Episode XV

2242 Words
Tinanggap ko ng buong puso ang pag-iwan niya sa akin. Masakit man tanggapin pero kung yon ang gusto niya irerespeto ko. Hind ko siya sinundan sa bahay nila dahil alam kung ipagtatabuyan nila ako. Basta ang mahalaga ngayon, kasama ko ang aking anak. Siya nalang ang tanging yaman at kaligayahan ko ngayon wala na siya. Halos araw at gabi akung nagbabantay sa akin anak. Kahit sabihin pa ng doctor na hindi namang kailangan bantayan ko ang akin anak ng bente kwatro oras. Madalas din ang mga kaibigan ko kadamay ko, sila din ang pumapalit sa aking magbantay sa akin anak. "Sir maghubad ka." Utos ng nurse ng aking anak pagpasok ko sa loob ng kwarto. "What?!" Angil ko sa kanya at kunot noo ko siyang tiningnan pero mukha siyang seryoso sa inuutos niya. "Tanggalin mo pagitaas mong damit at humiga ka d'yan sa bed." Mataray na niyang utos. Siya naman ngayon ang nagsalubong ang kilay. "Ayaw mo ba? Kung ayaw mo lumabas ka na." Mariin niyang asik sa akin. "Maghuhubad ka o lalabas ka?" Singhal niya ulit ng hindi ako kumilos. At matatalim ang mga matang tumingin sa akin. "Fine!" Asik ko narin sa kanya. Hindi ko naman alam kung bakit niya ako pinaghuhubad. "Huwag mong isiping interesado ako sa katawan mo. Halos araw-araw akung nakakakita ng hubad na katawan, mababae man o malalaki. Kaya kahit makita ko yan lahat wala akung pakialam. Iisa lang naman meron kayo isang lawit at isang hiwa. Ano pa ba itatago n'yo sa amin. Simula palang nag-aaral ako alam ko na yan, hanggang kaloob-looban ng tao." Litanya niya sabay irap sa akin. "Ayan! Magpunas kang mabuti ng katawan mo muna mukha hanggang dyan sa tiyan mo." Utos niya sa akin at halos ibalibag niya ang puting towel na maliit sa aking mukha. Kaya sinunod ko nalang siya sa mga inuutos niya. "Higa ka dyan, bilis." Mariin usal pa niya at itinuro ang kama malapit sa akin Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya. Nagpahid din siya ng alcohol sa braso at kinuha niya ang aking anak sa loob ng icubator. Oopps, huwag kang babangon!" Mariing singhal niyang may kahinaan ng makita niya akung akmang babangon. "Huwag na huwag kang magmamana kay Daddy baby ang tigas ng bungo niya." Kausap niya sa aking anak na hawak-hawak na niya. Imiingit na ito at ikinakawag ang mga braso at paa. "Here's your Daddy baby." Malambing niya wika sa aking anak. "Paki tanggal ang mga kamay mo sa dibdib." Saad niya kaya walang pagaalinlangan ibinuka ko ng kaunti ang aking mga braso. "Taas ang kamay." Utos niya ulit. "Here he is." Aniya at maingat niyang idinapa sa dibdib ko ang aking anak. Tanging diaper lang suot niya. Kumuha din siya ng isang puting tela, kinadkad niya at ikinumot sa amin ng anak ko. Halos maluha ako sa tuwa ng mayakap ko ang aking anak. Ito ang unang pagkakataon kung mayayakap siya. Tangin kamay at paa lang niya ang nahahawakan ko araw-araw, ngayon nahahagkan at nayayakap ko na siya. " How do you feel?" Nakangisi niyang tanong sa akin." Ngayon may paiyak-iyak ka pa." Dagdag pang-aasar pa niya. "Thirty minutes Mister." aniya. At naupo siya sa isang silya malapit sa amin. "Ok, thank you." Halos garalgal kung usal. "Pwede mong gawin yan sa bahay n'yo, siguraduhin mo lang na malinis ang katawan mo. At huwag mo siyang tutulogan at baka mahulog siya lagot ka sa Misis mo." Aniya. "Ang sabi ng Pedia niya pwede mo na siyang maiuwi bukas or the day after tomorrow. Malakas na daw siya at kakayanin na niya ng wala sa loob ng incubator. Pero kailangan mong ingatan siyang mabuti, alam mo naman kung anong kulang niya. Si Doctora na bahalang magpaliwanag sayo ng dapat gawin. Paglabas mo dito daan ka na sa billing section para maihanda mo na ang pambayad mo." Mahabang wika niya. "Bibigyan kita ng twenty minutes para masolo mo ang anak mo ngayon at kung may tanong ka pa, siguro mas maganda kung si Dra. na kausapin mo bukas ng umaga. Magdala ka narin ng mga gamit ni baby pagbalik mo bukas." Dagdag pa niya at tumayo na. Ilan beses ko pang pinasadahan ng tingin ang buong kwarto namin ni Paula, lahat yata ng alikabok napunasan at nawalis ko na. Maging ang sahig kumikintab narin sa kinang. Bilang paghaganda sa pauwi ng aking munting angel. Maging ang bagong bili kung crib pinunasan ko rin mabuti. Mamaya ang opisina ko naman sa gym ang lilinis ko dahil dun siya maglalagi sa araw, gusto kung makita ang bawat galaw niya. Kailangan kung magpaka nanay at tatay sa kanya, lahat gagawin ko para sa anak ko. Proprotektahan ko siya sa mga taong gustong manakit sa kanya. Alam kung mahirap pero kakayanin kung mag-isa. "Sipag ah. Iba na talaga pag-tatay na." Pang-aasar pa sa akin ni JR. Kanila pa nila ako tinutukso, lahat kasi ng lumang equipments ipinalabas ko sa bodega at nilinis. Balak kung gawin nursery ng anak ko kung sakaling paalisin na kami sa bahay ni Paula. Pero umaasa at naghihintay parin akung uuwi siya sa amin isang araw. Pero hanggat maaari ayaw kung umalis marami kaming magagandang ala-ala sa bahay niya. Maging ang kotse niya nasa akin, bukas pagsinundo ko ang aking anak gagamitin ko yun. Halos hindi ko mahawakan ang aking anak, pinagpapasa-pasahan nila, buti nalang hindi siya iyakin. Inayus ko nalang ang mga gamit niya, at hinayaan na muna silang sa gusto nila. Alam kung mamaya lang matutulog na siya. "Lakas ng kamandag mo boss, mukhang nakuha lahat sayo mula ulo hanggang paa." Pang-aasar pa ni Rafael. Kaya napangiti nalang ako dahil lahat naman ng nakakakita sa anak ko iisa ang sinasabi, kamukha ko daw. "Maawa na kayo sa anak ko, bigyan 'yo na ng katahimikan para makatulog." Usal ko dahil kanina pa naghihikap pero ayaw nilang tigilan. "Gumawa na nga rin kayo ng anak n'yo ng hindi 'yang anak ko ang iniinis n'yo." Dugtong ko pa sa kanila, pero nagtawanan lang sila. Akala ko babae lang mahilig sa bata maging sila rin pala. "Bantayan mong mabuti si Axl at huwag na huwag kang magpapasok ng kahit sinong tao dito sa bahay ng hindi ko alam. Lalo na at wala ako." Mariing kung bilin kay Emma ang yayang ng anak kung kapitbahay daw ni Juancho. "Kung may magpilit pumasok tawagan mo si Juancho o kahit sinong tao sa Gym para masamahan ka." Dagdag ko pa. Kailangan kong masiguro ang kaligtasan ng anak ko. "Huwag po kayong mag-alala sir aalagaan ko po siya na parang anak ko na rin." Tugon niya sa akin. Mukha naman siyang pagkakaliwalaan. At alam kung hindi ako bibigyan ni Juancho ng may masamang paguugali. Nagpabili nalang siya sa akin ng folding bed para sa sala nalang daw siya matutulog dahil iisa lang naman ang kwarto dito meron namam maliit na kwarto sa tabi ng kwarto namin pero ginawang bodega yun ni Paula. Hindi ko naman mapakialaman dahil hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung mga gamit niyang nakatambak dun. Araw-araw dito naglalagi sa opisina ko ang aking anak minsan iniistorbo nila Carlos sa pagtulog dahil gusto daw nila kargahin kaya sanay na sanay na ang aking anak na kung sino-sino ang nakakasama. Tulad ngayon sila Drex naman ang naghahalinhinan sa pagkarga sa anak ko. Hindi ko naman sila masawata dahil mukhang tuwang tuwan naman ang aking anak. Mulat na mulat ang ang kanyang mga matang pinagmamasda ang mga kaibigan ni Drex. Mag-iisang buwan ng ganito kami ng anak ko, hangang ngayon wala parin akung balita sa asawa ko kung uuwi pa ba siya o sadyang kinalimutan na niya kaming mag-ama. Medyo bumibigat narin ang timbang niya, marunong narin siyang ngumiti. Alam kung nangungulila ang amin anak sa kalinga ng isang ina pero sadyang wala akung magagawa kung ayaw na niya sa amin. Sana naman maalala parin niyang may naghihintay sa kanya, andito kami ng anak niya umaasang babalikan niya kami. Masakit man pero kung ayaw na niya sa amin tatanggapin ko. Lagi kong kalong ang aking anak pag nagbabasa ako ng libro halos hindi ko na siya binibitawan dahil mamaya sila Carlos na naman ang kakarga sa kanya. Tulad ngayon wala ang yaya niya umuwi ito para mabisita daw ang nanay nitong may sakit. Tahimik lang naman ang anak ko at hindi gaanong umiiyak siguro naiintindihan niya nag sitwasyon namin kahit hindi ako magsalita. Dahil simula bukas ang yaya na niya ang palagi niyang makakasama. Malapit na ang final exam namin kailangan kung mag concentrate mabuti dahil dito malalaman kung anung place ako sa honour. Maging sa bar exam ko kailangan ko rin paghandaan, kailangan kung mag review mabuti dahil dito nakasalalay ang kinabukasan namin ng anak ko. . **** . "Tandaan mo ang bilin namin huwag na huwag kang aalis ng bahay ng hindi namin alam, ng hindi kami kasama. At huwag na huwag ka ng makipagkita sa lalaking yun dahil nakita namin siyang may kasama ng ibang babae, ipinagpalit ka na niya sa iba at mukhang mas mayaman sayo." Hiyaw pa ni Mama sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang paniwalaan. Kung totoo ba ang sinasabi nila, pero kilala ko ang asawa ko. Gusto kung malaman ang katotohanan at kung ipinagpalit na ba ako ng aking asawa sa iba. Kailangan ko parin siyang makausap para sa anak namin, masakit tanggapin pero kung yun ang kagustuhan niya hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya ang importante sa akin ngayon ang aking anak. Gusto kung makita at makasama ang aking anak. Nami-missed ko na siya. Simula ng ilabas ko siya hindi ko pa siya nakikita. Hindi ako pinapayagan nila Papa na makita ko siya. Nagising nalang akung wala na siya sa aking tiyan. Ayaw nila akung dalhin sa kwarto ng anak ko kahit nag mamakaawa na ako hanggang sa dinugo na ako hindi parin sila pumayag. Ano ba talagang dahilan nila. May inililihim ba sila sa akin. Malaman ko lang kung anong itinatago n'yo sa akin, sabihin n'yo ng suwail akong anak mas pipiliin ko parin ang mag-ama ko. Piping bulong ko sa isipan ko. "Nana Simang lalabas lang ako sandali, bibili lang ako ng napkin ko naubusan na pala ako." Paalam ko sa kasambahay namin. Dahil nakita kung umalis sila Papa at Mama, Gusto kung malaman kung anung tinatago nila sa akin. "Ako nalang ang bibili kung anung kailangan mo. Dito ka nalang sa bahay." Saad niya pero hindi ko siya pinansin dahil disidido na akung tukasin ang lihim ng mga magulang ko kung bakit ganuon nalang galit nila sa asawa ko. At wala silang pakialam kung masira man buhay namin. "Kuya paki sundan nalang po yun kotseng itim." Utos ko sa taxi driver buti nalang at may nagdaan taxi kaya nakasakay ako agad. Pakubli-kubli pa ako habang sinusundan sila Mama at Papa. Isang hindi gaano kalakihan restaurant ang pinasok nila malapit sa sports club. Maganda ang ambiance, ilan beses narin ako napasok dito nuon nasa college pa ako kasama ang aking mga kaibigan. Natanaw ko silang naupo sa pang-apatan upoan lamesa malapit sa may halaman at nagpalinga-linga pa na parang may ka-meeting. Di nagtangal isang may katangkaran lalaki ang umupo din sa isang bangko sa harap nila. Pamilyar sa aking ang hitsura niya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita, at kung sino siya. Marahil ito ang hinihintay nila. Kaya maingat akung naglakad patungo sa may halaman malapit sa kanila upang madinig ang pag-uusapan nila. "Ang usapan natin babayaran n'yo ang mga utang n'yo. Hindi ko sinabing ipambayad n'yo ang anak n'yong may asawa't anak na. Anong akala nyo sa akin taga salo. Marami akung babaeng makukuha sa isang pitik lang ng daliri ko, mas higit pa sa anak n'yo. Mga magaganda at wala pang karanasan. Hindi rin ako tumatanggap ng babae ang pambayad utang. Kung pera ang inutang pera din ang kailangan ibayad. At huwag n'yong sirain ang buhay ng anak n'yo, dahil kilala ko ang asawa niya at ayaw ko ng iskandalo." Mariing asik nitong dinig na dinig niya. Halos mangatog ang buong katawan niya sa mga narinig buti nalang hindi siya nakita ng mga ito. Kaya ba pilit siyang ibinibigay sa Suarez na yon dahil may utang ang mga magulang niya dito. Gusto niyang makausap ang lalaki. Gusto niyang malaman kung bakit nagkautang ang mga ito sa lalaki. Saan dinala ng mga magulang niya ang pera? Binibigyan naman niya ito ng pera, regular siyang nagdi-deposit sa bank account ng mga ito. Para hindi na siya guluhin ng mga ito. Wala din siyang alam na pagkakagastusan ng mga ito ng malaking halaga. Saan dinala ng mga ito ang pera. Dahan-dahan siyang umalis sa pinagkukublihan, maingat at walang kilatis siyang naglakad palayo sa lugar buti nalang at sinunadan niya ang mga magulang. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao sa natuklasan paanong nagagawa ng mga magulang niyang ipambayad utang siya, may asawa at anak na siya at kapapanganak palang niya. Anong klaseng mag magulang kayo. Bulong niya at nagmamadaling lumabas ng building. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa malapit na mall. Gusto muna niyang mapag-isa, gusto niyang maglibang kahit saglit lang para mapakalma ang sarili. Buo na ang disisyon niya kailangan nalang niyang makausap ang mga magulang. At ang lalaking kausap ng mga ito kanina. Hindi niya hahayaan masira ng mga magulang niya ang sarili niyang pamilya. Kailangan niyang makausap ang asawa. Nagugulohan parin siya hanggang ngayon. Sino nga bang uunahin niyang kausapin ang asawa, ang mga magulang niya o ang lalaking kausap ng mga ito kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD