{Shiastelle} Chapter 7: Nobya

2626 Words
Nakakagat labi akong nagtungo sa harapan ng kanyang pintuan. Oras na kasi at kailangan na naming umalis. Kumatok na ako at pagkaraan ay narinig ang kanyang boses. Lumabas na rin siya at sinalubong ang aking tingin. "May pagkamalapit lang naman iyon," pag-uumpisa ko ng usapan. "Alright." Sabay kaming naglakad patungo sa elevator. Pagkababa sa may parking ay pinatunog ko na ang aking sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng driver's seat nang pumalad siya sa akin. "Ha?" "Give me the key. Ako ang magmamaneho," sagot niya. Napatango ako nang mabagal at ipinatong na ang susi sa kanyang kamay. Naglakad na ako papunta sa may passenger seat. Nagtaka pa ako kung bakit siya nakabuntot sa akin. Ilang saglit lang ay naunahan niya ako. Napatitig ako sa kanya nang ipagbukas niya ako ng pintuan. Oh damn. Is this for real? "Get in," he just cooly said. Pumasok na ako. Pinanood ko ang pagpunta niya ulit sa kabila. Hindi ako maka move on sa ginawa niya kaya naman tila wala pa ako sa animo. I know I am too over acting for that. Pero malakas kasi ang impact niyon sa akin. I still remember the day I wrote my ideal types on my journal. Isa na roon ay ang pagbuksan ako ng pintuan ng lalaki. To be honest, Markian did that to me pero minsan lang. Well, I can understand naman. Madalas kasi ay sinusundo niya ako. Lalabas na lang ako sa gate at sasakay sa kanyang kotse. Kapag naman katapos ng pag-didate namin ay mas nauuna akong naglalakad sa kanya at mabilis na nakakarating sa may passenger seat. "Smell great," he blurted out. I came back to my senses and smiled at him. "Yeah. Ni recommend sa aking ng cousin ko iyan," tukoy ko sa air freshener ng aking kotse. Hindi iyon kamukha ng mga nakakahilong amoy na dahilan kung bakit nasusuka ang nakasakay. Masarap iyon sa pang amoy. Hindi mabagsik at tila nakaka-relax talaga. Si Dia ang nag-recommend sa akin niyon. Iyon kasi ang gamit ni Josh sa kanyang sasakyan. Tinuro ko na ang daan at ilang saglit lang ay nakarating na rin kami. Bumaba na ako at hinintay siya. Pinatay na niya ang kotse at ibinigay muli sa akin ang susi. Sabay kami ulit na nagtungo sa may loob. Maingay na dahil naroon na halos ang lahat. Naroon na rin si Din na tila nabigla pa sa aking kasama. Mabilis siyang napatayo at bumati. "Pupunta ka pala, Sir," utas niya at pasimpleng sumulyap sa akin. Nagkibit-balikat ako. Nakita ko rin si Klint na busy nang inaayusan. Nakapikit siya dahil binibigyan siya ng eyeshadow. Mas nakaka-fresh kasi ng itsura iyon. Isa pa, hindi naman porket nagmi-make up ang lalaki ay baluktot na agad. May mga sobrang judgemental lang talaga. Pinanood ko ang ginagawa sa kanya. Na a-amaze kasi ako. Pagkabukas ng kanyang mga mata ay tila nagulat pa siya na mabungaran akong nakatitig sa kanya. Ang gwapo talaga ni Klint. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang daming nahuhumaling sa kanya. Nang makabawi ay ngumiti siya sa akin. "You're here," he muttered. Tumango lamang ako. Bigla naman ay sumulpot si Sir sa aking tabi. Sumunod ang tingin sa kanya ng artista at may namuong ngisi sa kanyang mukha. Seems like he discover something to have a reaction like that. Habang busy sila sa pagkuha ng letrato kay Klint ay nakatayo ako sa tabi ng photographer. Sa likod ko naman ay nakatayo si Sir. Nakikisilip din sa outcome. Mabilis lang ang naging photo shoot niya. Sanay na sanay na sa camera kaya naman alam kung paano umanggulo. "Pak talaga," bulalas ko nang makita ang isa niyang letrato. Stunning at bongga talaga. Napatikhim ang lalaki sa aking likuran kaya naman napatingin ako sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa screen ng camera. Lumapit ako kay Klint na nag-aalis na ng make up ngayon. "Bukas ay interview naman," he said. Tumango ako. "Mabilis lang naman iyon. Para na rin makapagpahinga ka pa," utas ko. Nakakapagod din kasi ang trabaho ng