"Umuwi ka na muna para makapagpahinga ka, mukhang wala ka pang tulog may pasok ka pa yata." Aniya. " Ako na muna dito, mamaya lang darating na si Rafael gusto daw niyang makita ang anak mo, gusto rin niyang kumustahin si Paula." Dagdag pa niya at bahagyan akung itinilak paalis. Wala akung nagawa kung hindi ang sundin siya. Minsan ko pangsinilip ang aking anak. Kailangan ko talagang pumasok sa eskwela. Buti nalang tapos na ang exam namin. Malapit narin ang bar exam ko, sa ikalawang buwan naman graduation na namin. Sabay-sabay ang magaganda at kamalasan pangyayari sa buhay ko, namin ng aking asawa. Ganito ba talaga ang kapalaran ko, sa bawat tapumpay may kaakibat na kamalasan. Tutuparin ko ang aking mga pangarap para sa aking anak. Para sayo 'to Axl pagaling ka at magpalakas agad para makasama ka na ni Daddy. Usal ko bago pa ako tuluyan tumalikod at naglakad palayo sa kwarto niya. Gusto ko pa sanang puntahan ang kanyang ina, pinigil ko nalang ang aking sarili at baka makagawa lang ako ng hindi maganda.
Pagpasok ko sa condominium building dumiretso na ako sa rooftop kung saan sakop ng Fitness Gymnasium ang buong rooftops may isang maliit na portion lang nito ang ginawa namin garden na may minimalist fish pond, marami kaming mga klienteng dito nagpapahinga at kumain ng dala nilang snack, habang pinanunuod ang mga fish koi na alaga ni Paula.
"Kumusta na ang mag-ina mo boss?" Bungad sa akin ni JR pagpasok ko.
"Ayus lang sila, kailangan lang manatili muna ng ilan araw sa incubator ang anak ko, kulang kasi sa buwan." Matamlay kung tugon. At kahit masaya na ako at norman ang aking anak para parin may kulang, dapat sana nasa loob pa siya ng sinapupunan ng Mommy niya at nagpapalaki pero napilitan siyang lumabas sa kagagawan na din ng walang puso niyang Lolo at Lola.
"Mamaya ako naman ang pupunta dun, gusto ko rin siyang makita. Kaya huwag kang mag-alala kami na bahala sa kanila." Usal pa niya at bahagya pa niya akung tinapik sa balikat at nilampasan. Napapaliling nalang ako, buti pa ang ibang tao nagmamalasakit sa amin. Ang mga magulang ng asawa ko pilit kaming sinisira at pinaglalayo. "Mag-focus ka nalang sa pag-aaral mo, graduating kana. Huwag momg hayaan masira ng ibang tao ang pinaghihirapan mo." Dagdag pa niya bago siya tuluyang makalayo sa akin.
Ginawa ko naman ang mg dapat kung gawin dahil bumibigat na din ang talukap ng aking mga mata. Wala naman akung naging tulog kagabi, sino ba naman makakatulog kung puno ng katanongan at pag-aalala ang puso't isipan mo, idagdag pa ang init at sikip ng kulongan na wala ka naman pwedeng higaan, ang lakas din maghilik ng ilan preso.
Matapos kung malinis ang opisina ko dahil ito ang huli kung nililinis, naglakad na ako palabas ng gym, gustong-gusto ko ng matulog kahit ilang oras lang bago pumasok sa eskwela. Hindi naman ako pwedeng mag-absent lalo at kasama ako sa honour. May mga school requirements at projects pa akung dapat tapusin.
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa aking pagpasok ko sa bahay namin ni Paula. Sanay naman akung laging nag-iisa dito, araw-araw na nga akung mag-isa lang na gumagalaw dito pag-nasa office na siya pero parang ibang-iba ngayon. Parang may kulang na hindi ko mawari. Parang may hinahanap akung hindi ko alam. Umakyat na ako sa hagdanan ng hindi nag-aksaya pang magluto ng makakain tulad ng nakasanayan ko na. Ang gusto ko nalang mahiga at ipikit ang aking mga mata at huwag na munang mag-isip ng kahit ano.
.
*****
.
"Tumigil ka na sa kaiiyak mo at wala ka ng magagawa, ipapakulong ko talaga ang hampas lupang lalaking yun. At sisiguraduhin kung mabubulok siya sa bilanggoan."Mahina pero mariing hiyaw ng Papa niya. Kanina pa siya iyak ng iyak. Gusto niyang makita ang anak pero hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang.
"Papa parang awa na ninyo hayaan 'yo na kami ng asawa ko. May anak na kami, sila na ang pamilya ko. Sila ang gusto kung makasama hanggang pagtanda ko. Kailangan ako ng anak ko ngayon, alam naman 'yong kulang siya sa buwan. Apo n'yo siya, bakit ipinagkakait niyo ang karapan ko bilang ina ng aking anak?" Mahabang wika niyang pagmamakaawa sa ama.
"Tumigil ka na Paula at wala ka ng magagawa. Tama na yan kaiiyak mo at baka duguin ka na naman, mabibinat ka pa," Singhal din ng kanyang ina sa kanya. "Mag aasawa ka rin naman pala dun pa sa hindi ka kayang pakainin." Dugtong pa nito.
"Iyayus mo ang sarili mo, kakausapin namin si Mr. Suarez, alam mo naman matagal ng may gusto sayo yung tao. Alam ko ring kahit nagka-anak ka na pakakasalan ka rin nun. Kaya magpagaling ka agad." Seryosong turan ng Papa niya.
Hindi siya makapaniwalang magagawa ng mga magulang ang ipagkasundo siya sa isang lalaki kahit may asawa at anak na siya. Ano bang meron ang lalaking yun at ganuon lang ang pagkagusto ng mga ito sa lalaki. Bukod sa kilala itong negosyante at ilang beses narin niya itong nakita, wala na siyang alam tungkol dito. Bali-balita din niyang maraming babae ang nali-link dito nuon. Pero bakit ipinagpipilitan ng mga magulang niyang ipakasal siya dito. Kasal na siya, may asawa at anak na siyang tao, paano pa naiisip ng mga magulang na ipakasal pa siya sa iba. Ano bang gusto ng mga magulang niya ang kompanya ba ng lola niya. Dapat ang lola niya ang kinakausap ng mga ito at hindi siya ang ginigipit.
Masakit na ang ulo niya na parang sasabog sa kaiisip kung bakit siya minamanipula ng mga magulang dati rati namang walang paki-alam ang mga ito sa kanya kahit anung gawin niya sa buhay, kaya nga natotoo siyang magin independent, dahil mas napapanatag ang loob nita kung wala sa tabi niya ang mga ito.
"Bukas ilalabas ka na namin dito, sa bahay ka nalang pagpahinga para mas madali kang gumaling at ng makalimutan mo ang lahat ng nagpapagulo ng isip mo. Dun walang mang-iisturbo sayo. Hayaan mo ng ang lalaking yun ang mag-asikaso sa anak niya." Mahabang wika niyang hindi ko lubus maisip na kaya niyang sabihin yun. Anak ko ang tinutuloy niya, apo nila. Paano nila nasasabi ang mga bagay na yon. Wala ba silang nararamdaman na pagmamahal para as apo nila. Hilong-hilo na talaga ako sa kaiisip sa nga nangyayari sa buhay ko ngayon, ano nalang sasabihin ng asawa ko nito sa akin.
Kinabukasan maaga parin akung nagising tulad ng nakagawian ko na pero hungkag parin sa aking ang lahat. Hindi parin ako makapag-isip ng matino. Pinasadahan ko nalang ng tingin ang kabuoan ng silid namin. At iniisip ko kung saan banda ilalagay ang crib ng baby namin. Kompleto na kami ng gamit ng anak namin buti nalang at nagpilit ng bumili si Paula ng mga gamit ng bata. Binuksan ko pa ang isang cabinet na hindi kalakihan na halos puno ng gamit ng anak namin. Kailangan ko ng bumili ng crib para sa anak namin. Gusto kung kaming dalawa ang bibili ng crib para sa baby pero mukhang mapipilitan ako lang mag-isa dahil sa kalagayan ng asawa ko.
"Wala na si Carlos, pumunta na ng hospital. Mukhang excite pa sayo, parang siya ang tatay." Pagbibigay inporma ni Juancho habang nagwawalis. Kaya nangingiti ako dahil lahat sila nag-uunahan puntahan ang aking anak. Hindi na nila ako pinayagang pumunta ng hospital kagabi dahil sila na daw bahala.
Hinalungkat kung lahat ng laman ng fridge namin para maghanap ng pwede kung lutuin pagkaing ibabaon para sa asawa ko. Ngayon ko siya dadalhin sa kwarto ng anak namin para makita niya ito. Huwag lang kukontra ang mga nagulang niya. Pakanta-kanta pa ako habang nagluluto dahil alam kung hindi na siya naglilihi at pwede na siyang kumain ng kahit ano na hindi nababahuan at nasusuka. Nilagang biyas ng baka ang naisipan kung iluto para makahigop siya ng sabaw na mainit. Madalas din ito ang niluluto ko sa kanya nuon hindi pa siya buntis dahil isa ito sa mga paborito niyang ulam.
Matapos akung makaluto iginayak ko na ang dadalhin kung pagkain sa hospital para sa asawa ko. At nagmamadaling umakyat sa kwarto namin para makaligo na. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa banyo dahil excited na akung makita ang mga-ina ko. Binitbit ko narin ang aking itim na bagpack na may laman dalawang makakapal na libro at iba pang gamit ko. Gusto kung magbasa sa libre oras ko. Agad akung lumabas ng bahay at nagmamadaling tinungo ang elevator. Gamit ang kotse ni Paula na mabilis kung pinaharurot ito patungo ng hospital.
May ngiti sa mga labing binaybay ko ang pasilyo patungo sa kwarto ng asawa ko paglabas ko ng elevator. At hindi pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin. Wala na kung pakialam kung isipin man nilang nababaliw ako dahil ngumingiti akung mag-isa. Basta ang alam ko masaya ako at makakasama ko na ang aking mag-ina.
Humugot pa ako ng isang malalim na hininga bago ako kumatok sa pinto at binuksan ito. Pero nagtaka pa ako dahil walang tao sa kabilang kama, ang kama ng asawa ko, wala din kobre kama ito, tanging leather na kulay brown lang pinabalot nito. Kaya bumundol ang nakakabinging kaba sa aking dibdib. Naistatwa ako sa aking kintatayuan. Sari-saring emosyon ang naglalaro sa aking isipan.
"Kuya lumabas na sila kanina, nagmamadali nga po sila." Ani ng babae sa kabilang kama na siyang pumukaw ang isipan kung hungkag.
Wala akung gustong gawin ngayon kung hindi manakit ng tao. Ibalibag ang mga bitbit kung pagkain at bulaklak para sana sa asawa ko. Naghihina rin ang aking tuhod sa natuklasan. Iniwan ako ng asawa ko, iniwan kami ng anak ko. Napaupo nalang ako sa isang molonlock chair sa may tabi ko upang ikalma ang sarili ko. Kung hindi ko lang nakikita ang sanggol na himbing na natutulog na kalong ng kanyang ama baka nagsisigaw na ako dito para ilabas ang sama ng loob ko. Ito pala ang aabutan ko rito ang kaninang excitement ko sa tuwa napalit na mapait na ngiting nakakauyam.
Gustong-gusto kung itapon nalang ang dala ko pero minabuti ko nalang na iabot sa babaeng bagong panganak ang bulaklak. "For you." Anas ko sa kanya. "No not for you, for your baby." Bawi ko dahil tiningnan ako ng masama ng asawa niya. Ibinigay ko narin ang mga dala kung pagkain.
"Mukhang galit na galit sa'yo mga magulang ng babae, Pare. Halos kaladkarin nila ang partner mo palabas nitong kwarto." Saad ng lalaki habang isinasayaw-sayaw niya ang anak.
"Asawa ko yon, kasal kami. Pero isinusuka ako ng mga magulang niya. Ang gusto bilyonaryo ang mapangasawa ng anak nila." Bali wala kung usal.
"Ipaglaban mong karapatan mo kuya, kasal naman pala kayo. Bawiin mo asawa mo. May anak na kayo." Saad pa ng babae. Halos hindi na maproseso ng utak ko ang mga sinasabi nila. tango nalang ako ng tango sa kanila. Dahil hindi ko parin alam ang gagawin ko. Bakit nagawa sa akin ito ng asawa ko anung mali ang nagawa ko sa kanya wala akung ipinakita sa kanyang maaari niyang ikagalit. Lahat ng ikabubuti niya ginawa ko. Siya ang inuuna ko sa lahat bago ang sarili ko, tapos ito pang igaganti niya, kung kailan nagkaroon kami ng anak saka nangyari ito. Saka niya ako iniwan ng walang paalam. Iniwan niya kami ng anak niya.
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng kwarto, ang alam ko lang nabibingi ako sa mga naririnig ko. Para na akung mababaliw nito. Tama nga ang sabi ng mag-asawa kailangan ko ng lakas at tibay ng loob ngayon para sa anak ko. At huwag ko daw ipakita ang kahinaan ko dahil yun daw ang sasamantalahin ng kalaban ko para bumagsak ako. Para sa anak ko pipilitin kung maging matatag. Siya ang gagawin kung inspirasyo ko sa buhay. Palalakihin ko siya na may ginintuan puso, at takot sa Diyos. Lahat ng mabubuting asal ituturo ko sa kanya kahit wala ang kanyang ina, kakayanin namin ito.
"Oh, nasaan si Paula? Pinuntahan mo na ba siya sa kwarto niya? Hindi ba sabi mo isasama mo siya para makita anak n'yo?" Sunod-sunod niyang tanong na may halong pagtataka, Dahil wala parin ako sa sarili ko sa pag-iwan sa akin ng asawa ko. Para tinangalan ako ng isang paa sa nangyari. "Anung nangyari? May problema ba?" Tanong pa niya ulit ng hindi parin ako sumasagot.
"Iniwan na niya ako. Umalis na siya. Sumama na siya sa mga magulang niya." Litanya kung sunod-sunod, halos maiyak ako habang inuusal ang mga katagang namumutawi sa aking bibig. Parang nawalan ako ng lakas, hirap din akung huminga, parang kinakapus ako ng hangin sa baga. Nasaan na ang mga pangako niyang binitawan. Ngayon pa siya lumisan kung kailan kailangang-kailangan namin siya ng anak namin, bale wala lang ba sa kanya ang mga sinakrepisyo naming ilang taon. Wala bang halaga sa kanya ang amin anak, ang pinagsamahan namin.
"Anong ibig mong sabihin iniwan kana ni Paula? Saan siya nagpunta? Baka naman umuwi lang siya sa kanila sandali, babalik din yon. Maghintaya ka lang at huwag magisip ng negatibo." Pagpapalakas ng loob niya sa akin. Pero wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya ito ginawa. "Huwag ka ng magisip ng kung anu-ano, malay mo pinagbigyan lang niya Mama niya ngayon. Uuwi din yon sa iyo." Dagdag pa niya, kung ganoun nga dapat nagpaalam siya sa akin. Papayag naman ako, huwag lang yung aalis siya ng hindi ko alam kung babalik pa ba siya sa akin, sa amin ng anak namin.