Episode VIII

2440 Words
"Kuya Nickulas bigyan mo naman ako ng schedule ng practice debate n'yo, gusto kung maki-sit in." Usal ni Julius sa akin dahil tuwing my school debate kami lagi siyang nanunuod dahil gusto rin daw niyang maging isang abogado someday kaya lang ining-carriage siya ng mga magulang na kumuha ng kursong Business Adm. para sa mga negosyo nila. Tulad ko rin siya, sapilitan ang kinuha kung course dahil sa isang malalim na dahilan. Kailangan kung maging abogado para sa kinabukasan ko at sa magiging pamilya ko. Malapit ko ng makamit ang tagumpay ko, at sisugurohin kung mapapakinabangan ko ito ng habang panahon. Isang taon nalang gra-graduate na ako at kung papalaring makapasa sa Bar exam ganap na akung abogado. At babalik ako sa nakaraan. Upang magsimula muli. "Next week pa mag-uumpisa ang mga debate namin baka nga thrice a week na at isasabak na kami sa ibang university." Tugon ko sa kanya. Kaya halos imimorya ko ng lahat ng Articles at sections lahat halos ng about sa laws binabasa ko at para sa paghahanda narin sa nalalapit kung bar exam eight months from now. Dalangin kung makapasa ako, upang makahon kami sa kinalalagyan namin ngayon. Agad kung hinarap ang mga files na sa ibabaw ng table ko upang matapos na ito dahil kailangan kung makauwi. Hindi raw maganda ang pakiramdam ni Paula at laging nahihilo. Kailangan ko pa siyang dalhin sa hospital para ipatingin sa doctor. Kaagad akung umakyat sa hagdanan pagpasok ko sa kwarto namin upang puntahan si Paula. Nag-aalala ako sa kanya kahapon pa siya hindi pumapasok dahil masama daw pakiramdam niya. "Hon." Tawag ko sa kanya pero himbing parin siyang natutulog. Kaya hinagod-hagod ko ng aking kamay ang mga buhok niya para magising siya. "Honey wake up. Mag ayus kana at pupunta na tayo sa hospital, mas mabuti na yung alam natin kung ano nangyayari sayo, kung anong gamot iinumin mo sa sakit mo, para maagapan at hindi na lumala pa." Malumanay kung saad ng umingit siya at bahagyang idinilat ang mga mata. "Hhmm. A minute." Paus niyang anas at muling ipinikit ang mga mata. "Pag hindi kapa bumangon dyan bubuhatin na kita." Pagbabanta ko pa. "Oo na ito na nga ooh." Usal niyang nakapikit at dahan-dahan bumangon. "Gusto mo bang kumain muna iinitin ko yung ulam." Aniko ng makaupo na siya at nag-inat. "Gusto kung ulam daing na bangus na may ensaladang labanos." Nakasimangot niyang saad. Kaya mapakamot ako ng ulo. Dahil hindi ko alam kung saan naman ako kukuha ng labanos at paano gawing ensalada. "Pwede ba mamaya nalang pagkagaling natin sa doctor." Aniko. "Bibilhan kita ng labanos sa may talipapa, duon kasi ako nakakakita ng madaming labanos."Dagdag ko pa. Hinablot niya ang tuwalya sa may tabi ko at nagdadabog na pumasok sa cr. Kaya napapailing nalang ako. Kailangan ko pang magtanong kung paano gumawa ng enseladang labanos. Dahil kung hindi ko masusunod ang gusto niya. Iiyak na naman siyang parang batang hindi nabilhan ng pasalubong. "Kumain ka na muna nag prito na ako ng daing na bangus mamaya nalang yong ensalada mo." Malumanay kung saad. Buti nalang at may naglalako ng daing na bangus kahapon kaya nakabili ako. "Upo na para magkalaman naman ang sikmura mo bago tayo umalis." Saad ko at inalalaya na siyang maupo. Buti naman at napasunod ko siya ngayon. Ang hirap pala niyang alagaan pag may sakit siya, masyadong malambing na wala na sa lugar. Sinandukan ko nalang siya ng kanin sa plato niya at pinaghimay ng isda. Para makakain siyang mabuti, namumutla narin siya. "Ayus na ito baka hindi ko maubus isusuka ko lang lahat yan." Angil niya sa akin. "Hindi kaya masyado mo naman pinapagod ang sarili mo sa trabaho mo? Namumutla ka na kasi." Aniko. "Baka naman kulang ka lang sa iron." Dagdag ko pa. Pero sumimangot lang siya at nagpatuloy sa pagakain. Sunod-sunod na subo ang ginawa niya, parang isang taon siyang hindi pinakain. Pag gusto niya ang ulam halos ubusin na niyang lahat, pag-ayaw naman niya kahit masarap ayaw na nga niyang kainin iiyak pang parang bata. "Congratulations Misis, you're nine weeks pregnant." Saad ng Doctor na ikinagulat ko. At hindi agad nakahuma sa narinig. Ganuon din si Paula. Hindi ko alam kung anung mararamdam ko sa narinig, parang may mga kompeteng nagbagsakan sa harapan ko. Wala man sa plano namin sa ngayon pero iba parin ang dating kung magiging magulang ka na. At mas lalo akung naluha ng makita at marinig ko ang heart beat siya sa monitor. Mahigpit na hawak ni Paula ang aking kamay na umiiyak habang walang kakurap-kurap ang mga mata niyang nakatitig sa screen monitor na gaya ko. "Magiging Daddy na ako." Wala sa loob na usal kong may luha sa mga mata. "My first achievement. May first gitf from heaven." Dagdag ko pa at pinahid ang naglandas na luha sa aking pisngi. Hinugot ko rin sa bulsa ko ang panyo ko at pinahid ang mga luha ni Paula. Nakangiti siya habang lumuluha, kaya ginawaran ko siya ng halik sa noo. "Thank you for caring my child." Usal ko pa at kinabig siya sa aking dibdib upang ipadama sa kanyang kaagapay niya akung sa lahat ng oras. "Reresetahan ko nalang kayo ng mga vitamins na kailangang inumin ni Misis para sa baby n'yo." Ani ng Doctor. Kaya pinakinggan kung mabuti at tinandaan ang mga sinasabi niya. Ang mga bilin niyang mga do and don't. Pero may isa lang akung tinanong sa kanya na ikinasimangot ni Paula. "Ok lang, pwede pa naman huwag lang maiipit si baby at kawawa naman baka magreklamo sundutin ka." Pagbibiro ng Doctor na ikinatawa ko ng mahina. "Hon, ok lang ba sayong dumaan muna tayo sa talipapa malapit sa atin para mabilhan kita ng labanos na gagawin ensalada?" Tanong ko matapos kung mabili lahat ng iinumin niyang vitamins at gatas. Ngayon alam ko na kung bakit siya umiiyak pag hindi nakain ang gusto. At kung bakit tulog ng tulog at nagsusuka. "Ayaw ko ng kumain nuon. Gusto ko ng santol at balut." Nakasimangot niyang usal. Alam kung para sa baby namin ang gusto niyang kainin. Pero grabe naman mag-iba ng isip, ayaw agad hindi pa nga namin nabili ang gusto niya. Iba talaga ang swing moods ng buntis, hanggang kailan kaya niya ako susungitan at tatarayan. "Ok, hahanap ako ng santol, baka naman wala pang tindang balut ngayon kasi maaga pa, pwede ba mamaya nalang." Nanantiya kung wika. "Basta gusto kung kumain ng balut ngayon." Singhal niya. "Ok, hahanap ako, bibilhan kita kahit hindi pa luto, sa bahay ko nalang ilalaga." Usal ko at baka umiyak na naman siya. Kahirap naman pala pag naglilihi parang hindi ka pwedeng tumanggi o kahit magreklamo. Kailangan in split second nasa harap na niya kung hindi lagot ka sa kanya. "Ilan santol ba gusto mong kainin para mabalatan ko na bago ako pumunta sa Gym?" Tanong ko sa kanya pagdating namin dito sa bahay. Kung anu-ano na kinakain niya, hindi kaya siya sakitan ng tiyan sa ginagawa niya. Lahat yata ng makita niya sa mall kanina pinabili. Piping bulong ko dahil pagsinasabihan ko siya nagtatampo at hindi na kakain. "Hon, pwede ba sa civil wedding muna tayo? Malumanay kung wika. "Pagdating ng araw na may pera na ako, maibibigay ko rin sayo ang pangarap mong kasal. Sa ngayon pasensiyahan mo muna sa huwes palang kaya ko." Dugtong ko. Ayaw ko naman manganak siyang hindi pa kami nakakasal. "Pwede rin naman akung gumasta sa kasal natin. May pera naman tayo." Saad niya. "Pera mo lang yan, hindi akin. Pinaghirapan mo yan." Singhal ko na sa kanya."Kaya magtiis ka muna kung ano lang ang kaya ko sa ngayon, at darating ang araw na maibibigay ko rin lahat ng pangangailangan ninyo ng magiging mga anak natin. Kaya kung magrereklamo ang mga magulang mo ako ang kakausap sa kanila, haharapin ko sila, hindi habang panahon kaya nila akung laitin. Baka lahat ng sinasabi nila laban sa aking kainin nilang lahat yun pang dating ng araw." Mariing kung angil sa kanya. Dahil hindi pa ito ang tamang panahon para maningil ng mga pautang sa mga taong ginagawang panginoon ang pera. At kayang pumatay ng kapwa ng dahil sa perang hindi naman nila pinaghirapan. Puro pera nalang mahalaga sa kanina. ...................Flashback.................... "Ito bang lalaking 'to ang pinagmamalaki mo sa amin ng Papa mo huh? Isang lalaking patay gutom na pinulot mulang sa kalye at binihisan kaya nagmukhang tao at nakakain ng masarap ng dahil sa perang pinaghirapan mo. Yan bang lalaking yan ang gusto mo ni walang maipagmamalaki. Ni hindi ka nga niya kayang pakainin. Ni walang sarili bahay, ni bisikleta walang sasakyan." Humihingal na tunggayaw ng Mama niya kaya wala akung nagawa kung hindi manahimik nalang. Huwag lang niyang kakantiin si Paula at makikita niya kung paano ako magalit. Kahit anak pa niya ito. Wala na siyang karapatan dito ngayon. "Mama, huwag naman po kayo magsalita ng ganyan. Malaki rin naman kinikita ni Nickulas, siya ang gumagastus dito sa bahay. May konting business din po siya na malaki ang kita, ang mga sport wears niya. Nagsisikap din po siya, katunayan nag-aaral po siya ngayon." Nahabang paliwanag ni Paula sa Mama niya. Nakikinig lang ako sa pagtatalo nila, at pinagmamasdan ang bawat kilos nila. Taas kilay ang kanyang ina kung makaasta na anino isang donyang bilyonarya. At ang kanyang ama naman akala mo may ibubuga kung makaporma sa akin, isang suntok ko lang na malakas dito baka isugod agad ito sa hospital at hindi na magising. "Kahit anung sabihin mo palamunin mo parin siya." Mariing asik na nito kay Paula. Na ikinainit ng ulo ko. "Hoy, lalaking patay gutom layuan mo anak ko kung hindi idedemanda kita at sisiguruhin kung mabubulok ka sa bilanggoan." Sikmat niya sa aking at dinuro-duro pa niya ako ng hintuturo niya sa mukha. "Mawalang galang na Misis wala akung ginagawang masama sa inyo at lalong-lalo na kay Paula. At huwag na huwag n'yo akung malait-lait at baka ibalik ko sa inyong lahat yang sinasabi n'yong yan sa akin. Sisiguruhin kung pagdating ng araw kakanin n'yon lahat ng binitiwan n'yon salita sa akin. Kaya kung ako sa inyo, kayo ang dumistansya sa amin ni Paula bago pa ako makagawa ng hindi maganda laban sa inyo. Dahil ako ang magpapakulong sa inyong mag-asawa, naghintay lang kayo. Mag-malaki kayo kung hindi kayo sugarul." Mariing kung singhal sa kanila. "Subukan pa n'yong guluhin kami ni Paula at makikita n'yo ang hinahanap n'yo." Dagdag sikmat ko pa sa kanila. "Yan bang lalaking yan ang pinagpalit mo sa amin huh Paula? Tingnan mo nga walang modo, barumbado." Sigaw rin ng Papa niya at pakumpas-kumpas pa ng kamay sa ere na animo'y kakandidatong nagtatalumpati sa intablado. "Pa, tama na po, wala naman ginagawang masama si Nickulas sa inyo." Pagmamakaawa pa ni Paula dito. "Umalis na po kayo hayaan na po n'yo kami. Nasa tamang edad naman na po ako." dugtong pa nito. Gusto ko ng hilahin si Paula at ipasok nalang sa kwarto para matapos na ang pagtatalo nilang wala naman kwenta. "Put....*** na! Ito bang igaganti mo sa amin matapos ka namin pag-aralin at palakihin. Ito pa mapapala namin sayo." Muling sigaw ng Papa niya at akmang sasampalin si Paula ng saluhin niya ang kamay nito. "Subukan n'yong kantiin si Paula at ako ang makakalaban n'yo." Sikmat niya sa mga ito at mariing pigil ang isang kamay ng Papa ni Paula na pangsasampal sana sa dalaga. Pumagitan na siya sa mga ito at marahang tinabig ang kamay nito. "Wala akung karapatan paalisin kayo, pero sa ginawa n'yo ako ng nagsasabihin umalis na kayo habang nakapagtitimpi pa ako. Baka makalimutan kung kayo ang mga magulang ni Paula. Alis! Alis na!" Sigaw na niya sa mga magulang ni Paula nakakapit lang ang isang kamay nito sa braso niya, na para bang pinakakalma siya. "Hayup ka sino ka para palayasin kami sa pamamahay namin!" Mariing sigaw ng Mama niya. "Ikaw ang lumayas dito dahil hindi ka naman namin pamilya, palamunin kalang ng anak ko. Sayo na napupunta ang perang kinita ng mga negosyo namin, ikaw ang namamasasa, kaya pala hindi na nagbibigay sa amin si Paula hinaharang mo pala. Ganid ka! Timawa! Sakim!" Mariing sigaw niya sa mukha kong sunod-sunod, gustong-gusto ko siyang ipaghampasan sa dingding na pader ng bahay sa inis ko pero nagpipigil pa rin ako, alang-alang kay Paula. "Tatawag ako ng pulis ipapakulong kita, irereklamo ko kayo sa management nitong condominium, para palayasin ka." Hiyaw din sa akin ng Papa niyang nanggagalaiti. Alam ba niya kung sino may ari ng condominium building na ito, baka mapahiya lang siya dahil sila Drex ang may ari nito, at wala kaming nilalabag na batas. "Umalis na kayo at huwag na huwag na kayong umasang bibigyan pa kayo ni Paula ng pera para pangsugal n'yo lang. Pinaghihirapan niyang kitain yun, pero anong ginagawa n'yo walang habas lang n'yong pinatatalo sa casino. Kung gusto n'yo ng pera, pwede naman kayong pumasok sa kompanya n'yo para matulongan n'yo si Paula, magkakaroon pa din kayo ng sariling income" Mariin ko ng sikmat sa kanila. At hinila na sa kamay si Paula paakyat sa hagdanan patungo sa kwarto namin. . . ...........End of the Flashback........... . . "Wala naman problema sa aking kung saan tayo ikasal. Ang sa akin lang dapat magtulongan tayo. Ang pera ko pera mo narin. Magiging isang pamilya na tayo." Litanya niya kaya naipilig ko ang aking ulo dahil bumalik na naman sa isip ko ang tagpong kung saan nilalait ako ng mga magulang niya, hindi nalang diretsahin ang anak nila na kailangan niya ng perang pangsugal. Simula palang ng unang kaming magkita-kita nilalait at inaalipusta na nila ako. Hindi na ako papayag na may mananakit sa pamilya ko. Kahit sabihin pa na mga magulang pa niya ang mga ito. Ipaglalaban ko ng p*****n ang pamilya ko maproteksyonan ko lang sila sa taong walang pinahahalagahan kung hindi pera. Pera din ang naging mitsa ng buhay ng mga magulang ko. Pero ngayon malapit ko ng makamit ang hustisya. Ilang taon nalang kailangan kung hintayin. Lahat gagawin ko para maibalik ko ang para sa amin. Para sa pamilya ko, lalo na ngayong magkakaanak na ako. Simula ng may mangyari na sa amin siya na ang nasusunod, maawtoridad at feeling bossy na siya kung umasta. Tama nga ang sapantaha nilang hindi basta-basta siyang tao, sa kilos at pananalita palang daw mukhang hindi mo pwedeng suwayin, para siyang hari. Hanggang ngayon nahihiwagaan parin ako sa pagkatao niya. Ayaw naman niyang sabihin kung sino ba siyang talaga dahil pakiramdam ko parang may itinatago siya sa akin na hindi ko maintindihan. Alam kung pagdating ng araw malalaman ko rin, pero kailan pa. Sana naman wala siyang tinatagong masamang records dahil kung mayroon baka maghiwalay ang landas namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD