Nagtungo na nga kami sa elevator. Tahimik lang kaming dalawa at pinapakiramdaman lamang ang paligid. Kung tatanungin ako kung anong nararamdaman ko ngayon, kinakabahan ang magiging sagot ko. Hindi naman ako masyadong inosente at lalong hindi rin lingid sa aking kaalaman na ang ibang pumapasok sa hotel suite, lalo na kapag lalaki at babae ay parang nape-predict nang may mangyayari sa pagitan nila. Pero I know Markian. Hindi naman siya ganoon. Gusto lang talaga niya sigurong mag-dinner kami sa loob ng suite. Hindi katulad nang inaasahan ko ay walang balkonahe ang kwarto. May bintana at sapat lang para makita ang madilim na labas. Pero may la mesa at upuan naman malapit doon. Classy rin ang pagkakaayos niyon. Silk ang takip at ang mga upuan ay parang mga set na ka-partner talaga ng la

