Hanggang sa trabaho ay nadala ko ang pagkamatamlay ko. Grabe. Hindi pa man nga ako tunay na sumasaya ng sobra sa piling niya ay inaagawan na agad ako ng pagkakataon. To be honest, I'm not really into long distance relationship. Hindi naman sa ayaw ko, hindi ko lang talaga kaya. "Girl, successful ang project niyo pero nakasibangot ka riyan." Tinapik ni Cathy ang braso ko. Oo at successful iyong project. As expected dahil na rin dalawa sa mga rising star ng bansa ang na-feature. Mamayang gabi nga ay mayroon kaming mini party para roon. Kasama ang lahat ng may ambag sa project. Sa private bar kami magsi-celebrate dahil na rin may artista kaming kasama. Siguro ay sasaglit lang din sila dahil na rin busy ang kanilang sched. "Si ano pa rin ba ang iniisip mo? Same probs?" Napapiling ako.

