Episode XVIII

2202 Words
Nagising ako sa iyak ng aking anak, kaya kahit medyo mahapdi pa ang aking mga mata tumayo na ako. Kaagad kung kinapa ang diaper niya kung puno na. Binuhat ko nalang siya at inilipat sa ibabaw ng kama namin. Upang ibigyan ang gatas niya. Sanay na akong nagigising na wala na sa tabi ko ang aking asawa dahil alas singko palang nagpupunta na siya sa Gym. "Emma ano ba ang pwede nating iluto yung medyo especial naman." Saad ko sa yaya ng anak ko pagpasok ko sa kusina. Naabutan ko na siyang nagluluto ng almusal namin. "Magpapakain tayo sa Gym." Dagdag ko pa na ikinalaki ng mata niya. Kaya bahagya akung natawa at muli kung inulit ang sinabi ko. Hindi ko na sinabi sa kanya na mamaya ang graduation ni Nickulas. "Ma'am mukhang ang dami ng niluto n'yo may bisita po ba kayo?" Tanong niya sa akin. Nang makita niya ang mga nakahain sa lamesa. "Wala naman tayu-tayo lang, medyo special lang ang araw na ito." Tugon ko nalang. Gusto kung kahit papaano may mapagsalohan kami ng asawa ko sa araw na ito. Gusto ko siyang batiin. Ito ang araw na matagal na niyang pinakahihintay. At pagnakapasa pa siya sa bar exam niya, isa na siyang ganap na abogado. Alam ko naman makakapasa siya sa talino niya wala akung masabi. Alas dos na pero hindi parin umuuwi si Nickulas, malamig na lahat ng niluto kung pagkain. Wala din siya sa opisina niya. Saan ka nagpunta? Bulong ko sa hangin naiiyak narin ako. Ngayon lang siya hindi umuwi ng pananghalian. Malapit lang naman ang university niyang pinapasokan, may sarili rin siyang motor kaya madali lang para sa kanyang umuwi, kung meron man siyang kukunin dun ngayon dapat kanina pa siya nakauwi. Naghintay parin ako at umaasang uuuwi siya pero hapon na wala parin siya ilan beses na akung nagpabalik-balik sa Gym pero wala pa daw siya. Pinagmasdan ko ang binili kung damit na isusuot mamaya para sa graduation ng asawa ko maging ang damit na isusuot ng anak ko nakagayak narin. Kahit hindi pa siya umuuwi pupunta parin ako sa graduation niya gusto kung makita siya. Ang sabi niya nuon ako ang gusto niyang kasamang aakyat ng stage kami ng anak namin, ito na yon. Halos mapuno sa dami ng tao ang venue ng graduation nila Nickulas. Maraming mga taong parut-parito, mga ng pi-picture taking, kanya-kanya sila ng posing, pawang may mga ngiti sa mga labi ang bawat isa. Kaya pumuwesto nalang ako sa bandang likoran. Nahuli man kami ng dating ng aking anak ayus parin dahil kasisimula palang daw ng programa. Kanina ko pa nililibut ang aking paningin pero hindi ko pa nakikita ang aking asawa. Nagtataka din ako kung bakit hindi man lang niya nabanggit sa aking ang araw na ito. Ni hindi siya umuwi maghapon. Alam ko naman a-attend siya dahil mahalaga sa kanya ang araw na ito. Halos magiisang oras na kaming nakaupo ng tawagin na ang pangalan niya kaya napatayo ako at hinanap siya at kung sino ang kasama niyang aakyat sa stage. Nasa bandang hulihan kami naupo ng anak ko kaya alam kung hindi niya kami makikita kung sakali man. Kumakabog din ang aking dibdib na hindi ko mawari kung natatakot ba ako. Halos maluha ako ng makita ko siyang nakangiting umakyat ng intablado. Napakagwapo niyang tingnan bagong shave din siya. Kaya napakunot noo ako. Isang babae ang lumapit sa kanya na may matamis din ngiti sa mga labi. Dito inalabot ang medal na isasabit sa kanya, kaya nag-unahan tumulo ang mga luha ko, akala ko ako gusto niyang magsasabit ng medalya niya, kami ng anak namin. Bakit siya, tanong ko sa isipan ko. Ang babaeng nakita ko sa opening ng Gym ni Drex ang kasama niya. Inakbayan pa niya ito at hinalikan sa noo matapos nitong isabit sa leeg niya ang medal. Yumakap din ito sa kanya at humalik sa pisngi niya. Hindi ko alam kung paano kami nakauwi ng aking anak. Ang alam ko lang hindi ko nakayang pagmasdan ang masaya nilang mga mukhang nagtatawanan. Kaya ba siya hindi umuwi maghapon at hindi rin niya sinabi sa akin na graduation na niya dahil hindi na ako ang gusto niyang kasama. Hindi na kami ng anak ko ang priority niya ngayon, may iba na siya. Kung ganon bakit pa siya nagtitiyagang pakisamahan ako kung may iba na siya. Hatinggabi na wala parin siya, puro iyak lang ang tanging nagagawa ko pag-naiisip siya. Hindi narin mabura-bura sa isip ko nakita kanina sa stage. Ang sakit ng ginagawa niya sa akin, sana hiwalayan nalang niya ako, kami ng anak ko para isang sakitan nalang. Para alam ko rin kung saan ako lulugar. Kung anong gagawin ko. Kinabukasan, magang-maga ang aking mga mata sanhi ng magdamag kung pag-iyak dahil hindi mawala-wala sa balintataw ko ang masayang imahe ng asawa ko at ng babae, hindi rin siya umuwi hanggang ngayon marahil magkasama sila buong magdamag at nagdiriwang. Ako ang kasama niya nuong naghihirap siyang abutin ang mga pangarap niya, pero iba ang kasama niya ngayon sa tagumpay niya. "Ikaw nalang ang tanging nag-iisang tao sa buhay ko Baby, ang tanging mamahalin ko, ikaw ang tanging kayamanan ko. Huwag mong iiwan si Mommy huh." Kausap ko sa aking anak habang lumuluha. Niyakap ko nalang siya dahil sa kanya na ako kumukuha ng lakas ngayon, wala na ang Daddy niya may iba na ito. "Pinagpalit na tayo ng Daddy mo sa iba anak." Sumbong kong bulong sa aking anak. "Bango-bango na ng baby ko. Preskong-presko na. Ready ng mamasyal ah." Kausap ko sa anak ko matapos ko siyang paliguan. Ihiniga ko siya sa gitna ng amin kama para bihisan na siya. Ng akma na akung tatayo ng may mapansin akung taong nakatayo sa may pinto ng kwarto namin kaya halos pangapusan ako ng hinga. Galit ang unang kung naramdaman. Ngayon lang niya naisipang umuwi, anung oras na. Gusto ko siyang sugurin at saktan dahil sa panloloko niya sa akin pero inisip ko nalang ang aking anak. Siya nalang at wala na akung pakialam sa kanyang ama. Mabubuhay naman akung wala siya sa tabi ko. Kaya kung buhayin ang sarili ko at ang aking anak ng wala siya. Hindi ako lalapit sa kanya para lang balikan niya ako at iwan ang babae niya. Hindi ko natagalan ang mga titig niya sa akin, kaya inabot ko nalang ang mga damit ng anak ko at hindi na siya pinansin. Marahil kanina pa siya duon na pinagmamasdan kami ng anak ko. Buti nalang hindi niya ako nakitang umiiyak. Inayus ko ng mabuti ang anak ko dahil gusto ko siyang ipasyal sa park malapit sa condominium building namin. Lagi akung nagpupunta duon nuong buntis ako para maglakad-lakad. Ngayon naman para ipasyal ang aking anak. Matapos kung masigurong ayos na ang anak ko binuhat ko na siya at lumabas ng kwartong hindi siya pinansin, ni isang salita wala lumabas sa aking bibig, nilampasan ko nalang siya. Ramdam kung sinusundan niya ako ng tingin pero benalewala ko lang lahat ng yun. Pagsisisihan niyang ang ginawa niya sa akin. Simula ngayon hindi na kita pakikialaman, magkanya-kanya na tayo. Wala na akung pakialam sayo kahit sino pa ang maging babae mo. Huwag na huwag mo lang iuuwi sa pamamahay ko ang babae mo dahil wala kang karapatan sa bahay ko. Piping bulong ko habang pababa ng hagdanan, ni hindi ko na siya nilingon. Sinipat ko pang mabuti ang mukha ko sa salamin kung ayus na ba ako maging ang suot kung damit. Ito ang unag araw ko sa trabaho simula ng manganak ako. Kaya katakot-takot din mga bilin ko sa yaya ng anak ko simula palang kagabi. "Ma'am Paula ang ganda-ganda n'yo po pala pagnakaayos kayo." Bungad ng yaya ng anak ko pagbaba ko ng hagdan. Nagpahid lang ako ng manipis na make-up at nag-apply ng lipstick, gandang-ganda agad. "Huwag mo na akong bulahin, basta yung mga bilin ko sayo tandaan mo." Aniko ko sa kanya. At nilapitan siya para hagkan ang anak kung karga niya. "Aalis na ako. Ingat kayo dito at huwag kang magpapasok ng kung sino-sino ng hindi mo sinasabi sa amin." huling bilin ko pa at lumabas na ng pinto. Sa araw-araw ganito nalang kami hindi ko siya pinapansin. Ni hindi ko siya kinakausap. Pagdating ko kakain nalang akung mag-isa at hindi na siya hinihintay tulad ng nakasanayan ko na. Minsan hindi ko narin inaalam kung umuwi ba siya o hindi at kung saan-saan ba siya nagpupunta at kung anung ginagawa niya. Hindi rin naman siya nagsasalita. Minsan minsan nalang din kamin magkita kahit magkasama kami sa bahay. Nasasaktan ako sa ganitong sitwasyon namin pero mas maganda na ang ganito kaysa mag-away kami oras-oras. "Dalhin ko nalang si Axl sa Gym dun muna siya sa office ko.'' Usal niya kaya napatango ako at iginayak ang mga gamit ng anak namin. Linggo ngayon