ako binabati. At para saan. Ano bang nagawa ko at kino-congratulate nila ako. "Anung meron?" Mataray ko ng sikmat ng makita ko silang nagkakagulong parang may pinanunod na kung ano sa mga computer sa harapan nila. "Good morning ma'am. Bakit po si Sir lang walang picture?" Tanong ng isa sa akin. Kaya wala sa loob na sinilip ang screen ng computer sa harap niya. Halos lumuwa ang aking mata sa nabasa. Tama ba ang nakikita at nababasa ko? Tanong ko sa aking isipan. "Back to your work." Maawtoridad ko nalang singhal sa kanila upang pagtakpan ang pagkapahiya. Dahil nawala sa loob ko ang tungkol sa exam niya. Malalaki ang hakbang at may pagmamadali na akung pumasok sa loob ng opisina ko. Agad ko rin binulat ang laptop ko at hinanap ang tinitingnan nila. Masusing kung binasa isa-isa ang mga pangalang nakatala. "Damn! s**t!" Sunod-sunod kung mura ng masiguro kung tama ang nababasa ko. "Damn you Nickulas bakit hindi mo sinabi, nagmukha tuloy akung tanga." Usal ko pang may kalakasan. Dahil bigla akung kinabahan. Parang ako ang may pagkukulang kung bakit siya lang ang walang litrato sa lahat ng nasa top. Bakit hindi siya nag-submit ng picture niya. Baka maging sa yearbook nila wala din siyang picture. Halos mapaangat ako sa kinauupoan ko sa gulat ng tumunog ang aking cellphone kaya agad kong dinukot ito sa bag ko. "Hello po Tita, Good morning po." bungad kung bati sa Mommy ni Drex, ang aming ninang sa kasal. ["Congratulations sa inyo. He's the topnotcher in bar exam. He did it, and im proud of him."] Tuwang-tuwa niyang bulalas. Kaya wala akung nasabi, ang alam ko lang nakapasa siya hindi ko naman alam na magta-top one pala siya. Nawala narin sa isip ko yun dahil ang sa umaapaw na saya sa puso ko sa nangyari sa amin kagabi. "Thank you po Tita, ipaparating ko nalang po sa kanya." Tanging nausal ko. Sa dyaryo, t.v. at maging sa magazine pangalang niya ang bumabandera bilang topnotcher sa katatapos na bar exam. Pero lahat nagtatanong kung sino si Attorney Nickulas Dacumos ang bar topnotcher at bakit walang picture saan man nila ito hanapin. Wala din itong social media account. May nakuhan man silang mga information, tanging pangalan at marital status lang ang nakikita nila. Single, kaya napakunot noo siya, kaya ba madaming nali-link na babae sa asawa niya. Hindi nito ipinaalam na may asawa at anak na ito. Halos wala siyang nagawa sa opisina sa kaiisip kung ano ng mangyayari sa buhay nila ngayon. Isa ng ganap na abogado ang asawa niya, oath-taking nalang hihintayin nito para maging pormal ng abogado ito. Alam niyang malaki ang magiging pagbabago ng buhay nila ano mang sandali mula ngayon. At hindi niya alam ang mga pina-plano sa buhay ng asawa. Kung sila pa ba ang gusto nitong makasama, at ilan bang babae ang nauugnay sa asawa. Kabi-kabila ang mga rumours na biglang kumakalat ngayon sa mga social media na mga naging karelasyon daw ng asawa. Ni wala ang pangalan niya sa mga yun. Gaano kagaling ang asawa niya at naitago nito ang marital status nito. Hindi man lang nabanggit ang pangalan niya, ni walang nakapagsabing kasal na ito. Bakit mukhang sekreto ang lahat ng tungkol sa kanila ng asawa at anak. Kailan ba siya isinama nitong mamasyal parang wala siyang natatandaan na nag-date sila nito o kahit kumain sa labas. Namasyal kaya sa park o kahit sa alin mang lugar. Ni hindi niya natatandaang ipinakilala siya nito sa kahit sinong kakilala nito o kahit sa mga classmates nito. Maliban nalang kila Carlos at Juancho. Abala ito nuong panahong nag-aaral pa ito, lagi itong nagbababad sa Gym at lumalabas lang ito para mag-deliver ng mga sportswear at shoes sa mall. Bilang isang working student masipag at matiyaga ito. Kaya ang alam lang niya, gym, school at bahay lang ito. Masyado rin siyang naging abala nuon panahon yon sa pagpapalago ng negosyo ng Lola niya. Kaya wala na siyang oras para usisain ito at sinuhin kung sinu-sino ba ang nakakasama nito at kung saan-saan nagpupunta, malaki rin ang tiwala niya dito. Ngayon naglalabasan ang ganitong issues tungkol sa asawa, para ito ngayon isang celebrity sa dami ng issues. Sinong hindi magiinit ang ulo, siya ang asawa pero walang alam tungkol sa pagkatao ng asawa. Kulang nalang manakit siya ng tao sa galit na biglang umusbong sa puso niya. Nagpupoyus ang kalooban niya sa mga natuklasan. Ang inakala niyang tapat ang asawa sa kanya hindi pala at marami pala itong itinatagong lihim. Mga babaeng karelasyon daw nito. Mga magaganda at sopestikada, mukhang mayayaman at edukada, kilala sa lipunan at larangan ng pagnenegosyo. Pero naisip din niya kung ilan taon na ba silang kasal ng asawa at kailan ba nagsimula ang mga issues na naglalabasan ngayon at kanya-kanya ng pasikatan ang mga babaeng nagsasabing ex daw nila ito. At kung may katotohanan ba ang lahat ng kumakalat na mga rumours. Paano kung nangyari ang mga ito bago palang sila nakasal. Nag-off nalang niya ng gadget niya upang mapanatag ang isip niya, dahil hindi niya alam kung may katotohanan ba ang lahat, baka mapahiya lang siya sa asawa kung kukomportahin niya ito at sabihin nitong nagseselos lang siya. Marami pa siyang dapat pagtuonan ng pansin na mas importante kaysa sa tsismis na kumakalat ngayon. Wala din namang pinakikitang picture ang kahit isa sa mga babaeng nagke-claim na naging karelasyon nila ito. Nakakuyom ang mga kamao niyang tumayo sa pinaka tuktok ng gusali at tumanaw sa malawak na siyudad.Tanaw na tanaw niya mula kinatatayuan ang mga naglalakihang mga gusali at ang nagsalinbayan iba't ibang uri ng mga sasakyan, ang mga taong kasing liliit na halos ng langgam sa tingin niya sa taas ng kinatutungtonggan niya. Matatalim ang kanyang mga matang pinagmamasdan ang mga ito. "Magsisimula na ako sa aking mga plano. Iisa-isahin ko na kayung sisingilin. Pagbabayarin ko kayung lahat. Lasapin n'yo ang igagawad kung parusa sa inyo, sisiguruhin kung walang matitira sa inyo kahit isa. Babawiin ko ang lahat ng kinuha niyo sa amin. Muling kung ibabango ang pangalan Belanger. At sisigurohin kung muling makikilala at mamayagpag ang kinang nito sa dating pwesto." ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD