Lumipas pa ang mga araw. Naging laman ako ng usapin. Hindi lang pala ako, pati na rin si Sir Lynusdrei. Sabi ko na nga ba at may pakpak talaga ang balita. Pero mabuti na lang ay naglaho na iyon ngayon. Kaloka. Chinismiss pang kami raw dalawa. May relasyon daw kami. Well, actually, wala namang policy na ganoon dito sa kumpanya namin. Ayos lang na magkaroon ng karelasyon sa co-worker. Ang hindi ayos ay iyong pagtanggal ng professionalism. Pero kahit na. Hindi ko naman sinasabing gusto kong magkakarelasyon sa mga kasamahan ko ano. Ngayon ay magkasama kaming dalawa ulit. Natapos ko na kasi iyong article at siya naman ay binabasa niya ngayon ito. Tinitignan kung pwedeng-pwede na ba o may kailangan pang palitan. Pinapanood ko lang siya habang ang mga mata niya ay binabasa ang mga nakasulat.