isang artista. Lalo na kung sikat. Pero at least, worth it ang pagod. At ang pinakaimportante ay ang masaya siya sa ginagawa niya. "Let's have lunch together tomorrow after the interview," utas niya habang naglalagay ng kung anong liquid sa may bulak. Ten thirty kasi ang usapan namin para sa interview. Isang oras iyong magtatagal. At saktong pagkatapos ay pwede nang mag-lunch. "Pwede ba? Baka mabawal ka sa manager mo." Napataas siya ng isang kilay. "I heard that you have coffee time with Lexa. Interviewee mo rin naman ako kaya ayos lang iyon." Napatango ako. Tama nga naman. Sasagot pa lang sana ako nang lumapit sa akin si Din. "Pinapasama ako ni Sir bukas sa interview mo with Klint," saad niya. Klint chuckled. "Gumagawa talaga ng paraan ha," bulong niya na pareho naman naming narinig ni Din. Napatingin na lang kami sa isa't isa. Hindi namin gets pareho ang ibig niyang sabihin kaya naman napakibit-balikat na lamang kami. "Alright. Sama ka na rin sa lunch," pagsuko ni Klint. Nauna na siyang umalis sa amin dahil may iba pang sched. Busy talaga. Naglakad na kami pabalik ni Sir sa aking sasakyan. May nakapaskil pang maliit na ngiti sa kanyang mukha. Ano namang kayang nagpapangiti sa kanya? Baka naman pinakilig ni Infinite kaya ganyan? Habang nasa byahe pabalik sa company ay may tumawag sa kanya. Ang secretary niya. "Alright. Ako na lang mag-isang makikipag lunch meeting bukas kay Mr. Zed," sagot niya. Tumahimik siya sandali. Pinapakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya. Pagkatapos ay ibinaba na ang tawag. Bumalik na rin kami sa company. "Kumusta naman ang byahe with sir?" pang-aasar na naman sa akin ni Cathy. Napaingos na lang ako sa kanya. Ilusyonada talaga siya minsan. Kinagabihan ay nagkita kami ni Nikki. Natuloy rin ang pag-uusap namin. Niyayaya nga ako ni Markian ngayon kaso ay tumanggi ako. Kakagaling niya lang sa malayong byahe at siguradong pagod pa siya. Mas maiging magpahinga na muna siya. May bukas pa naman. "Narinig ko galing kay Cathy na parang close raw kayo ni Sir Lynusdrei?" Napataas ako ng isang kilay. Hindi naman masyadong chismosa si Cathy ano. Close rin kasi sila ni Nikki kaya malamang ay napagkwentuhan lang. "Not really. We are just on the same project kaya naman magkasama kami minsan," sagot ko. "Talaga ba?" Tumingin siya sa may counter nang pumunta roon ang lalaki. Iyong lalaking gusto niya. "Gwapo naman pala. Kaya pala bihag na bihag ka," asar ko. Ngayon ko lang kasi nakita. Napangisi siya at bumaling sa akin. "Sus. Anyway back at you. Paano kung ligawan ka ni Sir?" Napaubo ako. Sakto pa naman ay kakatapos ko lang sumipsip sa ice coffee ko. "Anong klaseng tanong naman iyan, Nikks?" pagtataray ko. Napangisi siya muli. "Girl, chill. Pulang-pula ang mukha mo. Seryosong tanong iyon," sagot niya. Napairap ako sa kanya. "Hindi iyon manliligaw sa akin. May nobya na iyon," utas ko. "Hmp. Hindi mo man lang sinabing hindi na siya pwede dahil si Markian na ang nasa puso mo," maldita niyang saad. Napaawang ang bibig ko dahil doon. Napakagat siya sa kanyang labi at napapiling sa akin. "Huwag mong sabihing may feelings ka kay Sir," nanlalaking mga matang konklusyon niya. Natawa ako dahil doon. Pekeng tawa. Kunwari ay walang pakialam. "Whatever, Nikks. Let's talk about your love life na lang," pang-iiba ko ng usapan. Napataas ang gilid ng labi niya at mapaglarong tumitig sa akin bago pumiling ulit. Kinabukasan nga, pagkatapos ng interview ni Klint ay dumiretso na kami sa binook niyang table para sa aming tatlo. Busy si Din sa pagkain niya. Samantalang si Klint naman ay nakikipag-usap sa akin. "You can be a artist if you want to," he said. Mabilis naman akong napapiling. "Hindi ko naman pangarap maging artista," saad ko at tumawa nang mahina. "But you got the looks." Saka siya nagkibit-balikat. "Hindi naman ako masyadong mahusay sa pag-acting," sagot ko. Sumabat si Din. "Eh? Balita ko ay kasali ka sa acting club sa school niyo dati," utas nito. Napapalakpak ng isang beses si Klint. "Oh see?" Pumiling ulit ako. "Huwag na. Love ko naman ang work ko ngayon." Napatango siya. "That's the main part. Importante mahal mo ang ginagawa mo." Napatingin kaming pareho kay Din na nagbuntong-hininga. "Why?" "Mahalaga talaga mahal mo ang ginagawa mo. Pero minsan kailangan talagang maging practical. Kaya kahit hindi gusto ay papasukan pa rin," malalim nitong sambit. Napatitig nang matagal sa kanya ang lalaki bago nagsalita. "Perhaps you don't really like your work now?" Ngumiti siya. "Nasasanay naman na ako at napapamahal na. Tho my first choice talaga is maging fashion designer." Napatango ako ng mabagal. Ngayon ko lang nalaman iyon. Bumaling ako sa lalaki. "Ikaw? Pangarap mo ba talagang maging artista?" Tumitig siya sa akin. Ilang minuto siyang ganoon bago sumagot. "Yup. Bata pa lang ay pangarap ko na talaga ito," he contentedly answered. Napangiti kami ni Din dahil doon. Ilang segundo lang ay nagpaalam ang babae na magbabanyo muna. Kaya kaming dalawa lang ang natira sa may table. Napabaling kaming pareho sa may pintuan nang tumunog ang bell chime nito. Si Sir pala. Kasama ang isang matandang lalaki. Sa pagkakaalam ko ay may lunch meeting siya ngayon. Iyon siguro ang makakausap niya. "Let's try pissing your boss." Napapiksi pa ako sa pagbulong ni Klint ng mga katagang iyon. Sobrang lapit kasi ng bibig niya sa tainga ko. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya ng ganoon sa akin. Napabaling ako sa kanya at napakunot ang noo. "Huh?" He smirked at me. "Oh. You don't have an idea huh." "Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan ko nang tanong. Hindi naman kasi ako maka-ride sa kanya. "Basta," he just said. "Just go with the flow, 'kay?" Napatango ako kahit hindi naman ako sigurado sa kanyang sinasabi. Inusog niya ang upuan niya ng mas malapit sa akin. Well, actually. Kahit na restaurant ito ay super private naman. Kaya kahit artista siya at sikat ay walang mag-iinvade ng privacy niya rito. Isa pa ay exclusive ito. Hindi makakapasok ang kung sino-sino lang. Nanlaki ang mga mata ko nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. Ngumiti siya nang malaki. "Just wait," he mouthed. Hindi nga nagtagal ay narinig ko ang pag-usog ng upuan sa kung saan. Mas nanlaki ang mga mata ko nang may magsalita sa gilid ko. "Miss Carbal, I need someone to take down notes on my meeting," seryoso niyang saad. Klint chuckled and raised his one eyebrow. Sakto ay dumating si Din. "Si Din na lang," Klint suggested. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sir Lynusdrei. Tila ba hindi nagustuhan ang binigkas ng huli. "Ang ano po ba? Mag-take down notes?" si Din. "Yup. Kailangan daw ni Mr. Devan," ang lalaking nakaupo sa tabi ko ang sumagot. "No. Din, assist Klint." Bumaling siya sa akin. "And follow me, Miss Carbal." Sumabat ulit ang isa pang lalaki. "She is with me, Mr. Devan. Hindi ba at nakakabastos naman yata ang ginagawa mo?" panghahamon nito. Napakurot ako sa aking palad. Katulad ko ay ramdam na rin ni Din ang tension. "Ahm..." Naghahanap ako ng pwedeng sabihin pero hindi gumagana ang aking utak. Nag-vibrate ang phone ni Klint kaya naman napatingin kaming lahat doon. "Be thankful, Mr. Devan, at kailangan ko nang umalis." Tumayo na ako at sumunod kay Sir. "Sorry for that," utas niya sa lalaking ka-meeting niya. Ngumiti ito sa aming dalawa. "That's okay. Noong kabataan ko rin ay ganyan na ganyan ako." "Pardon?" he asked. "May lapit kasi nang lapit sa babaeng mahal ko noon kaya naman todo selos ako," saad nito at napatawa nang mahina. Namula ang mukha ko dahil doon. "Maganda ang nobya mo, Mr. Devan. Bantayan mo ang mga nakapaligid," payo niya pa na ikinagulantang ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Sir at parehas pang napaawang ang mga labi namin. "Ramdam ko ang spark sa tinginan niyo," tila