{Shiastelle} Chapter 4: Dream

3245 Words
Umalis saglit si Markian. Nagpaalam na pupupunta muna sa comfort room. Kaya naman kaming dalawa na naman ni Lynusdrei ang natira rito sa may la mesa. Sumulyap ako sa kanya pagkatapos kong sumipsip sa aking inumin. Saktong pagtingin ko sa kanya ay tumingin din siya sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Gusto ko mang umiwas ay hindi ko magawa. Tila ba nalulunod ako sa kanyang mga mata. May parte sa mga iyon na talagang nakakabihag. Mahirap iwasan at masarap titigan. I can feel the familiar feeling through his eyes. Napapiling ako ng patago. Ito na naman ako sa pamilyar na iyan. Ni hindi ko naman ma explain kung bakit. Napaawang ang aking labi nang mapadila siya sa kanyang labi dahil may natirang hot sauce doon. Bigla tuloy ay naisip kong sana ay hot sauce na lang ako. Doon na ako nagising sa katotohan. Grabe. Naisip ko ba talaga iyon? Napatikhim ako at napakagat sa aking labi. Nag-iwas na ako ng tingin at napanguso. Tumitig na lamang ako sa lalagyan ng fries na may tatlong pirasong laman na lamang. Iyong isa nga ay tila panat na, pero masarap pa rin naman. I heard him chuckled kaya naman napasilip ako mula sa gilid ng aking mga mata sa kanya. Nakangisi siya habang umiinom. Mabuti na lang ay bumalik na si Markian. Kunot noo itong tumingin sa akin. "You okay?" he asked. "Ha?" balik kong tanong sa kanya at napahawak sa aking mukha. Doon ko lang napagtanto na namumula ang buo kong mukha. Ang init pa nga nito. Mabilis akong ngumiti sa kanya ng pilit. "Yeah," sagot ko. Mabagal lamang siyang napatango. Alam ko na hindi niya masyadong kinagat ang naging sagot ko. Tahimik lamang kaming tatlo sa table hanggang sa matapos namin ang mga kinakain at iniinom namin. Magsasalita sana si Markian nang mag-ring ang phone ng katabi niya. Sabay pa kaming napatingin sa banda ng lalaki. Pinanood ko ang pagsagot niya sa tawag. Itinutok na niya iyon sa kanyang tainga at bumigkas na. "Infinite," matigas niyang sambit. Tumahimik siya sandali at pinakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na siya. Dinampot niya ang kanyang pinagkainan at tumingin sandali sa akin bago tuluyang umalis habang kausap pa rin ang babae sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim. Infinite siguro ang pangalan niyong babaeng nakita kong kasama niya dati. Siguro nga ay iyon talaga ang kanyang nobya. "Kanina pa kita napapansin. Sure kang ayos ka lang?" pagtatanong ng nasa aking harapan. Tumitig ako sa kanya. I realized that he is too good looking. Isa pa ay one of a kind siya. Bakit nga ba ibinabaling ko pa sa ibang lalaki ang mga mata ko kung nasa harapan ko naman ang isang katulad ni Markian. Maybe I should really focus on him. If I want us to work, then I really should do that. Ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Yup. Uwi na tayo? Maaga pa ang trabaho natin," yakag ko. Doon ay napangiti na rin siya. Tila nakahinga ng maluwag dahil sa aking sinabi. Napatingin ako sa kanyang kamay nang ipinalad niya ito sa akin. "Markian," pagtawag ko sa kanya. Siya naman ang ngumiti ng matamis sa akin. Hindi na niya ako pinagsalita pa. Kinuha na niya ang isa kong kamay at isiniklop na iyon sa kanyang kamay na nakapalad. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pero sigurado akong nakaramdam ako ng pagkakuntento sa kanya. Naging maganda ang mood ko hanggang sa pagtatrabaho. Ngayon nga ay medyo pa-chill-chill pa ako dahil na rin natapos ko na ang isa kong ginagawa. Sa ngayon ay nag-iisip pa ako ng bagong plot para sa aking panibagong gagawin. Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip at pagsusulat nang magsalita si Cathy. "Girl," tawag niya sa akin. "Hmm?" sagot ko habang nakatingin pa rin sa aking monitor. "Uy," ulit niya. Napatingin na ako sa kanya. "Bakit ba?" pagtatanong ko na. Ngumuso siya sa may likuran ko. Nagtaka naman ako dahil doon. Titignan ko na sana ang nasa likuran ko nang maamoy ko ito. Pamilyar na pamilyar ang kanyang amoy. Humarap na ako sa kanya at nakumpirmang siya nga. Mabilis akong tumayo. "Good morning, Sir Lynusdrei," bati ko. Tumango siya sa akin. "Bakit?" I asked. "Can we talk? I want us to talk about the paper you submitted," he answered. Napatango ako. "Sa office niyo ba?" He nods his head again before turning back and walking away. Inayos ko ang monitor ko at susunod na sana sa kanya nang magsalita ulit si Cathy. "Grabe, Girl. Lagi kang napapansin ni Sir Lynusdrei ha," inggit na inggit nitong sambit. Napapapiling na lamang ako at napatawa. Natural trabahador niya ako kaya napapansin niya ako. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo na sa kanyang swivel chair. Kinuha niya ang file at may tinuro roon. Pinapakinggan ko lang ang kanyang mga sinasabi. May iilan siyang komento at may mga papuri rin naman. Nang matapos doon ay nagpaalam na ako sa kanyang aalis na. Pero bago ako makaalis ng tuluyan ay nakita ko pa ang pagkislap ng kanyang phone. Doon ay naka display ang pangalan ni Infinite. Hindi ko namalayan na naka pout na pala ako. Nakita niya iyon kaya naman agad kong tinikom ang aking bibig. Talaga ngang may nobya na siya. Lumipas pa ang mga araw. Ayos naman ang buhay ko. Kasama ko ngayon si Tria. Nasa may bar kami dahil nagyaya siya. May problema kasi siya. Binabalikan noong isang naka mutual understanding niya dati. Si Pete. Sa totoo lang kasi ay ang lalaking ito talaga ang kanyang minahal. Muntikan ng maging sila pero may mga pangyayaring hindi inaasahan. Kaya naman sa bandang huli ay hindi sila nagkatuluyan. "Ano sa tingin mo?" she asked while sadly looking at the dance floor. Napabuntong-hininga ako. "Alam mo, Tria. May mga pagkakataon talaga na mapapatanong na lang tayo kung ano ba ang dapat nating gawin. Pwedeng isip o puso ang sundan natin. Kung parehas naman sila nang sinasabi ay iyon na." "Sinasabi ng utak ko na huwag na. Kasi baka masaktan ulit ako. Pero tinitibok naman ng puso ko na dapat ay subukan kong muli at baka this time ay mag-work na talaga." Ngumiti ako ng malumanay sa kanya. "Ikaw ba? Gusto mo bang may pagsisihan sa huli? Hindi ba at lagi mong hinihiling na sana ay balikan ka niya? You always look at the sky because it reminds you of him so much." Kinuha niya ang isang baso ng alak at ininom iyon ng straight. Babawalan ko pa sana siya pero hindi ko itinuloy. Ugali na niyang i-divert sa alak ang kanyang frustration. Hindi naman siya lasenggera. Talagang napapanatag lang siya kapag umiinom nito. At minsan lang naman. "Pag-iisipan ko lahat ng sinabi mo, Shia. Tho hindi ka pa nagkakanobyo ay marami ka ng experience sa mga ka m.u. mo dati kaya naman alam kong may mapupulot talaga ako sa'yo." Hindi ako umiinom at binabantayan lang talaga siya. Mahirap na at baka malasing siya. Pag pa naman nalalasing siya ay mga bagay talaga siyang nagagawang hindi ko alam kung nakakatawa ba o nakakahiya. Umiinom lamang ako ng orange juice. Pero nakarami na ako kaya naman tinatawag na ako ng kalikasan. "Tri," pagtawag ko sa kanya. Nakatingin lamang siya sa kanyang baso. "Gusto mo bang mag banyo?" pagtatanong ko na. Tipid lamang siyang pumiling. "Tinatawag na kasi ako ng kalikasan. Okay lang bang iwan muna kita saglit?" Tumango lamang siya. Hay naku. "Huwag kang aalis diyan ha. Babalikan kita," I warned. Bumaba na ako sa stool at naglakad na papunta sa comfort room. Alam ko naman ang pasikot-sikot ng bar na ito. Dati pa man kasi ay pumupunta na kami dito kaya sanay na rin ako. Pagkapasok doon ay wala namang tao. Pabalik na ako nang makita ko ang pamilyar na mukha. Namumula na ang kanyang mukha at lasing na. Wala naman akong balak na pakialaman siya pero pinaglalaruan yata talaga ako ng tadhana. Malapit sa kanya ang tanging madadaanan ko kaya naman no choice ako. Akala ko ay payapa akong makakalagpas doon pero hindi. Dahil naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng katawan niya sa akin. At ngayon ay mukhang magkayakap kami habang nakatayo. Napahigit ako ng hininga. I composed myself before facing him. "Sir Lynusdrei," pagtawag ko sa kanya. Mapapungay na mga matang tumingin siya sa akin. Pinagmasdan niya ang aking mukha bago napangisi. "Damn," he cursed. "May mga kasama ka bang pumunta rito?" Pumiling lamang siya. "Oh gosh. Nagpakalasing ka knowing na wala kang kasama at mag-da-drive ka pa pauwi?" hindi ko na mapigilang sermon sa kanya. Natawa siya nang mahina kaya naman mas lalong kumunot ang aking noo. Anong nakakatawa sa sinabi ko. Umayos siya ng tayo at tumitig sa akin muli. "You look so grumpy," he muttered. Napataas ako ng isang kilay dahil doon. "I'm not that too drunk. I can still drive," pagmamalaki niya. Kung ang akala niya ay kaya niya pa, para sa akin naman ay hindi na. Sa itsura niya pa lang ngayon ay mukhang makakatulog na siya. Ano bang dapat gawin ko? Kailangan ko pang balikan ang pinsan ko at baka ganito na rin ang kanyang estado. Magsasalita pa lang sana ako nang maputol na agad iyon. "Excuse me," may pagkamataray na sambit ng babae. Tinignan ko siya at inalisa ang kanyang itsura. Pamilyar siya. Tumingin siya sa lalaking nasa harapan ko. "Oh my gosh, Drei. You are so malasing na," maarte niyang sambit. Doon ay nakuha ko na kung sino nga ba siya. "Infinite," baling sa kanya ng lalaki. The girl snickered and get close to him. "Halika na nga. I will get you home na." Hindi na ako pinansin ng babae at nag-focus na sa lalaki. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagdako ng mga mata ni Lynusdrei sa akin. Nakatitig siya sa akin habang hinihila na siya ni Infinite. Nang tuluyan na silang mawala sa aking paningin ay napabuga ako ng hangin. "Hey." Nabigla pa ako sa pagsulpot ni Tria sa aking tabi. "Sinong tinitignan mo riyan?" Mabuti na lamang at nasa huwisyo pa siya. Tahimik kaming dalawa sa byahe. Ako ang nagmamaneho dahil ang sasakyan ko naman ang ginamit naming dalawa. Pagkarating sa tapat ng gate nila ay ngumiti siya sa akin. "Thank you for tonight, Shi." "No worries. Basta't i-update mo ako sa magiging pasya mo." Alam ko naman na marupok ang aking pinsan. Alam ko rin na gustong-gusto niya pang sumugal. Kaya hindi na ako nabigla pagkatapos ng tatlong araw nang balitaan niya ako na magkausap na ulit sila ni Pete. Sabi na nga ba. Pero hindi kagaya ko ay galit si Lia sa naging pasya niya. Bakit pa raw niya ito binalikan. Naghahanap ba raw talaga siya ng sakit sa puso. Iba-iba ang pananaw namin kaya naman hindi ko siya ma-ju-judge sa kanyang opinyon. Pero na kay Tria pa rin naman talaga ang desisyon dahil siya naman ang nakapaloob talaga rito. "Gusto kong mamasyal mamaya. Free ka ba?" tanong ni Nikki. Magkasama kami ngayon sa may cafeteria, kumakain ng pinakbet. Napapiling ako. "Sorry, Nikks. May lakad kami mamaya ni Markian," sagot ko. Totoo naman iyon. Hindi naman kami madalas lumalabas ng lalaki. Kaya naman nang magyaya ito ay pumayag ako. "Hay naku. Nagka love life lang ay iniiwan na ako." She faked a cry. Natawa na lamang ako dahil doon. Hinampas niya ako ng mahina sa aking braso. "But don't mind me. I am really happy for you, Shi. Finally after a long time." Pagkatapos sa trabaho ay umuwi muna ako. Nadatnan ko si bunso sa may sala. Hawak ang kanyang phone at pangiti-ngiti pa. "At bakit nakangiti ka riyan? Kinikilig ka?" pangingilatis ko. Mukhang nabigla pa siya dahil napapapiksi siya. "Ate naman." Saka siya ngumuso. At kailan niya pa natutunang magpa-cute. "May nililigawan ka na?" gulat kong tanong. Mabilis siyang napatayo at pumiling. "Wala pa." "Pa?" Napakamot siya sa kanya ulo. "Si Ate talaga. Akyat na nga ako. Kain ka na riyan, kumain na ako kanina dahil nagutom na ako." "Hindi ako rito kakain. Aalis din ako." Siya naman ang tumingin sa akin nang mapangilatis. "Sinong kasama mo? Iyong lalaking laging nagahahatid sa'yo rito?" Tumango ako. "Nobyo mo na?" pangungulit niya pa. Ako naman ang napakamot sa aking ulo. Mukhang nabaligtad ang sitwasyon at ako na ang nasa hot seat ngayon. "Hay naku, Hux. Umakyat ka na nga," pagpapaalis ko sa kanya. Natawa siya nang malakas at papiling-piling na umakyat. Nagpahinga lang ako saglit bago naghilamos at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng casual. Maroon fitted turtleneck and maong pants. I partnered it with my black block heels. Sa mukha naman ay nag-powder lang ako at nag-liptint. Pagkababa ko nga ay may bumusina na sa harapan namin. Nandiyan na siya. Nakangiti akong lumabas at nagbukas ng gate. "Good evening," bati niya sa akin pagkapasok ko sa kanyang kotse. Bumati na rin ako. May bagong bukas na kainan at naging sikat ito sa masa kaya naman napagdesisyunan namin na magtungo roon. Para na rin ma-experience namin. Hindi naman masyadong malayo kaya naman agad din kaming nakarating. "Nice theme," I said as we get inside. Maganda ang disenyo at attractive sa mga mata. Sinalubong kami ng crew na may ngiti sa kanyang labi at iginiya na kami patungo sa uupuan namin. Masarap ang mga pagkain lalo na at may sabaw. Enjoy na enjoy ako at hindi napansin ang paninitig sa akin ng nasa aking harapan. "Bakit?" tanong ko at napapunas sa aking bibig. Baka may dumi pala ako roon. Napangiti siya at napapiling. "Bakit nga?" pangungulit ko. He chuckled and look at me again. "Wala lang. Ang sarap mong titigan habang kumakain. "Uy, hindi ako matakaw ha. Masarap lang talaga ang pagkain," pagtatanggol ko sa aking sarili. Natawa siya dahil doon. "Of course," pagsang-ayon niya. Hanggang sa matapos kami ay ganoon siya. Nababantay kong nakatitig sa akin. Hindi agad kami umalis sa lugar na iyon. Bukod kasi sa pagkain ay may pasyalan at tambayan. Sa bandang may dulo ay may mga swing na pang sosyal. May mga fairy lights din ang mga ito. Ang gandang tignan at ang sarap magliwaliw. Magkatabi kami sa iisang swing. Pinapadyak-padyak niya iyon. Naramdaman ko ang dahan-dahan na paglapit ng kanyang kamay sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya nang pinagsiklop niya ang mga ito. "Let's enjoy this moment," he whispered. I nod my head. We stayed quiet as he swayed the swing slowly. It feels so romantic. Nang tumayo na kami ay magkahawak kamay pa rin kaming naglakad papunta sa may bandang dulo. May mga bato roon at pwedeng upuan. Sabay kaming umupo at tumitig sa malayo. "Do you think we'll work?" I asked. Pumasok kasi iyon bigla sa aking isipan habang nakatingin ako sa malayo. Gusto ko talagang itanong sa kanya iyon. Bumitaw siya sa paghahawakan namin. Gamit ang kanyang mga palad ay pinaharap niya ang aking mukha sa kanya. "We'll make it work, Shiastelle," he seriously said. I can see the determination on his eyes. I can see that he is really serious on what he said. I can feel that he is so serious to me. Itinaas ko ang isa kong kamay at dinapo iyon sa kanyang mukha. I caressed his face and smiled at him. Walang salitang lumabas sa aking bibig. Dahil sa totoo lang ay nag-aalangan pa talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ganito. Kahit ako mismo ay naiinis na sa parteng ito. Naiirita ako sa sarili ko kung bakit parang hindi ko pa siya matanggap ng buo. Ito na nga oh. This is what I waited for. A good man who will take me seriously. We stayed there for almost an hour bago namin naisipang umuwi na dahil palalim na rin ang gabi at may trabaho pa kami bukas. Sa aming byahe ay parehas kaming tahimik. Pinapakiramdaman lang ang mahinang musika na nakapailanlang sa kanyang stereo. Tagalog ang kanta at maganda ang boses ng singer, pati na rin ang mismong laman nito. Pero hindi na ako nagpokus sa lyrics dahil mas focus ako sa pakiramdam ko ngayon. Nangangapa pa rin talaga ako. Siguro ay dahil hindi na ako sanay na magkaroon ng love life. Matagal na rin noong huli akong magka mutual understanding. Iyon nga talaga siguro ang dahilan kung kaya't tila nag-aalinlangan pa rin ako. Wala ng iba, iyon lang talaga. Sana nga. Tumigil na ang kanyang kotse sa harapan ng gate namin. Hindi agad ako bumaba. I can sense that he want to talk about something. Naglakas loob na akong humarap sa kanya. Pero nabigla ako nang dumapi ang kanyang labi sa aking labi. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay nakatitig lamang siya sa akin. "Markian," mahina kong utas sa kanyang ngalan. "Shiastelle," balik niya sa akin. Lumapit muli ang kanyang mukha sa akin. Tumugon ako sa kanyang halik at pinabayaan ang sariling magpadala roon. Matagal na simula noong last akong nakipaghalikan. Kay Piolo pa iyon. Ilang years na rin ang lumipas. Kaya naman ang pagdating ni Markian sa aking buhay ay tila ba talaga first time ko ulit, kaya naman parang naninibago talaga ako. Para bang nagsimula ulit ako sa lahat. Nang matapos kami ay isinandal niya ang kanyang noo sa akin. Nakapikit ang kanyang mga mata habang humihingal. Ako naman ay nakabukas ang mga mata at nakatitig sa kanya. "Thank you for tonight, Markian," bulong ko. Napabukas siya ng mga mata at humiwalay na sa akin, pero nanatiling nakatingin sa akin. Nakaawang nang maliit ang kanyang labi at kumikintab pa iyon dahil galing sa halikan. "I know that we're still on dating stage," he started. Agad ko nang pinutol ang kanyang iniisip. "That's fine. Tumugon ako kaya ibig sabihin ay gusto ko rin," utas ko. Doon ay namuo na ang ngiti sa kanyang labi. Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang makalabas. I waved my one hand before going inside. Napasandal ako sa may gate namin at inilapat ang aking palad sa harapan ng dibdib. Normal pa naman ang pagtibok nito. Pagkapasok ay muntikan pa akong mapatalon. Hux arms are crossed in front of his chest. Mapanuri ang kanyang tingin. "What?" I defensively said. Para naman kasi siyang judger sa tingin niya sa akin. Napanguso lang siya at pumiling. Pagkatapos ay nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod ako sa kanya. Humarap muli siya sa akin at itinaas ang pitsel. "Baka uhaw ka rin?" Hindi ko alam pero mayroon talagang halo ng pang-aasar sa kanyang boses. Pinabayaan ko na lang at nagtungo na sa aking kwarto. Minsan ay weird naman talaga ang kapatid ko. Pagkatapos kong maghilamos ay humiga na ako. Dahil sa pagod ay agad akong nalulon ng antok. Akala ko ay mapapasarap ang aking tulog. Pero sa kalgitnaan ng gabi ay nagising ako. Uhaw na uhaw ako kaya naman nagpasya akong bumaba para uminom. Hindi normal na pagka uhaw ang aking nararamdaman. Napahinga ako nang malalim at napatitig sa baso. Gosh, why do I need to dream of that? Napanaginipan kong nakikipaghalikan ako. Pero hindi si Markian ang aking kahalikan. Ibang lalaki. Madalas man siya sa aking isipan ay hindi ko naman expect na sa ganoong klaseng tagpo ko siya mapapanaginipan. Talaga bang may epekto siya sa akin? Bakit ko napanaginipan na nakikipaghalikan ako sa kanya? Bakit kay Lynusdrei pa? Napabalik ako sa aking kwarto at tumalon ng pabagsak sa aking kama. Kinuha ko ang unan at tinambon iyon sa aking mukha at impit na tumili. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumitili. Kung dahil ba sa panaginip ko o dahil nagawa ko pang kiligin dahil doon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD