Ramdam ko ang panlalamig sa akin ng asawa ko. Simula ng umuwi ako dito sa bahay namin. Hindi niya ako iniimik, siguro tama nga sila Mama na may ibang babe na siya. Huwag lang niyang dadalhin sa bahay ko ang babae niya at ibang usapan na 'yon. Basta nasa akin ang anak ko. At hanggang dito siya umuuwi sa akin ako parin ang asawa niya.
"Emma paki bili naman sa grocery ang mga nakalista. Wala na kasi tayung stock." Utos ko sa Yaya ng anak ko. Dahil sabi niya pwede siyang all around pero sabi ko sa kanya kay baby lang siya mag focus pag wala ako. Pagpumasok na ulit ako.
"Sandali lang Ma'am magbibihis lang ako." Turan niyang hindi man lang tiningnan ang listahan baka may hindi pa ako nailista.
"Paki-check nalang kung may hindi pa ako naisama sa listahan ko." Sigaw ko na sa kanya para marinig niya, dahil nagtatakbo agad siya papuntang kwarto niya. Ang dating bodega ko na ang kwarto niya ngayon. Nilinis nila ni Nickulas yun para may matulogan naman siya ng may privacy siya. Maliit lang yon pero sakto para sa isang tao.
Bitbit ko ang mga gamit ni Axl para puntahan namin ang Daddy niya dahil ang gusto niya dun kami sa opisina niya maglalagi, gusto daw niyang nakikita lagi anak namin. Mayroon din crib sa office niya mas maliit sa crib na nasa bahay. Kaya pagkatapos kung mapaliguan ang amin anak pinupuntahan na namin siya sa office niya. Lagi siyang tutok sa makakapal na librong binabasa.
Pagpasok ko opisina niya sinalubong niya ako at kinuha niya sa akin ang anak namin maingat niya itong hiniga sa crib. Inilapag ko naman ang mga dala ko ibabaw ng kabinet niya katabi ng crib. Inayus ko pa ang aking buhok bago nagtungo palabas ng opisina niya. Ngayon ang simula ng exercise ko upang kahit paano bumalik ang dati kung katawan bago ako pumasok ulit sa opisina. Nilingon ko pa siya ulit bago ako tuluyan lumabas. Agad naman akung binati ni JR ng makita niya ako kaya ngitian ko nalang siya.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya ng makita ko ang mga taong nakatutok ang paningin sa may entrada ng pinto.
"Ewan, baka may bagong dating a costumer." Tugon niya kaya dumiretso na ako ng lakad patungo sa abdominal-bench-gym-machine na napili ko para mawala ang belly fat ko. Pero bago pa ako makalapit sa equipment nakita ko ng humahangus si Carlos papalapit sa akin at tinatawag niya ako. Kaya hinitay ko siyang makalapit sa akin.
"Bakit para kang hinahabol ng asong ulol." Saad ko ng malapit na siya sa akin.
"Ang Mama at Papa mo nasa labas nagwawala. Hinahanap ka." Usal niyang nagmamadali. Kaya halos panginigan ako ng tuhod sa sinabi niya ano na naman ang kailangan nila. Alam ko kung anung gusto nila, ang bawiin ako sa akin mag-ama at ipambayad ng mga utang nila. Para akung itinulos na kandila sa kinatatayuan ko. Dinig ko na ang nanggagalaiting boses ni Mama kaya nadoble ang kaba sa akin dibdib. "Puntahan mo na para hindi makaagaw ng atensyon. Mag iiskandalo ang mga yon. Andun naman si Rafael hindi ka pababayaan nun." Dagdag pa niya at nilampasan na ako.
Nanginginig akung naglakad patungo sa may pintuan, alam kung sasaktan nila ako pag hindi ako sumama sa kanila. Anong gagawin ko? Ayaw ko na sa kanila kaya nga tumakas ako. Akala ko hindi na nila ako susundan pero heto na naman sila. Kinain na sila ng mga bisyo nilang hindi naman nila kayang suportahan.
"Ma." Bungad ko ng makita ko sila. Nanlilisik sa galit ang mag mata nila ni Papa.
"Hindi pa ang sabi ko sayo huwag na huwag ka ng babalik dito. Bakit bumalik ka naman sa lalaki mo." Sigaw ni Papa at akmang sasampalin niya ako kaya napapikit nalang ako at hinintay ang pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Pero wala akung naramdaman.
"Subukan n'yon kantiin ang asawa ko at ako na ang makakalaban niyo." Mariing asik ni Nickulas. Kaya napanganga ako at agad nagtago sa may likuran niya. Inalalayan naman ako ni Carlos dahil para akung nanghihina sa takot, nanginginig din ako.
"Punt....**na! Ano bang ipinagmamlaki mong hayop ka at ayaw mong tigilan ang anak ko.?" Sigaw na ni Papa kay Nickulas, dinuro-duro pa niya ito.
"Umalis na kayo hanggat may natitira pa akung respeto sa inyo. At tigilan na ninyo kaming mag-asawa. At baka makalimutan kung magulang kayo ng asawa ko." Singhal na ni Nickulas.
"Hindi ka lang pala ganid, barumbado ka rin inutil." Muling hiyaw ni Papa sa asawa ko. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa ni Nickulas, Isang suntok ang pinakawalan niya na ikinasadsad ni Papa sa sahig. Putok din ang gilid ng nguso niya, may dugo ng umaagos dito. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako na baka ako naman saktan ni Papa.
"Hayop kang lalaki ka walanghiya ka anung ginawa mo sa asawa ko?" Naghihisterekal din sigaw ni Mama at pinaghahampas pa niya si Nickulas. Isang sampal din ang natikman ni Mama mula kay Nickulas na ikinabiling ng mukha niya. Natahimik din siya sa kasisigaw, tutop niya ang pisnging sinampal ni Nickulas. Gusto kung maawa sa hitsura nila pero pinigilan ko ang sarili kung lapitan sila, bumalik sa alaala ko ang mga narinig kong usapan nilang ipambabayad nila ako, paano nalang pagnalaman pa ng asawa ko ang mga plano nila. Mga magulang ko parin sila pero sa ginagawa nila paano ko sila ipagtatanggol sa asawa ko. Ngayon hindi sila makaimik at pareho silang nakayuko para silang basang sisiw sa amo, nawala ang tapang nila kanina. Takot ang bumalatay sa mukha nila. Sana tigilan na nila kami at tanggapin nalang nilang maluwag sa kanilang kalooban ang lahat.
"Binalaan ko na kayo. Sa susunod na lapitan niyo pa kami at saktan ang asawa ko hindi lang yan ang matitikman n'yo sa akin. Ako naman ang magpapakulong sa inyo at sisiguruhin kung mabubulok kayo sa bilanggoan. Wala kayung karapatan saktan ang asawa ko." Mariing sikmat na ni Nickulas. "Umalis na kayo dito at huwag na huwag na kayong babalik." Sigaw na niya at iniwan na niya kami. Malalaki ang hakbang niyang muling bumalik papasok sa loob ng Gym. Kaya nanginginig ang aking mga tuhod na sumunod sa kanya. Ni hindi ko na nilingon sila Papa. Kasalanan naman nila ang lahat.
"Salamat at dumating ka, pinagtanggol mo ako." Tanging nausal ko pagpasok ko sa opisina niya, nakaupo siya sa swivel chair niya kuyom parin ang mga kamao niyang nilingon ako pinakatitigan niya ako. Alam kung galit parin siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kung paano siya magalit.
"Sa susunod mag-iingat ka. At huwag kang papayag na sinasaktan nila." Singhal na niya. Napatango naman ako at nilapitan ang amin anak. Nagising siya sa singhal ng kanyang ama.
Nawalan na ako ng ganang mag exercise kaya naupo nalang ako sa couch sa tapat ng table ni Nickulas hindi naman na siya nagsalita, nakatutok nalang ang paningin niya sa mga libro niya. Alam kung malapit na exam niya. Ang final nila at bar exam nila ganun din ang graduation nila. Nangiti ako dahil ilang tulog nalang matutupad na niya ang mga pangarap niya at masaya akung ako ang kasama niya sa pag-abot nito, kasama niya kami ng anak namin. Ang magkaroong ng anak na lalaki ang isa sa mga pangarap namin at ang bumuo ng isang masayang pamilya pero sa nakikita ko ngayong para nawala ang init na ipinakikita niya sa akin. Walang emosyon at malamig kung titigan niya ako. Nasaan na ang mapagmahal kung asawa, kahit hindi niya sabihin na mahal niya ako ramdam na ramdam ko yon sa init ng haplos at pag-aalaga niya sa akin. Ano bang nangyari, ilang araw lang naman kaming nakahiwalay nagbago na ang lahat. Dapat ko bang sisisihin sila Mama sa nangyayari ngayon sa amin dalawa ng asawa ko.
"Uuwi na kami." Usal ko na may kahinaan dahil baka magising pa si Baby Axl na himbing na matutulog sa braso ko.
Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag ng mga gamit ng anak namin at lumabas ng opisina niya ng hindi na hinintay ang sagot niya ni hindi ko na siya nilingon. At diretsong lumabas.
Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip sa isang iglap nagkaguwang ang relasyon namin bilang mag-asawa at ng mga magulang ko. Ako ang naiipit sa mga nangyayari. Kung lumayo nalang kaya kami ng anak ko para matahimik na sila.
"Nabili mo bang lahat ng nailista ko?" Tanong ko sa kanya ng makita ko siya sa kusinang nag-aayus na ng mga pinamili niya.
"Yes, ma'am may mga naidagdag lang po ako." Tugon niya.
"Ok lang." Asad ko ng makita kung may binili pa siyang ice cream. Sa init nga naman ng panahon kailangan din namin magpalamig paminsan-minsan "Ako nalang magluluto magpahinga kana muna. Dun ka nalang sa tabi ni Axl bantayan mo nalang siya. Baka kasi magising at mag-iiyak." Dugtong ko pa. Tumalima naman siya at iniwan na ako.
Matagal ng hindi ako nakapagluluto dahil inako ng lahat ni Nickulas ang gawain dito sa bahay. Ginawa niya akung parang prinsesa, ayaw pagtrabahuhin. Kulang nalang subuan at paliguan niya ako nuon. Nasaan na ang Nickulas na kilala kong mapag aruga at maalalahanin. Naglaho ng lahat, nagbago ng lahat. Sino bang dapat kung sisihin sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon? Ang masaya namin buhay nuon ngayon kalungkotan ang namamayani.
Pinahid ko nalang ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ko rin maiwasang masaktan at maluha dahil sa mga magulang ko nagulo ang masaya kung mundo. Sinipat ko ang orasan sa dingding mag-aalas dose na nalapit ng umuwi si Nickulas. Kakain lang yun pagdating at aakyat na sa rooftop. Kailangan ko ng madaliin ang pagluluto.
Gusto kung kumustahin ang kanyang katatapos na exam pero hindi ko magawa, ayaw naman niya akung pansinin. Laging libro ang hawak niya kahit saan yata siya magpunta, halos hindi narin siya natutulog kaya minsan pagpinagtitimpla ko ng gatas ang anak namin maging siyan ginagawan korin. Next week na daw bar exam niya. Naiintindihan ko naman yun at alam kung napre pressure siya ngayon sa dami ng dapat niyang aralin.
Pagpasok ko sa opisina ng asawa ko naagaw ng pansin ko ang isang puting envelop sa ibabaw ng table niya may logo yun ng school nila sa bandang taas kaliwa. Kaya wala sa loob na dinampot at binuksan ko. Invitation, next week na graduation nila pero wala siyang binabanggit sa akin tungkol dito. Maingat kung ibinalik sa lalagyan at naglakad patungo sa couch kung saan ako laging nauupo. Ikinalma ko nalang ang sarili ko, hindi naman big deal kung ayaw niyang ipaalam sa akin. Inayus ko narin ang aking anak sa crib niya. At binaliwala ang mga nabasa ko, pero tinandaan ko nalang ang venue at date. Nagmasiguro kung himbing ng natutulog ang anak ko lumabas na ako ng opisina niya para sa daily exercise ko, malapit narin akung bumalik sa opisina ko malilibang na ako. Mababawasan na ang mga naiisip kung hindi maganda magpo-focus nalang ako sa trabaho ko.
"Emma paki bantayan mabuti si Axl may bibilin lang ako sa mall. Hindi rin ako magtatagal." Saad ko sa yaya ng anak ko. Kailangan ko ng bumili ng ilang perasong mga gamit ko para sa pagpasok ko sa opisina. Halos isang taong puro maluluwang ang sinusuot ko, dahil sa pagbubuntis ko. Kaya kailangan bumili naman ako ng bagong damit.
Lahat ng magustohan kung damit binili ko maging ang isang bistida binili ko bilang paghahanda sa graduation ni Nickulas sa friday. Bumili din ako sa sapatos na babagay dito. Gusto kung maging presentable ako sa mahalagang araw ng tapumpay niya. Maging ang aking anak binilhan ko rin ng maisusuot niya at ang regalo ko sa aking asawa.
"La!" Bulalas ko ng mabungaran ko siya sa living room namin. "Ano pong ginagawa n'yo dito? Kainina pa ba kayo dito? Sino pong kasama n 'yo? Sunod-sunod kung tanong sa kanya matapos kung ibaba ang mga paper bag kung dala.
"Malaki na pala ang apo ko." Malamlam ang mga matang usal niya. "Una ko siyang nakita napakaliit niya." Dugtong pa niya.
"La napasyal po kayo?" Wika ko na.
"Kailan ka ba papasok? Alam mo namang hindi ko na kayang magtrabaho ng maghapon at hindi ko rin pwedeng ipagkatiwala sa mga mgulang mo ang mga negosyo ko at baka wala ng matira." Walang gana niyang saad.
"Sa monday po papasok na ako." Tugon ko na ikinaaliwalas ng mukha niya. "La baka po pwedeng hu..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita ni Nickulas buhat sa kabubukas na pinto.
"Emma paki kuha ang bata at patulogin mo na." Mariin utos niya. Kaya maging si Lola natahimik.
"Hijo, kumusta kana?" Malumanay na usal ni Lola sa asawa ko.
"Ayus lang ho. Sige ho maiwan ko na kayo d'yan may gagawin pa ako." Nagmamadali niyang saad. At dumiretso ng umakyat ng hagdanan.
"La pasensiyahan nyo na si Nickulas." Hingi ko ng paumanhin sa inasal ng asawa ko. Hindi naman siya ganito kung pakitungohan niya si Lola. Malambing at magalang siya, nakikipagbiruan din siya kay Lola. Pero ibang-iba ngayon. "Pagod po siya sa dami ng trabaho niya ngayon." Dugtong ko pa.
"Naiintindihan ko Paula, kasalanan ng mga magulang mo yan. Kung hindi nila ginawan ng kalokohan ang asawa mo hindi siya magbabago ng ganyan." Aniya. Pero nahihiya parin ako sa inasal ng asawa ko. Sana hindi nalang siya nagsalita, hindi parin tama ang inakto niya. Alam kung galit siya sa pamilya ko pero wala namang ginawang masama sa kanya si Lola. Napakabait nito sa kanya. Ano ba talaga ang problema nalilito na ako. Kung ayaw na niya sa aking magasabi lang siya, kahit masasaktan ako tatanggapin ko parin at hinding-hindi ako magmamakaawa sa kanya para lang pakisamahan niya ako, kami ng anak namin. Umalis nalang siyang mag-isa at huwag na siyang babalik sa amin kaya kung buhayin mag-isa ang akin anak.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....