Halos lumuwa ang aking mga mata ng mapagmasdan mabuti ang singsing na basta nalang niya isinuot sa daliri ko na wala man lang romantic act tulad ng ibang lalaking nagpro-propose sa girlfriend nila. Isang itong 15-carat emerald cut diamond ring na unique cut designed ng Cartier. Ang pagkakaalam ko milyong-milyong dolyar ang halaga nito.
"Saan mo ito kinuha? Bakit mayroon ka nito? Alam mo bang hindi birong halaga ang presyo nito? At ilang kilalang tao lang meron nito?" Halos manginig ang boses kung sunod-sunod na tanong sa kanya. Dahil hindi ako makapaniwalang nasa daliri ko ang pangarap na singsing ng mga kababaihan. At dahil sa mahal nito walang nagtangkang bumili nito at ilang lang na tao ang nagmamayari ng ganito.
"Basta ingatan mo yan, at itagong mabuti para pa yan sa magiging mga anak natin at huwag na huwag mong iiwan yan kung saan-saan." Malumanay pero may diin niyang tugon. "Sa susunod wedding ring na isusuot ko sa daliri mo." Dagdag pa niya. Hinila niya ang aking kamay na may suot na engagement ring at hinalikan niya ito. Maluha-luha akung hindi makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon. Una ang pagbubuntis ko, pangalawa ang nalalapit kung kasal sa lalaking lihim kung minamahal, ngayon naman ang mamahaling diamond ring na limited unique designed ng famous na Cartier. Kaya napaisip tuloy ako kung anung uri naman kaya ng weeding ring ang isusuot namin dahil ang sabi niya siya na ang bahala sa ring namin.
"Thank you so much." Paus kung anas sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Gusto ko man sabihin I love you too, hindi naman pwede dahil wala naman siyang sinasabing "I love you." kaya nagpasalamat nalang ako
Sa kasal namin hindi na kailangan ang parental consent dahil nasa wastong gulang na kami, kaya hindi ko na kailangan makiusap pa sa mga magulang niya, kung ayaw nilang uma-attend ng civil wedding namin walang problema sa akin. Ang inaalala ko lang mukhang masasabay pa sa panganganak ni Paula ang graduation namin. Ang buwang ng graduation at ang due niya iisa. Sinong kasama kung aakyat sa stage? Pagnatapat sa graduation ko malamang sa hindi ako makakaakyat ng stage. Ang tagal kung hinintay ito. Gusto ko sanang si Paula ang kasama ko pero mukhang malabong mangyari dahil sa anak namin. "Baby pwede bang hayaan mo muna akung maka graduate bago ka lumabas? Paakyatin mo muna ako ng stage dahil matagal ko ng pangarap yun." Bulong ko habang banayad kung hinihimas ang maimpis pang kaumbukan tiyan ni Paula.
"Kailan ba graduation n'yo? Pwede naman kahit ikaw nalang um-attend, kaya ko naman ang sarili ko sasamahan nalang ako nila Lola, alam mo naman yun mas excited pa sa akin." Saad niya sa akin. Dahil buhat ng malaman nito ang bubuntis niya halos araw-araw daw ito sa opisina niya para samahan at bantayan siya. Minsan naaabutan ko pa ang Lola niya sa opisina niya pagsinusundo ko siya. Ang mga magulang lang niya talaga ang hindi makakaunawa sa amin dahil mukhang nililimitahan na ni Paula ang pagbibigay ng pera dito.
"Mukhang makikisabay pa anak natin sa graduation ko." Aniya "Candidate kasi ako sa may mga honor. Kaya gusto ko sanang makaakyat ng stage at ikaw gusto kung magsabit ng medal ko." Pagbibigay imporma niya. Hindi ko naman alam kung kikiligin ba ako dahil sa tinuran niya. Pero napakasaya ko at ako pinili niyang kasama sa araw ng tapumpay niya.
"Ok lang sa akin kahit hindi ako magsabit ng medal ko basta um-attend ka lang para hindi masayang pagod mo. And i'm proud of you, congrats." Saad ko at niyakap siya. Nagbunga rin ang pagsisiskap niya. Malapit na niyang maabut ang mga pangarap niya. Sana ako parin kasama niya sa tagumpay niya, kami ng anak namin. "Anong honor mo?" Dugtong ko pa.
"Either of the two, summa c*m laude or magna c*m laude." Aniya.
"Next ang bar exam mo na, mag-review kang mabuti para maging ganap ka ng isang abogado. At huwag na huwag mong i-stressin ang sarili mo para makapag focus ka sa exam mo. Andito lang kami ng baby natin." Anikong nakangiti upang palakasin ang loob niya. Alam kung sa amin na siya kumukuha ng lakas ng loob at insperasyon ngayon. Pero wala pa akung kasigurohan ng bukas na kasama parin namin siya.
Kung sakaling lisanin na niya kami at bumalik na siya sa dati niyang buhay. Gusto kung maalaala niya ako pagdating ng araw, na naging bahagi ako ng buhay niya upang maabut niya ang kanyang mga pangarap. At magsisilbi naman magandang ala-ala nalang siya sa akin na kahit kailan hindi na siya mawawaglit dito sa puso at isipan ko, malalim na siyang nakaukit dito. Kaya pupunoin ko ng magagandang ala-ala ang bawat araw na magkasama pa kami.
Isang simpleng salo-salo lang ang naging handa ng kasal namin matapos ang maiksing seremonya. Isang puting bistida lang din ipinasuot niya sa akin na umabot lang sa tuhod ko ang haba inorder pa daw niya ito kay Therese. Simple lang ang yari nito pero kita parin ang ganda nito at alam kung mahal din ito dahil nakita ko tatag mula sa isang kilalang designer. Puting long sleeve na itinupi naman hanggang chiko niya at black slack ang suot niya. Mga matalik na kaibigan lang namin ang um-attend kabilang sila Drex at ang mga magulang nito na nagsilbing mga ninong at ninang namin. Kasama rin si Maui na naging kaibigan narin namin. At tanging si Lola lang um-attend sa kasal namin na kamag-anak ko, dahil kung anu-anong panlalait ang sinasabi nila Papa at Mama at mahigpit din nilang tinutotolan ang kasal namin, kaya hindi sila nagpunta. Masama man ang loob ko dahil sa pinakikita nilang pagtrato kay Nickulas nalulungkot parin ako. Dapat sila ang kasama ko ngayon sa araw na ito pero ipinagpilitan nilang humingi ng pera at mas pinili nilang mangibang bansa.
Lahat ng nakakakita sa suot kung singsing, hindi nila mapigil na hindi humanga. Maging ang mga magulang ni Drex kung ilang beses niyang pinakatitigan ang mga ito. At hindi sila makapaniwang mabibigyan ako ni Nickulas ng ganitong uri ng mga singsing. Dahil maging ang wedding ring naming white gold na napapalibutan ng purong diyamanteng kumikislap sa kinang. Maging si Lola hindi makapaniwa sa suot kong mga alahas lalo na sa aking engagement ring at wedding ring na puro diamonds. Maging ako nagtataka kung saan niya kinuha ang mga ito. Ang ipinasuot niyang hindi kalakihang hikaw at kewintas na white gold, napapalamutian din ito ng mga diamonds.
"Congratulations sa inyong dalawa alagaan n'yo ang isa't-isa, at kung may problema don't hesitate yo call us. At yan baby n'yo huwag n'yong pababayaan." Mahabang wikang paalala ng Mommy ni Drex sa amin. Kaya puro po at opo nalang naging tugon namin pareho ni Nickulas. Nangako rin siyang dadalawin niya ako paminsan-minsan.
"Ikaw Drexford kailan mo naman kami bibigyan ng apo ng Daddy mo, naunahan kana nila Nickulas at Paula." Reklamo ng Mommy niya.
"Mom, maghintay lang kayo darating din tayo d'yan, hayaan n'yo ng mauna sila Nickulas matanda na ang mga yan." Katwiran niya sa Mommy niya.
"Tumigil ka nga mas matanda ka pa nga sa akin." Sigunda naman ni Nickulas.
"Buwan lang tanda ko sayo."Singhal na nito.
Natapos ang munti namin kasiyahan, at lahat ng dumalo sa aming kasal pawang nasiyahan naman kahit isang ordenaryong handaan lang. At hindi umaalis sa tabi ko ang aking asawa lagi siyang nakaalalay sa akin. Maya't maya rin niya akong tinatanong kung pagod na ba ako at kung anung gusto kung kainin. Maysado akong bini-baby. Kaya minsan naitatanong ko sa isip ko kung ganito ba talaga siyang mag-alaga.
"Are you tired Honey? Samahan na kita sa kwarto para makapagpahinga ka. Baka kung mapaano pa kayo ni Baby." Turan niya at inalalay na niya ako kahit hindi pa ako nakapagsasalita. "May gusto ka pa bang kainin?" Dagdag tanong pa niya.
"Wala na busog na busog pa nga ako." Aniko at sinimangutan siyang halos kargahin na niya ako kung makalalay siya sa akin. "Kaya ko na ako nalang, kailangan ko rin maglakad-lakad para may exercise ako. Baka naman manasin na ako agad sa ginagawa mo niyan." Reklamo ko na. Nagpakamot naman siya ng batok niya at bahagyang lumayo.
"Nag-aalala lang ako sayo, sa inyo ni baby, baka kasi nahihirapan kana." Litanya pa niya.
"Kaya ko na, minsan minsan lang naman kung sumpongin ako ng pagkahilo at pagsusuka sa umaga. Natural lang naman yun sa kalagayan ko. At huwag mo akung masyadong ginagawang baby baka makasanayan ko na yan." Singhal ko na sa kanya. Baka iwan niya ako at hanap-hanapin ko ang ginagawa niya. Paano na? Pwede ko bang ipagpilitan pa ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin, kahit sabihin pang kasal kami kung inayawan ka na ng partner mo wala ka ng magagawa. Ikaw lang mag-isa ang luluha sa pighati at lungkot. Ikaw lang mag-isa mo ang magdadala ng lahat ng sama ng loob dahil hindi naman pwede makihati ang kahit sino sayo, pero kung asawa o boyfriend mo marami kang kahati at makikihati sayo. Bandang huli ikaw pang masama, ikaw na ngang inagawan.
Hanggang ngayon wala parin akung alam sa tunay na pagkatao ni Nickulas, kahit anung tanong ko sa tunay niyang pinagmulan. Walang direktang sagot ang lagi niyang tugon, makahulugan ang bawat binibitawan niyang salita na hindi ko parin maunawaan. Ilan buwan narin kaming kasal at alam kung legal ang kasal namin, pero hindi parin niya ako mapagkatiwaan ng mga lihim niya tungkol sa pagkatao niya. Sino ba siya talaga ang lalaking pinakasalan ko at saan siya nagmula? Ano ang mga lihim niya sa buhay? Baka may iba pa siyang pamilya at ako ang maging dahilan ng pagkawasak ng pamilya niya. May criminal records kaya siya, nasama kaya siya sa mga taong may koneksyon sa druga? Mga katanungan hindi ko alam kung kailan magkakaruon ng kasagutan. Dahil baka isang araw maging kami ng anak namin madamay sa mga kalukohan niya.
"Are you alright? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin? " Sunod-sunod na tanong niya ang nagpagising sa malalim kung pagiisip. Hinimas din niya ang may kalakihan ko ng tiyan. "Pinahihirapan ka ba ni baby?" Dugtong pa niya. Dahil kung minsan sumisipa na ang amin anak at madalas niya dinadama yon ng tuwang tuwa, samantala nangingiwi naman ako dahil kung minsan medyo masakit.
"Wala naiisip ko lang paglabas niya kung sino bang kamukha niya." Pagsisinungaling ko.
"Okay lang kung ikaw kamukha niya pero mas pogi siya kung ako magiging kamukha niya." Saad niya at kumindat pa siya. "Son behave ka lang dyan sa loob ng tummy ni Mommy ha para hindi siya mahirapan." Kausap pa niya sa tiyan ko at hinalik-halikan pa niya ito. Kahapon nagpa-ultra sound na kami at lumabas na baby boy ang anak namin kaya tuwang-tuwang siya. Kaya nga ngayon nag-iisip na kami ng ipapangalan sa kanya. "Ikaw na mag-isip ng pangalan niya, titingnan ko nalang kung papasa sa akin.
"Apollo, Gabriel, Carlo, Lucas, Miguel, Joaquin, Calixtro." sunod sunod kung wikang wala sa loob.
"No hell! No!" Bulalas niyang bigla. "Where did you get that names? Huwag mong ipapangalan sa anak natin ang mga yan, baka magdiwang ang mga lahi ng kuhol." Sikmat na niya sa akin. Gusto ko man matawa sa huling sinabi niya pinigil ko nalang at baka magalit pa siya.
"Ikaw nalang kaya mag-isip na pangalan." Usal ko, hindi ko alam kung maarte ba siya sa pangalan o talaga lang ayaw niya sa mga binanggit ko.
"Ikaw nalang titingnan ko nalang kung wala katulad na pangalan ng mga nuno sa punso." Saad pa niya, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nanloloko lang pero mukha naman siyang seryoso. "Basta ilista mo nalang kahit ilan para marami tayung pagpipilian. Ani pa niya, kaya napatango nalang ako. At napaisip kung sino ba ang mga lahing kuhol at nuno sa punso na binabanggit niya. Mga salita niyang nagiging palaisipan sa akin.
"Next week na tayo mamili ng gamit ng baby natin, ilista mo narin para wala tayung makalimutan. Siguro naman bago ka pa manganak makukumpleto na natin mga gamit para sa anak natin." Saad pa niya dahil kahit isa wala pa kaming nabibili gamit para sa bata, sabi kasi ni Lola pagmalaki na daw tiyan ko at malapit na akung manganak kami bumili, kaya yun ang sinusunod ng asawa ko. Magkasundo sila ng Lola at halos lahat ng ipinapayo nito sinusunod niya.
Ayaw naman niyang ako lang mag-isa ang gagastus para sa anak namin. Gusto niya perang galing sa kinita niya lahat ng gagamitin namin sa panganganak ko at gamit nito, kaya tudo kayud siya ngayon idagdag pa ang pagiging abala niya sa school project at thesis niya. Maging ang pagpapatakbo ng Gym, pero lagi siyang may laan oras para sa akin, tulad ngayon dito lang kami sa kwarto magkasama. Kung makaalalay siya daig ko pang may sakit, bawat galaw ko sinusundan niya ako. Tinatanong kung may masakit sa akin at kung anu-ano pa. Paano nalang pagnanganak na ako baka mas higit pa dito ang gawin niya, at dalawa na kaming aalagaan niya. Mauubus na din ang oras niya sa trabaho at school niya may mini-maintain pa naman siyang grades para sa honour niya. Ilang buwan nalang ga-graduate na siya at manganganak na din ako. Mukhang sasabay nga sa graduation niya ang paglabas ng anak namin ayun sa OBgyn namin. Last week ng April ang graduation niya last week din ng April ang due ko. Ayaw naman niyang ang mga parents ni Drex ang magsabit ng medal niya, gusto talaga niya ako. Kung pwede nga daw isama pa ang anak namin.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
add my stories in your library..
......."Lady Lhee".......
....thanksguys....loveu...lrs...