natutuwang sambit pa ng matanda. Tumikhim lamang si Sir at humarap na rito. "Shall we continue?" Napakunot ang noo ko. Hindi man lang niya itinuwid ang hinala ng matanda. Hindi naman ako ang nobya niya. Buti na lang ay may baon akong notes sa aking bag. Kung hindi ay hindi ako makakapagsulat ng mga mahahalagang sinabi ng kausap niya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito. Kaming dalawa na lamang ang natira. Napatingin ako sa kanya. Hawak niya ang kanyang phone at may tinitipa. Malamang ay ka-text ang totoo niyang nobya. Fake lang naman kasi iyong kanina. "Ahm. Una na ako, Sir. May gagawin pa kasi ako sa opisina," paalam ko sa kanya. Pagkatayo ko ay tumayo na rin siya. "Did you bring your car?" he asked. Tumango ako. Oo at nag-convoy kami nina Din at Klint kanina. Napatango siya at tila naghahanap pa nang masasabi pero napatahimik na lamang siya. "Drive safely," iyon na lang ang lumabas sa kanyang bibig. Tumango ako. "Ikaw rin." Tuluyan na nga akong lumabas at nagtungo na pabalik sa company. Nang mag gabi ay nagkaroon ako nang panibagong lakad. Pansin kong sobrang busy ng mga araw ko ngayon ha. Dahil nakabalik na si Markian ay inaasahan ko na rin ito. Gusto ko rin naman na magkita kami palagi. Isa pa ay na miss ko rin naman siya. Matagal din naman kasi siyang nawala. Umuwi na ako sa amin. Wala si Hux ngayon. Nagpaalam siya kaninang umaga bago ako umalis na hindi siya makakauwi dahil kailangan niyang makipag overnight para sa project nila. Nagpahinga lang ako saglit. Hindi na ako nagbihis dahil pwede naman na itong panglabas. Mamaya na ako magpapalit at maghilamos kapag nakauwi na ako ulit. Papunta na pala siya. Tinignan ko lang saglit ang itsura ko sa salamin bago bumaba. Bumusina na nga siya. Nakangiting lumabas ako. As usual ay diretsong bukas ang ginawa ko sa pintuan ng kotse niya at sumakay na. Malambing siyang tumingin sa akin. May ngiti sa kanyang mukha. Inilapit niya ang katawan niya sa akin at niyakap ako. "I miss you so much, Shia," bulong niya at pinag-level ang mga mukha namin. Katulad nang inaasahan ko ay ginawaran nga niya ako ng halik. May pananabik sa kanyang ibinigay. Dahil na nga rin siguro miss niya ako. "Where are we going?" I asked after our kiss. "It's a secret for meanwhile. Malalaman mo rin mamaya." Hinaplos niya pa ang aking kamay. Pinanood ko na lang ang daan at nakinig sa musikang nakapailanlang sa kanyang kotse. Hindi nagtagal ay nakapunta na nga kami sa sinasabi niya. Napataas pa ako ng isang kilay dahil hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako rito. Alam kong may namamagitan sa aming dalawa, pero sobrang romantic ng lugar na ito. Pang magkasintahan talaga. Hinawakan niya ang kamay ko pagkababa at sabay na kaming naglakad papasok. "Dito pala tayo pupunta," bulong ko. Bumaling siya sa akin. "Yeah. Kahapon pa ako nagpabook dito." Nasa hotel kami. Sa baba niyon ay may restaurant. Madalas ang iba, kapag tapos nang kumain ay didiretso na sa suite nila. As I said, pang magkasintahan talaga ang lugar na ito. Kaya naman hindi na ako nabigla nang salubungin kami ng isang babae. Akala ko ay i-aasist niya lang kami. Pero sinabi na ni Markian ang order niya. Pagkatapos ay may sinabing numero. Napakunot ang noo ko habang naglalakad kami papunta sa reception. "Markian Cayanan," he said. Tinignan ng babae ang monitor. Saglit lang na ini-scan at may kinuha na. Pagkaabot niya sa card ay napatunganga ako sa kasama ko. Napansin naman niya ang aking reaksyon. Napakamot siya sa kanyang batok. "Hindi tayo sa restaurant kakain?" pagtatanong ko na. Ngumiti siya na tila ba nahihiya. "Ahm... I booked a suite for the two of us. Doon na tayo kakain," he answered. Napanganga ako. Napapiling ako nang patago sa aking naisip. Kakain lang naman kami 'diba? Panigurado ay may balkonahe naman doon. Doon kami pupuwesto at kakain. Oo, iyon nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD