Episode XIII

2392 Words
Kinaumagahan unang bumugad sa kanya si Drex na mukhang nalumpihit at nagmamadali. Kasama nito ang ilang pulis at mabilis na hinila siya palabas ng kulungan pagbukas palang nito. Ni hindi nakahuma ang mga pulis sa inakto ng kaibigan. "Maligo ka na muna dito bago tayo umalis." Saad ni Drex sa kanya ilang hakbang palang ang layo nila sa lockup. Inabot nito sa kanya ang isang paper bag na naglalaman ng mga damit niya. "Sa bahay nalang" Usal niya. "Hindi dito nalang may pupuntahan pa tayo. Wala na tayung oras para iuwi pa kita." Pagpipilit pa nito at mabilis na naglakad kaya sinundan nalang siya ito. "Kayo dyan, labas! Magsilabas muna kayung lahat!" Mariing at maawtoridad nitong sigaw sa mga tao a loob ng cr. Naiiling nalang siya sa kaibigan. Hindi rin makakibo ang mga pulis sa gawi nila. Sino bang hindi susunod at matatakot dito, sa porma at sa suot nitong three piece black suits mukha itong untouchable, ni langaw yata mahihiyang dumapo dito. Idagdag pa ang bulong-bulongan simula pa kagabi, ang tungkol sa nagpaluhod daw sa pinakasigang mayor ng kulongan. Mukhang hanggang ngayon yata hirap parin makakita ang isang mata sa maga, ganuon din ang nguso nitong namamarilong, lagas din ang dalawang ngipin nito. Kaya halos lumuhod sa harap niya ang mga kasamahan preso kagabi. At kung anu-ano ang ino-offer sa kanya. Maging ang nag-iisang electric fan na ginagamit sa loob ng kulongan sa kanya pilit itinatapat. Kaya inutusan nalang niyang paikutin ang electric fan para lahat mahanginan. "Let's go!" Usal ni Drex ng makita siyang lumabas na ng cr. Malalaki ang mga hakbang nitong nagmamadali kaya agad din siyang sumunod dito. Habang nakasunod din sa kanila ang tingin ng halos lahat ng mga taong madaanan nila. Isang navy blue long sleeve na itinupi niya hanggang siko ang suot niyang pangitaas, tinernohan lang ng maong pants, dahil yun lang naman ang laman ng paper bag bukod sa personal pa niyang gamit. Agad din itong sumakay sa dala nitong sports car na Bugatti La Voiture Noire kasunod siyang sumakay din sa kabilang side. Kaya agaw pansin sila. Naghahabaan din ang leeg ng mga tao sa paligid maging ng mga pulis. Agad din nitong pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar. "Tan...***na , kinana mo pa pala yung pinaka siga sa loob. Kaya ikaw ang main topic ng usap-usapan simula pa kahapon." Bulalas nito ng makalayo na sila. "Kinursunada ako, kaya binigyan ko lang ng leksyon." Balewala niyang tugon dito. "Kumusta na dun? Anong balita?" Dugtong pa niya dahil gusto niya malaman ang lagay ng asawa niya. Hindi siya nakatulog kagabi sa kaiisip dito, kung maayus ba itong nakatulog. Wala din itong kasamang natulog, dahil madalas itong magising para mag-cr. Wala rin aalalay dito pagnahihirapan itong lumakad, pagnaglilikot ang anak nila sa loob ng tiyan nito. Napalingon siya kay Drex dahil ni ha ni ho wala siyang narinig dito, kanina pa siya salita ng salita. Nakatutok lang pansin nito sa dinadaanan nila. Iba narin ang tinatahak nilang daan kaya napakunot noo siya. Saan ba sila pupunta na sinasabi nitong importante daw. "Anung gagawin natin dito?" Nahihindik niyang tanong nang makita niya kung saan sila huminto. Malakas din ang kabog ng dibdib niya. Kaya wala na siyang nagawa ng bumaba na ito ng sasakyan. Sumunod nalang siya dito hanggang sa sumakay sila ng elevator hindi parin ito nagsasalita, kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya sa kaba. "Sino ang nandito sa hospital?" Mariin na niyang tanong dito. Hindi na siya makapaghintay pa kung sino ba ang pupuntahan nila dito. Pero hindi parin ito umiimik."What happened?" Asik na niya. "Damn it! What happened Drex?" Pasigaw na niyang tanong dito, dahil para itong walang naririnig. Wala narin siyang pakialam sa tao sa loob kahit pinagtitinginan pa sila. Matinding kaba at takot na bumabalot sa kanya. "Follow me!" Tangin sinambit nito pagbukas ng elevator. Kaya wala siyang nagawa kung hindi sumabay dito. "Tanaw niya ang biglang pagtayo ng isang taong naka-agaw ng kanyang pansin, kaya mas lalo siyang binundol ng kaba. Malalaki ang hakbang na linampasan niya si Drex at nilapitan niya ito. "Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari.Sinong kasama mo dito?" Sunod-sunod niyang tanong na halos pumiyok na ang kanyang boses. Dumiretso lang ito ng tayo at tumingin sa pintong katapat nito. Kaya malalaki ang habang na sinipat niya ang window glass. Halos pangapusan siya ng hininga ng nakita ang binabantayan nito, kung hindi lang matatag ang pagkakatayo niya malamang natumba na siya. Nanginginig din ang kanya tuhod nag-uunahan din sunod-sunod na umagos ang mga luha niya sa nakikita. Tangin diaper, medyas at glove lang nakasuot dito. May kung anung hose ang nalakabit din sa dibdib nito. Kung pwede lang na siya nalang ang nasa loob nuon inako na niya. Gusto niya abutin ito at hawakan, gusto niya damayan ito sa paghihirap na nadarama nito. Pero wala siyang magawa kung hindi pagmasdan lang ito at lumuha. "Pwede ba akung pumasok? Gusto ko siyang mahawakan kahit saglit lang." Garalgal na boses niyang saad. "Hantayin muna nating yung nurse na naka-a-sign may kukunin lang daw siya saglit." Tugon ni Carlos. "Gaano siya katagal dyan?" "Mga ten to twelve days daw. Healthy naman daw anak mo kaya lang kulang lang daw talaga sa buwan kaya kailangan daw talagang i-incubator pa siya." Paliwanag pa nito. Halos hindi siya makapaniwalang sa nakikita niya ngayon. Damang-dama niya ang maliliit nitong mga daliring nakakapit sa hinliit niya. Maging ang mga paa nito iniaangat. Na parang gustong magpakarga sa kanya. Walang naman tigil ang pagdaloy ng luha niya sa saya, habang pinagmamaddan ito. Meron din itong bonnet na suot na kulay puti. "Huwag po kayung mag-alala sir healthy naman po si baby. Ilan araw lang naman siya dito sa incubator. Minonitor ko lang ang heart beat niya, ok naman po normal ang t***k. Malakas din siyang dumede." Paliwanag ng nurse."Mukha pong gusto na niya sumama sa inyo, gusto na niyang magpakarga agad. Talagang kilalang-kilala niya ang kanyang Daddy." Dagdag pa ng nurse. Kaya napangiti ako. Ilang minuto pa niyang magaang hinawakan at hinamas-himas ang mga kamay at paa nito. Gustong-gusto na niyang mayakap at mahagkan ang anak pero hanggang hawak palang ang pwede niyang gawin dito. "Sir pasensiya na po tapos na po dalaw, bukas nalang po ulit." Saad ng nurse sa kanya kaya wala na siyang nagawa kung hindi bitawan ang mumunti nitong kamay at ilabas naman niya ang dalawang kamay sa loob ng incubator. Ilang minuto pa niyang pinagmasdan ang anak bago tuluyan lumabas ng kwarto ng anak niyang himbing ng natutulog. "Nasaan si Paula? Kumusta lagay niya?" Sunod-sunod niyang tanong dito. Nawaglit na sa isip niya ang asawa ng makita ang kalagayan ng anak. Ngayon alam na niya kung bakit hindi nakasunod ang mga ito sa kanya. "Salamat sa pag aasikaso mo sa mag-ina ko." Sensero niyang wika sa kaibigan. "Wala yun Pare. Pagka-alis mo dinugo na siya kaya hindi na kami nakasunod sayo. Ang Mommy ni Sir Drex ang halos nagbantay kay Paula kagabi. Madaling araw na sila nakauwi. Si Juancho naman nagbantay sa anak mo kagabi pinalitan ko lang siya kaninang madaling araw. Huwag ka na rin mag-alala ayos na lagay niya." Mahabang litanya niya. "Nakakatakot pala pagdinudugo, sigaw siya ng sigaw. Tinatawag ka niya." Dagdag pa niya kaya parang pinipiga ang puso ko sa mga narinig. "Liko ka lang dyan sa kaliwa nasa bandang dulo kwarto niya room 302. Puntahan mo na nag-aalala na yon sayo." Aniya kaya nginitian ko nalang siya. "Salamat Pre." saad ko at tinalikoran na siya. "Andiyan nga pala mga biyanan mo halos magkasunod lang kayung dumating." Sigaw pa niya. Kaya naikuyom ko ang aking mga kamao sa narinig. Anong kailangan nila? Dumadalaw lang ba ang pakay nila o para insultuhin at laitin nanaman ako. Pagtapat ko sa kwarto ng asawa ko nakiramdam pa ako at ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ako nagbigay na tatlong warning knock sa pinto dahil dalawa ang pangalan nakadikit sa dahon ng pinto at ang doctor ang OBgyn din niya, pinihit ko na ang seradora ng pinto pabukas. Una kung nakita ang gulat na mga mukha ng mga magulang ni Paula. At hindi ko pinahalata ang galit namamahay na sa dibdib ko simula pa kahapon ng malaman kung sila ang nag-request ng warrant of arrest. May pirma din silang tatlong mag-iina, pero ang ipanagtataka ko ang signature ni Paula, may kaibahan sa nakikita kung pirma niya. Araw-araw kung nakikita ang pirma niya kahawig din sa pirmang nakita ko kahapon. Pero gusto ko parin malaman ang lahat ng katotohanan. At kung totoo nga ang isinasaad sa mga Complaint Affidavit at kung siya nga ba ang tunay na pumirma dito. At ano ang basihan niyang ginawa ko ang ibinibintang nila. Una walang puwersahan naganap sa pagitan namin, pangalawa hindi ko siya tinakot o pinagbantaan ng kahit na ano, pangatlo malaya siyang pumunta kahit saan pa niya gusto basta alam ko lang, at safe ang lugar at maging ang mga taong makakasalamuha niya. Laging kaligtasan niya ang priority ko. "Anung ginagawa mo rito, umalis kana. Hindi ka na kailangan ng anak ko. Puntahan at alagaan mo nalang ang anak mong kulang sa buwan dahil sa kapabayaan mo kaya muntik ng namatay ang anak mo." Mariing hiyaw niya. Pero hindi ko binigyan pansin yon at dumiretso ako ng lakad palapit sa kama ng asawa ko. "Are you alright? May masakit pa ba sayo?" Malumanay kung tanong sa asawa ko. Nagpipigil din akung patulan ang mga magulang niya at baka kung ano pang magawa ko sa kanila. "Wala ka ng dapat pang alalahanin dahil kami ng bahala sa anak ko. Lumayas ka na dito, at huwag na huwag ka ng lalapit pa sa kanya. Dapat sayo sa kulongan, duon ka nababagay. Hindi ka dapat nagpapagala-gala dito, dahil wala ka ng makukulimbat pa sa aking anak. Sisiguruhin kung mabubulok ka sa kulongan para wala ng pumepeste sa amin." Mahabang tungayaw ng Mama niya. "Ma, please enough. Hayan na n'yo kami. Parang awa na n'yo." Pakiusap ng asawa kong umiiyak, gusto ko siyang yakapin at hagkan pero hindi ko magawa dahil hinaharangan ako ng Papa niya. "Lumayas ka na dito, kung hindi magpapatawag ako ng security para ipakaladkad ka palabas." Mariing asik naman ng Papa niya. "Layas at huwag kang gumawa ng iskandalo, wala ka talagang kahihiyan." Hiyaw pa niyang galit na galit. Naglilisik din ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Pa, wala naman pong ginagawang masama ang asawa ko sa inyo. Hayaan na po n'yo siya." Singit pa ng asawa ko. "Ayos lang ako Nickulas. Gusto kung makita ang anak natin, pwede bang dalhin mo ako sa kanya?" Saad ng asawa ko. Nakakaagaw na kami ng attention dito dahil sa amin nalang natoon ang paningin ng mga tao sa kabilang kama. Tangin isang kulay green na tela lang ang nasa pagitan ng kama nila ni Paula. May sanggol din biglang umiyak marahil nabulahaw sa lakas ng boses ng mga magulang ni Paula. "Natutulog na siya, malakas naman siya pero kailangan pa daw niyang manatili sa incubator ng dalawang linggo. Bukas nalang kita dadalhin sa kanya." Usal kung sa mahinang boses. Dahil hindi ako makalapit sa kanya. "Lumabas kana dito nakakabulahaw kana, Layas." Pasigaw na singhal ng Mama niya. Kaya wala akung nagawa kung hindi tumalikod at lisanin sila, dahil maging ang ina ng bata sa kabilang kama nakikiusap na tumigil na kami. At naiistorba ang bagong panganak niyang anak sa pagtulog. "Nickulas, paki-usap alagaan mong mabuti anak natin, bantayan mo siyang mabuti." Huli kung narinig na sinabi ng asawa ko bago ko pa naisara ang pinto. Mariin kung naikuyom ang aking mga kamao, dahil sa ginawang kawalanghiyaan ng mga magulang ni Paula sa akin. Dapat nga wala na silang parapatan sa asawa ko dahil legal kaming mag-asawa, ako ang mas higit na may karapatan sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko ilan beses pa kung napalad-lakad dito sa pasilyo. At walang maisip na tama. Gusto kung manakit ng tao, kung pwede lang na lumpuhin ko nalang ang Papa niya kanina ginawa ko na. Buti nalang may natitira pa akung pag-galang kahit konti para sa kanila. Pag-nasagad ang pasensiya ko kapwa tawad nalang kami dahil kahit matanda na sila, hindi ko maipapangakong hindi sila makatikim ng kamao ko, at ng mga salitang gustong-gusto kung ibulalas sa kanila matagal na. Naglakad nalang ako pabalik sa kwarto ng anak ko siya nalang ang babantayan ko, dahil siya ang higit na nangangailangan ng damay ko, wala ang kanyang ina. Naiipit siya sa pagitan namin at ng mga magulang niyang ganid sa salapi. Darating ang araw ipakakain ko sa kanila ang lahat binitiwan nilang masasakit na salita. "Musta na si Paula? Ayos lang ba siya? Hindi ka ba sininghalan ng mga biyanan mo?" Sunod-sunod na tanong siya sa akin ng pabagsak akung naupo sa tabi niya. "Pikon na pikon na ako sa ginagawa nila sa akin. Konting-konti nalang sasabog na ako." Mariin kung turan dahil hanggang ngayon nagiinit parin ang ulo sa nangyari. "Hind ko rin alam kung bakit nila ako inakusahan ng mga bagay na hindi ko naman ginawa." Saad ko pang nanggagalaiti. "Pag-usapan n'yong mag-asawa ang bagay na yan, tingin ko biktima rin ang asawa mo. Naiipit lang siya dito, at wala ka rin magagawa kung hindi umunawa. Mga magulang parin niya yon. Isa ka narin magulang ngayon at sana maintindihan mo sila." Mahabang wika niya. "Tang....**na, asawa ko yon pero ayaw nila akung bigyan ng katapatan sa asawa ko at kung anu-anong ibinibintang nila sa akin na hindi ko naman ginagawa. May araw din sa akin ang mga hayup na yun," Singhal ko na sa kanya. "Relax ka lang, hintayin mong gumaling si Paula, at huwag mong bigyan ng dahilan para piliin niya ang mga magulang niya. Alalahanin mo hindi pa maganda ang kondisyon niya, baka mabinat duguin nanaman siya, malalagay sa panganib ang buhay ng asawa mo." Pagpapakalma niyang aniya. Kaya nanahimik nalang ako dahil marami pa akung dapat pagtuunan ng pansin. "Sa ngayon yan anak mo muna ang asikasuhin mo, hindi naman daw kailangan bantayan siya ng bente kwatro oras may nurse naman nagbabantay." Dagdag pa niya. Pero gustong makita ni Paula ang anak namin kailangan din niya ng isang ina sa tabi niya ngayon, kung hindi lang nangyari ito, maayus pa sana ang lagay namin. At hindi nalagay sa panganib ang buhay ng mag-ina ko. Darating ang araw sisingilin ko kayo sa ginawa n'yong 'to sa anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD