Episode XIX

2114 Words
Kinaladkad ko palabas ng Gym ang babaeng bigla nalang akung siniil ng halik at niyakap ng mahigpit. Wala na akung pakialam kung nagpupumiglas at naghihiyaw pa siya, umiiyak narin siya dahil alam kung nasasaktan siya sa higpit ng pagkakahawak ko sa mga braso niya. Gustong-gusto ko na siyang suntokin sa mukha. Ang akala ko babatiin lang niya ako, yon pala may masama na siyang intensyon. Halos iumpog ko sa dingding na pader ang aking ulo sa galit sa sarili. Kung hindi lang siya babae baka binasag ko na ang pagmumukha niya. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa asawa ko ngayon. Sinira ko na tiwala niya sa aking. Madami ng sama ng loob ang naidulot ko sa kanya, ni hindi ko ipinaalam ang graduation ko sa kanya at hindi ko tinupad ang mga pangako ko sa kanyang siya ang isasama ko. Ngayon nakita pa niyang may kahalikan akong babae. "Damn it!" Sigaw kung paulit-ulit gustong kung ibalibag lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa ko sa galit, gusto kung magwala. Ilang araw narin napapansin kung hindi niya ako pinapansin at iniiwasan. Nagsimula matapos ang araw ng graduation ko, alam kung hinihintay din niya ang araw na yon. Alam ko rin alam na niyang tapos na ang graduation ko. Ano na bang nangyayari sa aming mag-asawa? Sino ba ang may pagkukulang sa aming dalawa? Ako ang unang umiwas sa kanya ng dahil sa pagiwan niya sa amin ng anak namin. Pero malinaw naman napilitan lang siyang sumama sa mga magulang niya, pero hanggang ngayon hindi pa siya nagpapaliwanag tungkol dun. Yun lang naman hinihintay ko. Pero mukhang mas marami akung dapat ipaliwanag at ihingi ng tawad sa kanya. Mas marami akung nagawang kasalan sa kanya. Dapat nagalit nalang siya at sinaktan niya ako, mas matatanggap ko pa kaysa iniwan at hinayan ako sa maling gawa. Dapat ipinagtanggol niya ako sa babaing yon. May karapatan siyang gawin ang lahat dahil mag-asawa kami. "Fvck!" Muli kung hiyaw at sinuntok ang mesa ko. Wala na akung pakialam kung mag dugo man ang aking kamay. "Tama ba ang mga naiisip ko? Tama bang siya ang sisihin ko sa mga kagagohan kung nagawa. Ang pagisipan siya ng kung anu-ano. Wala naman siyang ginawang masama sa akin ." Usal kung halos maluha na sa masa ng loob. Alam kung nasaktan ko siya. Sobrang sakit nuon para sa kanya. Lahat ng pang-unawa at pagtitiwala ibinigay niya sa akin. Tinalikoran din niya ang mga magulang niya ng dahil sa akin. Tapos ito pang igaganti ko sa kanya. Hating gabi na ng maisipan kung umuwi ng bahay. Dumiretso na ako sa kwarto namin dahil alam kung sa mga oras na ito tulog na ang mag-ina ko. Ilan minuto ko pang pinagmasdan ang maamong magandang mukha ng aking asawa, mugto pa ang mga mata niya sa labis na pag-iyak, may bakas din ng natuyo luha sa kanyang pisngi. Gusto kung pahirin ng mga daliri ko ang pisngi niya pero nangangamba akong baka magising ko siya. Ako ang higit na nasasaktan pagnakikita ko siyang malungkot at umiiyak. Aalis akung tulog pa ang asawa ko, uuwi rin akung tulog na silang mag-ina. Tanging ito nalang ang magagawa ko para makaiwas sa matatalim niyang tingin sa akin. Malamig at walang init kung tratohin niya ako ngayon. Ni hindi na niya magawang sabayan ako sa pagkain. Walang emosyon at parang yelo sa lamig ang mga mata niya kung tumitingin sa akin. Wala na ba ang pagmamahal niya para sa akin. Ako, hinding-hindi magbabago ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Siya lang ang nas-iisang babae sa buhay ko. Sila ng anak namin ang buhay at kaligahan ko. Sila ang kayamanan ko. Pag-pasok ko bahay namin nadatnan ko si Emma na nanunuod ng t.v sa sala kaya nilampasan ko nalang siya at pumasok sa kusina. Pero dinig ko ang mga yabag niya pasunod sa akin. "Sir Nickulas kakain na ba po kayo? Ipaghahain ko na po kayo?" Usal niya. "Ako nalang bahala sa sarili ko." Saad ko at binuksan na ang fridge para kumuha ng tubig pero naagaw ng atensyon ko ang isang chocolate cake na may bawas na. "Happy 5th months old." basa ko kaya halos mabitiwan ko ang hawak kung bote ng tubig. "Emma, nasaan ang Ma'am Paula mo?" Kabadung tanong ko pagbaba ko ng hagdanan dahil hindi ko sila nakita sa kwarto. "Umalis po sila. Sinundo po ng Lola niya. Bukas pa daw po sila uuwi. Ipapasyal lang daw nila si Axl." Litanya niya. Kaya mariing kung naihilamos ang aking mga palad sa aking mukha. Dapat ako ang kasama nilang mag-inang namamasyal. Responsibilidad ko sila. Pero nakalimutan kung ika-limang buwan na pala ng anak ko ngayon. Kung kailan lumuwag ang schedule ko saka ko nakalimutan ang mga obligasyon ko sa mga-ina ko. Kaya lalong lumalayo ang loob ng asawa ko sa akin dahil nagiging iresponsable na ako ngayon. Pagpasok ko sa kwarto namin hindi ko inaasahan ang makikita ko. Sa tuwing uuwi ako tulog na siya pero ngayon nakaupo siya sa kama. Nakasuot pa siya ng long sleeve na aqua green na t-shirt at naka padjama ng pambaba. Katabi niya ang amin himbing na natutulog na anak. Nasa kandungan niya ang kanyang laptop. May mga papel din siyang hawak at pinagmamasdan isa-isa. Nangiti pa ako dahil inabutan ko siyang gising pero gabing-gabi na. "Marami ka bang trabaho ngayon? Malalim na ang gabi. Magpahinga ka na muna." Malumanay kung usal. Pero tutok lang siya sa laptop niya. At hindi ako nilingon. Naiiling nalang akung tumalikod sa kanya. Hanggang ngayon ayaw parin niya akung pansinin. "No, i just want to know more about this.... Yeah, I have a draft of some details here." Dinig kung dirertso niya saad kaya napabaling ulit ang tingin ko sa kanya. At pinakatitigan siya. Napangiti naman ako ng makitang may nakasalpak na headset sa mga tenga niya kaya siguro hindi niya ako narinig at napansin ang pagpasok ko. Ilang minuto ko pa siyang pinakatitigan. Nahuhulaan kung foreigner ang kausap niya dahil sa diretsong English na wika niyang lenguwahe. At paminsan-minsan nililingon niya ang anak namin sa tabi niya. Paglabas ko ng cr lumabas ulit ako ng kwarto namin dahil alam kung matatagalan pa ang aking asawa sa kausap niya. Malamang magkaiba ang time zone nila kaya ngayon lang niya ito nakakausap. Isang basong mainit-init na gatas ang inabut ko sa aking asawa ng hindi nagsasalita. Ganito ang ginagawa niya sa akin pagnakikita niya akung nagpupuyat sa kababasa ng libro nuon nag-aaral pa ako. Nag-angat siya ng mukha niya ng itapat ko ang baso sa kanya. "Thanks." Anas niya at bahagyang ngumiti. "It's my loving hubby, he give me this." Usal niya sa kung sino man ka-video chat niya at itinapat pa niya ang hawak niyang baso sa camera ng laptop niya. "Yes, i'm so happy and lucky to have him in my life." Usal pa niya sa kausap at sumimsim ng gatas. Hindi ko na sinino kung sino man ang kausap niya dahil kumabog na ang dibdib ko sa tuwa sa narinig mula sa kanyang bibig. Ganito ba ang kinikilig. Tanong ko sa isipan ko. Hindi ko man naririnig ang sinasabi ng kausap niya pero alam kung nagtatanong siya, base sa mga sinasagot ni Paula na naririnig ko. "No,.. No.. Mum. Just say Mum." Dinig kung pangungulit niyang saad. Napapangiti nalang ako sa mga sinasabi niya. "Not Dada, say Mom." Ulit pa niya. "Ddaa.. Daa." Isang munting tinig din ang nagpatigil sa aking paglakad papasok sa walk in closet, at malalaki ang hakbang ko silang nilapitan, nasa ibabaw silang mag-ina ng kama. At tuwang-tuwang kung sinaluhan silang dalawa sa kama. "Say it again baby.. Dada. Say it." Pakiusap ko narin dahil ngayon ko lang siya narinig na may nabuong salita. "Say. Dada son.. I want to hear it again." Pangungulit ko rin "Ddaa..Dada." bulol na usal niyang nakatawa sa akin. Kaya agad ko siyang kinarga sa tuwa at hinalik-halikan. Itinaas-taas ko rin siya sa ere na ikina hagikgik niya ng malakas. Kita ko naman nakasimangot ang Mommy niyang pinagmamasdan kami. Kaya muli kung ibinaba sa kama ang anak namin. Masyado na siyang makulit at mabilis narin siyang gumapang at kung saan-saan siya nagsusuot. Kaya maging ang yaya niya napapagod narin sa kasusunod sa kanya. May katabaan narin siya na madalas pangigilan ng kanya ina ang pisngi niya. Marami rin nagsasabing younger version ko daw siya. Pagpasok ko ng kwarto namin kita ko ng nakahanda ang isusuot ko. Kung nuon kahit ano nalang isuot ko pagpumapasok ako sa university ngayon hindi na. Kailangan ko ng medyo disenteng damit at bago umalis ang aking asawa iginagayak na niya ang mga isusuot ko. Kahit hindi paring kami bumabalik sa dati, matabang at walang init parin niya ako kung tratuhin. Madalas parin niya akung iniiwasan na parang may sakit akung nakakahawa. Marahil hindi parin niya ako napapatawad sa nangyari sa aming ni Venus ng bigla niya akung sibasibin ng halik. Isang light blueng long sleeves at isang black slack ang naka-hugger sa rock malapit sa kama namin. Maging ang sapatos at medyas ko nakahanda narin. May necktie pang kasama at panyo. Kaya nangingiti ako dahil siya ang namimili at nag-aayus ng mga isusuot ko bago siya umalis. Napakabuti niyang asawa at ina. Pinaglabas narin niya ako ng kotse sa casa dahil hindi na raw bagay sa akin ang motor. "Isang professor sa isang University naka motor ng kakarag-karang. Maglabas ka nalang ng kotse mo, sasamahan kita. Kaya mo naman na sigurong maghulog monthly." Naalala ko pang saad niya ng sabihin ko sa kanya tinanggap ko ang ninaalok ng school administration sa akin na magturo. Habang hinihintay ko ang resulta ng bar exam ko. Madaming nagsasabing siguradong pasado daw ako sa bar exam dahil matalino daw ako, pero hindi ako mapapakampanti sa mga komento lang nila. Gusto kong makita mismo ng dalawang mata ko ang grado ko. "Good morning Prof." Bati ng mga kababaihan estudyante sa akin. Kaya bahagya ko naman silang nginitian at naglakad ng tuloy-tuloy patungo sa faculty room. Araw-araw ganito na ang routine ng buhay ko isang buwan matapos akung gumgraduate pero hindi ko parin pinababayan ang Gymnasium na naging source of income ko until now at ang mga sportswear and shoes mula sa ibang bansa na gawa ng aking kaibigan. Kung nuon ako ang nagbabayad ng tuition fees dito, ngayon sila na ang nagbabayad ng serbisyo ko. Kailangan ko rin ng iba pang pagkakakitaan dahil lumalaki na ang aming anak. "Hi! Good morning!" Bati niya sa akin ng may nakakaakit na ngiti sa mapupula niyang mga labi na animo dugo. Sanay na ako sa ganitong batian at ngitian. Ilang nabang mga babaeng classmate ko ang ganito ang gawain sa akin muna nuon hanggang ngayon. At isa na itong babae sa harapan ko. Classmate ko siya sa ilang subjects at pamangkin daw ng isa sa mga dean ng hindi ko naman alam kung anong department. At ayaw ko ng alamin dahil hindi naman ako interesado sa kanya. "Morning. Aga mo ah." Tugon ko sa kanya at nilampasan na siya, pero ikinawit niya ang isang kamay niya sa aking braso. "Mamaya pa naman ang klase mo di ba?" Malambing niya tanong kaya napaharap uli ako,sa kanya. "May gagawin pa ako sa faculty." Usal ko at pinalis ang kanyang kamay na nakakawit sa bisig ko. Ayaw kung maging sentro kami ng usap-usapan marami pa naman tsismosa dito. Mula teachers hanggang studyante at maging mga janitors, baka makarating pa sa asawa ko lalong lumayo ang loob niya sa akin. Ayaw ko ng dagdagan pa ang mga kasalanan ko sa kanya. Blowout mo naman ako. Hanggang ngayon hindi mo pa ako itini-treat ilang buwan ng lumipas mula ng maka graduate ka. Mag out of town naman tayo." Malumanay pa niyang wikang may matamis na ngiti sa mga labi niyang kasing pula ng dugo. "Gusto ko yun tayong dalawa lang." Dugtong pa niya. Kaya napatingin ako sa kanya. Bakit kaming dalawa lang ano gusto niyang mangyari. Wala naman kaming relasyon dalawa at bakit siya ang idi-date ko may asawa akung tao. "Ang pagkakaalam ko tayong dalawa ang sabay na gumgraduate. At hindi ako lang mag-isa. Isa pa busy ako lagi see, i have classes to attend. Excuse me." Aniko at muling inalis ang kamay niyang nakapulupot na sa aking bewang kaya medyo nalukot ang aking polo. Malalaki ang ginawa kung hakbang para hindi na niya ako nahabol. Buti nalang hindi inaamoy ng Misis ko ang mga damit ko tulad ng ginagawa ng ibang asawa kung hindi baka araw-araw kami nag-aaway. At pagdumikit pa ang mga labi niya sa polo ko mas malaking gulo ang mangyayari baka palayasin na ako ng asawa ko. ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD