Agad akong umiwas ng tingin nang bumaling siya sa akin. Itinuon ko ang atensyon ko kay Nikki. "Sa island na lang tayo pumwesto," utas niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Huwag," agad kong saad. Nagtataka naman siyang bumaling sa akin. "Bakit naman? Mas maganda ang pwesto roon kaysa umupo pa tayo sa mga may table." Hinila na nga niya ako at wala na akong nagawa. Nang mapansin niyang naroon ang boss namin ay makahulugan siyang tumingin sa akin. Mukhang nakuha na niya kung bakit ayaw ko sa may island. "Kaya ba?" mapang-asar niyang bulong. I just rolled my eyeballs on her. Mapang-asar din talaga ang babaeng ito. "Hi, Sir," bati niya sa lalaki. Bumati na rin ako at ngumiti. Wala pang alam ang kaibigan ko sa kung anong mayroon kami ngayon ni Lynusdrei. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya. B