at alam kung darating sila Drex kaya niya dadalhin si Axl para siguro ipakita sa mga kaibigan. Walang imik kung inabot sa kanya ang bag ng gamit ng anak namin. Agad naman niyang isinukbit sa balikat niya yon at kinarga na si Axl. Naglakad na siya palabas ng kwarto. Pinagmasdan ko nalang ang bulto ng katawan niyang papalayo sa akin. Hanggang kailan kaya kami ganito. Nakaya kung hindi siya pansinin at kausapin ng dalawang linggo. Tanging mga tanong lang niya ang sinasagot ko at hindi na dinudugtungan pa. "Ako na susundo kay Axl, i-ready mo nalang yung lulutoin natin para sa pananghalian." Utos ko kay Emma, sumasakit daw ang puson niya kaya ayaw maglakad ng malayo. "Uwi na kayo? Ang aga naman." Usal ko ng makasalubong ko sila Drex, Alvin at Luke. "May lakad kami ngayon out of town ayaw naman sumama ng asawa mo mag-aalaga daw siya ng anak n'yo." Litanya ni Drex kaya napangiti ako. Kaya ba isinama niya si Axl. "Ayaw mo lang yatang payagan eh. Huwag mong underin masyado." Pagbibiro pa ni Alvin. May ngiti sa labing dumiretso na ako papasok sa loob ng Gym para sunduin na si Axl, kailangan na niyang maligo. Inilinga ko pa aking paningin para hanapin ang asawa ko, sakto naman bumukas ang pinto ng opisina niya at inuluwa siya dun. Kaya binagalan ko ang lakad ko para hindi kami magkasalubong. Kita kung himbing na natutulog ang aking anak pero kinarga ko parin siya. Kailangan na naming umuwi alam kung nakita ako ng asawa ko ng pumasok ako dito. "Baby uwi na tayo liligo ka pa tanghali na." Malabing kung usal ng umingit siya. Isinukbit ko na ang bag niya sa balikat ko, naglakad palabas ng pinto at baka mag-abot pa kami ng asawa ko dito. Nabigla pa ako sa aking nakita paglabas ko ng opisina niya halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa upang ihakbang. Gusto ko silang sugurin at saktan pero anung mapapala ko. Asawa ko siya pero hindi ko hawak ang puso at isip niya. Hindi ko rin pag-aari ang buong pagkatao niya. Hindi ko rin alam kung anung tumatakbo sa isipan niya. Kaya niyakap ko nalang ng mahigpit ang akin anak. Isa lang naman pwede kung daan palabas ng Gym, ang harapan nila. Harapan nila ng babae niyang kahalikan, mahigpit din silang magkayakap halos wala ng hangin makaraan sa pagitan nila sa higpit ng pagyayakapan nila sa isa't-isa. Pinigil kong huwag maiyak kahit masakit. Sobrang sakit na makikita ko siyang may kahalikang ibang babae sa mismong harapan ko pa. Nilampasan ko nalang silang hindi pinansin. Dumiretso akung lumabas ng Gym. "Honey" dinig kung usal niya hindi ko alam kung sinong honey ang tinawag niya dahil isinara ko na ang pinto. Nanlalabo ang aking mga mata habang naglalakad pasakay ng elevator. Lahat ba ng babae niya tinatawag niya ng "Honey" at isa ako sa mga babae niya. Walang tigil ang pag-agus ng luha ko mula sa aking mga mata. Kung ano ang gusto niya hahayaan ko siya, kung sakaling iwan na niya kami wala akung magagawa dun. Hinding-hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya. Hindi ako mamalimos ng awa sa kanya kahit katiting, basta sa akin ang anak ko. Hindi ko rin ipagdadamot ang anak namin kung sakaling gusto niya itong makita. Kaya ko rin buhayin ang anak kung mag-isa. Bakit ba kasi hindi ko nalang pinaniwalaan sila Papa. At hinintay pang masaksihan ng dalawa kung mga mata ang katotohanan. Ilan pa bang babae ang makikita kung kahalikan niya sa harapan ko. Hindi naman ako papayag na habang lumalaki ang anak namin gumagawa siya ng kawalanghiyaan sa harapan ko. Mahiya naman siya sa anak niya. Gusto kung lumayo, gusto kung mapag-isa para makapag-isip. Sa lugar na malayo sa kanya dun sa lugar na hindi ko siya matatanaw at hindi niya kami masusundan. Mariin kung pinalis ang mga luha sa aking pisngi. Wala kasing tigil sa pagagos ito na parang ilog. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya. Ni wala nga akung alam sa tunay na pagkatao niya. Ni minsan wala siyang binanggit tungkol sa sarili niya. Basta ang alam ko lang pinagkatiwalaan at minahal ko siya. Nadala ako sa kabutihang ipinakikita niya. Akala ko totoong tao siya, hindi pala at mas masahol pa pala siya sa isang hayup sa gubat. ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD