Episode X

2413 Words
"Let's go!" May kalakasan saad niya at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin. Muli ko pang pinasadahan ng tingin sa full length mirror ang pustura ko kung ayus na ba ang suot kung maternity dress na lampas tuhod ko, na tinernuhan ko ng isang comfy with a small chunky heel. Dahil ayaw na niya akung nagsusuot ng matataas na heel ng sapatos, bawal na daw sa buntis yun sabi niya. Minsan ko pang sinuklay ang aking hanggang likod na buhok at nag spray ng pabango, bago pa ako humarap sa kanya. Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya, magkasalubong na din ang makakapal niyang kilay. "What?" Sikmat ko sa kanya, para kasing ngayon lang niya ako nakitang nagbihis at nagpabango. "May mali ba sa suot ko? Araw-araw naman ganito na suot ko." Dagdag ko pa. Dahil para siyang nakakita ng kakaiba sa akin, o napapangitan na siya dahil malaki na ang aking tiyan, tumaba narin ako. Pakiramdam ko nga para na akung baboy na lilitsonin. "Kung hindi ka lang papasok at kung hindi lang malaki yan tiyan mo baka ihiniga na kita sa kama." Anas niya sa akin at niyakap pa niya ako sa aking likuran nakatutop ang malalaki niyang kamay sa aking may kalakihan ng tiyan. "Nakapag-iinit ka ng dugo, nabubuhay lahat ng natutulog kung kalamnan. Kaya bago pa magbago ang isip ko lumabas na tayo dito." Anas niyang muli at kinintalan niya ako halik sa labi. Inalalay na niya ako palabas ng kwarto namin, nasa balikat din niya nakasampay ang shoulder bag ko. "Pinagbigyan na nga kita kagabi kulang pa ba yun? Naka ilan ka nga." Sikmat ko na sa kanya habang pababa na kami ng hagdanan. Mahina naman siyang natawa sa tinuran ko at hinapit niya ako sa beywang. "Kulang pa yun, nabitin nga ako. Babawi nalang ako pagnakapanganak ka na." Saad niyang may pilyong ngiti sa mga labi."Isa pa Honey gusto mo rin naman ginagawa ko, lakas mo ngang makahalinghing." Nag-init ang mukha ko sa tinuran niya, pakiramdam ko pulang-pula maging ang aking ilong. Kaya matalim ko siyang inirapan, parang ako lang nasarapan siya nga itong walang kasawaan. Hindi ko nga alam kung saan kumukuha ng energy ang taong 'to, hindi nauubusan. "Tsk!" palatak ko nalang para iwas sa pagkapahiya. Tawa at patak ng halik sa sintido ko lang iginanti niya sa akin. Sino bang hindi ma-i-in love na babae sa taong ito kung ganito siya kung mag-alaga. Daig ko pang may personal na yaya. Given na ang pagiging gwapo niya. Nakaalalay lang siya sa akin hanggang makasakay ako sa kotse, hatid sundo na niya ako, minsan sa office ko na rin siya kumakain ng lunch bago pumasok sa school niya. Para daw mabantayan niya ako. Nahahati niya talaga ang oras niya sa akin sa trabaho niya at school, idagdag pa ang mga pa-order niyang mga sportswear at shoes. Lahat ng ito kinakaya niya ng wala kang maririnig na reklamo. Maging si Lola lagi narin dito, nagdadala rin siya ng kung anu-anong pagkain. Pag sila Mama naman nagpupunta dito sa opisina ko puro sermon lang binibigay sa akin. At lahat ng kung anu-anong masasakit na salita pinupukol niya sa asawa ko. Tulad nagyon, buti nalang at hindi na nagtagal ang asawa ko kung hindi baka nagpang-abot pa sila at katokot-takot na naman maaanghang na salita ang bibitiwan nila para sa asawa ko. "Kung hindi ka ba naman kasi isang tanga at kalahati sa isang walang kwentang lalaki ka pa nagpabuntis. Ni hindi ka nga niya kayang bigyan ng maginhawang buhay. Kung alam ko lang na kating-kati kana palang mag-asawa dapat sinabi mo at kay Mr. Suarez nalang kita ipinakasal. Isang mayaman negosyante na kayang ibigay sayo ang lahat ng luho ng katawan baka nga nasa Europe ka pa at nagliliwaliw ngayon. Hindi tulad ng hampas lupang mong asawa na ni sa kabilang bayan hindi ka kayang dalhin para ipasyal. Baka nga maging mga vitamins ng anak mo ikaw pang bumibili." Humihingal niya mahabang litanyang pasigaw. Wala akung nagawa kung hindi manahimik nalang, itinutok ko nalang ang aking pansin sa aking laptop at baka pagsinagot ko pa sila kung mapaano na ang baby sa sinapupunan ko. Maging mitsa pa ng pag-aaway naming mag-asawa at mauwi sa hindi magandang sitwasyon. Ito pa ang maging dahilan ng maaga naming paghihiwalay. Kung maririnig lang lahat ng asawa ko ang mga pinagsasabi nila Mama mag-aaway na naman sila. Hihingi lang kasi ng perang pangluho nila manglalait pa ng kapwa nila. Hindi naman nila alam kung anung nangyayari sa amin ng asawa ko, ang mahalaga lang sa kanila pera. "May kailangan po ba kayo at nandito na naman kayo, kaaga-aga." Malumanay kung tanong kahit alam ko naman kung bakit sila nagsasadya dito sa opisina ko. Ni hindi nga nila matanong kung kumusta na ako, kung makakain pa ba ako ng tatlong beses isang araw, kung napapagod na ba ako sa tambak kung trabaho. Ni hindi nga nila inaalam ang kalagayan ko. Kung tumatakbo pa ba ng maayos ang mga negosyong pinagkukunan namin ng perang ginagastos nila. "Kung hindi ka ba naman nagpakatanga di sana buhay prinsesa ka na ngayo at baka may sarili narin kaming sustento mula ka Mr. Suarez. At hindi ganitong para kaming ibang tao sayo, kailangan pang manghingi ng panggastos namin." Sikmat narin ni Papa sa akin. "Hindi mo narin kinakargahan ang mga ATM namin, zero balance na. Sa walang kwentang lalaki mo lang napupunta lahat ng pera mo. Ikaw pang bumubuhay sa lalaki mo." Hiyaw na ni Mama. Baka pagnalaman niya kung gaano kataas ang pride ng asawa ko himatayin sila. "Pagnakapanganak ka na hiwalayan mo na ang lalaking yun." Mariing saad ni Papa. "Palayasin mo na siya sa bahay mo. Kung hindi baka mapatay ko pa siya, kung gusto mo sa anak mo kunin mo nalang pero mas maganda kung ibibigay mo nalang sa kanya para wala siyang hinahabol sa iyo. Pwede ka pa naman magka-anak sa ibang lalaki." Singhal pa niya. Kaya nasindak ako sa tinuran niya, alam ba niya kung anung pinagsasabi niya. Anak ko at asawa ko ang pinagbabantaan niya. Alam din ba niya kung anong kayang gawin ni Nickulas. Dahil pakiramdam ko maraming koneksyon ang asawa ko. "Papa alam mo ba kung anong lumalabas dyan sa bibig n'yo? Pamilya ko na po sila at hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa asawa ko. Mahal ko ang pamilya ko. At ilang buwan nalang magkakaanak na kami." Usal kung nagtitimpi at baka kung ano pang masabi kung pagsisihan ko pa sa bandang huli, sila parin ang mga magulang ko at mahal na mahal ko sila. Pero may sarili na akung pamilya at sana respetohin nalang nila ang disisyon ko. Tanggapin ang anak at asawa ko, unang-una hindi naman kami pinababayaan ni Nickulas, hindi man siya kasing yaman ng taong binabanggit niya, para sa akin mas mayaman pa siya dito, dahil sa pinakikita niyang pagmamahal sa akin at sa magiging anak namin. Hindi man niya tahasang sahibin mahal niya ako pero ramdam na ramdam ko yun. "Ide-deposit ko nalang sa bank account n'yo ang perang kailangan n'yo. Sana naman magbawas na kayo ng gastus sa mga bisyo n'yo dahil hindi naman madaling kumita ng pera. May pinaglalaan din akung isa project kaya please lang po hinay-hinay din kung magtapon ng pera sa casino." Singhal ko na sa kanila para umalis na din sila agad dahil sumasama lang loob ko sa mga sinasabi nila, nasasaktan din ako pag nilalait nila ang asawa ko. Wala naman itong ginagawang masama sa kanila. "Ng dahil sa bastardong yan natuto ka ng magdamot sa aming mga magulang mo, mapapatay ko talaga ang lalaking yan pagnakita ko siya." Sigaw na ni Papa. "Papa enough walang ginagawang masama sa inyo yung tao. Kayo ang may pagkukulang, kung hindi n'yo sana inuubus sa casino ang pera n'yo baka may negosyo pa kayo hanggang ngayon. Kay Lola na itong negosyong ito, dapat kay Lola kayo humihingi ng pera hindi sa akin." Mahabang saad ko dahil alam ko na lalong hindi sila bibigyan ni Lola dahil sobra-sobra na daw makuha nila kay Lola. "Tandaan mo ito Leona Paula, babalik ulit kami ng Mama mo at hinding-hindi kami makapapayag na ang lalaki mo lang yon ang makikinabang ng pera natin. Pag nagkita kami makakatikim siya sa akin idedemanda ko siya. Ako ang magpapalayas sa kanya sa bahay." Tungayaw pa ni Papa. At dinuro-duro pa niya ako. Ano bang kinalaman niya sa nangyayari sa buhay may asawa ko ngayon, wala naman. Ni hindi nga nila inaalam kung humihinga pa ba ako. "Wala kang utang na loob. Ano bang pinakain sayo ng lalaking yun at mukhang lahat yata ng meron kay gusto na niyang kuhain baka naman isang araw siya na nakaupo dyan at siya nagmaymay-ari ng negosyo natin."Sigaw din ni Mama. "Kakausapin ko ang abogado natin at pakakasuhan namin ang lalaki mo para mawala na siya sa landas namin para hindi ka niya magatasan. Ipakukulong ko siya." Sigaw ni Papa. Ano kayang ikakaso nila sa asawa ko wala naman ginagawang masama yun tao sa kanila. Bulong ko nalang at hindi na sila pinansin para hindi na humaba. Mai-stress lang ako. Nilingon ko nalang silang nagdadabog na lumisan. Ano pa ba gusto nila. Isang milyon nga hiningi nila nuon nakaraan lang para sa bakasyon daw nila sa ibang bansa huwag lang maka-attend ng kasal namin. Ngayon milyon na naman kailangan nila. Hindi naman kumikita ng milyon-milyon araw-araw ang mga negosyo. Saan naman ako kukuha ng isusustento sa mga luho nilang milyon, oo nga't mayaman kami pero hindi naman kami bilyonaryo. Nahilot ko nalang ang sintido ko sa mga naiisip. Kailan ba sila magigising sa katotohanang hindi ganuon kadaling kumita ng salapi. Sila nga hindi nila napalago ang ibinigay sa kanilang negosyo, ngayon naghahanap sila ng malaking kita. At kung lagi silang hihingi ng milyon baka ikabagsak na namin yun. Wala pa nga sa isang bilyon ang asset namin, paano ako magkakaroon ng isang milyon kada buwan na isusustento sa kanila. Heto nga at nanliligaw pa ako ng mga gustong mag-invest sa bago kung project. Sana kung nakakatulong sila sa akin, hindi naman dagdag problema ko pa nga sila. Dala-dala na naman ni Nickulas ang makakapal niyang libro pag-pasok niya sa opisina niya, kahit yata saan siya magpunta dala niya ang mga ito. Binabasa kung may libreng oras siya kahit saglit lang. At mas lalo pa siyang nagpupursige na maabot ang pangarap dahil sa nalalapit na pagsilang ng unang anak nila ni Paula. Ang karugtong ng buhay niya, ang inspirasyon niyang sumasabay sa pag-abot ng tagumpay niya. Kung hindi magbabago ang date ng graduations day nila, sabay ito sa pagsilang ng anak nila. At kailangan niyang bantayan na ang asawa sa buong linggong yun, dahil wala naman silang ibang kasamang titingin dito kung wala siya. Ang lola na daw nito ang pangsamantalang uupong CEO ng kompanya ng mga ito habang naka-leave ito. Ang kinuha naman nilang magiging yaya ng anak nila pagkapa nganak pa ni Paula darating. Pinaghahandaan narin niya ang nalalapit na bar exam kaya't halos araw at gabi siyang nagre-review. Ayaw niyang masayang ang pinagpaguran niya at ang mataas na expectations ni Paula sa kanya. "Boss, yung mga bago nating clients nasa labas, ikaw gusto nilang mag assess sa kanila. Mukhang tinamaan yata sa iyo." Pagbibigay inporma sa kanya ng isa sa mga fitness instructor nila. "Mga sexy boss at ang lalaki ng hinaharap." Nakangising saad pa nito. "Ikaw dapat nag ga-guide dun dahil ikaw mahilig sa malalaki ang hinaharap." Saad niyang may halong nanunukso dito, dahil abala siya sa pagre-review. "Ikaw hinahanap boss eh." Ulit pa niya kaya wala akung nagawa kung hindi puntahan ang mga customers namin. Kailangan ko silang pagbigyan sa mga request nila, ilan na bang mga babae ang tulad nito. Hindi ko na nga mabilang, ayaw ko naman silang pahiyain. Pero paglampas na sa trabaho ko hindi na pwede. Lalo na ngayon may asawa na ako at malapit ng manganak. "Hi!" Bati ko sa kanila, "Is this your first-time to enrol in fitness gymnasium?" Tanong ko sa kanila kahit halata naman sanay sila sa ganitong lugar, kita sa katawan at mga muscles nila. Yun isa laki ng muscles niya sa braso maging ang binti niya kitang stretched na stretched siya. Naka summer workout outfit na silang kitang-kita nga ang malalaki niyang hinaharap. Kita rin ang kanilang tiyan, maging ang gitna nila bakat na bakat mukhang sinadya pa nila. Balewala na sa aking ang ganitong sinaryo. Sanay na akung nakakakita ng mga ganito workout outfits pero, itong mga babae sa harap ko mukhang nagpapapasin lang sila. Ilan taon naba ako sa ganitong trabaho, kinse palang ako nuon una akung mapasok sa ganito at marami akung naging kaibigang matitinong tao, lalaki at babae, may bata pa sa akin at matanda, marami din akung naging experience, magaganda at hindi kagandahan. Lalo na sa babaing tulad ng nasa harap ko, na ang hanap lang ay makipaglaro sa apoy ng kamundohan. Kung nuon sana baka pinatulan ko sila pero ngayon ibang usapan na dahil pamilyado na akung tao tapos na ang pagtatampisaw ko sa kandungan ng kung sino-sinong babae. "Hello! I'm Venus, this is my freinds, Lira, Sue, Kat and Olga." Pagpapakilala niya. Kaya tinanggap ko ang pakikipag shake hands nila. "Your Nickulas right? Tanong pa niyang may mapag-akit na ngiti sa labi. Kinagat naman ng isa ang kanyang pang ibabang labi and smiled seductively and tossed her blonde hair. Kaya minumura ko sila sa isip ko. "Yeah, how can i help you? Sa tingin ko naman sanay na kayung mag-gym." Diretsang usal kong hindi pinansin ang pang-aakit nila. "Can you help and guide us. What's the best equipment we use or recommend you to us?" May ngiti sa mga labi niyang saad. Naiiling nalang akung i-guide sila sa alam kung bagay sa kanilang mga equipments namin. Kailangan ko rin sakyan ang trip nila. Pero may limitasyon na ang lahat, at baka awayin ako ng asawa ko, buntis pa naman ito. Ayaw kung ako pang maging dahilan ng hindi magandang mangyayari sa kanya at sa aming anak baka hindi niya ako mapatawad. At ayaw kung masira ang ibinigay niyang tiwala sa akin. Ayaw kung masira ang binubuo kung pamilya. I'm start demonstrating the correct way to use exercise equipments. Only helping them to meet their fitness goals. Kung yun nga ang purpose nila. But nuh. Mukhang masyadong personal ang dahilan nila at ako pa tinarget nila. Mali ang pinaplano n'yo woman. Bulong ko nalang. . . . . ......................................................... please follow my account... add my stories in your library.. ......."Lady Lhee"....... ....thanksguys....loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD