{Shiastelle} Chapter 6: With you

3531 Words
Nasa harapan ako ngayon ng body size mirror sa aking kwarto. Kanina pa ako nakanguso at papalit-palit ng damit na nilalagay sa aking harapan. Napakamot ako sa aking ulo. Ang aga kong nagising at naligo para may oras ako sa paghahanap ng susuotin. Ewan ko ba sa sarili ko at tila ba excited na excited. Like duh, usual working day lang naman ngayon. Nothing important. Talaga ba? Oo na. Aamin na akong pinaghahandaan ko talaga ang susuotin ko ngayon kasi hindi lang ito normal na working day, iyon ang totoo. Makikita ko ng personal ang isang sikat na artista. Inaangahan ng halos lahat ng tao rito sa bansa. How lucky I am right? Pero iyon ba talaga ang dahilan? O baka naman may iba pa? Napapiling ako sa pumasok sa aking isipan. No. Ang dahilan ay ang pakikipagkita kay Klint. Iyon lang at wala ng iba. Sa bandang huli ay napagpasyahan kong suotin ang fitted black dress ko. Pinatungan ko iyon ng red na blazer. Red block heels din ang aking sinuot. I smiled at my reflection. Pak na. Pwede nang umarangkada. "Wow. Ginandahan mo naman yatang masyado ngayon?" tukso sa akin ni Hux at kumagat sa kanyang hotdog. I just rolled my eyeballs at him. "Whatever, Hux." "Sus! Makikipag-date ka siguro pagkatapos ng work mo 'no?" Napapiling na lamang ako at umupo na sa harapan niya. Busy ako sa pagkain at hindi muna siya pinasin. Pero ilang sandali lang ay nakipag-usap na ako sa kanya. "Nakausap mo ba sina Papa kagabi?" I asked. He nods his head. "Oo. May kinukwento siya tungkol sa bagong paborito nilang palabas ni Mama." "Mabuti naman at nag-eenjoy sila," bulong ko. I want my parents to enjoy. Tumatanda na rin sila at ayaw ko nang magpagod. Pero matigas ang ulo at patuloy pa rin sa pagtatrabaho. Para naman may libangan daw sila. Pagkatapos doon ay pinagsabihan ko si Hux na mag-aral nang maayos. Matalino naman siya pero may pagkapasaway nga lang. Pagkarating sa table ko sa building ay si Cathy agad ang pumansin sa akin. "Ganda ha? Saan ang lakad?" tudyo niya. I just smiled at her. "Pangiti-ngiti. Blooming love life mo 'no?" pang-uusosyo niya pa. Natawa na lamang ako. "Naku, Cathy. May meeting ako mamaya kaya ako naka ganito," iyon na lang ang tangi kong isinagot. Napahagikgik siya. "Balita ko may makiki-meet daw sa sikat na artist. Kay Klint. Grabe ang swerte. Sana all na lang talaga." Nagkunwa-kunwari siyang umiiyak. Mas lalo akong natawa. Hindi niya alam na ako iyon. Walang kamalaymalay na ang pinagsasabihan niya ang makikipag-meet. Binuksan ko na ang desktop at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Nagsisimula na ako sa panibagong kabanata. Mamayang eleven pa naman kami aalis. Lunch meeting kasi ang pinabook ni Sir Lynusdrei. Nakatapos ako ng dalawang page bago tumuntong ang oras. Tumayo na ako at nag-ready. "Aalis ka na?" tanong ng katabi ko. Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Pagkatapos ay naglakad na ako patungo sa opisina ng kasama kong aalis. Nagkasalubong pa kami ni Nikki sa hallway. Hindi natuloy ang pagkikita namin kagabi. Kinailangan niya kasing umuwi agad. Kumatok na ako sa pintuan bago iyon buksan. Saktong pagbukas ay sinusuot na niya ang kanyang coat. "You're ready?" he asked. I nod my head as an answer. Ilang saglit nga lang ay magkatabi na kaming naglalakad. Nakahigit na naman ang aking hininga. Ganito ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya. Pumasok na kami sa elevator. Kaming dalawa lamang sa loob. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin gamit ang repleksyon namin sa pintuan ng elevator. "You look so stiff," he muttered. Napaawang ng maliit ang aking labi. "Ha?" He chuckled. "Are you not comfortable with me?" bagkus ay tanong niya. Napatikom ako ng bibig at napakurot sa aking palad. "Ahm it's just that you scream authority," I answered. Ganoon naman kasi talaga ang tingin ko sa kanya. Napatango siya. "Loosen up Miss Carbal. Magkakasama tayo ng matagal dahil sa project. Mahirap magtrabaho kung may ilangan," he said. Napatango ako. Tama nga naman siya. "For now, let's persuade Klint and his agency. Ikaw ang isinama ko dahil alam kong makakatulong ka sa akin." Napangiti ako dahil doon. "You seem so quiet pero may ibubuga ka. You can analyze the surroundings very well." Dahil sa mga papuri niya sa akin ay naramdaman ko ang saya sa aking puso. Tila ba binato niya ako ng nakakaenganyong mga salita. Kahit sino naman ay kikiligin sa ganoon. Sino ba namang ayaw ma-compliment? Ang sasakyan niya ang ginamit namin. Pagkapasok doon ay inamoy ko ito. Ang bango. Malinis din ito at kaunti lang ang mga palamuti. Isang letrato lang niya at rosario ang nakalagay. Sa likod naman ay mga stuff toys. Lima lang at mga aso iyon. May neck pillow din na kulay beige. "They are on their way," he said as he starts the engine. Sumandal ako sa upuan. Sa may passenger seat umupo. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nagmamaneho. Tahimik lang din ang byahe namin dahil wala naman kaming mapag-uusapan. Iba ang pakiramdam ko habang lulan ako ng kanyang sasakyan. Hindi ko maipaliwanag. Ang alam ko lang ay tumitibok nang malakas ang aking puso. Mabilis lang kaming nakarating. Hindi naman kasi kalayuan ang meeting place. Cuisine iyon na may iba't ibang putahe ng iba't ibang bansa. May private room din para na rin sa mga sikat na personalidad. Sinalubong kami ng waiter sa pintuan. Sinabi lang ni Sir ang kanyang pangalan at iginiya na kami ng babae. Sa may bandang dulo ang pwesto namin. Binuksan na ng babae ang pintuan at wala pang tao. Mabuti ng kami ang nauna kaysa sa mga ka-meet namin. Kasi kami ang may kailangan. Nag-order na siya at iniwan na kami noong babae. Kami na lamang dalawa sa loob ngayon. Pinalibot ko ang tingin sa kwarto. Katamtaman ang laki para sa amin. "Pagkatapos ng meeting ay tulungan mo ako sa factory," he muttered. Mabilis akong napatingin sa kanya. For real? Akala ko pa naman ay sandali lang kaming magkakasama. Pero mas mapapahaba pa yata. "Okay." Napapiling siya. "Mukhang naiilang ka talaga. I hope that after this day ay huwag ka nang masyadong mailang sa akin. Ayaw kong may naiilang sa akin na katrabaho ko," utas niya. Napansin ko na hindi naman siya masyadong cold. May pagkamahaba din naman ang kanyang mga sinasabi. Napangising aso ako. "Naiintimidate kasi talaga ako sa'yo," panlalaglag ko sa aking sarili. "I'm not surprised. Ganoon din naman ang sinasabi ng iba sa akin." Saka siya nagkibit-balikat. Ilang sandali lang ay dumating na ang pagkain, kasabay nang pagdating ni Klint at ang manager niya. Tumayo kaming dalawa upang bumati. Tumingin sa akin ang artistang lalaki at ngumiti nang malaki. Napansin iyon ng kasama ko kaya naman pinakilala ako. "This is Miss Carbal. My co-worker," he said. Nakipagkamay na ako sa dalawa at umupo na kami. Habang kumakain ay nag-uusap na. Hindi pa ako kumikibo at nakikinig lang sa kanila dahil may mga sinasabi pa si Sir sa manager. Si Klint naman ay busy sa kanyang pagkain. Tumatango kapag nagugustuhan ang sinasabi ng katabi ko. Umiinom ako ng ice tea nang bumaling sa akin si Klint. "Why do you think that it's best for me to be partnered with Lexa?" he asked while looking at me. Napabaling din tuloy ang dalawa sa akin. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang tissue bago sumagot. "Hindi naman lingid sa kaalaman nating apat dito na kayo ang patok sa mga tao ngayon. Maraming naghahangad na magkasama kayo sa iisang project. Hindi ba't kapag pinagbigyan niyo ang masa ay mas lalaki ang chance na mag-boost ang career ninyong dalawa?" Napalabi siya at tumitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang inaalisa niya. Marahil ay ang sinabi ko. Tumango ang manager niya. "You're right there. Tho there will be some risk, kasi hindi naman talaga maiiwasan ang mga basher. Maganda sa career ng dalawa ang proposal ninyo." Tumingin kaming tatlo sa artista. "Right," he just said and smiled at me. Natapos kami sa pag-uusap doon. May isa at kalahating oras kaming iginugol. "I'm looking forward to this project," Klint said. Sa akin na naman nakatingin. Tumikhim si Sir at nakipagkamay na sa dalawa bilang paalam. Ganoon din ako. Nang ang kamay na ng artistang lalaki ang mahawakan ko ay lalong lumaki ang ngiti niya sa akin. Kaya naman sinuklian ko na lang din siya ng ngiti. "He seems so very fond of you huh," utas ng aking katabi. Hindi ako sigurado pero parang may pagkauyam sa kanyang boses. "Maligalig lang talaga siya. Pero mabuti ay napapayag mo," masaya kong turan. "Natin," he clarified. Bumalik na kami sa kanyang sasakyan. Napasandal ako sa upuan. Medyo nakakapagod din ang nakikipag-meet. "Malayo ba iyong pupuntahan natin?" I asked. Pumiling siya. "Hindi naman masyado. Thirty minutes ang byahe," he answered. Napatango ako. Sa factory na iyon ay roon ang mga materyales na gagamitin. Iche-check niya ang lahat kung nasa maayos bang kalagayan para ready na ang lahat pagkatapos maisulat ng article. Pagkarating sa lugar ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang medyo makulimlim na langit. Napapiling na lamang ako. Minsan naman talaga ay ganyan. Pagkatapos ay biglang iinit. "Hey," pukaw niya sa akin. Maysado kasi akong napatitig sa langit. "Do you want to go to heaven now?" biro niya sa akin. Hindi ko pa inexpect ito dahil hindi ko inaasahan na makikipagbiruan siya sa akin. Guess that he really likes me to be comfortable with him. Napatawa naman ako dahil doon. "Masyado pang maaga. Marami pa akong pangarap." I even put my hands in front of my chest. He smiled because of that. Pumasok na nga kami. Sinalubong kami ng isang lalaki. Mukhang siya ang head ng factory dahil na rin naiiba ang suot niya sa iba pang nandito. "Good afternoon, Mr. Devan," bati niya sa kasama kong lalaki. Napasulyap siya sa akin. Gusto sigurong bumati ngunit hindi alam ang aking pangalan. "Shiastelle Carbal," utas ko. Ngumiti siya. "Good afternoon din, Miss Carbal." Bumati na rin ako. Napatingin saglit sa amin si Sir bago tumuloy sa loob. Hinahawakan niya ang papel na gagamitin. Glossy iyon at makapal. Saka siya napapatango dahil nagugustuhan ang mga materyales. "What do you think?" baling niya sa akin. Tumango ako. "Pwedeng-pwede," saad ko. Nagtagal kami ng dalawang oras doon dahil nagpakita pa sila ng ilang sample print para na rin mapili ni Sir ang dapat gamitin. Nang palabas na kami ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Malayo-layo pa naman ang kinalalagyan namin kung saan ang kanyang kotse. Napakagat ako sa aking labi at napatingin sa kanya. Napabuntong-hininga siya at humarap din sa akin. "Kahit magpayong tayo ay mababasa pa rin. Malakas din kasi ang hangin," bulong ko. Napanguso siya at hindi nakapagsalita. Lumapit sa amin si Mr. Lee, iyong sumalubong sa amin kanina. "May lounge po sa may dulo nito. Doon muna kayo mag-stay. Mukhang matagal pa bago tumila ang ulan," saad nito. Hindi na kami nag-inarte pa at sumunod na sa kanya. Itsura namang magtatagal ang ulan. Dahil busy ang mga trabahador ay kami lang dalawa ang nasa loob. Napahimas ako sa aking tuhod at napalobo ng pisngi. Hindi ko alam kung makikipag-usap ba ako sa kanya o ano. "You're still feeling awkward?" baling niya sa akin pagkatapos ibinalik sa kanyang bulsa ang phone niya. "Eh. Kinda." Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. Napatitig siya sa aking mukha at napangisi. "Do I need to bring you in any meeting I have para masanay ka sa akin?" may bahid ng pang-aasar sa kanyang boses. I chuckled because of that. "Baka naman magsawa ka sa mukha ko kapag ganoon, Sir." Nagkibit-balikat siya. "Malay mo naman baka hindi," pagsagot niya pa. May kaunti pa rin akong pagkailang na nararamdaman pero pinipilit ko namang mawala. Ewan ko ba at sobrang naiilang ako sa kanya. Sa iba naman kahit na kakakilala lang namin ay hindi ako naiintimidate. Kaya ko pa ngang makipagbiruan. Ako pa nga ang mauunang makipag-usap. Tumunog ang kanyang phone kaya naman parehas kaming napatingin dooon. Nakita ko ang caller i.d. kaya naman hindi ko napigilan ang aking bibig. "Nobya mo?" bulalas ko bigla. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig. Napatingin naman siya sa akin at tumitig ng ilang segundo bago bumalik ang paningin sa nag-ri-ring niya pa ring phone. Hindi niya sinagot ang tanong ko at sinagot na si Infinite. I take that as a yes. "Why?" iyon ang kanyang bungad. Grabe ang cold naman nang bungad niya sa kanyang nobya ha. Baka naman nanlalamig na ang kanilang relasyon? O baka naman ganyan talaga siya? Sweet na para sa kanya ang lagay na iyan. Napansin niya ang aking paninitig kaya tinaasan niya ako ng isang kilay. Mabilis naman akong napaiwas dahil doon. Kinuha ko na lang ang phone ko at tinignan kung may mensahe ba. Mayroon nga. Galing kay Markian. Bente minuto na ang lumipas. Naka silent pala ang phone ko kaya hindi ko man lang naramdaman na mayroong nag-text. "It's so hot here," he said. Napangiti ako dahil doon. Para namang nasa magkabila kaming mundo. Dito ay basang-basa na, samantalang kung nasaan siya ay mainit. Nagtipa na ako. "It's raining here. Mag-swimming ka riyan para ma-enjoy mo ang init." Agad siyang nag-reply sa akin. "Ice tea is fine with me. Baka maakit pa sa akin ang iba kapag nag-swimming ako." Hindi ko napigilang matawa dahil doon. Yabang niya sa part na iyon ha. Hindi pa man ako nakakapagtipa ay may pumasok na namang mensahe. "Too sad for them may nagmamay-ari na sa akin." Napa 'o' ang aking bibig. "Talaga ba? Sino namang nagmamay-ari sa'yo?" pakikisakay ko sa sinabi niya. "You," balik niya. Napakurot ako sa aking legs. Hindi ko ikakaila na kinilig ako sa banat niya. Talagang may ganitong side pala siya ha. Mukhang mas mag-eenjoy ako. "Let's video chat tonight. I miss you." May naluluha pang mga matang emoji siyang sinend sa akin. Napatawa na naman ako tuloy dahil doon. Hindi napansin na pinapanood na pala ako ng aking katabi. "Boyfriend mo?" Napabaling ako sa kanya dahil doon. Napaawang pa nang maliit ang aking bibig. Tila nag-bounce ang tanong ko kanina sa kanya at sa akin naman naibato ngayon. Kagaya niya ay hindi ko siya sinagot. Siya nga riyan hindi sinagot ang tanong ko eh. Mabuti na lang ay tumila na ang ulan. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa may kotse niya. Mabasa ang semento at baka madulas pa kami kung tatakbo. Tahimik kami sa loob ng kanyang kotse habang nagmamaneho siya. "Mabuti na lang ay tumigil na. Iba na talaga ang panahon ngayon. Paiba-iba ang mood," napapapiling kong saad. Natawa siya dahil doon. "Bakit?" "Madaldal ka naman pala eh," utas niya. Nanlaki ang butas ng aking ilong. "Uy hindi ha. Nagko-comment lang ako sa panahon," I defended. Mas lalo siyang natawa. "Grabe ka sa akin. Mukha ba akong joker para tawanan mo ng bongga?" tanong ko na may pabirong hinanakit sa aking boses. Tumigil saglit ang sasakyan dahil hindi pa namin turn. "Do you feel comfortable with me now? Naging madaldal ka na eh." Napanguso ako at napangiti nang maliit. "Slight pa," pagdagdag ko. Napapiling na lamang siya at tumuloy na sa pagmamaneho. Safe naman kaming nakabalik sa company. Pagkabalik sa aking la mesa, as usual, ay pinansin ako ni Cathy. "Ganda ng ngiti ha," mapanuksong sambit nito. Ito talagang babaeng ito. Laging napapansin ang mga kilos ko. "Wala lang ito." Napa-roll siya ng eyeballs sa akin. "Hmp." "Oh bakit?" "Ikaw pala ang kasama ni Sir Lynusdrei? Hindi mo man lang kinuwento sa akin, Girl," nagtatampo niyang saad. Natawa ako dahil doon. "Kaloka ka talaga. Inggit na ako sa'yo ha," pagmamaktol niya pa rin. Napapiling na lamang ako at binuksan na ang desktop. Itutuloy ko na ang ginagawa ko kaninang umaga. Kinagabihan nga ay nasa kama na ako. Nakahiga na ako at hinihintay na lang ang tawag ni Markian. Naglalakad na raw siya pabalik sa room na tinutuluyan niya. Maghihilamos lang saglit tapos ay tatawag na sa akin. Hindi nga nagtagal ay nag-ring na ang phone ko. Umupo ako at sumandal sa may headboard. Naka t-shirt naman ako ngayon kaya walang problema. "Hi," salubong niya sa akin. Napangiti rin ako. Tila ba naipapasa niya sa akin ang ngiti niya. He really radiates happiness. "You look tired," pansin ko. Bakas kasi iyon sa kanyang mga mata. Napapiling siya. "Itutulog ko lang ito at mawawala na," he answered. Napunta sa akin ang usapan. Pagkatapos ay napagkwentuhan namin ang nangyari sa araw namin ngayon. Nang mag-alas diyes na ng gabi ay ako na ang nagbaba ng tawag. Mukhang inaantok na kasi talaga siya. Hindi nga naglaon ay nag-umpisa na kami sa big project. Ngayon ay kasama ako ng marketing team sa photoshoot ni Lexa. Bukas naman ay i-interviewhin ko siya. "Ang ganda talaga," bulalas ko. Namamangha kasi ako sa itsura niya. "Oo nga. Tingin mo ba ay may chance na ma-fall sa kanya si Klint?" pagtatanong ni Din. Katulad ko ay pinapanood din nang masinsinan ang babae. Napakibit-balikat ako. "Siguro?" sagot ko. Napatingin sa amin si Lexa. Naramdaman siguro na pinag-uusapan namin siya. Pagkatapos nang shoot ay lumapit ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti na rin ako sa kanya. "I want to have a picture with you," she blurted out while putting lipstick. Napatanga naman ako dahil doon. Hindi ba dapat baligtad? Bakit parang ako pa ang sikat sa aming dalawa? Hindi na ako tumanggi. Like duh, si Lexa na ang nag-initiate. Grab the chance na agad. "Can I know your soc med acc? I'll send the picture there." Sinabi ko na sa kanya ang username ko. "I'll see you tomorrow," tila excited niya pang sambit. Muli ay nabigla na naman ako nang halikan niya ako sa pisngi at kumaway sa akin habang nakangiti. Tinusok ako sa tagiliran ni Din. "Mukhang fond na fond sa'yo si Lexa ha." Napangiti na lang ako dahil doon. Ang sweet kasi ng babae. Kinabukasan nga ay inasikaso ko na ang interview sa kanya. Para na rin mabigyan na ng laman ang article tungkol sa kanya. Simple lang siyang kausap. Easy to go with at mukhang love niya talaga ang ginagawa niya. Kagabi rin ay nag-message siya sa akin. Ni send ang mga letrato. Nakita pa nga iyon ni Hux at nagulat ito. Akala mo naman ay kilala niya talaga si Lexa, I mean akala mo ay close talaga sila kung maka-react siya. Hmm... idol niya siguro ang babae. "Are you free after this?" she asked after the interview. Napaisip ako. May ginagawa pa ako sa opisina pero hindi naman urgent at pwede pang magpa-chill-chill. Nagtungo kami sa isang coffee shop. Mahilig pala siya sa mga sweets. Napansin ko rin na pareho silang favorite ng cake ni Hux. Natapos ang araw na ayos naman. Another day came at si Klint naman ang aasikasuhin ko. Nag-aayos na ako nang lumiwanag ang screen ng phone ko. "Mamayang gabi pa ako babyahe," Markian informed. Lumipas na nga ang mga araw at sa wakas ay babalik na siya sa Pampanga. Na miss ko rin ang presence niya. Iba pa rin kasi talaga iyong nakakasama at nakakausap ko siya ng personal kaysa sa social media lang. Sa company muna ako nag-stay. Mamayang hapon pa naman ang photo shoot ni Klint. May schedule kasi ito ng umaga. Busy ako sa pagtitipa sa desktop nang tumikhim si Cathy. "Bakit?" tanong ko habang busy pa ring nakatingin sa monitor. "Girl, nasa likuran mo si Sir," bulong niya na parang hindi naman bulong kasi paniguradong narinig iyon ng nasa likuran ko. Napabaling ako rito. Hindi ko inasahan na sa mismong likuran ko pala talaga siya. Sobrang lapit. And ahm... nakatapat ang mukha ko sa private part niya. Napausog ako ng kaunti at tumingala. Napansin naman niya iyon at namula ang kanyang mukha bago umurong ng kaunti. Tumayo ako. "Bakit, Sir?" pagtatanong ko. "Anong oras ka aalis?" he asked. "Mamayang one pa ang schedule ni Klint." Napatango siya nang mabagal. Napakagat siya kanyang labi bago nag-isip ng ilang segundo. Ako naman ay hinintay pa ang kanyang sasabihin. "I'll go with you," he declared. "Ha?" medyo gulat kong tanong. Teka nga. Bakit ako magugulat? Normal lang naman na gusto niyang sumama kasi part siya ng project. Baka gusto niyang makita mismo ang shoot kung maganda nga ba ang kalalabasan. Tumango ako. "Alam niyo naman po ang location 'diba?" "No. Sumabay ka na sa akin para ituro sa akin ang direksyon." Napaawang nang maliit ang aking bibig. Sabay kami? Sasakay ba ulit ako sa kanyang kotse? "Let's use your car," sagot niya sa tanong sa aking utak. Mabilis akong napaisip kung malinis ba ang loob ng aking kotse. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang matandaan na nilinis ko nga pala iyon kagabi bago matulog. Napatango na lang ako nang mabagal. "Kakatukin na lang kita mamaya sa office mo, Sir." Pagkatapos niyon ay naglakad na siya paalis. Doon ko lang napansin ang katabi ko ng table. Nanonood pala siya sa amin. Impit siyang napatili. "Oh my gosh, Girl," she reacted. "Oh bakit na naman?" "Grabe ka talaga. Mukhang bet ka ni Sir Lynusdrei," over acting niyang sambit. Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Nag-iilusyon ka na naman, Cathy," bawal ko sa kanya. "Hindi 'no. I can feel it," sigurado niya pang sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD