Episode XVI

2253 Words
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya pagpasok niya sa bahay. Kaya nawalan siya ng balanse at natumba. Bagsak siya sa marmol sa sahig ng bahay nila. Agad din lumambong ang kanyang mga mata sa luha dahil sa pagiinit ng mukha idagdag pa ang sakit ng balakang ng sumaldak siya. Nanlilisik na mga mata ng mga magulang ang nakatunghay sa kanya. "Saan ka galing hayop ka? Nakipagtagpo ka na naman sa lalaki mo. Kabilin-bilinan ko huwag kang aalis." Halos maglabasan ang litid sa leeg ng ama sa pagsigaw sa kanya. Pero nagpilit parin siyang tumayo upang salubongin ang matatalim nito titig. "May binili lang po ako sa drug store." Malumanay niyang wika, hindi niya kailangan magpaipikto sa mga ito. Nilingon pa niya sa may paanan ang dalang paper bag na may tatak ng kilalang drug store. "Bumili!" Sikmat din ng kanyang ina. "Kanina ka pa daw umalis, bakit ngayon kalang dumating? Saan ka nagpunta? Sa lalaki mo hindi ba?" Sigaw na nito sa mukha niya. "Ano bang problema kung pumunta man ako sa mag-ama ko? Asawa k.." Isang malutong na sampal uli ang dumapo sa pisngi niya na pumutop sa pangangatwiran niya . "Siguro binigyan mo nanaman ng pera ang lalaki mo. Pagdating sa lalaki mo lahat ibinibigay mo." Muli nitong sigaw sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi iwanan ang mga ito at nagtatakbo siyang tinungo ang kwarto. Agad din niyang inilock ang pinto pagpasok niya dito. Gusto man niyang isumbat sa mga ito ang mga natuklasan pero nàisip niyang kailangan muna niyang makausap ang lalaki at linawin ang lahat. Pagplanohan ang mga dapat gawin. Hindi rin niya akalain isusumbong siya ng kasambahay nila, dati rati kakampi niya ito ngayon kalaban na pala niya. Kitang-kita niya ang pagngisi nito kanina. Pumasok nalang siya sa cr para maligo mahapdi na rin ang sugat niya sa labi. Pumutok ito kaninang sinampal siya ng Papa niya pinangalawahan pa ng Mama niya kaya nadagdag pa ang sakit at mas lalong lumaki ang sugat. Maging ang braso niya namumula at nagka pasa narin. Ang binti niyanh tumama sa matigas na bagay masakit din at nagiiba narin ang kulay. Ilan beses naba niyang natikman ang lupit ng kamao ng mga magulang, nuon bata pa siya madalas siyang saktan ng mga ito kaya nga natotoo siyang mabuhay na tanging ang yaya lang niya ang kasama. At ng umalis na ang yaya niya ang Lola nalang niya ang kakampi niya. Ngayon wala na siyang kakampi. Kaya naisip niya ang asawa, ito nalang anag tanging taong kakampi niya kung sakali, pero may ibang babae na raw ito ayun pa sa mga magulang niya. "Anung ginagawa mo dito sa labas? May pinaplano ka na naman ba? Makikipagtagpo ka naman sa lalaki mo? " Pagtatalak pa ng kanyang ina ng makita siyang nag-iisa sa hardin nila. Inaninag muna niya ang suot na damit bago niya nilingo ang kanyang ina kaagapay nito ang kanyang ama. "Gusto ko lang makasagap ng sariwang hangin kaya dito ko naisipan mag-almusal, anung masama dun?" Singhal na niya sa mga ito at sumimsim ng kape sa tasa niya. Padabog naman siyang iniwan ng mga ito alam niyang may lakad na naman ang mga magulang. At hindi na niya alam ang mga plano ng mga ito laban sa kanilang mag-asawa. Buo na ang pasya niya, kumukuha nalang siya ng tiyempo. Wala naman siyang ibang maasahan dahil lahat ng tao sa bahay nila ang tingin sa kanya isang kreminal. Nakiramdam pa siya sa paligid, makaraan matanaw niyang lumabas na ng gate ang kotse ng mga magulang. Pumasok siya sa kusina dala ang pinagkainan. Inilapag niya ang tray na dala sa sink at muling lumabas ng bahay. Sa likod bahay na siya nagdaan at lahat ng halaman madaanan tinatanggalan niya ng tuyong dahon habang matalas na nakikiramdam sa paligid. At ng makaabut siya sa gate patuloy lang siya sa ginagawa isang lingon pa ang ginawa niya at maingat na binuksa ang maliit sa gate. Takbo, lakad na may pagmamadali ang ginawa niya. Malakas din ang tahip ng kanyang dibdib dahil pagnakita siya ng mga magulang baka hindi na siya makalabas ng kwarto niya. Hindi niya alintana ang mga mata ng mga taong nakasunod sa kanya ang tangin hiling lang niya makarating siya sa lugar kung saan alam niyang ligtas siya. Dinig kung bumukas ang pinto ng opisina ko, hindi ko na pinag-aksayahan pa itong lingonin. Sanay na akung pumapasok ang mga kasamahan ko dito ng hindi kumakatok dahil nagigising ang aking anak. Hindi rin sila basta-basta papasok dito kung hindi importante ang sasabihin. Patuloy lang ako sa pagbasa at pag memorya ng nilalaman ng libro habang bahagya ko pang tinatapik-tapik ang hita ng aking anak. Dahil simula palang kangina ang hirap na niyang patulogin. "Pwede ko bang makarga si Baby Axl?" Tinig na matagal ko ng kinasasabikan. Nag-angat ako ng paningin at tumambad sa harapan ko ang mukha niya. Magulo pa ang kanyang buhok. Malalalim at namamaga ang kanyang mga mata, nangingitim din ang palibut nito. May sugat din siya sa gilid ng itaas ng labi, namamaga din ang kabilang pisngi niya. Isang faded maon jeans at may kaluwagang puting t-shirt lang suot niya. Nakapambahay lang at mukhang bagong gising lang siya. Maging ang tsinelas niyang suot pambahay lang din. Halos mapamura ako sa nakikitang hitsura niya. Sino ang nanakit sa kanya? Anung nagyari sa kanya? Bakit ngayon lang siya nagpakita sa amin? Sunod-sunod kung tanong sa isipan ko dahil hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya. At ngayon namumula na ang kanyang mga matang nakatitig sa aming anak, nagbabanta ng pagbalong ng luha. Pag-iyak ng anak namin ang nagpagising sa tuliro kung pagiisip, marahil naramdaman niya ang presensiya ng kanyang ina. Kaya agad kung siyang niyuko sa kandungan ko. Pero agad din niyang pinangko ang anak namin ng hindi na niya hinintay ang pirmiso ko. Mabini siyang naglakad patungo sa couch sa harapan ko. "Don't cry baby. Mommy's here na. I'm so sorry ngayon lang si Mommy. Did you missed Mommy my baby Axl? Don't cry na baby, Mommy will never leave you again promise." Sunod-sunod niyang anas sa anak namin. Garal-gal din ang boses niya dahil sa pag-iyak. Mahigpit niya itong niyakap at pinupog ng halik sa mukha hanggang leeg. Alam kung sabik siya sa anak namin. "I love you baby Axl, Always remember na mahal na mahal ka ni Mommy..Hhmm.. You smell good baby. Ang bago bago naman ng baby ko." Nakangiti niya usal habang umiiyak. Buti nalang at bagong paligo ang anak namin. Pasimple ko pa silang pinagmasdan na mag-ina. Mukhang tahimik lang ang amin anak at nakatitig lang sa kanya. Talagan iba pag-ina na ang may karga sa anak. Humahaplos din ang maliit na kamay ng amin anak sa pisngi niya, kaya napapangiti ako dahil kilang-kilala niya ang kanyang ina. "Are you hungry na baby? Ohh.. may little baby is hungry na." Usal pa niya ng umiyak na ito. Tatayo na sana ako para kunin ang mga feeding bottles niya pero kita kung mabini niyang itinaas ang may kaluwagan niyang t-shirt. Matapos siyang tumalikod ng bahagya sa gawi ko. Para naman isang taong hindi pinakain ang amin anak dahil kung makasisid siya sa dibdib ng kanyang ina halos sipsip na niya ito ng buo. Nakahawak pa ang dalawa niya kamay dito na parang aagawan ko siya. Kita ko rin ang punong dibdib ng akin asawa. Kaya nag-init tuloy ang aking pakiramdam. "f**k! May kaagaw na ako." Bulong ko at tumayo nalang para bigyan silang mag-ina ng privacy. May ngiti sa mga labi akung lumabas ng opisina ko dahil sa wakas umuwi narin ang asawa ko. At dinig kong sinasabi niya sa anak namin kanina, hinding-hindi na daw niya kami iiwan. Mahal na mahal daw niya kami o baka ang anak lang namin. Ang ngiti sa labi ko kanina ay napalitan ng seryosong awra dahil sa isang babaeng papalapit sa akin na halos wala ng saplot sa katawan. Meron naman kaming notice kung anung dapat isuot ng mga nagpi fitness pero ewan ko kung bakit ang hirap umintindi ng isang ito. Buti nalang at marespeto sa babae ang mga kasamahan ko dito. "Hi!" Bati niya sa akin. At ikinawit pa niya ang braso sa braso ko sabay kintal ng halik sa pisngi ko. Halos mapamura ako sa ginawa niya at nilingon ang pinto ng opisina ko. "Akala ko hindi ka na lalabas ng opisina mo, kanina pa kita hinihintay. Wika niya kaya napakunot noo ako at napatanong bakit niya ako hinihintay wala naman akung natatandaan may usapan kami. "Marami lang akung tinatapos na trabaho at ayaw kung naiistorbo pag may ginagawa ako." Aniko at pinalis ang nakapulupot niyang kamay sa braso ko, pero wrong moves yata ako dahil sa bewang ko naman pumulupot ang mga kamay niya. "Ayaw naman nila akung payagang pumasok dyan sa opisina mo. Baka naman pwedeng sabihan mo sila na pwede naman akoung pumasok sa office mo." Malambing niya pakiusap sa akin. "Hindi talaga ako nagpapasok ng ibang tao sa loob ng opisina ko kung may kailangan ka o gustong sabihin pwede naman dito nalang sa Gym, dito ko kinakausap ang mga customers namin at hindi sa office ko. Meron din kaming mini garden duon na may mga mesa at bangkong pwedeng upuan pag may kinakusap ako." Malumanay kung wika, Ang asawa ko lang ang may karapatang mag labas masok sa opisina ko bukod sa mga staff ko dito. Lalo ngayon sana loob ang asawa at anak ko. "Labas naman tayo puro ka nalang trabaho. Maglibang ka naman paminsan-minsan. Pasyal naman tayo." Nangaakit niyang wika. Kaya naiiling nalang ako. Bakit may mga babaeng kahit hindi mo pinapansin pilit parin ipinagsisiksikan ang sarili sayo. Lahat ng paraan ginagawa kahit nagmumukha na silang disperada. Muli kung pinasadahan ng tingin ang buong Gymnasium kung ano pa ang dapat kung gawin. Nakausap ko na ang halos lahat ng nag-e-exercise. Abala naman sila Carlos sa mga tini-trained nilang kabataan na sasali daw isang competition. Last year nag-champions ang mga ti-trained nila sa karatedo at kickboxing kaya mas lalong nakilala ang aming Gym at dumami ang aming kliyente. Sana manalo ulit ang mga kabataan ito. Mataman lang silang nakikinig ng mga sinasabi nila Carlos. Naglakad na ako patungo sa opisina ko pero bago pa ako makarating sa pinabukana nito, bumukas na ang pinto at iniluwa ang aking mag-ina. Yakap parin niya ang anak naming himbing ng natutulog sa mga braso niya. Diretso lang siyang naglakad at nilampasan ako. Nakasukbit sa balikat niya ang bag na may lamang mga gamit ng anak namin. Sinudan ko lang siya ng tingin at nagmamdali narin pumasok sa opisina ko para kunin ang mga gamit ko. Kailangan ko pang gumayak para makapasok sa eskwela. Kailangan ko rin magluto ng pananghalian namin. Pagpasok ko sa bahay namin hindi ko na sila nakita sa sala marahil pumasok na sila sa kwarto dahil nakita ko pa tsinelas niya sa may pinto. Nagtuloy nalang ako sa kusina para ihanda ang lulutuin ko. Nagsalang narin ako ng sinain at naghiwa ng mga isasahog sa lulutoin ko. "Ako nalang magluluto, gumayak ka nalang sa pag-pasok mo." Malumanay niyang saad. Bagong paligo na siya, amoy na amoy ko ang ginamit niyang shampoo at body wash. Maging ang init ng sigaw ng katawan niya ramdam na ramdam ko. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero pinipigilan ko ang aking sarili. Gusto ko muna siyang turuan ng leksyon sa pag-iwan niya sa amin ng anak namin. Nagsuot na siya ng apron at kinuha na niya ang mga sangkap na nasa harapan ko kaya wala na akung nagawa kung hindi ipaubaya na sa kanya. Iniwan ko na siya ng hindi nagsasalita. Wala narin naman siya ulit binitawan salita. "Kain na." Maikling anyaya niya pagpasok ko sa kusina. Nakahain narin ang iniluto niyang sinigang na ribs ng baboy. Sinandukan pa niya ako ng kanin sa akin plato at binigyan ng ulam. Gusto kung magdiwang sa saya dahil sa ginagawa niya pero pigil na pigil ang aking emosyon. May kasalanan pa siya, dapat magpaliwanag siya kung bakit niya kami iniwan. Pero tahimik lang siyang umupo sa tabi ko at kumain ng hindi umiimik. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit bigla nalang siyang nagbago. Piping bulong ko sa isipan ko at nagpatuloy sa pagkain. Pumasok ako sa kwarto naming tulog na siya nakatabi sa gilid ng kama malapit sa kanya ang crib ng anak namin. Nakapalusot ang isang kamay niya sa pagitan ng rehas ng crib at nakahawak sa isang kamay ng anak namin. May bakas din ng natuyong luha sa kanyang pisngi. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko alam kung anung nangyayari sa kanya ayaw naman niyang magsalita. Ito ang una niyang gabing makakasama namin siya ng anak namin. Sino bang nanakit sa kanya. Bakit siya sinaktan ng mga ito. Ayaw kung magbintang hanggat maari pero isa lang alam kung may gawa nito sa kanya. Pagnapatunayan ko lang na sila ang nanakit sa asawa ko kapwa tawad kami. Proprotektahan ko ang aking mag-ina. Simula ng umuwi siya sa amin mag-iisang linggo na ngayon, lagi siyang walang imik ganuon din ako. Hindi na kami tulad ng dati. Nagkukuwentuhan ng nangyari sa amin sa loob ng maghapon bago matulog. Ngayon nagpapakiramdaman nalang kami. At walang gustong magsalita, at kung may magsasalita man sa amin magtatanong lang wala ng iba. Nahilot ko nalang ang sintido ko dahil sumasakit na ang aking ulo idagdag pa ang mga school project at thesis ko. Next month graduation na namin. ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD