Kaya naman tuloy pagkapasok sa trabaho ay hindi ako makatingin sa kanya.
Nasa may meeting room kami ngayon at pinag-uusapan ang project kung saan kasama namin siya. Isa ako sa mga napiling writer para sa pagsasagawa nito.
Si Sir Lynusdrei ang nagsasalita sa harapan ngayon at may ipinapaliwanag. Nakikinig naman ako pero hindi ko talaga siya mapanood nang maayos.
I am tapping my legs using my fingers to relax. Pakiramdam ko kasi ay napaka totoo ng panaginip na iyon kaya naman talagang naiilang ako sa kanya ngayon.
Nakahinga ako ng maluwang nang sa wakas ay natapos din.
Tumayo na ako at palabas na sana nang tawagin niya ako.
"Miss Carbal, maiwan ka," he said.
May dalawa pa kaming kasama rito at napatingin sila sa akin bago lumabas.
Napakagat ako sa aking labi at bumalik sa aking kinauupuan kanina.
"Bakit, Sir?" I asked. Umiiwas pa rin ng tingin sa kanya.
"What do you think about my presentation?" he asked.
Napaisip ako. Ilang sandali ay sinagot ko na siya.
"It's good. Maganda 'yung punto mo na kumuha ng sikat na artista para i-feature sa article at para ma-endorse rin ang produkto ninyo."
Napatango siya nang mabagal.
Pinagmasdan ko ang paglakad niya papunta sa akin. Ilang hakbang lang ang kanyang ginawa para makalapit nang tuluyan.
Napaiwas ulit ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang titig niya.
"May sasabihin pa kayo?" magalang kong tanong habang nakatingin pa rin sa ibang direksyon.
Hinawakan niya ang sandalan ng upuan. Ikiniling niya ang kanyang ulo kaya naman nagtama ulit ang aming paningin.
Hindi ko inaasahan iyon kaya napaawang ng maliit ang aking labi.
He chuckled at my reaction.
"Why your face is so red?" Tinaasan niya pa ako ng isang kilay.
Napatikhim ako at pasimpleng napapaypay sa aking sarili.
"Tapos na ba tayong mag-usap?" bagkus ay balik ko.
I saw the amused look in his eyes before nodding his head.
"Babalik na ako sa desk ko," paalam ko at tumayo na.
Saka ko lang nalaman na hindi pala ako nakakahinga ng maayos kanina. Nakahigit pala iyon.
Napabuga ako ng hangin at napapaypay sa aking mukha dahil ramdam ko pa rin ang init nito.
"Girl, ayos ka lang?" pansin sa akin ni Cathy.
Ngumiti at tumango lamang ako sa kanya.
Umupo na ako at kinalkal ang aking mga gamit. May bago na akong plot na nagawa at uumpisahan ko nang isulat iyon.
Iyong tungkol naman sa project ay hindi pa ako magsisimula. Hahanap muna sila ng ilalagay sa article para maging patok ito.
Kinagabihan ay kina Tria ako tumuloy. Off ko naman bukas kaya pwede akong magpuyat at makipag over night.
Hindi pwede ang dalawa dahil busy sila. Si Dia ay nasa bahay ng kanyang nobyo. Si Lia naman ay may pinagkakaabalahan na hindi pa namin alam kung ano nga ba talaga.
"Finally," Tri said and hugged me.
"Miss mo naman agad ako," tudyo ko sa kanya.
She scoffed. "Baka ikaw."
Napapiling na lamang ako.
"May mga damit ka pa rito. Nasa may closet ko. Magpahinga ka muna saglit bago mag-shower."
Sumunod ako sa kanya sa kusina. May nakasalang doon.
Marunong siya sa kusina. Maraming alam iluto.
Marunong din naman ako pero mas malawak talaga ang kaalaman niya sa kusina kumpara sa akin.
"What are you cooking?" I asked.
"Your favorite."
Burger steak. Yup, that's one of my oh so pinaka favorite na dish.
"Alam ko naman na ito ang gusto mong iniluluto ko para sa'yo," proud niyang sambit.
Napangisi ako dahil doon.
Pagkalipas ng ilang saglit ay nagpaalam muna ako sa kanya.
Nanlalagkit na rin kasi ang katawan ko.
Naghilamos lang ako at niponytail ang aking buhok.
"Hmm. Ang bango naman," utas ko pagkarating sa may kusina. Amoy na amoy ang niluto niya.
Magana akong kumain dahil ang sarap talaga.
Nang medyo lumalim na ang gabi ay naglabas siya ng wine. Sa may balkonahe kami nag-stay.
Nakaupo kami sa may lanai at nakatingin lang sa malayo.
"I decided to follow my heart," she blurted out.
Tumingin lamang ako sa kanya at hindi nagsalita.
"I've been playing your words in my head. Ayaw kong may pagsisihan sa huli. At least masasabi ko na nag-try ako kaysa hindi," she continued.
Napatango ako. "Yup. Kasi kapag hindi mo sinubukan, mapapaisip ka na lang kung ano nga kaya ang mangyayari kung ni-grab mo ang chance 'diba?"
Tumango rin siya. She take a sip on her wine before staring at me.
"Bakit?"
I know that there are words playing on her mind kaya ganyan siya makatitig sa akin.
"Your advice," she whispered.
"What about it?"
"Does it also applies to you?"
Napatigil ako. Malamlam kong ibinaba ang kopita ko sa may maliit na la mesa sa tabi namin.
Napatingin ako sa malayo.
"Markian..."
Napabalik ang tingin ko sa kanya dahil doon.
"I am your cousin, Shia. At ako ang pinakamalapit sa'yo. We're like so bff. Kaya alam ko kung anong tumatakbo sa isipan mo."
Napalunok ako. "Do you think I am just grabbing the chance?"
Mabilis siyang tumango. "Markian is cute, handsome, and kind. Pasok na pasok sa banga. Pwedeng-pwede mong jowain."
Hinawakan ko ulit ang kopita ko at sumimsim ng wine.
"But... he is not really your type."
"Actually, nagkaroon ako ng pagtingin sa kanya dati. When I was in shs. Lagi ko kasi siyang nakakasabay noon kaya nagka-crush ako sa kanya," amin ko.
"So can you say that it is not just a mere crush now?"
Pinsan ko siya. Malapit na malapit kami sa isa't isa. Kaya bakit pa ako magsisinungaling?
"We kissed," I added.
Nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa kanyang bibig. "After long time huh," natatawa niyang sambit.
Hinampas ko siya dahil doon.
"But uh-ah. My question is answerable only by yes or no. I guess, hindi pa lumevel up ang pagtingin mo sa kanya. Hindi ka pa pwede sa fast talk."
Napabuntong-hininga ako. "Sa totoo lang, Tri. Hindi ko rin alam. Naguguluhan pa rin talaga ako."
Napatango siya nang mabagal at tumayo. Lumipat siya sa tabi ko at hinaplos ang aking buhok.
"You can take your time, Shi. Hindi naman kayo nagmamadali hindi ba?"
After that talk ay nagpasya na kaming umakyat.
Nanood pa kami ng romance movie bago tuluyang nakatulog o baka ako lang.
Kasi bago ko ipikit ang mga mata ko ay nakita ko ang pag-ilaw ng kanyang phone. Tumatawag si Pete.
Lumipas na naman ang mga araw. At ngayon nga ay magkasama kami ni Markian.
After that talk with Tria ay tila naliwanagan ako lalo.
I really want Markian to be my boyfriend. Gusto ko siya, higit pa sa crush lang.
Magkahawak kamay kami ngayon habang naglalakad.
Nakangiti siya ng maluwag at pasulyap-sulyap pa sa aming mga kamay.
"Ah. This is really good," he muttered while still smiling.
Napatawa ako nang mahina. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ganito.
"Markian, I really want to ask this," I said.
Tumigil kami at umupo sa may bench.
"Ang ano?"
"I am really curious about this. Hindi ba't nagkaroon kayo ng relasyon ni Jes? Mula sa mga narinig ko ay sobrang mahal niyo ang isa't isa. Anong nangyari?"
Huminga siya nang malalim at tumingin sa may harapan. Puno lang ang naroon.
"Hindi lang talaga siguro kami compatible. Marami rin kaming pagkakaiba. May mga times din na sa buong araw ay puro away lang kami," pagsagot niya.
Napatango ako nang mabagal at napatingin na rin sa may puno.
"Pero pagkatapos niyo bang maghiwalay ay hindi mo siya naisipang balikan? I mean, ilang taon na ang lumipas."
Piniling niya ang kanyang ulo. "I'm not interested in her anymore. Siguro ay puppy love lang ang mayroon kami dati. Bata pa kami noon at hindi pa masyadong matured mag-isip."
Tumahimik ako dahil doon. Siguro nga ay mga tao talagang kahit sobrang mahal ang isa't isa ay dadating ang puntong mawawalan na ng nararamdaman para sa relasyon nila.
Napabaling ako sa kanya nang siya naman ang magtanong.
"I heard from Dia that you are linked to this boy named Lorry," he started.
Napangiti na lamang ako.
"Oh yeah. Sa kanya talaga ako pinaka nasaktan. Siya ang matagal kong hindi nakalimutan," dugtong ko sa sinabi niya kanina.
"I'm so curious about that too. What happened?"
"To tell you shortly, one of my friends in high school have feelings for him. Hindi ko alam na noong nanlalamig na si Lorry sa akin ay sinasalo na pala siya ng ibang babae."
Napakagat siya sa kanyang labi.
Natawa naman ako sa kanyang reaksyon at mabilis na iwinagayway ang aking mga kamay.
"Uy. No hard feelings naman na ako roon. Ayos na ayos na ako."
I am glad that we are able to open up to each other like this.
"Talaga?" pang-aasar niya.
Napataas ako ng isang kilay. "Tingin mo ba ay makikipag-date ako sa'yo kung hindi pa ako naka move on sa kanya?"
Napangisi siya dahil doon.
Isang napansin ko sa kanya ay halata kapag naaapektuhan siya sa mga sinasabi ko o galaw ko.
Kung hindi ngingisi ay ngingiti siya nang malaki o 'di kaya naman ay mamumula ang ilong.
Pagkatapos namin roon ay naisipan na naming kumain. Nakakatawa lang dahil mukhang naging magka food buddy kaming dalawa.
"Here." Inabot niya sa akin ang tissue.
Napatingin ako roon. Siya naman ay sumenyas na may dumi ako sa gilid ng aking labi.
Kumakain kasi kami ngayon ng hotdog sandwich. Medyo malaki iyon at kailangang ngumanga talaga kapag isusubo na.
Panigurado ay may naiwan na ketchup or mustard sa gilid ng aking labi.
"Dito ba?" tanong ko at dinampi ang tissue sa right side.
Napapiling siya at siya na mismo ang nagpunas niyon.
Medyo lumapat pa ng kaunti ang kanyang daliri sa aking labi.
Pagkatapos niyon ay nagpasalamat ako sa kanya.
Napakagat siya sa kanyang labi at tumango.
Nang dumating na ang alas singko ng hapon ay napagpasyahan na naming umuwi.
Aalis kasi siya ng maaga bukas. Out of town para sa kanyang trabaho.
"Are you done packing your clothes?" pagtatanong ko habang nasa byahe pa rin kami.
"Not yet. Pero kaunti lang naman ang dadalhin ko kaya mabilis lang iyon."
Napatango ako. I want to help him pero mag-gagabi na. Knowing him, hindi siya papayag na hindi ako maihatid pauwi.
"Ingat ka sa pupuntahan mo," sambit ko.
Tumigil saglit ang kotse dahil sa stop light.
Bumaling siya sa akin at ngumiti. "You'll gonna miss me?" he asked.
Napatawa ako ng mahina. Paano ba naman kasi ay mapang-asar ang kanyang tono.
"We can talk through chat naman," imbis ay sagot ko.
Nakita ko ang pagnguso niya.
Napapiling na lamang ako.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa bahay namin.
"Oo na," I said when the car stopped in front of our gate.
Mabilis ulit siyang napabaling sa akin.
"I'll gonna miss you, Markian," utas ko.
Nakita ko ang pagbakas ng malaking ngiti sa kanyang mukha.
"How about you? Are you going to miss me too?" pagbabalik ko sa tanong.
Hindi siya sumagot. Bagkus ay tumayo siya ng kaunti upang makalapit sa akin.
Napaawang ang bibig ko nang walang pasabing sakupin niya iyon.
Hindi na ako nag-inarte at sinuklian ang kanyang halik.
"Mawawala ako ng limang araw. Sana sa pagbalik ko ay mas lalo pa tayong maging malapit," makahulugan niyang sambit.
Tumango na lamang ako.
Bumaba na ako at nag-wave ng kamay bago pumasok sa loob.
As usual, sinalubong na naman ako ng mapanuring titig ni Hux.
"Oh bakit na naman?"
Napangisi siya sa akin. "Dalaga ka na talaga, Ate," he just said and go back to what he is doing. "Makapag-update nga," bulong niya pa sa kanyang sarili na hindi ko narinig at hindi ko na tinanong pa. May kinuha siya sa kanyang bulsa.
Hawak na naman niya ang kanyang phone at may tinatype na kung ano.
May ka-chat na naman siguro.
Pumunta na ako sa aking kwarto. Nagpahinga lang ako saglit bago maghilamos.
Hindi agad ako natulog dahil ka-chat ko pa si Markian.
Pinapaalanan ko siya na mag-iingat siya sa daan. Malayo pa naman ang Bicol.
Nang makita kong nag-ooras na ay ako na ang nagsabing matulog na.
Maaga pa siyang luluwas kaya dapat ay matulog na siya.
Kinabukasan ay binuksan ko ang phone ko.
Nakita ko ang message niya ng madaling araw.
"I know you're still sleeping. I'll go now. Don't forget to eat breakfast before going to work."
Napangiti ako dahil doon.
Markian is really sweet. Kaya naman hindi ako magtataka kung mahuhulog talaga ako sa kanya.
Pagkapasok sa opisina ay nakasalubong ko si Nikki. Malaki ang ngiti niya sa kanyang labi habang hawak ang ice coffee.
"Hmm. Mukhang nagtagal ang café boy mo ha," asar ko sa kanya.
Pabiro siyang napa roll ng eyeballs. "Sabi naman sa'yo ay kaya kong mag-stick to one 'no," pagmamataray niya.
Natawa ako dahil doon. "Wala naman akong sinabing hindi mo kaya ha," pagtatanggol ko sa sarili ko.
Bago kami maghiwalay ng landas ay tinitigan niya ako. Kagaya ng kay Hux ay mapanuri rin.
"Bakit?"
"Ang ganda ng lips mo ngayon ha. Parang ibang level? Anong ginamit mo?"
Napahawak naman ako sa labi ko. "Iyong usual na ginagamit ko lang," sagot ko.
Napangisi siya at nilapit ang bibig sa aking tainga. "Kiss ang secret mo sa blooming mong lips 'no?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Nikki, ano-ano na naman ang pinagsasabi mo." Tinulak ko siya nang mahina para mapahiwalay sa akin.
Natawa siya nang malakas. "Oh look! Namumula ang mukha mo. Tama nga ako. Kanino ka nagpahalik?"
Napapiling ako. "Pumunta ka na nga sa desk mo," bawal ko sa kanya.
"Sus! Itong bff ko naman. Nahihiya pa sa akin. Akala mo naman talaga."
Babawalan ko na sana siya ulit nang may tumikhim sa likuran namin.
Pareho kaming mabilis na napatingin dito. Parehas din kaming nanlaki ng mga mata.
Sabay rin kaming bumati kay Sir.
"Tuloy na po kayo, Sir Lynusdrei," Nikki said.
Tumango ito habang malamig na nakatingin sa kung saan.
"Mukhang wala sa mood si Sir," pagbubulong pa ng kasama ko.
"Oo nga," pagsang-ayon ko naman.
"Oh siya. Pupunta na ako sa desk ko. Mamayang out ay magtambay muna tayo roon sa café. Ikwento mo sa akin ang tungkol sa blooming mong lips este love life."
Ito talagang babaeng ito.
Napahagikgik siya at tumakbo na papalayo sa akin.
Nang makarating na ako sa pwesto ko ay si Cathy naman ang pumansin sa akin.
"Ang blooming mo ngayon, Mars," pansin nito.
Tumingin tuloy ako sa salamin na maliit na nakapatong sa la mesa ko.
Blooming ba talaga ako?
Nakita ko ang pagkakaiba ng mukha ko sa nakaraan. Parang mas umaliwalas itong nakikita. Ang ganda sa paningin.
May ngiti tuloy akong nagsimula ng trabaho. Iba talaga kapag feel na feel mong maganda ka. Nakaka boost ng energy.
Nang maghapon ay nagpatawag ulit ng meeting ang team.
"Base on the survey that's been conducted. Si Lexa Klie ang ifi-feature natin," saad ni Din.
Si Din ay parte ng marketing team ng kumpanya. Siguradong siya rin ang nagpagawa ng mga survey.
Napatango kaming lahat. Kahit naman na hindi ako masyadong nanonood ng t.v. or nag-so-social media ay aware pa naman ako sa nauuso rito sa bansa.
Sikat na artista si Lexa. Siya ngayon ang pinakapatok sa masa. Magaling kasi itong aktres at sobrang ganda pa. Nag-mo-model din siya at maraming commercial.
"Does your survey also includes male artist?" Sir Lynusdrei asked.
Napatango na naman ako roon. Kung ako ang tatanungin ay papatok din ang lalaki.
Napatango si Din. "Yes, Sir. Klint is the famous one," she answered.
Klint, pamilyar pero hindi ako sigurado kung sino nga ba.
"Do a survey again. Tignan mo kung saan nga ba mas interested ang madla," he seriously said.
Itinaas ko ang kamay ko. "Why don't we feature both of them," I suggested.
Halos napatingin sa akin ang lahat. Ang iba ay nakita kong tumango.
"What is your reason?" he asked at me.
"From the surveys, both of them are famous. Mas maganda kung silang dalawa ang mafi-feature. Sikat sila at mas maeenganyo ang lahat na basahin ang article pati na rin i-purchase ang product."
Napataas siya ng isang kilay at tila ba pinag-isipan ang aking sinabi.
Sumabat si Din. "Yes, Sir. I agree to what Miss Carbal said."
"We will take risk on it. Hindi sila magka love team kaya medyo complicated kung ipagsasama natin silang dalawa," he blurted out.
Natigilan kami. Oo nga pala.
"Klint is a rising star too today. Wala rin siyang permanenteng ka-love team," si Fio naman ang nagsalita.
"And Lexa too. Hindi ba't mas mabibigla ang masa kapag pinagsama natin ang dalawang sikat na artista ngayon?" pagdagdag ko.
Mabagal siyang napatango habang nakatitig sa akin.
"I will think about it. Ipapatawag ko kayong dalawa ni Din mamaya tungkol sa desisyon ko."
Doon na natapos ang meeting.
Pagkalabas ay nilapitan ako ni Din.
"Tingin mo ay papayag si Sir?" pagtatanong niya sa akin.
Tumango ako. "Hindi naman niya pag-iisipan kung hindi naging maganda ang punto natin."
Napatango siya. "Sabagay. Anyway, balik na ako sa table ko. See you ulit kapag pinatawag na tayo ni Sir."
Bumalik na ako sa iba ko pang ginagawa.
Busy ako sa pagtitipa nang lumiwanag ang phone ko. May pumasok na mensahe.
"I arrived safely. Kanina pa ako nakadating pero nakatulog agad ako kaya ngayon lang ako nakapag message." Si Markian.
"Nakakapagod ang byahe 'no? May mga kasama ka ba riyan?" I replied.
Ilang saglit lang ay may sagot na siya.
"Yup. But I need to go here for work. And yeah may isa akong kasama, my co-worker."
Nagtipa pa ako ng mensahe para sa kanya.
Pagkaraan ay nagpaalam na siya sa akin. Mukhang inaantok pa talaga. Ang haba ba naman ng biyahe niya. Paniguradong masakit ang katawan.
Isang oras na lang ang natitira bago ako mag-out. Hindi pa rin kami pinapatawag ni Sir Lynusdrei. Baka naman ayaw niya sa sinuggest ko?
Speaking of. Nakita ko ang paglapit sa aking ng secretary niya. Pasimple akong napangiti. Sana nga ay sumang-ayon siya. Malaki rin ang impact niyon para sa project namin.
"Ayan na," utas ni Din at napahawak pa nang mariin sa aking kamay.
Sabay na kaming pumasok.
Nadatnan namin siyang nakaupo sa kanyang swivel chair sa loob ng opisina.
"Let's start," he said.
May kinalkal siya sa kanyang laptop. Pagkatapos ay iniharap sa amin iyon.
Binasa ko ang nakasulat.
Mula iyon sa isang social media platform.
Mga fans iyon at tila gusto ngang magsama ang dalawa.
"Woah," Din muttered. Hindi expect na ganoon.
"The only thing we need to do that now is to contact their agency. Magkaiba sila ng agency kaya naman kailangang kausapin ng masinsinan."
"I can talk to them, Sir," Din said.
Napatango siya. "But we need to be in urgent. Mukhang may iba pang gustong mag-feature sa kanila."
"Do you mean we need to split up? Ang isa ay kakausapin ang agency ni Lexa at ang isa naman ay ang kay Klint?" pagtatanong ko.
"Exactly."
Napakunot ang noo ni Din. "From what I've heard. Strict ang agency ni Klint. Maganda siguro kung kayo po mismo ang makipag-usap sa kanila, Sir?" magalang na sambit ng katabi ko.
"That's what I am thinking. Sa ngayon ay nagpabook na ako sa aking secretary."
Bago ituloy ang usapan ay kumatok ang secretary niya at sinabing pumayag ang dalawang panig.
"I'll come to Miss Lexa," Din said.
"Yeah. Bring some good flowers to her. Iyon daw ang paborito niya sabi ng mga fans."
Natapos ang meet namin sa ganoon.
Naunang nakalabas sa akin si Din. Nang palabas na ako ay tinawag ako muli ni Sir.
"Bakit?" I asked.
"Come with me tomorrow," he said while looking intently at me.
Napanganga ako nang maliit. "Sa pakikipag-meet?" panglilinaw ko.
He nodded as an answer to my question.
Oh gosh. Trabaho ang pupuntahan niyo, Shiastelle kaya ayos lang iyan.